webnovel

Chapter 5

"Good evening, Doktora." Magalang na bati ng guard sa entrance ng building kung nasaan ang condo unit na tinutuluyan ni Valerie. "Good evening po." Balik bati naman ng dalaga bago tuluyang pumasok sa loob. "Evening, Doktora." Bati naman ng babaeng nasa information desk sa kanya. "Good evening, may package ba?" Tanong ni Valerie. "Wala po, Doktora, pero gwapong bisita meron." Nakangiting sabi ng nasa information desk sabay turo sa lobby ng building. Nangunot ang noo ni Valerie ng makilala ang kwagong este gwapo daw na bisita.

"Hi!" Bati ni Luke. "What can I do for you Mr..." Gusto sanang sabihin ni Valerie na Mr. Angas pero pinigilan niya ang sarili. "Luke." Maikling sagot ng binata sabay lahad ng kamay para kamayan si Valerie. Kabastusan naman kung hindi tatanggapin ni Valerie ang pakikipagkamay ng binata kaya inabot nito ang kamay niya pero binawi din niya agad. Hindi naman nagpahalata si Luke na nabitin siya sa pakikipagkamay sa dalaga.

"Here." Sabi ni Luke sabay abot sa isang envelope. "Susunduin kasi ni Andre si Abi kaya ako na lang ang nagdala. Along the way naman ang condo mo papunta sa bahay namin kaya idinaan ko na." Paliwanag ni Luke. "Ah, okay. Thanks, you may go now." Walang emosyon sabi ni Valerie na ikinairita ni Luke. "Taray talaga!" Bulong ni Luke. "Excuse me?" Sabi ni Valerie. "Ah, wala. Sabi ko kailangan kong i-submit iyan sa base so kung pwede sana paki-sign na." Pinigil ni Luke na gamitin ang tono niya kapag naiinis na siya sa mga pulis na under sa kanya. "Wait, wait, wag dito. Important documents ang mga 'yan so it should not be taken lightly." Pigil ni Luke sa dalaga na akmang bubuksan ang envelope at doon na lang mismo sa information desk mag-sign. Umikot naman ang mata ng dalaga.

"Excuse me, pwede ko bang magamit sandali ang office n'yo? Wala naman ng tao doon 'di ba kasi nag-uwian na yung mga am shift?" Tanong ni Valerie sa information desk. "Yes po, Doktora. Tara po." Hindi na inintay ng dalaga si Luke kaya nagulat pa ang binata ng tapikin siya ng babaeng kausap ni Valerie. "Nasa loob na po si Doktora." Natawa ang babae ng mapamura ng mahina si Luke.

"Here." Sabi ni Valerie sabay abot ng envelope kay Luke. Tiningnan naman ng binata ang mga papel at ng makitang okay na ay isinarado ng mabuti ang envelope. "Anything else?" Humugot ng hininga si Luke para pigilan ang sarili. "None." Maikling sagot niya. "So, pwede na akong umakyat sa unit ko para naman makapagpahinga na?" Tango lang ang isinagot ni Luke. Ayaw niya ng magsalita dahil baka kung ano pa ang masabi niya.

Nang makasakay na ng elevator si Valerie ay saka lumapit si Luke sa information desk. "Ganon ba talaga 'yun?" Tanong ni Luke. "Si Doktora po?" Paninigurado ng babae. "Oo, yung mataray na doktora!" Natawa ang babae ng makita ang iritadong mukha ng kaharap. "Mabait po si Doktora, lahat po ng staff dito ay kasundo niya pati nga po ang mga nakatira. Nagtataka nga din po ako kung bakit ganoon siya ngayon. Ay, sandali po, pulis po ba kayo?" Tango ang isinagot ng binata. "Ayun! Yun na po ang sagot sa tanong n'yo." Sabi ng babae. "Sa pagkakaalam ko po dalawang pulis lang ang kasundo ni Doktora, si Sir Andre po at Sir Iggy." Patuloy ng babae. "Sobrang bait niya po sa lahat basta hindi po kayo pulis." Dugtong pa nito. Nagpasalamat si Luke sa babae bago nagpaalam at umalis na sa condo.

Pagkasakay ni Luke sa kotse ay tumunog na ang cellphone niya. Nakita niyang si Andre ang nasa caller ID.

"Ano'ng balita?" Bungad ni Andre. "Put.... naman pare, nung nagsabog yata ng katarayan si Lord, nasalo yata lahat ni Taray Queen, hindi man lang nagshare!" Dinig niya ang tawa nila Andre at Abi sa kabilang linya. "Relax lang pre. Ganyan din siya sa aking nung una pero nung napatunayan niya na mapagkakatiwalaan ako, nag-iba na treatment niya sa akin." Sabi ni Andre. "Pagpasensyahan mo na muna si Val, Luke. Stressed lang siguro kasi nasermunan din siya ng Director namin." Hinging paumanhin ni Abi. "Nagsisisi ako kung bakit pa ko pumayag na ako na lang ang magdaan nito, nasira na tuloy ang gabi ko." Asar pa ding sabi ni Luke. "Ikaw naman kasi sabi ko ako na di ba pero nagpumilit ka." Natatawang sabi ni Andre. "Hhhmmm, type mo ba si Val, Luke?" Panunuksong sabi ni Abi. "Nakow! Kung yun lang din namang mataray na yun ay wag na. Magpapakatandang binata na lang ako." Muling natawa ang dalawa sa sinabi ng binata. "Baka kainin mo yang sinabi mo na yan, Luke. Mabait si Val, lahat ng hanap ng isang lalake eh nasa kanya na. Bonus na yung sexy at maganda." Sabi ni Abi. "Kaw din pre baka kapag nakilala mo ng mabuti si Val eh ma-head over boots ka na din." Panunukso naman ni Andre. "I don't think so. Di ko pinangarap na makarelasyon ang isang tulad niya." Sagot naman ni Luke. "Let's wait and see." Sabay na sabi ni Andre at Abi na lalong ikinairita ni Luke.

.......

Pagpasok ni Valerie sa kanyang unit ay dumiretso agad siya sa kanyang kitchen para magtimpla ng paborito niyang juice. Pagkatapos ay pumunta sa sala at nagpatugtog ng accoustic opm songs gamit ang spotify. Naupo sa sofa at saka nagrelax. Hindi pa man siya natatagalan sa pagkakaupo ay tumunog na ang cellphone niya. Nang makita ang nasa caller ID ay nangiti siya.

"Iggy boy!" Kung nasa harap lang niya ang kausap ay tiyak na matatawa siya sa itsura nito ng madinig ang pet name na ginamit niya. "Valentina!" Ganting tawag naman ng binata. "Ah, ganon?" Kunyaring pagtataray ng dalaga. "Okay, okay, hindi na. Kaw naman nag-umpisa, gumanti lang ako." Natatawang sabi ni Iggy. "Bakit ka napatawag?" Tanong ng dalaga. "Gumana na naman kasi ang radar ko eh." Biglang seryosong sabi ni Iggy. "Alam mo kahit nandyan ka sa Mindanao, ang lakas ng signal ng radar mo." Sabi ni Valerie. "Kamusta?" Nag-aalalang tanong ng kanyang pinsan. "Ok lang ako, daplis lang naman." Sagot ng dalaga. "Kinakabahan na ko sa'yo ha. Dati ni hindi ka nagagalusan, ikaw pa nga ang nagiging daan para matapos ng matiwasay ang mga hostage takings, pero anong nangyari kanina?" Ramdam ni Valerie ang concern sa boses ng pinsan. "Nagkataon lang siguro. Alam mo naman na tiyak ang nangyari kaya di ko na kailangan pang ikwento sa'yo." Sabi ni Valerie. "Sa Baguio ka na lang kaya mag-work." Alam ni Valerie kung saan mapupunta ang usapan nilang magpinsan. "Iggy, alam mo na pangarap kong makilala not because of my parents name but because I did something by myself. At nangyari yun because I went out of my shell. I followed my dreams here sa Manila. Kung nasa Baguio ba ko palagay mo makikilala ako through me and only me? I don't think so." Sabi ni Valerie.

Si Arsenio at Emma Villaflores ay ang mga magulang ni Valerie. Sa kasalukuyan ay nasa Baguio ang mag-asawa at inaasikaso ang chains of hotels na naipatayo ng mga ito sa lugar. Nag-iisang anak lamang si Valerie kaya kilala siya sa buong Baguio na anak ng pinakamayamang mag-asawa doon. Ayaw ni Valerie ang marangyang buhay na tinatamasa niya sa Baguio. Ayaw niya ng atensyon na ibinibigay ng lahat sa kanya. Ayaw niya na ginagamit ng mga magulang ang connections nito para lamang makapasok siya sa magagandang ospital sa Baguio. Ang gusto niya, hanggat makakaya niya ay maging simple lang.

Dinig ni Valerie ang buntong-hininga ng pinsan sa kabilang linya. "Don't worry, I'm fine. Nandyan ka naman at alam kong gagawin mong lahat para mailigtas lang ang pinaka-sexy at pinaka-magandang mong pinsan." Biro ni Valerie para maiba lang ang usapan. "Saang banda?" Birong tanong ni Iggy. "Sa paa!" Sagot naman ni Valerie at sabay silang tumawa. "But, I'm warning you, Val. Kapag sa susunod eh mas matindi pa nakasangkutan mong hostage taking ay ako na mismo ang susundo sa'yo para iuwi sa Baguio." Seryosong sabi ni Iggy. "Yes, Captain!" May saludong pang kasama kahit hindi naman siya nakikita ng pinsan.

Chapitre suivant