"Pa, Ma, nandito na po ako." Sabi ni Luke habang papasok sa bahay ng kanyang mga magulang. Dati ay sa base siya naglalagi o kaya naman ay sa pad nila ni Andre pero ng malaman niyang may sakit ang ama sa puso ay mas madalas na siyang umuwi sa bahay ng mga ito.
"Buti naman at maaga ka ngayon. Mag-dinner na muna tayo at may pag-uusapan tayo mamaya." Sabi ni Arsenio na kinakunot ng binata. Tumingin siya sa ina pero isang tango lang ang isinagot nito.
Pagkatapos maghapunan ay siya na ang naghugas ng kanilang mga pinag-kainan. Pagkatapos ay nagtimpla siya ng dalawang tsaa para sa mga magulang at kape naman sa kanya. May pakiramdam siya na mahaba-haba ang usapang magaganap.
"Luke, alam mo naman ang sitwasyon ko hindi ba?" Tango lang ang sagot ni Luke.
Ayon sa mga tests na ginawa kay Damian, nakita na ang puso niya ay lumalaki. Ang pinakamalaking ugat ng puso niya ay nagbabara din. Meron ding maliit na bukol sa kanyang puso na hindi pa malaman sa ngayon kung ito ay magiging problema sa hinaharap. Kasabay ng mga problemang ito ay nalaman din na may diabetes siya. Dahil sa isa siyang doktor, alam niya ang mga pros at cons ng kanyang mga sakit. Nagpatingin na siya sa kanyang mga kaibigang doktor at sinabi naman na walang magiging problema sa kanyang operasyon pero alam ni Damian na nag-aalangan ang mga ito na siya ay operahan dahil isa siya sa pinakamagaling na heart surgeon sa bansa. Gusto ng kanyang asawa na si Lucy at ni Luke na pumunta sila sa ibang bansa at doon magpa-opera pero tumanggi siya.
"I've already decided to do the operation." Sabi ni Damian. "Oh, that's good to hear, Pa. Kailan ba para makapagleave ako ng masamahan ko kayo ni Mama sa States." Sabi ni Luke. "Sino'ng may sabi na pupunta tayo sa States?" Kunot noong tanong ni Damian. "Pero sabi n'yo ay papa-opera na kayo and alam natin na alanganin ang mga kaibigan n'yong Cardiologists na operahan kayo." Ngumiti si Damian. "We've already found kung sino ang gusto kong mag-operate sa kin." Tumingin si Luke sa kanyang ina. "Pareho naming syang gusto anak. The day I saw her, I think I can trust her enough sa operation ng Papa mo." Sabi ni Lucy. "And who's the lucky one?" Tanong ni Luke. "Si Dra. Valerie Villaflores." Sagot ng kanyang ina. "Sino po?" Muling tanong ni Luke na parang hindi makapaniwala sa nadinig. "Si Valerie, the girl from the hijacking incident a while ago." Muling ulit ni Arsenio sa pangalan ng dalaga. "Wwwhhhaaattt...???" Hindi makapaniwalang sabi ni Luke.
.......
Sarap na sarap si Valerie sa pagkain niya ng durian candy ng bigla siya masamid ng sobra. Dali-dali siyang nagpunta sa ref para kunin ang pinapalamig niyang durian juice saka ininom ito ng deretso. Isa sa mga paborito niyang pagkain ay ang durian at mga by products nito. Galit na galit naman ang kanyang mga kaibigan sa ospital kapag nagdadala siya nito kaya nakakain lang siya kapag nasa condo na. Pati si Iggy ay inis na inis sa kanya kapag nagpapadala siya ng durian mula Mindanao dahil kailangan pa nitong ipa-special package at naturang prutas dahil sa hindi magandang amoy nito. Meron naman nabibili na sa Maynila pero mas gusto niya ang lasa kapag ito ay galing mismo sa Mindanao.
"Sino naman kaya naka-alala sa 'kin? Matindi yata galit sa kin?" Bulong ni Valerie sa sarili.
.......
"Si Taray Queen???" Natawa ang mag-asawa sa sinabi ng kanilang anak. "Bakit naman naging Taray Queen ang magandang batang iyon?" Takang tanong ni Lucy kaya ikinuwento ng binata ang nangyari sa condo unit ng dalaga.
"May dahilan naman pala siya anak. Understandable kaya bakit ka inis na inis dyan eh hindi lang naman pala sa'yo ginawa." Sabi ni Lucy. "Unless, deep inside you eh may tinatago kang paghanga." Tukso ng kanyang ama. Tinuro naman ni Luke ang sarili. "Me? That's ridiculous, Pa!" Naiiling na natatawa si Luke. "Anyway, back to you." Sabi ni Luke para maiba na ang topic ng kanilang pinag-uusapan.
"So, just what we've decided, I want her to do my operation." Sabi ni Arsenio. "Pero, Pa, parang ang bata pa niya. Baka kulang pa siya sa experience. Mas okay na sa States ka na lang magpa-opera, Pa." Gusto ni Luke na baguhin ang desisyon ng ama pero alam niyang once na magdesisyon ito ay final na. Sinasabi lang sa kanya ang desisyon para lang alam niya.
"You've heard of TOP, right?" Tanong ni Arsenio. "A little, why?" Tanong ni Luke. "She's the lead cardiologist of TOP." Kumunot ang noo ni Luke. Nabanggit ni Andre na kasama sa TOP si Abi pero hindi nabanggit ng kaibigan kung sinu-sino pa ang ibang members nito.
"Well, kahit ano naman ang sabihin ko, you've already decided. So, what do you want me to do?" Tanong ni Luke na hindi na nagpumilit pa na baguhin ang desisyon ng ama. "I want to see her and talk to her about my situation. You could invite her here o kaya naman, pwede natin siyang puntahan sa ospital na pinagtatrabahuhan niya." Sabi ng kanyang ama. "Naka-leave siya ng one week so we can't sa hospital. Kausapin ko na lang si Abi about this and I'll tell you kung paano mangyari." Sabi ni Luke. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay pumasok na sila sa kanya-kanyang kwarto para makapagpahinga.
Matapos makapag-shower at makapagbihis ay nahiga na si Luke sa kanyang kama pero nakalipas na ang halos 30 minutes ay hindi pa siya dalawin ng antok. Sumusumpong na naman ang insomia niya. Nang hindi pa din makatulog ay tumayo siya at pumunta sa lamesa kung saan siya gumagawa ng reports. Nang magsawa sa pagbabasa na kung anu-ano ay biglang pumasok sa isip niya ang TOP at si Valerie kaya naisipan niyang i-search ang tungkol sa mga ito.
"Not bad." Bulong niya ng mabasa ang bawat achievements ni Valerie kasama ang mga myembro ng TOP. "Pero hindi pa din ako convince na you can deal with my father that easy." Muling bulong ng binata sa sarili. Muli niyang tiningnan ang picture ni Valerie na nakangiti. "Maganda ka naman sana eh kaso ubod ka ng taray. Sexy ka din kaso ubod ka talaga ng taray. Actually, nung una kitang nakita..." Biglang binatukan ni Luke ang sarili. "Damn! Makatulog na nga lang." Sabi ni Luke na isinarado agad ang laptop para hindi na muling makita ang picture ng dalaga.
Nagulat si Luke ng pagmulat niya na mata ay maliwanag na. "Ano'ng oras na ba?" Tanong niya sa sarili. Sana'y na kasi ang katawan niya na gumigising na maaga. Pagtuntong ng alas-kwatro ng madaling araw ay dilat na ang kanyang mga mata kahit tulog pa ang kanyang diwa. Nagmamadali siyang bumangon dahil kung hindi ay ma-late siya sa seminar. Papasok na dapat siya ng CR pero napahinto siya ng marinig na bukas ang shower at may tao sa loob. Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa kanyang table at kinuha ang nakatago niyang baril. Lumapit siya sa pinto ng CR at nakiramdam. Pinatay na ng taong nasa loob ang shower kaya naghanda na si Luke sa paglabas ng di-inaasahang bisita. Bumukas ng dahan-dahan ang pinto, itututok na sana ni Luke ang baril sa kung sinuman ang lalabas sa CR pero natigil ang kanyang kamay sa ere.
"Val..." Hindi na naituloy ni Luke ang sasabihin dahil mabilis siyang hinalikan ng dalaga.