webnovel

Chapter 14

Lea's POV

"Hey babe" I turned around to see george

Here he goes again calling me babe.

"How many times do I have to tell you don't you ever call me babe" panimula ko sa kanya "I'm not thea" I added

He scratch the back of his head "babe, you know the reason naman why I can't risk to call you another endearment" he reasoned out

Alam ko naman kung bakit niya ako tinatawag na ganun.

Ang akin lang ayoko na ganun niyong tawag niya sakin. Nakakarindi lalo na't tawagan nila yun ni thea.

For all I know pinapaguilty lang ako ng lalaking to knowing that I'm betraying my bestfriend by cheating with him.

Oo tama nga narinig niyo. I'm betraying my own bestfriend.

I'm not proud of what I am doing. Sino ba naman mapaproud sa ginagawa ko? Of course no one.

I love thea. We've known each other since highschool. Tanda ko pa kung paano kami naging magkaibigan nun.

She was quite popular nung bata pa lang kami. Halos lahat ng boys have a crush on her.

Kaya naman palagi siya pinagtitripan just to get her attention. Mahilig siya asarin ng mga batang lalaki nun kaya palagi din siya nagtataray pero mostly umiiyak siya out of annoyance.

Pano kami naging magkaibigan? I offered her once my handkerchief. I comforted her during that time nung umiiyak siya ng dahil sa mga nang-aasar sa kaniya na boys. I always told her to just ignore them.

And ever since then naging close na kami. Ate pa ang tawag niya sakin noon since I'm older than her ng dalawang taon.

Doon na nagsimula na maging bestfriend kami.

Popular din siya nung high school dahil sa angkin niyang ganda. Well to tell you guys maganda rin naman ako.

Umaangat rin naman ang kagandahan ko. Like thea, kilala din ako noon since nagjo-join ako ng mga pageant sa school.

Isa din ako sa mga tinuturing na It girl sa school namin noon.

Ang pinagkaiba lang namin ni thea, siya kahit walang ginagawa, kahit na nakaupo lang yan sa isang sulok napapansin at napapansin pa rin siya ng tao.

Unlike me, kelangan ko pang mag-excel sa mga extracurricular activities sa school.

Dami rin niyang manliligaw noon. Pero di niya pinapansin dahil wala daw sa pakikipagrelasyon ang priority niya.

Sa aming dalawa, siya talaga ang madalas napapansin ng tao.

Except george.

I met him nung college na kami.

He's a basketball player and dahil volleyball player din ako ay madalas kami magkita sa gym.

He approached me first. Naging magkaibigan until he told me na he felt something for me.

During that time di pa niya kilala si thea. Shocked nga ako, how come he didn't know thea eh sikat si thea especially with boys.

Then one day, pumunta si thea sa gym para kunin sana yung ipapahiram ko sa kanya na book.

Doon sila nagkakilala ni george since I introduced him to her.

After that day madalas ko ng nakikita si george na kinakausap si thea.

Halos sila na nga parati nag-uusap.

Napapansin ko rin ang pag-iba ng kinikilos ni thea.

It's like she's not herself.

Nahuhuli ko minsan natutulala o di kaya parang ang lalim ng iniisip.

Napapaisip tuloy ako kung nahuhulog na ba siya kay george.

Until one day, george asked her para manligaw.

Na ikinagulat ko naman.

How dare him to tell me na he felt something for me kung iba din naman pala liligawan niya.

I admit nasaktan ako noon. Parang pinaasa niya lang ako. Yung akala mo ikaw na... nakakita lang ng mas maganda pinagpalit ka agad.

I thought we're having a mutual understanding tapos malalaman ko lang na gusto niya din ang bestfriend ko.

Worst, may balak pa siyang ligawan to.

Nagalit ako kay george nung time na yun. Nasaktan ako eh bakit ba.

After kung malaman yung plano niyang manligaw kay thea ay nilayuan ko muna si george.

Iniwasan ko siya nun hanggang sa naging sila na nga ni thea.

Nagtataka siguro kayo pano kami naging okay ni george ulit.

Nagtaka lang naman kasi yung gago bakit di ko na siya pinapansin. Aba eh ang manhid pala ng loko.

Siya kaya yung sabihan na may nararamdaman ako sa kanya kaso di ko paninindigan kasi mas gusto ko yung bestfriend niya at gusto ko maging kami. Siya kaya yung paasahin? Siya kaya yung masaktan? Tignan lang natin kung hindi siya iiwas sakin.

Sinabi ko sa kanya yung totoong dahilan bakit ko siya iniiwasan.

Sinabihan ko rin siya na wag na akong kulitin at maging casual na lang kami in front of thea.

I have nothing against thea though. I know di naman niya kasalanan bakit siya pinili ni george over me.

At first, pumayag si george sa usapan namin. Di nga niya ako kinukulit or pinapansin. Hanggang sa di na siya makatiis.

Nasa gym ako noon pauwi na nga actually ng bigla siyang dumating at sabi gusto niya daw ako makausap.

Ayaw ko pa non kasi para saan pa yung pakikipag-usap namin. Eh may usapan na kami.

Pero di kinalaunan ay pinagbigyan ko siya. Hinayaan ko lang siyang magsalita noon. Sabi niya di niya daw kaya na ganun kami. Na di nagpapansinan. Sabi pa niya na namimiss niya daw ako.

Like wtf? Okay lang ba siya?

Bakit naman niya ako namimiss eh may girlfriend na nga siya diba? Si thea ang gusto niya kaya dun siya. Siya yung pinili niya kaya dun siya.

Paalis na sana ako nun since tapos na siyang magsalita pero laking gulat ko ng pigilan niya ako at sinunggaban ng halik.

Nagpupumiglas ako nung una. Ayokong may makakita samin dito. Baka kung ano pa isipin lalo na't boyfriend siya ng bestfriend ko.

Pero siyempre dahil mahina ako at wala akong sapat na energy since nabuhos ko na lahat sa practice ay nagpadala na lang ako sa kanya.

Hanggang sa may nangyari nga samin nung gabing yun.

Hanggang sa nasundan pa yun ng nasundan hanggang sa umabot kami sa kung ano kami ngayon.

Ayoko rin naman ng ginagawa ko pero anong magagawa ko. Mahal ko si george. Oo, mahal ko siya.

At mahal niya din ako.

Kaya nga hihiwalayan niya daw si thea naghahanap lang siya ng tamang tiyempo.

Ilang beses na niyang sinabi sakin yan pero hanggang ngayon di pa rin niya nagagawa.

"Ayoko maconfused" I heard him say

"Whatever" sabi ko na lang din.

"Hey, galit ka ba?"

"Of course not. Bakit naman ako magagalit?" I asked him

"I don't know" he just shrugged his shoulders. "Let's go?" Yaya niya sakin

"Okay"

Chapitre suivant