webnovel

Chapter 15

Nandito kami ngayon sa isang pastry shop.

Nagyaya kasi si george na lumabas daw kami.

"Babe, nakapili ka na ba?" He asked me about sa order ko

Umiling lang ako sa kanya.

"Hey" pagtawag niya ng atensyon sa akin "are you okay?" He reached for my hand na hawak ang menu dahilan para mabitawan ko ito.

Napansin niya siguro na kanina oa ako tahimik.

"Of course. I'm okay" sagot ko sa kanya

Umiling siya before he says "no you're not"

"Kung ayaw mo maniwala e di huwag"

pagtataray ko

"Sungit mo naman" reklamo niya "ngayon na nga lang ulit tayo nagkita ganyan ka pa sakin" dagdag pa niya

I just sighed.

"I'm sorry" sabi ko na lang "pagod lang kasi ako dahil sa praktis"

He smiled at me.

"Sa susunod wag kang magpapagod okay?"

I just nod at him.

He called for a waiter afterwards.

After niya sabihin ang mga order namin ay umalis na ang waitress.

"Nga pala babe..." napatingin naman ako sa kanya "alam mo ba kung ano yung bagay na nasa upper left chest ni thea?"

I furrowed my eyebrow "what do you mean?"

"Ahh... kasi..." he scratched his nape "ano siyempre alam mo naman may nangyayari din samin"

I just rolled my eyes on him

"Pwede ba wag ka nang mahiya sabihin mo na sakin kung ano man yan" naiirita ako eh di pa ako diretsuhin. May pa hiya hiya pa eh walang hiya naman.

"Palagi ko kasi napapansin yung bagay na yun eh. Kapag tinatanong ko naman kung ano yun iniiba niya yung topic" sabi niya

"Ano ba kasi yung bagay na sinasabi mo"

"Parang maliit na patch"

Napakunot ako ng noo. Ano naman kaya yun

"May idea ka ba kung ano yun?" tanong niya "I mean baka lang nakwento niya sayo since bestfriend kayo"

Right! Bestfriend kami but I don't have any idea what he's talking about.

Di ko alam kung ano yung patch na pinagsasabi niya.

"No idea"

Nagkibit balikat na lamang siya.

After a few minutes ay dumating na yung inorder namin.

Nagkwentuhan lang kami ni george.

Hanggang sa naisipan na naming umalis kaya tumawag na siya ng waiter para sa bill namin.

——

Krystal POV

Monday ngayon that means may work ako.

Buti na lang di ako late.

Nandito ako ngayon sa locker ko. I'm about to get change na sana ng biglang pumasok si mark. Yung boss ko.

Buti na lang di pa ko hubad. Wait bakit di man lang kumatok to?

Aba di porket siya ang boss dito ganyan ganyan na lang.

Dapat marunong siyang kumatok.

"Sir, ano po ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanya

"Gusto ko lang sana tanungin kung pwede ka mamaya?" he asked me

"Bakit po?" Eh sa di ko naman talaga kasi alam kung bakit naman niya ako natanong about dun.

"Well, If you have nothing to do after your work then maybe you could spend the rest of your night with me"

Ano daw?

"Spend the rest of my night with you?"

"Yes, I mean you know... date"

Ah date akala ko kung ano na phew...

"Ahmm... okay" I said unsure.

Kasi naman bigla akong kinabahan. Ewan ko ba kung bakit.

"Yes!" He rejoiced "thank you krys"

I just smiled at him

"Ahh... sir?"

"hmm?"

"I have to change my clothes na po" I reminded him na kelangan ko ng magpalit dahil may trabaho pa ako

"Okay"

Kumunot bigla yung noo ko.

Anong okay? Di ba niya narinig sinabi ko sa kanya.

"Sir?"

"Yeah?"

"Sabi ko po magbibihis na po ako so kung pwede po lumabas na po kayo" walang prenong sabi ko "marami pa pong trabaho nag-aantay sakin sa labas" dagdag ko pa

"Oh! I'm sorry" he apologised

Then he started to walk out to the door para bigyan ako ng privacy na magbihis.

Anyare dun? Parang natuturn off ata ako sa kanya ah.

After changing my clothes eh dumiretso na ako sa station ko which is ang counter.

Agad ako binati ni jim ng mapansin niya ako.

Siya yung kasama ko dito sa cashier silang dalawa ni dian actually since mga waiter sila.

Kaya kaming tatlo yung close talaga kasi kami rin namang tatlo magkakasama.

"Thank you" sabi ko dun sa customer na kakabayad lang at paalis na "have a good night po"

Pagabi na din naman kasi.

While looking at the customer who just recently left ay agad napadako yung tingin ko kay dian when I noticed her bringing a tray papunta dun sa table na nasa dulo.

Isang lalaki at isang babae.

Mag-jowa siguro.

But to my shocked ay di pala sila mag-jowa guys kasi mga cheater yung nakikita ko. I know those two snakes.

Alam niyo din siguro sino mga tinutukoy ko.

Bakit naman sila magkasama?

'Tanong ka pa. Alam mo na kung bakit di ba?' ayan nagparamdam na naman siya

Tsk. Alam ko. What I mean is bakit si lea kasama niya at di si thea?

'Malay ko. Bat di mo tanungin?' pagtataray ni other self

Tsk. Mga manloloko talaga. Biruin niyo niloloko si thea ng sarili niyang bestfriend at boyfriend.

Pano nila nagagawa yun kay thea?

'Yan ang di ko alam' sabat ni other self

Napabuntong hininga na lang ako.

I decided to text thea. I wanna know what she's doing right now.

I know she'll find it weird na I'm texting her eh di naman talaga ako masyadong nagtetext dun unless importante.

To: Crush ko 🤗

'Oy? Theaaaaaaa'

Then I hit the send button.

Yun lang po text ko sa kanya haha

Ang sweet ko sa crush ko diba hahahaha

Naalala ko tuloy yung convo namin kanina sa mini park.

Aamin daw ako sa kanya na crush ko siya like hello? Di ako aamin no baka lumaki pa ulo non hahaha

"Anyare sayo?" tanong ni dian

Bakit anyare ba sakin?

"what do you mean?" confused ako sa tanong niya

"Bakit ka nakangiti mag-isa diyan?" she asked me "nababaliw ka na naman ba?"

Pinagsasabi ng babaeng to.

Nakangiti ba ako?

Naalala ko naman bigla yung dalawang ahas.

Napatingin ako sa table kung saan sila nandoon.

Aba, pangiti ngiti pa! Sige lang enjoyin niyo lang yan lagot kayo kay thea oras na malaman niya tong kasinungalingan niyo.

Di na nahiya! Kung sabagay wala naman talaga silang hiya.

Gago din tong si boy george.

Akala mo naman kagwapohan. Di ko talaga alam ano nakita ni thea jan.

Eh playboy yan eh.

Kita mo pati sariling bestfriend ni thea tinalo.

Eto namang si lea. Naku bagay talaga kayo gaga at gago. Mga manloloko!

After ilang minutes ay may isang customer na tumawag ng waiter.

Ah si gago.

Tapus na siguro sila at magbibill out na.

Sumenyas lang ito kay dian na magbabayad na sila at kelangan na nila yung bill.

Di nila ako nakita siyempre.

Napansin ko naman si dian na agad inasikaso ang bills nila.

Akma na sana siyang aalis para iabot yung bill ng dalawa ng pigilan ko siya

Nagtaka naman siya kaya ang ginawa ko na lang ay inagaw ko sa kanya yung bill sabay sabi "ako na magbibigay"

Sinundan niya lang ako ng tingin.

Nang makarating sa table nila ay agad ko iniabot yung bill na hinihingi nila

"Here's your bill mamser"

Saktong pagbigay ko nun ay nag-angat ng paningin si lea sakin na siya naman ikinagulat niya

"Krystal"

Hello cheaters

Chapitre suivant