SCARLET
"Hop in!" sigaw niya at napalingon ako sa mga nakapila rin na nakapansin sa amin.
Hindi ko na rin alam gagawin ko kaya dali-dali akong sumakay sa harapan at sinarado ko ito.
Ngayon, nakaupo ako sa sasakyan ng iniidolo ako.
Medyo nararamdaman kong nagtatalunan ang puso dahil sobrang swerte ko.
Sinakay ako ng iniidolo ko diba? Dream come true talaga.
Nagulat akong lumapit sa akin si Ms. Megan.
Hindi na ako makahinga dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
Baka maamoy niya yung hininga ko kaya hindi na ko huminga.
Narinig kong may kinalikot lang si Ms. Megan sa aking gilid.
Ah! Pinag-seatbelt niya lang pala ako.
Kinuha lang naman niya ang seatbelt. Nagsimula na siyang magpaandar ng sasakyan.
"Anong address mo?" nagulat ako sa kanyang sinabi.
Wait lang nagproprocess pa ang nangyari kanina.
"Kahit sa a-ano na lang po... Sa.." nauutal kong sabi.
Shocks! Na-mental block ako kung saan ako natira.
Kailangan ko mag-relax pero kanina pa gusto kong tumili dahil katabi ko ang iniidolo.
Ang saya mag-instagram ngayon kasama si Ms. Megan pero baka magkaroon ng World War III kapag napost ko.
Saka hanggang pangarap lang talaga.
Tahimik pa rin si Ms. Megan habang hinihintay niya ang sagot ko.
Naalala ko na rin ang address namin kaya sinabi ko agad sa kanya.
Mukhang si waze pa ang magsisilbing magbibigay ng direksyon para ihatid niya ako sa bahay.
Pwede naman siguro tagalan diba?
Baka naman, waze. Ipasikot mo na lahat ng lugar basta matagal kong makakasama si idol.
"I like your brownies. Nagustuhan ko."
Nabasag ang katahimikan sa aming dalawa ni Ms. Megan noong narinig ko ang kanyang sinabi.
Napangiti ako at tumingin ako sa kanya habang nakatuon siya sa pagmamaneho niya.
"Salamat." sabi ko sa kanya at tumingin siya sa akin.
Ngunit saglit lang ang pagtingin 'yon sa akin at patuloy na siya nagmaneho.
"Paano mo alam na allergic ako sa peanuts?" tanong niya sa akin habang tinitingnan ko siya.
"Sa interview niyo po dati sa youtube." sagot ko at tumingin na lang ako sa bintana.
"Ah 'yon. I don't really like peanuts pero hindi ako allergic." sabi niya.
Naguluhan ako sa kanyang sinabi dahil akala ko allergic talaga siya.
Ayon doon sa aking napanood, sinabi niya na allergic siya sa peanuts.
At this time, ngayon ko lang nalaman na hindi siya allergic. Now I know.
"Ngayon alam mo na hindi ako allergic." sabi niya sa akin.
"Ms. Megan, gusto ko lang po malaman niyo na isa rin po akong fan niyo. Nakakataba ng puso dahil sobrang bait niyo po at kusa po kayong hinahatid ngayon sa bahay ko." sabi ko sa kanya at napatingin siya sa akin.
"No. Hindi kita ihahatid sa bahay mo." nagulat ako sa sinabi niya at napatingin ako sa kanya bigla.
Nag-expect ako na ihahatid niya ako sa bahay namin.
Medyo naguguluhan ako kung bakit hindi niya ako ma-ihatid.
Akala ko talaga ihahatid niya ako para wala na akong problema pauwi at makasama siya ng matagal pero pinaasa niya lang talaga ako.
"May family dinner kami mamaya. Saka bakit kita ihahatid sa bahay? We are not close." sabi niya at nalungkot ako sa kanyang sinabi.
Pero naiintindihan ko naman ang kanyang dahilan. Family first talaga ang importante.
Oo nga pala. Hindi pala kami close. We are just strangers.
Isa lang akong sa mga fan niyang sumusuporta sa kanya at isa lang niya akong artists.
Aasa pa ba ako?
"Ibaba lang kita sa Mall tutal maraming taxi doon." sabi niya at tumingin na lang sa bintana.
Nakakahiya. Nakaka-tanga lang.
Matagal ding tahimik ang aming paligid at tuluyang sumandal ako dahil ramdam ko ang pagod ko kanina sa performance namin.
Gusto ko lang magpahinga at napasandal ako.
Pinikit ko ang aking mata.
***
"Mom, mauna na kayo magdinner. Hahabol na lang ako. Marami akong inasikaso sa office. I am sorry."
"Yeah. I'll go home na. Okay. I love you."
Bigla akong nagising sa malakas na narinig kong pag-uusap at napamulat agad ako ng aking mata.
Napagtanto ko na natulog pala ako sa sasakyan ni Ms. Megan at ibaba niya ako sa Mall.
Inayos ko ang aking sarili sa pagkaupo ko at napansin ko sa aking gilid na mata na tumingin siya sa akin saglit.
Tiningnan ko kung saan kami ngayon. Mukhang familiar ako sa mga dinadaanan namin.
"Malapit na tayo sa bahay mo."
Tama ba narinig ko? Inihatid niya ako sa bahay.
Akala ko ba sa mall lang niya ako ihahatid? Nalilito ako ngayon.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil hindi ko alam kung ano mapapakita kong reaksyon sa kanya.
Gulung-gulo ako sa desisyon ni Ms. Megan. Nakakaloka.
Napansin ko rin na binaba niya na ako sa tapat ng bahay namin, "Thank you." 'yon na lang nasabi ko dahil bago lang akong gising.
Nagproprocess pa utak ko.
Lumabas na ako sa sasakyan niya at napatingin ulit sa kanya.
Kumaway ako sa kanya bilang paalam.
Pero hindi niya napansin ito at sinarado ko na lang ang pinto ng sasakyan niya. Biglang umaandar ito paalis.
Pinanood ko muna ang pag-alis ng sasakyan niya.
Pagkatapos, pumasok na ako sa loob.
Pagkabukas ko ng pinto, medyo madilim ang sala.
Mukhang wala si mama at papa dito.
Dumeretso na lang ako sa kwarto ko at binuksan ko ang pinto.
Binuksan ko rin ang ilaw at umupo muna sa aking table. Hinanap ko muna ang diary ko.
Isang munting diary na puro laman tungkol kay Megan.
Sinabi ko na sa inyo na matagal ko na iniidolo si Megan. Lahat ng pangyayari sa buhay ko kung paano ko siya sinuportahan, andito lahat ang buong kwento.
Andito lahat ng nararamdaman ko sa kanya....
Bilang isang fan niya.
Kumuha ako ng ballpen at nagsimulang magsulat.
Like it ? Add to library!
Don't forget to leave some votes and comment in my story.
if you have time, follow my social accounts below:
wattpad: @itsleava
twitter: @itsleava
This story is also available in Wattpad!