webnovel

Chapter 8

SCARLET

"Nice one, Queen of Hearts! Natapos din ang pag-aayos ng ating performance. For sure, matutuwa na si Ms. Megan."

Natutuwang pagpupuri ni Thea sa aming performance pagkatapos namin sumayaw at kumanta.

Maayos na ang performance namin, sabay-sabay na rin kami at wala nang kumokopya ng steps.

Lalo na ako, hindi ko na iniipit ang aking boses para ma-hit ko yung tamang nota. Thanks to Ms. Megan dahil sa tips.

Napansin kong kinukuha na nila ang gamit at bag nila.

Nagsisimula na sila magligpit. Napansin ko rin si Miya na lumabas na siya ng Practice Room. Nagtaka ako dahil sobrang aga naman para umalis sila.

Tumingin ako sa aking relo para malaman kung anong oras na. Alas tres pa lang ng hapon. Maaga pa para umuwi.

Nakita ko si Chloe na nag-aayos ng kanyang gamit sa aking tabi.

Kinalabit ko siya upang magtanong kung may practice pa kami at bigla itong tumingin sa akin na nakangiti.

"Ano 'yon, Scar?" tanong niya sa akin at nakatuon na siya sa kanyang pag-aasikaso at pagliligpit ng gamit niya sa bag.

"Wala na bang practice mamaya?" tanong ko sa kanya habang inaayos ko na rin ang aking gamit.

"Wala na. Uwian na." sagot niya at nakita kong sinara niya na ang kanyang bag at tumayo na ito.

"Mauna na ako, Scar." sabi niya at kumaway ito sa akin bilang paalam.

"Sige. Ingat!" sigaw ko sa kanya at nagpatuloy na ako sa pagligpit ng aking water bottle pagtago sa aking bag.

"Sabi ni Scarlet, gusto niya pa magpractice." bigla akong napalingon kung sino nagsabi at hinanap ko 'yon.

Nakita ko si Chloe na ngumiti at humalakhak ito na parang demonyo habang kinakausap si Zoe.

Tuluyan na itong lumabas.

Nako po! Simula na naman nila ako pagtripan.

Bigla akong nagulat sa pag-akbay sa akin at tiningnan ko kung sino ito.

Hays si Zoe na naman.

Alam niyo bang pinakamakulit na member namin 'yan sa QoH. Lagi rin niya ako pinagtitripan. Pangalawa sa sumusunod si Thea sa kalokohan.

Sila naman mastermind sa mga kalokohan ng Queen of Hearts.

Alam niyo bang pinaka hindi ko makakalimutan na trip nila sa akin ay nayakap ko lang naman ang isa sa mga actor ng EyeRed.

Meron kaming pangkatuwaang dare kapag break time sa practice namin.

Bawat isa, sasayaw ng buong kanta namin at wala 'yon kasamang music. Acapella lang at ikaw pa mismong kakanta at sasayaw ng lahat.

Alam niyo naman si Zoe. Target nila ako at tuwang-tuwa pa ang loko dahil alam kong lugi ako.

Sobrang kahinaan ko talaga na walang music kapag sumasayaw dahil nawawala akong pokus sa beat.

Ayun na nga, nagfreestyle na lang ako.

Pagkatapos, ang dare na sabi ni Zoe, kailangan ko raw magblindfold at yayakapin ko raw. Ako naman si uto-uto, sumunod naman.

Tuwang-tuwa pa sila. Masaya sila na pinagtitripan ako.

Sige lang baka gumanti ako balang araw.

Dagdag din ni Zoe sa dare, kung sino man lumabas sa floor namin sa elevator, 'yon daw yayakapin ko.

Ako naman si tanga, sumunod.

Narinig kong may lumabas sa elevator.

Syempre pumiglas din ako sa pagkayakap sa lalaking 'yon. Nakakahiya rin talaga sobra.

Tinanggal ko rin mabilisan ang blindfold para makita ko kung sino nayakap ko.

Binatukan ko talaga ng marami si Zoe dahil nayakap ko ang isa sa mga actor ng EyeRed.

'Yan yung kwento kung paano ako pagtripan ni Zoe.

'Di ba ang galing ni Zoe sa kalokohan?

"Scar, kapag nagcover ka ng kanta dapat i-release mo sa youtube ha?" mapapaniwala na sana ako sa inuutos ni Zoe pero hindi pwede eh.

"Zoe, lubayan mo 'ko sa mga trip mo." pagtataboy ko kay Zoe na tinanggal ko ang pagka-akbay niya sa akin pero umakbay ulit siya sa akin.

Hindi niya talaga ako titigilan kapag hindi niya nakukuha ang gusto niya.

Umiling-iling na lang ako habang nagliligpit.

"Scarlet, lilibre kita bukas. Sige na. Basta gumawa ka ng cover." pagpipilit sa akin ni Zoe at patuloy pa rin ako sa pag-iling.

Ayoko talaga baka mapasama pa ako. Baka pagalitan pa ako ni Ms. Megan.

"Oo na! Papayag na 'ko basta tigilan mo ko." sabi ko at tango siya ng tango at ngumisi ito sa akin.

Natuwa pa ang loko at tuluyan na siyang tumakbo papalabas.

Sus! Niloloko ko lang siya na magrerecord ako.

Mangarap siya.

Saka ayoko na magpauto sa kanya. Saka si Zoe pa? Anong klaseng himala magpapalibre 'yan?

Kahit isa sa amin, pinapangarap namin na ililibre niya kami ng kahit ano basta galing lang sa kanya pero wala. Wala kami natatanggap kahit birthday namin, wala! Kahit christmas, wala!

Walang-wala talaga!

Ngayon, mag-isa na lang ako sa practice room at kakatapos ko lang mag-ayos ng gamit. Napagtanto ko na mag-isa ako ngayon.

Bigla akong nalungkot dahil may tinatago akong mabigat sa aking puso ngayon.

Nagpapasalamat ako na meron akong mga kaibigan at kasama na nagbibigay kasiyahan sa buhay ko kahit may pinagdadaanan ako. Nakakalimutan ko ang aking problema ko kapag kasama sila.

Kahit ilang oras lamang.

Dali-dali ko na rin sinara ang room at nilock ko ito.

Balak kong pumunta sa 7th floor ngayon dahil gusto ko lang magwarm-up ng boses ko.

Gusto ko rin tumambay doon dahil wala naman tao sa bahay kapag umuwi ako.

At saka hindi kami makakapagkita ni Francis.

Siguro hindi na.

Hindi ko na rin kailangan ng susi dahil palaging bukas 'yon.

Doon din ako noong isang araw, nagpractice kumanta dahil sa issue ng performance ko.

Pumunta na agad ako sa elevator at dumeretso sa 7th floor. Pagkarating ko ay kumaliwa na agad ako.

Alam kong dito rin ang office ni Ms. Megan pero nasa kanan ang daan papunta doon.

Saka wala si Ms. Megan dito dahil linggo ngayon kaya hindi ko siya masisilayan dito.

Rest day niya. Lumiko na ako pa-kaliwa at nakita ko ang maliit na daan na deretsong recording room.

Dumeretso agad ako doon.

Pagkapasok ko, binaba ko ang aking bag at sinara ko ang pinto.

Naisip ko agad si Francis na tawagan man lang. Mahigit isang araw ko na siya hindi nakakausap. Hindi rin niya ako tinext kahapon.

Tumawag din ako kanina pero 'cannot be reached'.

Minsan naman tumatawag siya sa akin pero busy ako sa practice namin. Nakakaligtaan kong sagutin ito dahil pokus ako sa praktis namin.

Pero subukan ko ngayon. Napapansin ko rin na ilang araw lang siya tahimik kapag magkasama kami sa bahay.

Kinakausap naman niya ako.

Pero alam niyo 'yon, may pagkakataon talagang nararamdaman akong kakaiba sa kanya na hindi naman siya gan'on.

Tinanong ko rin sa kanya kung anong problema, pero ang kanyang sinabi masyado lang daw ako pala-isip.

Our relationship is getting worse. Inaamin ko 'yon.

Nahihirapan ako dahil hindi malaya ang aming pag-iibigan. Kulang kami sa oras nang aming relasyon.

Gusto kong matupad ang pangarap ko ngunit mga nagdaang araw lagi ko iniisip ang sarili ko.

Hindi ko maisip na may boyfriend akong naghihintay sa akin dahil nakatuon lang ako sa pangarap ko maging performer.

Sobrang focus ko sa pangarap ko at nakakaligtaan na may jowa pa lang naghihintay sa akin.

Alam ko naman hindi lang ako nahihirapan, ramdam kong nahihirapan din si Francis.

Nakapag-usap naman kami nakaraan lang, kung kakayanin namin itago yung relasyon.

Ang sagot niya lang ay kakayanin niya para sa relasyon namin.

Pero parang sumusuko na siya?

Nagdial ako ngayon ng kanyang number at nagsimulang mag-ring ito.

Yung puso ko ngayon ay tumitibok ng malakas dahil kinakabahan ako.

Kinakabahan ako kung anong mangyayari sa amin. Hindi ko alam. Gulung-gulo ako. Mga nagdaang araw, madalang na kaming nag-uusap.

May pag-uusap naman sa text pero napuputol agad yung conversation naming dalawa.

Gusto ko lang kausapin siya tungkol sa amin.

"The number you have dialed is unreachable, please try again."

I need to try again. Gusto ko i-try ng tatlong beses lang. Mga ilang segundo pero ganoon pa rin.

"The number you have dialed is unreachable, please try again."

Please sumagot ka. Sumagot ka kasi ako gulung-gulo na ako.

"Hello, Ate? Si Gian 'to."

Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang iba makakausap ko sa cellphone ni Francis.

Alam kong number niya ito pero bakit iba nakasagot?

"Ah! Hello Gian! Kamusta?" Gusto kong malaman kung saan si Francis.

Sobrang bigat na nararamdaman ko.

"Okay lang naman po. Kayo po?"

"Okay lang. Saan si Francis?"

"Hala! Ate, hindi ba siya nagpaalam sa'yo na ngayon siya pupunta ng Canada? Hindi na siya babalik dito sa Pinas."

Hindi ko sinasadyang natanggal ko sa aking tenga ang cellphone ko at hindi ako makapaniwalang umalis siya ng walang paalam.

Naalala kong balak niyang pumunta sa Canada kasama ako habang nagplaplano kami sa future noong wala pa akong career.

Pero bakit nag-ihip ng hangin at hindi na niya ako kasama? Bakit hindi siya nagpaalam? Alam kong siya yung tipong magpapalam kung aalis siya.

Lagi niya ako dinadalhan ng mensahe na pupunta siya sa isang lugar.

Napag-usapan din namin kailangan mag-usap kung gusto makipaghiwalay. Kahit closure lang at maayos na break-up.

Pero ngayon, nalaman kong papunta na siyang Canada na hindi na siya babalik sa akin.

Alam ko naman na may pagkukulang ako pero bakit?!

Ang sakit. Sobrang sakit.

Bakit hindi niya sabihin ng harap-harapan sa akin kung gusto niyang umalis? Bakit sa ibang tao ko pa nalaman?

Ang sakit dahil hindi man lang siya magpakita sa akin kahit gusto na niyang mawalay sa akin.

Gusto ko lang ng sapat na rason bakit niya ako iniwan? Bakit hindi niya kayang matupad ang mga pangarap naming dalawa?

Bigyan niya lang ako ng rason pero bakit? Bakit hindi niya magawa?! Bumuhos na lamang ang aking luha sa pag-iyak.

Naghahalo na ang emosyon ko dahil hindi ko alam kung magagalit ako sa kanya o malulungkot ako.

Hindi ko mapigilang bumuhos ang aking luha galing sa mata ko. Alam kong marami ako pagkukulang at inaamin ko 'yon.

I am trying best para maging maayos sa relasyon namin pero hanggang sa katagalan nasisira na. Tuluyan na akong iniwan ng mahal ko.

"Hello, Ate Scar?"

Narinig ko ang pagtawag niya sa akin ngunit binato ko na lang sa dingding ang cellphone ko sa sobrang galit.

Hindi ko matanggap na iniwan niya ako ng walang paalam.

Kahit paalam lang sapat na sa akin pero wala akong narinig sa kanya. Wala talaga...

Gusto ko lang ngsapat na rason at paalam para matanggap kong iniwan niya ako.

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

wattpad: @itsleava

twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts
Chapitre suivant