webnovel

Chapter 6: The Untold Story Of Criszel

"WANDA Stryder, ang tagapangalaga ng buhay ay hinahatulang parusahan dahil sa salang pagpatay sa kapwa niya tagapangalaga at bilang parusa, siya ay ipapatapon sa mundo ng mga tao." Pagpapahayag ng mga tagahukom

"Dapat lang sa kanya iyan! Wala siyang saysay!" Sang-ayon ni Strudel na isang obrero sa kaharian ng Bathory

"Diba siya ang tagapangalaga ng buhay? Bakit siya pumatay, labag sa batas natin ang gumawa ng ganyang krimen!" Komento ni Shabby na tiningnan pa si Wanda na parang kinamumuhian

Napayuko na lang si Wanda sa mga puna ng kanyang mga kauri. Sobra niyang pinagsisihan ang kanyang ginawa, ng dahil sa galit ay napatay niya si Decryl-nakita niya kasi itong nagnakaw ng mga gamot sa kanilang paggawaan.

Sinita niya ito na masama ang kanyang ginagawa, pero nagmatigas ito't nilabanan siya. Nagalit ng husto si Wanda dahil sa ayaw nitong magpahuli sa kanya kaya aksidente niya itong napatay.

"Dalhin siya sa Cockapoo!" Utos ng kanilang hari at kaagad naman siyang dinampot ng mga sprites

Nang matanaw na niya ang lagusan ng Cockapoo ay nakita niyang ang mismong Reyna ang nagbukas niyon.

"Mahal na Reyna, maaari po ba kayong maka-usap?" Hinging permiso niya sa kataas-taasan

Pumayag naman ang Reyna sa kanyang gusto at senenyasan ang mga sprites na kalagan siya

"Mahal na Reyna-patawad kung nagawa ko man ang bagay na iyon. Hindi ko po talaga sinadya iyon..." Hinging tawad niya sa Reyna

"Naiintindihan kita Wanda, ngunit isang kamalian ang iyong nagawa. Hindi ko inaasahan ang balitang narinig ko kanina na ang mabuting pinuno ng tagapangalaga ng buhay ay pinaslang ang kanyang kauri-binigo mo ako Wanda," Napayuko na lang siya sa sinabi ng Reyna sa kanya sobrang kahihiyan ang binigay niya sa mga ito. Ano na lang ang masasabi ng kanilang ibang panig kapag nalaman nilang nagkasala siya...

Hinatak siya ng mga Sprites at itinapat siya sa lagusan

"Kung tunay ka talagang nagsisisi sa iyong nagawang kasalanan, tatanggapin mo ang iyong kaparusahan! Ano ang iyong huling salita?!" Anunsiyo ng kanilang heneral at tinaasan siya ng espada

"T-tinatanggap ko..." Napaluha siya sa kanyang binitiwang salita

Kailangan niyang panagutan ang kanyang kasalanan. Itataya niya ang kanyang puso sa kaharian ng Bathory-para sa ikabubuti ng lahat, mapanatiling malinis lang ang pananaw ng iba sa kanyang sinilangang kaharian

"Kung gayon ay, ito na ang huling pagkakataon na masisilayan mo ang kaharian ng Bathory!" Humarap ito sa lahat ng nilalang na sasaksi sa pagpapatalsik sa kanya

"Mga kaibigan. Narinig na natin ang kanyang pahayag-tinatanggap ni Wanda Stryder ang kanyang mabigat na parusa. Parusang hindi na siya kailanman makakabalik sa kahariang ito!"

Pagkatapos itong ianunsiyo ng kanilang heneral ay tiningnan siya nito na puno ng awa at pagkabigo

"Mag-ingat ka sa iyong paglalakbay Wanda. Sana ay magiging mabuti ang iyong kalagayan sa mga mundo ng mga tao-" Pagpapaalam ng kanilang heneral at iginiya siya sa bibig ng lagusan

Bago siya pumasok ay nilingon niya muna ang mga kauri- sari-saring emosyon ang kanyang mga nakita. May malungkot, may walang paki-alam, may nababagot, at may galit sa kanyang pag-alis; kahit na mabigat sa kanyang kalooban ay ngumiti siya ng pagkatamis tamis sa mga ito bago pinasok ang lagusan.

• • •

Nang ligtas na nakarating sa mundo ng mga tao ay nanibago siya, naiingayan siya, at naiilang siya sa mga tingin nito. Dahil ba ay iba ang kanyang kasuotan?

"Oy miss... Ang ganda ng damit mo ah? Parang custome ng prinsesa sa T.V?" Komento ng isang lalaki na sinang-ayunan naman ng kasamahan nito

"Hindi ko maintindihan ang iyong sinasabi..." Bulalas niya

"Oy pre, di daw naintindihan." Rinig niyang sabi ng isa pa

"Taga ibang planeta ka ba? Ang labo mo naman Miss!" Palatak nito

"Hoy, ano 'yan manghuhothot na naman kayo! Umalis na nga kayo dito. Alis!" Pagpapa-alis ng lalaking mala adonis ang katawan at medyo may kaputian ang balat

"Sorry boss," Hinging tawad ng lalaki sa bagong dating

"Okay ka lang?" Tanong nito na hindi masagot sagot ni Wanda

"A-ano?"

"Ang Sabi ko okay ka lang ba?" Pag-uulit nito

'Okay? Ano ang ibig niyang sabihin?'

"Paumanhin, ngunit hindi ko lubos maunawaan ang iyong sinasabi Ginoo-" Sabi niya

Napatawa naman ang lalaki at napapailing na tiningnan siya

"Pansin ko nga, what I mean is wala bang masakit sa'yo. Ayos ka lang ba?" Pagpapaliwanag nito

"Ako ay mabuti naman Ginoo, salamat sa pagtatanong." Tugon niya

"Ang lalim mo namang magsalita, taga saan ka ba at bakit ganyan ang iyong itsura?" At sinuri siya mula ulo hanggang paa

"Nagmula ako sa Bath-" Nakagat niya ang sariling dila ng muntik na niyang masabi kung saan siya galing

"Bath? Ano yon?"

"Sa malayong lugar, basta malayong malayo" Sabi niya at ngumiti

Ngumiti naman ang lalaki sa kanya at nagpakilala

"Ako nga pala si Chris, ikaw anong pangalan mo?"

"Ako naman si Wan- Crizel..." Simula ngayon siya na si Crizel aalisin na niya ang pagiging Wanda Stryder

Chapitre suivant