"TAGU-TAGUAN, maliwanag ang buwan. Tayo'y maglaro ng...." Kanta ng mga bata sa pangkaraniwang laro ng karamihan
"Pssst.... mga bata," Tawag ng isang napakagandang babae sa atensiyon ng dalawang bata
Napahinto naman sa paglalaro ang dalawang bata at tiningnan ang babae
"Sino po sila?" Imik ng isang medyo may kaliitang batang babae
"Bakit kayo nandito, gabi na ah. Pasado alas sais na-" Pagpapa-alala ng babae sa mga ito
"Masyado pa po kayang maaga para umuwi..." Komento naman ng isang bata
Napangisi ang babae sa sagot ng dalawa
"Anong pangalan niyo mga bata" Nakangiting tinanong ng babae ang mga bata na nakatayo sa kanyang harapan
"Ako po si Mila at siya naman si Claire-" Pagpapakilala ng dalawa
"Ako naman si Mary Grace, tawagin niyo na lang akong Ate Grasya..." Pagpapakilala naman niya
Biglang naisip ni Grasya na kausapin ang mga ito tungkol sa bakit ito nagpapagabi sa labas
"Bakit kayo dito naglalaro, Mila at Claire pwede namang sa bahay niyo na lang...." Nakita niyang nagkatinginan ang dalawang bata bago siya sinagot baka isipin ng mga ito na kidnapper siya
"Nakakatakot po kasi sa bahay Ate Grasya, parang may mumu..." Napatawa si Grasya sa narinig
'Walang mumu sa bahay-sa labas meron'
"Ano kaya kung kwentuhan ko kayo. Ano makikinig ba kayo?" Sabi ni Grasya sa malamig na pabulong na boses na ikinausog ng dalawang bata papalayo sa kanya
"Alam niyo ba mga bata, bawal ng maglaro dito sa labas kapag pasado ala sais na ng gabi..." Panimula niya na ikinatakot pa ng dalawa
"B-bakit naman po A-ate Grasya?" Namamawis ng malamig na bulalas ni Claire
"Kasi, may babaeng nanguguha ng bata dito!" Sabay hawak sa dalawang kamay ni Claire na ikinasigaw nito
"Tulong! Mila, tulungan mo ako. H'wag mo 'kong iiwan dito!" Pagpupumiglas ni Claire sa mga kamay ni Grasya
"Sssh, 'wag kang maingay. Baka may makarinig sa atin" Pagpapatahan ni Grasya kay Claire
Tumahan naman ang bata at tiningnan siya. Ang kaninang napakagandang Grasya ay nag-iba ng anyo. Biglang tumalas ang mga kuko nito sa kamay at bigla ding nagsitaasan ang maitim na maitim nitong buhok
"Ahh! Mumu, m-may mumu!" Sigaw at pagpupumiglas nito
Dala na rin ng pagkabahala at takot ni Grasya dali-dali niyang inilabas ang napakalaking pakpak at inilipad si Claire.....
Simula ng mangyari iyon sa baryo ng Amor ay hindi na pinapayagang gumala ang mga bata pagsapit ng ala sais. Ayon sa kwento ng mga nakakatanda ay totoo ang sabi-sabi na nag-iikot lang daw sa kanilang lugar ang babaeng nagngangalang Grasya, nanguguha ito ng mga bata para ialay sa demonyo. Maibalik lang ang namayapang asawa at anak nito....