Mabilis akong nakarating sa coffee shop at tanaw ko ang ka gwapuhan ni Scott. Ano naman kaya ang pag uusapan namin?
Ayokong masayang ang oras ko kaya naman nag park na ka agad ako at pumasok sa loob.
"Hey" Sambit nito at umupo na ako.
"Any topic?"
"I have no amnesia."
Muntik ko nang maibuga ang kape ko sa mukha niya dahil sa gulat ko. Ibinaba ko ang hawak kong mainit na kape at tumitig sa kanya. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagka seryoso at nagsasabi ng totoo.
"Bakit kailangan mong mag panggap kung-"
"It doesn't matter."
"What?"
Huninga sya ng malalim bago ito humarap sa akin. "Nakikita ko sya sayo." Wika nito nang nagpa taas ng kilay ko.
"Do you think we're twins?" Seryosong sabi ko sa kanya ng titigan ako nito. Ako na lang ang unang umiwas.
"Hindi ko alam kung may kambal sya o wala. Please makipag cooperate ka at mag pa panggap tayo." Nagulat ako ng hawak nito ang kamay ko.
Babawiin ko na sana ng humigpit pa ang hawak nito sa akin. "Bakit ba hindi mo na lang siya puntahan?" Kunot noong tanong ko
"She's a busy person. Ayoko na magulo at ma distract sya. Don't worry dahil matapos ang dalawang buwan ay babalik na siya dito at ititigil na natin ang pag papanggap." Mahabang wika nito.
"Fine." Tinanggal ko ang kamay nyang naka hawak sa kamay ko at itinaas ito. "Satisfied?" Dugtong ko.
Tumango na lamang ito at umalis na rin sa harapan ko. Nang mahimasmasan ay parang nagsisi ako dahil pumayag pa ako sa deal na ito. Napahilot na lang ako sa ulo ko at ininom na muli ang kape.
Matapos ay hindi ko inaasahang makaka salubong ko si Xian dito sa coffee shop.
"Uyy." Sambit nito na ikinagulat nya kaya agad kaming nagyakapan.
"Hey." Tango ko sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito mag isa?"
"Uh.. wala may mineet lang, kaso.. umalis na e." Pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya.
"Bakit ka iniwan?" Kunot noong sambit nito habang nakapila at nasa kanan naman nya ako.
"We made a deal, so.. pumayag ako." I shrugged.
"Good luck!" Kiniss niya ako sa chicks na ikinairap ko at namaalam na rin.
Nang makalabas ay tanaw ko pa rin ang sasakyan ni Scott na ipinagtaka ko. Pinuntahan ko ang sasakyan niya at kinatok ang bintana nito na siyang ikinalingon nya.
"What?"
"Watawat." Pamimilosopo ko ngunit hindi nya iyon pinansin kaya ngumisi ako. "Ano pa ang ginagawa mo dito?"
"Teritoryo mo?" Napasimangot ako sa sagot nya at akmang aalis na.
"Ano na naman?" Inis na sambit ko
"Thanks for accepting the deal." Wika nyang seryoso.
"Don't be thanks."
"What do you mean?" Kumunot naman ang noo niya.
"Dahil wala pa naman tayong nasisimulan, magpasalamat ka kapag dumating na siya." Sambit ko na ikinatango nito.
Pagkauwi ko ng bahay ay wala na si Desiree.
"Where's my friend?"
"Pinauwi ko na."
Tumango na lang ako bago dumeretso sa kwarto. Nang mag vibrate ang phone ko ay binuksan ko iyon.
'Let's date tomorrow'
Nag reply naman agad ako.
'What time?'
Message sent
'I'll pick you up at 10am.'
Nagulat man ay nag reply na rin ako ng ok.
Masyado syang gwapo sa paningin ko at hindi ko rin sya pwedeng tanggihan. Ako na mismo ang tutulong sa kanya kahit na alam kong sa huli ay matatapos din ito.