webnovel

Chapter 10

Napangiti na lang ako mag isa habang iniisip kung hanggang saan patutunguhan ito. Unang kita ko pa lang sa kanya ay na attract na ako at napatitig sa kanya. Ngunit ng maalala ko ang sinabi sa akin ni Ate yvonne ay para bang umurong ako.

Hindi ako pwedeng magka gusto sa taong ka deal ko. Dahil baka pahirapan ko lang din ang sarili ko kapag nangyari iyon. Pero sana nga ay hindi tumibok itong puso ko sa kanya.

Kinabukasan ay tanghali na rin ako nagising kaya naman dali dali na rin ang kilos ko. Masyadong maaga sa aking ang alas diyes para magising. Dahil nakasanayan kong magising ng alas dose o ala una.

Nang matapos sa lahat ay nakita kong nakikipag usap pa siya kay kuya ngunit agad din itong natigilan at napatitig sa suot ko. I wear a simple red off shoulder dress at pulang takong.

"Let's go?" Sambit ko.

"Ingat kayo." Sambit naman ng kuya ko.

"Sige bro, iingatan ko kapatid mo."

Bahagya akong natigilan doon. Pero hindi ko iyon pinahalata. Bigla na lamang bumilis ng tibok ng puso ko ng tumingin sya ulit sa akin ng suot ang salamin.

"Hey." Kinaway kaway pa niya ako at agad naman akong natauhan.

"I'm sorry, let's go." Dali dali ko nang binuksan ang pintuan sa passenger seat at kinuha ang seat belt doon.

Mabilis kaming nakarating ng mall kung saan palagi niyang pinapasyal ang girlfriend/fiancé nyang malayo sa kanya ngayon. Hindi ko maiwasan manliit sa sarili ko at maipagkumpara ang sarili ko sa kanya.

Ang tanga lang! Nabubuhay sana ako nang mapa yapa kung hindi ako pumayag, ang kaso ay labag rin sa kalooban ko kung tatanggihan ko iyon. Dahil umaasa silang maipababalik ko ang alala ng kasamang tao ko ngayon.

"Let's eat, Klaire." Napatigil ako kaya naman natigilan siya. Parehas kaming nagkatinginan kaya nauna itong umiwas ngunit hindi parin naalis ang tingin ko sa kanya.

"I'm not Klaire." Mahina halos pabulong na sabi ko kaya naman napatingala ito bago hapitin ang beywang ko papalapit sa kanya na ikinangulat ko.

"Im hungry." Bulong nito na para bang nakiliti ako. Tumango na lamang ako at pumasok na sa tokyo restaurant.

Dahil doon ay medyo natuwa ako dahil ito ang paboritong resto na gustung gusto ko. Nung una ay nag talo pa kami kung sino ang magbabayad. Dahil ayoko maging unfair ay nag ambag ako ng limang daan bago humanap ng upuan.

Nang makahanap ay naupo ako roon. Napatigil naman ako sa pagtulala ng mag vibrate ang cellphone ko.

'I saw you two, mag ingat kayo at tandaan mong nagpapanggap lang kayo.'

Mensahe ni Desiree, dahil sa kanya ko lamang sinabi ang totong sitwasyon ni Scott. Alam kong mahihirapan ako sa huli dahil nagsinungaling kami o ako. Wala pa man ay para bang nasasakal na ako. Na para bang hindi ko kayang tumagal lalo na nung banggitin nya ang pangalang Klaire sa harap ko pa mismo.

Nagulat ako ng maupo sya sa harap ko ng nakangiti kaya naman ngumiti na rin ako pabalik.

Sabay kaming kumain pero hindi ko inaasahang susubuan niya ako, kaya eto akong si marupok ay hinayaan ko na lang sya sa ginagawa nya. Ganun na lang din ang ginawa ko.

Dahil pagka tapos ng ito ay hindi na rin naman kami magkikita pa. Nalungkot ako sa isiping iyon.

"I really miss you, Klaire. And I don't want to lose you." Natigilan ako sa pagkain ng magsalita ito.

Nasa malayo ang tingin nya at para bang maiiyak na. Kaya naman agad akong tumayo upang i comfort siya. Agad akong tumabi sa kanya at agad ng binigyan ng yakap.

"Shh, don't cry." Bigla na lamang bumigat ang pakiramdam ko dahil ramdam kong umiiyak ito dahil humigpit ang yakap niya sakin.

"I miss you." Halos pabulong nyang sabi. Ngunit hindi ko na iyon pinansin at kinomfort na lamang siya..

Chapitre suivant