Pagbaba namin ng eroplano ay napangiti na lang ako sa lakas ng hanging sumalubong sa akin. Inilagay ko ang salamin ko paitaas sa aking buhok habang naka earphone pa rin.
Sumakay agad kami ni Desiree sa itim na sasakyan. At ang Driver nito ay si Mang Albert.
"Welcome to the Philippines ma'am." Bungad nito sa amin ni Desiree kaya napataas ang dalawang kilay ko sa kanya.
"Salamat." Tipid na ngiti ko at ako na ang sumagot dahil busy si Desiree kakatipa sa cell phone at tinatawagan niya.
Mabilis ang byahe nang makarating ako ng mansyon at dahil inuna na namin si Desiree ibaba. Pagka apak ko pa lang ay agad sumalubong at tatlong kapatid ko.
"Welcome home Sis/Ate." Banggit nila na ikinatuwa ko naman kaya nagyakapan naman kami.
Bahagyang naitaas ko ang kilay ng naka boxer lang sina Daven at Veil. Si Leigh naman ay naka swim suit ito at halatang lalangoy.
"Ang ganda ng bungad nyo ha." Sarkastikong sambit ko na ikinatawa nilang tatlo.
"Pasensya na Ate, we are just having fun kaya hindi ka namin naisundo sa airport." Veil's pouted his lips and i found it cute. Well
Veil's is a younger brother 18 yr old at pangalawa ako. The older here is si Kuya Daven 21 yr old at pangatlo naman ay si Leigh. 19 (the third sis siblings)
Isang gap lamang ang tanda namin sa isa't isa. At masaya ako sa mga kapatid ko dahil wala naman kaming problema. I don't even know kung bakit ako nilalayo ng mga parents ko. Well, I have no idea pero ayun ang na f feel ko.
Nag mag bukas ako ng Facebook ay ipinost ko ang picture ko sa airport at naglagay ng caption.
Here i am ♡
Wala pang ilang minuto ay marami ng nag like at comment sa picture ko
Irish: Welkam sa pilipinas bebs
Krisha: Oy pasalubong ko
Chloe: Ala sya buti naman ay nandito kana
Lexord: Pre! na sorpresa ako dun a
France: Welkam bak prend!
Israel: Welcome back
Zian: Besprend party party naman tyo dyan oh!
Xian: Oy! LET'S PARTY WELCOME BACK SA BABAITA!
Napairap na lang ako ng ginawa na nilang chatbox ang pictures ko. Kaya naman nung ni like ko ang gc ay sunod sunod ng tumunog ito at nag aaya silang uminom dahil sa pagbabalik ko.
Pumayag naman agad ako, dahil ayoko na rin magpakipot. Nagpahinga lang ako saglit dahil sa pagod. Tinext ko naman si Desiree ngunit hindi ito pumayag dahil sa sobrang busy.
Nagpalit na ako ng damit na dress na hanggang tuhod ko lamang, nag red na lang ako at naglagay ng liptint kahit na mapula na talaga ito. Nilugay ko na lang ang aking buhok may kulay mahogany at kinuha na ang shoulder bag kong red pati ang sandals ko red.
Well, I love red so what?
Nag polbo naman ako ng kaunti kahit maputi na rin naman ako. Tiningnan ko rin ang cutics ko at pula rin iyon. Natuwa ako sa aking naisip kung mag contact lense kaya ako? Charot.
Matapos non ay pinatay ko na ang aircon sa pinaka namiss kong kwarto na red and white bago lumabas.
Naabutan ko ang dalawang kapatid ko na si Leigh at Veil na nagpapaunahan sa pag langoy. Nang marinig ni Kuya ang takong ko ay tinawag agad ako nito.
"Where are you going sis?" Seryosong sambit nito.
"Uh? Party?" Patanong ko ng parang tanga na ikinatango naman nito.
Nagpaalam na rin ako sa dalawa ngunit busy sila kaya napa irap na lang ako bago lumabas ng mansyon. Malapit na rin dumilim dahil ang usapan ay 6pm. Ngunit sa tagal kong kumilos at mukhang mag t trafic pa ay baka mga 30 minutes ako ma la late.