Nasa kalagitnaan ako ng byahe ng magpatugtog ako.
(Taylor swift- RED)
Napakanta na lamang ako habang na byahe papunta sa pinaka sikat na bar dito sa manila. Ang 'Dale's Bar' nagmamay ari ang pinsan ko na si Xian at Zian na mag kambal.
Napa preno ako dahil nakita ko ang stop light na kulay pula ito. Hininaan ko ang tugtog ng tumatawag na ang bruhang Irish.
Pinindot ko ang green sa sasakyan ko para sagutin ang tawag nito.
"Where's na you girl?"
"Traffic ako, kung gusto nyong mag simula Just go!" Inip na sambit ko
"Hey where are you now?" Pasigaw ni Krisha na mukhang malalasing ka agad.
"On the way na guy's."
"Okay ingat." Pasigaw naman ni Chloe at namaalam na rin ako dahil nag d drive ako
Napalitan naman ang kanta ng sparks fly. Kaya naman hindi ko na napigilan mapangiti ng mag green na ang ilaw nito at kumanta. Habang nagmamaneho nang mabilis ay dito na sumilay ang ngiti ko sa labi at pinatay ang aircon. Binuksan ko ang bintana sa gilid ko habang ang kanang kamay ko ay nasa manibela.
Hindi ko napigilan maihampas ang manibela at gumalaw galaw dahil sa kakasayaw ko. Pinatay ko lamang ito ng malapit na ako sa destinasyong pupuntahan ko.
Naghanap agad ako para i park ang kotse ko ngunit ng mapatingin ako sa gilid ng salamin kotse ko sa labas ay may sasakyang hindi familiar kaya naman gumilid ako para paunahin na sya.
Habang dahan dahan syang nag mamaneho palagpas sa akin ay hinugot ko na muna ang mga nakasaksak sa kotse ko at pinatay ang Bluetooth sa cp ko bago uli ako mag drive para makapag park.
Nang makahanap ay itinago ko na ang cp ko sa shoulder bag ko para maka labas. Kinuha ko na ang susi bago lumabas ng pinto. Pinindot ko ang susi ng kotse bago ito mag lock kasama na rin ang nabuksan kong bintana.
Habang naglalakad ay naka tuon pa rin ang atensyon ko sa cp dahil nag text si kuya na kailangan maaga akong umuwi upang makapag celebrate din kami sa bahay. Pumayag naman ako dahil miss ko na rin naman sila.
Pinatay ko na ang cp ko at nang nasa harap na ako ay nilagay ko ang fingerprint sa gilid ng pinto at automatiko itong bumukas.
"WELCOME BACK!!!" nagulat ako sa sigaw nila at agad akong niyakap na muntikan ko nang ikatumba kaya napa irap na lang ako.
"Well, thank you guy's." Madilim na ng makarating ako at pinagtinginan pa kami ng ibang tao.
Agad naman nila akong hinila at pinaupo sa pinaka dulo at kinuha nila ang baso upang salinan ako. Agad ko naman iyong ininom na ikinahiyaw nila kaya napa irap na lamang ako at lumagok pa ng isa.
Hanggang sa umabot na kami ng tatlong oras mapupula na ang mga mukha namin except sa dalawang kambal na ngayo'y naka ngiti dahil namumula na ang itsura namin.
"Kamusta ang pang iibang bansa mo?" Isang ngisi ang sumilay sa labi ni Lexord na ikinairap ko
"Well" I shrugged. "Ayos naman." Ngiti ko sa kanila.
"Ok yan! Maging masaya ka, kung talaga totoo ka sa sarili mo." Sambit naman ni Chloe na sinang ayunan naman ng lahat at ang iba ay pilit pa rin na gustong uminom kahit hindi na nila kaya.
Kumuha ako ng chips na naka kalat na sa table bago mag salita. "You're right, hindi mahirap ang magpaka totoo. Pero mararamdaman mo pa rin minsan yung sakit. Dahil wala namang permanente dito." I chuckled. Halatang lasing na. "We broke up!" Masayang sambit ko na ikinalaglag ng panga nila.
"Ni 6zack?"
"You sure?"
"What the?"
"Of course, it's just a deal guy's. Come on" Sambit ko na ikinatango na lang nila.
Kilala nila ako, hindi ko sineseryoso ang lalaking lumalapit sa akin para ligawan ako. Bakit? Napabuntong hininga na lamang ako.