webnovel

10

Pagdating ng tanghali at natanaw na nila ang lungsod na pinangangalagaan ng kanilang himpilan.

"Malapit na tayo." Wika ni Aya sa ginoo. Napapagitnaan sila ng mga kawal sa paglalakbay na iyon. "Sa wakas ay makakakain narin tayo."

Lumapit sa kanila si Makoy na kanina ay siyang nasa unahan.

"Pinuno." Tawag nito sa kanya.

"Ano iyon?" Tanong naman niya.

"Papalapit po si pinunong Makisug." Sagot naman nito.

Doon lamang pinagtuunan ni Aya ang mag-isang tumatakbong kabayo sakay ang pinunong kanangkamay ng heneral nila.

"Bakit mag-isa lamang siya?" Naitanong ni Aya. Mataas ang katungkulan nito sa kanilang himpilan kaya naman ay hindi ito bibihirang makita itong walang kasamang mga kawal sa labas ng kanilang himpilan. "Sabihan mo ang lahat ng ating kasama na huwag ipagbigay alam na kasama natin ang prinsipe."

"Pinuno?" Nais sanang mag-usisa ni Makoy kung bakit yun ang nais ng pinuno ngunit hindi na nito itinuloy at isa-isang nilapitan ang mga kasamahan upang ipagbigay alam ang utos ng pinunong pangkat.

"Kailangan niyong lumihis ng daan kasama itong nasa likod ko." Wika ni Aya sa ginoo at iniabot dito ang tali ng sinasakyang kabayo. "Makoy lumapit ka!" Tawag pa ni Aya sa nasa dulo naman.

"Bakit? Papaano?" Magkasunod nitong tanong.

"Si Aso na muna bahala sa inyo." Bilin niya dito saka tumalon papunta sa likuran ng tinawag na kawal kanina at dito na nakisakay sa kabayo.

Kusang lumihis si Aso ng daan ng hindi mahahalata mula sa malayo habang hila ng ginoo ang tali ng kabayo ni Aya na sakay ang totoong prinsipe.

"Hay! Ano ba itong ginagawa niya?" Nauuyam na wika ng ginoo habang nalalayo na sila sa mga kasamahan.

Samantala, agad namang nagbigay galang ang pangkat ni Aya sa pinunong Makisug ng magpang-abot na sila.

"Pagbati sa pinuno."

"Huwag kayong pumasok sa lungsod." Agad nitong wika sa kanila ng hindi na pinansin ang kanilang pagbati dito. Mahahalata sa mukha nito ang pag-aalala na para bang natalo ito sa isang digmaan.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong dito ni Aya.

"Binibini, ang heneral ay hinuli ng mga kawal ng Paldreko at marami pang nariyan sa lungsod nag-aabang sa pagdating niyo at mukhang huhulihindin kayong lahat dahil daw sa kapabayan na ikinasawi ng tagapagmana ng Hari." Pagbabalita nito.

"Ang bilis namang makarating ng balitang yan." Pagsali naman ni Makoy sa usapan.

"Mukhang matagal ng nakarating sa Paldreko ang balita bago paman mangyari iyon." Wika naman ni Aya. Sa katunayan ay inaasahan na ni Aya ang ibinalitang iyon ni pinunong Makisug dahil sa pasaring sa kanya pinuno ng mga salamangkero kahapon.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Tutuloy po kami ng Paldreko upang bawiin ang heneral," sagot dito ni Aya. "Si Noknok po?"

"Kusa siyang sumama sa mga iyon at baka daw magalit ka sa kanya paghindi makaligo ang heneral." Sagot naman ng pinuno.

"Naiintindihan ko. Salamat po sa inyo. Lilihis na lamang po kami ng daan upang hindi kami makita ng mga salamangkero. Hanggang sa muli po." Pagpapaalam dito ni Aya.

"Mag-iingat kayo. Hihintayin ko ang pagbabalik niyo kasama ang heneral." Wika naman ng pinuno.

Gaya ng napag-usapan ay lumihis nga sila ng daan at muling tinahak ang kagubatan.

"Pinunong Aya," tawag sa kanya ni Kalo. "Kanina pa tayo naglalakbay ngunit hindi pa natin naaabutan ang prinsipe at ang tagapagsilbe nito."

"Wag kang maglala, hindi tayo tatakasan non." Sabi naman ni Aya.

Pagdating ng takip silim ay nakarating na sila sa kasunod na bayan ngunit hindi na sila pumasok doon dahil nakita nilang mahigpit ang pagbabantay sa tarangkahan ng bayang iyon.

"Hindi tayo maaaring tumuloy sa lungsod dahil mukhang nariyan ang ang ating pakay." Wika ni Aya.

"Pinuno kung nariyan nga dinala ang heneral ay madali natin itong maitatakas." Wika ni Kalo. "Marami tayong mga kaibigan diyan na handang tumulong at isa pa ay alam din natin ang pasikut-sikot sa lungsod."

"Ang tanong: sasama ba sa atin ang heneral? Isa siyang mapagmataas at may paninindigang heneral kaya nasisiguro kong mas nanaisin niya pang mamatay kaysa maging tulisan na pinaghahanap ng pamahalaan." Si Aya at bumaba na siya ng kabayo.

"Papaano kung tumuloy sa lungsod ang prinsipe?" Si Makoy naman ang nagtanong.

"Nandito kami!" Narinig nilang agaw pansin mula sa kaliwa nila at doon nakita nila ang ginoo at ang totoong prinsipe na naglalakad palapit sa kanila at may kanya kanyang bitbit na mga isdang tabang.

Agad namang nagtakbuhan palapit sa mga ito ang mga kawal, bumati saka hiningi ang mga dalang isda ngunit ang sa ginoo lamang ang kinuha ng mga kawal at hinayaan na ang totoong prinsipe na magpatuloy sa pagbitbit ng mga nahuling isda. Tinangka pang iabot iyon ng prinsipe sa mga kawal ngunit walang pumansin dito.

"Akin na." Narinig ng prinsipe mula sa kanyang gilid at aabot na sana niya iyon ngunit bigla siyang nagulat ng makitang ang pinunong pangkat ito.

"Oh anong nakakagulat? Para kang nakakita ng multo diyan." Pagbibiro ni Aya dito.

"Ah kasi...." Hindi naman alam ng prinsipe kung anong damat sabihin at naisip din niyang hindi niya kailangang magpaliwanag sa isang punong pangkat na pinakamababa sa lahat ng mga pinuno sa larangan ng sandatahang lakas.

"Tagapagsilbe ng prinsipe." Biglang singit ni Makoy. "Akin na ang mga isdang iyong dala ng malinisan narin."

Kay Makoy na iniabot ng totoong prinsipe ang mga dala nitong isda at muli ay naiwan na naman silang tatlo.

"Mabuti at nagising kana tagapagsilbe ng prinsipe." Wika ni Aya sa totoong prinsipe.

"Higit na mas mabuti kung hindi ko nakikita yang pagmumukha mo," may inis sa tinig nito. "Maganda ka ba?"

Nagulat si Aya sa tanong na iyon ng totoong prinsipe na parang walang pagpapahalaga ayon sa tinig nito.

"Anong tanong yan?"

"Kailan man ay hindi ko nais na may.... Babaeng umaaligid sa akin na dalawa likod." Dugtong pa ng prinsipe.

"Ano?" Itinapon ni Aya sa lupa ang mga dalang sandata. "Suntukan tayo gusto?"

"Aaa tama na yan." Pag-awat naman ng ginoo. "Aya hindi ka ba natutuwang malaman na nagawa kong makapagbukas ng mida? Ibig sabihin lang non ay malakas parin ang aking salamangka."

"Talaga bang gising na yan eh parang binabangungot parin, naturingan pa namang....tapos ang bastos ng bibig. Walang paggalang. Isa akong pinunong pangkat, sino bang nagsabi sa kanya na tingnan niya ako bilang isang babae?"

Maslalong natawa ang ginoo sa sinabing iyon ni Aya na pweding may ibang kahulugan kaya napatingin din siya sa totoong prinsipe na malamang ay naisip din kung ano ang ibang kahulugan ng sinabi ni Aya. Kahit na nagtatakit silim na ay pansin parin niya ang pamamaga ng mukha nito at nag-iwas ng tingin saka lumayo na sa kanila.

"Kainigan wag mo ng awayin yun at baka muli na namang magbago ang isip at takasan tayo? Mabuti nga at nahikayat ko siyang magbalik ng Paldreko at pahiripan yun kaya nga kami umabot sa ilog dahil nais niya talagang takasan ang pagiging prinsipe." Ang ginoo.

"Ganoon ba?" Naging malumanay na si Aya. "Ano nga pala ang napanaginipan non?"

"Hindi ano kundi sino pero hindi ko sasabihin." Sagot ng ginoo. "Bantayan mo pala ng maayos yun baka hindi natin mamalayan at bigla nalang takasan tayo. Naipaliwanag ko na pala sa kanya kung anong ganap"

Chapitre suivant