Hindi pa man sumisikat ang araw ay magsisimula na naman sila sa kanilang paglalakbay patungong Paldreko.
"Pinuno, narito na po ang pinahihiram niyong karwala kay Mang Kiki." Wika ng isang kawal kay Aya at sa likuran ng mga ito ang sinasabing karwahe at kabayo.
"Salamat, at ikaw na din pala ang mangarwahe para sa ating prinsipe." Wika naman ni Aya
"Wala iyon at makakaasa kang gagalingan ko ang pangangarwahe." Sabi pa ng kawal na animoy bihasa nga sa pangangarwahe.
Ipinagpatuloy na nila ang kanilang paglalakbay. Sakay ang ginoo sa karwahe, samantalang ang totoong prinsipe naman ay nakasakay sa kabayo katabi ang karwahe at sa kabila naman ay si Aya. Gaya kahapon ay nasa gitna din sila ng mga kawal. Nasa unahan si Makoy at sa dulo naman si Kalo.
Muli ay naabutan na naman sila ng pagdilim kaya nahinto na naman sila upang magpalipas ng gabe.
"Nais niyong lahat na pumasok ng Paldreko hindi ba?" Biglang tanong ng totoong prinsipe sa kanila bahang nakapalibot sila sa apoy at pinagsasaluhan ang mga nahuli nilang ibon na inihaw sa apoy na pinapagitnaan nila.
"Kailangan naming mabantayan ang prinsipe at siguruhing makauwi ito sa kabahayan ng Hari." Si Makoy ang sumagot.
"Kung ganoon ay maaari bang makita ang kakayahan ninyo sa paggamit ng salamangka?" Tanong pa nito at wala ni isa ang sumagot dito. "Hindi kaila sa lahat na hindi gumagamit ng salamangka ang mga taga silangang hangganan dahil wala namang bisa ito doon. Ngunit kayo, nais niyong ihatid ang prinsipe sa kabahayan ng Hari, ibig sabihin lang nito ay may sapat kayong salamangka upang makapasok sa tarangkahan ng Paldreko."
"Wala pa ni isa sa amin ang nakarating na sa Paldreko kaya wala kaming alam sa sinasabi mo. Maaari bang ipaliwanag ninyo ginoong tagapagsilbe?" Si Aya naman.
"Hindi lahat ng mga salamamngkero ay maaaring makapasok ng Paldreko, tanging yung mga magagaling lamang. Papaano pa kaya ang walang alam sa salamangka?" Sagot ng totoong prinsipe.
"Alam mo ba ito?" Pabulong na tanong ni Aya sa katabing ginoong walang pangalan.
"Hindi eh." Pabulong din namang sagot nito.
"Kung ganoon ay hinihiling ko sa prinsipe na turuan tayo sa paggamit ng salamangka ng masiguro ang kanyang kaligtasan." Sa pagkakataong iyon ay hindi na lamang iyon bulong kundi malakas na wika ni Aya kahit pa na katabi lamang ang nagpapanggap na prinsipe.
"Ikinalulungkot kong sabihin ngunit hindi lahat ng nais makapag-aral ng salamangka ay maaaring matuto. Maramihan pa naman sa mga taga silangang hangganan ay sadyang walang kakayahang matutong gumamit ng salamang kaya ngat minabuti ng kanilang mga ninuno na doon na lamang manirahan." Pahayag pa ng totoong prinsipe.
"Mawalang galang na tagapagsilbe ng prinsipe ngunit masyado naman yatang mababa ang tingin ninyo sa kakayahan naming sinadyang hindi matuto noon ng salamang sapaghindi naman namin kailangan iyon noon." Si Kalo ang nagsalita na animoy napipikon sa totoong prinsipe.
"Totoo ang ang sinasabi ng aking tagapagsilbe." Pagtatangol naman ng ginoo sa totoong prinsipe. "Ang sino mang nais mag-aaral ng salamangka ay kinakailangang bukas ang mida o kahit kalahati man lang nito."
"Kung ganoon po mahal na prinsipe, paaano namin malalaman kung bukas nga ba yang tinatawag na mida sa amin at ano nga po pala yun?" Naguguluhang tanong ni Kalo sa ginoo.
"Ang mida ay nasa loob ng ating katawan na pinanghuhugutan ng lakas upang makalikha ang isang nilalang ng salamangka." Si Aya na ang sumagot.
"Pinuno may alam ka?" Natutuwang wika ni Kalo sa kanyang pinuno dahil hindi niya akalaing may nalalaman ito.
"Tinuturuan ako ng heneral sa tuwing isinasama niya akong magtungo sa ibang bayang may salamangka ngunit alam ko sa sarili ko na mahina ang aking kakayahan dahil wala naman akong sapat na panahon upang matuto." Paliwanag ni Aya.
"At sa tingin niyo ba ay may sapat kayong panahon upang matuto ng salamangka?" Pagpapasating ng totoong prinsipe.
Hindi nagustuhan ni Aya kung paano sinibi iyon ng totoong prinsipe ngunit hindi naman siya pweding magalit dito at talagang sinikap niyang magpigil sa sarili.
"Tatling araw." Sabi ni Aya. "Tatlong araw lang ang hinihingi namin. Siguro naman ay mapagbibigyan kami ng prinsipe."
"Tatlong araw." Pag-uulit naman ng totoong prinsipe. "Bukas pagdating ng takip silim marahil ay makakarating na tayo sa labas ng punong lungsod. Tiyak na makakaagaw tayo ng pansin doon kaya ang tatlong araw na iyon ay kasama ang bukas."
"Bakit ba ikaw ang nagpapasya samantalang ang mahal na prinsipe naman ang pinapakiusapan namin?" May pagkainis na wika ni Kalo sa totoong prinsipe.
"Dahil nga ako ang tagapagsilbe ng prinsipe kaya alam ko kung ano ang pwedi at hindi para sa prinsipe." Agad namang sagot nito.
"Kung ganoon, pagkatapos nating kumain ay aalamin natin kung sino sa inyo ang may kakayahang makapag-aral ng salamangka." Wika na lamang ng ginoong nagpapanggap na prinsipe ng hindi na magpatuloy ang namumoong bangayan.
Tulad nga ng napag-usapan, matapos ang kainang iyon ay isa-isang lumapit sa ginoo at sa totoong prinsipe ang mga kawal upang matingnan kung bukas ang mida ng mga ito. Habang si Aya naman ay nasa tabi lamang ng kaibigan at pinagmamasdan ang ginagawa nito.
"Mataas na salamangka ang ginagamit upang makita ang mida ng isang nilalang kaya wag ka ng magtangkang pag-aralan ito ngayon." Pasaring ng totoong prinsipe kay Aya na ginagaya ang ginagawa ng kaibigan.
Kaagad namang itinigil ni Aya ang ginagawang panggagaya ngunit hindi na siya nagsalita pa sa totoong prinsipe at binigyan niya lamang ito ng masamang tingin.
"Gaya nga ng aking hinuha, wala ni isa sa mga kawal ang may bukas na mida." Pasaring na naman ng totoong prinsipe matapos matingnan lahat ng kawal. "Pinapagod niyo lamang ang prinsipe. Pinunong pangkat, baka naman pati ikaw ay sarado din ang mida at hindi ka naman talaga naturoan pa ng salamangka?"
"Sinasabi mo bang nagsisinungaling ako?" Balik tanong ni Aya dito habang ang pumapagitna naman sa kanila na nagpapanggap na prinsipe ay napabungtong hininga nalang.
"Hindi namin batid." Sagot ng totoong prinsipe.
"Ngayon pa lamang ay naaawa na ako babaeng mapapangasawa mo." Sabi naman ni Aya na biglang ikinatawa ng ginoong nagpapanggap.
"Ano namang kinalaman ng sinabi mo sa usapang ito?" Muling tanong ng prinsipe.
"Masyado PO kayong mapaghusga. Simula ng gumising ka ay wala ka ng ginawa kundi husgahan ang kakayahan naming mga kawal ng silangang hangganan imbis na sana ay magpasalamat ka't nagising ka patapos mahulog sa napakataas na bangin. Lahat ng nilalang ay may lakas at kahina, masyadong mataas ang tingin mo sa iyong sarili dahil sa iyong salamangka at katayuhan ngunit magagawa ka bang iligtas ng mga ito?"
"Oo." Maagap na sagot ng totoong prinsipe. "Hindi ba't dahil sa aking katayuan kaya mo ako iniligtas ng mahulog ako sa bangin? Kung wala ka namang kailangan sa akin ay tiyak na hahayaan mo na lamang akong mamatay."
"Tama na yan." Pag-awat sa kanila ng ginoong nagpapanggap.
"Mukhang sa unang pagkakataon ay pagsisisihan kong nagligtas ako ng isang nilalang." Yun na lamang sinabi ni Aya at lumayo na din siya sa dalawa.
"Huwag mag-alala, hindi siya nagsisinungaling at totoo ding may kaalaman siya ng kaunti sa paggamit ng salamangka, ano pa bang silbe at naging anak siya ng heneral." Pagpapatunay ng ginoo sa totoong prinsipe. "Wala naman talaga ako dapat na pakialam dito ngunit hito ako ngayon itinataya ang buhay para sayo, kung gagalitin mo pa ulit ang kaibigan ko ay sasabihin ko na sa kanya ang dahilan kung bakit isinara ang kalahati ng mida mo."
"Hindi mo gagawin iyon."
"Pagsinabi ko ay sinabi ko." Paninindigan ng ginoo.