3 years after...…
"Hoy! Tumigil ka!"
Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo
"Hoy! Aprhrodite pansinin naman mo ako!" sigaw sakin ni Janice
Dapat kasi ay sabay kaming papasok pero tinanghali siya ng gising kaya heto kami ngayon at hinahabol niya ako dahil mauuna na akong pumasok at maiiwan siya. Tumakbo ako palabas ng bahay saka nagmamadaling sumakay sa kotse. Kung hihintayin ko pa siya sa ay parehas kaming mahuhuli sa klase dahil mas mabagal pa sa pagong kung gumayak si Janice kaya mauuna na ako. Hahayaaan ko na lang siya mamayang sermonan ako dahil hindi ko siya hinintay kaysa malate ako sa aking klase. May short quiz pa naman sa first class ko kaya ayoko ding mahuli
Pagkarating ko sa Campus ay naghanap agad ako ng lugar na pwedeng pagparadahan ng sasakyan dito sa parking lot. Hindi naman nagtagal ay nakahanap din ako ng pwesto. Maaga pa naman kaya ay oras na pa ako para makapag review kahit papano. Bumaba ako ng kotse saka naglakad paalis sa parking habang may bitbit na folder na naglalaman ng mga paper works at research.
Hindi pa man nagtatagal ay may nakabunggo akong isang babae. Nalaglag ang ilang librong bitbit niya. Tinulungan kong siyang pulutin ito
"Sorry nagmamadali kasi ako. Sorry talaga" sunod sunod na paumanhin nito
Nahiya naman ako bigla. "Naku wala 'yon....." sinubukan kong tigan ay Id niya para makita ang kanyang pangalan
"Please call me Eurie, I'm Eurie Adler" pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay
Nakangiti ko naman itong inabot. "I'm Aphrodite Dela cruz, nice to meet you" sagot ko naman
"Kaylangan ko ng umalis sorry ulit" sabi nito bago nagmamadaling umalis
Habang tumatakbo ito palayo ay saka ko lang napansin na dito lang din siya nag aaral at mukhang taga ibang department nga lang. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang aking silid. Iilan pa lang ang estudyante sa room pagpasok ko. Pagdating ko ay dumiretso agad ako sa aking lamesa at naupo na sa upuan saka nagsimula nang mag review para sa short quiz para mamaya
Hindi naman ganon katagal at nagsimula nadin ang klase. Napahilot na lang ako sa aking sentido pagkatapos ng klase. Hindi ko alam kung bakit ko pinili ang medisina. Hindi ko alam kung bakit ito ang napili kong kurso. Hindi naman ganon kahirap pero sadyang marami lang ang dapat aralin maliit man o malaki. Nakalilito lalo na't hindi naman ako ganon kagaling nagsaulo ng mga bagay bagay
Pagtapos ng huling klase bago mag lunch ay lumabas na ako para magtungo sa cafeteria para kumain. Walang kibo na naglalakad ako papuntang cafeteria ng biglang may umakbay sakin.
"Mukhang stress ka nagmukha ka tuloy nanay"sabi nito
Napairap na lang ako. Boses pa lang ay kilala ko na. Ilang taon ko na silang kasama sa iisang bahay kaya bakit hindi ko sila makikilala. Hinarap ko siya
"Ah talaga ba? Hinyang hiyang naman ako sayo" sagot ko kay Luke
Nasa iisang department lang kami ni Luke dahil parehas kami ng kursong kinuha samantalang si Janice naman ay nasa Engineering department dahil Civil Engineering ang kursong kanyang kinuha
Hindi niya ako sinagot at sa halip ay tinawanan na lang ako. Pagdating sa cafeteria ay hindi naman kami nahirapang maghanap ng pwesto dahil iba iba ang schedule ng mga estudyante dito kaya hindi kami sabay sabay ng lunch break
"Anong gusto mong kainin?" tanong sakin ni Luke ng makahanp kami ng pwesto
"Kung ano yung sayo yun na lang din yung akin" sagot ko naman saka umupo na. Tinangunan niya naman ako bilang sagot saka nagtungo sa cashier para umorder ng pagkain
Nagulat ako ng biglang sumulpot si Janice sa sarap ko na hingal na hingal. Nahabol naman siya nang hininga bago humarap sakin
"G-gaga ka talaga bakit h-hindi mo ako hinintay kanina" hinihingal na sabi nito
Hindi ko siya sinagot at sa halip ay tinawana ko lang siya
"Hwag mo akong tawanan sasakalin kita" banta niya sakin pero hindi 'yon sapat para tumigil ako
Ipinaliwanag ko sa kanya na kaylangan kong umalis ng maaga dahil may short quiz kami sa first class at para makapag review narin ako kahit papano. Nagalit pa siya sakin dahil bakit hindi ko daw siya ginising. Sinabi ko naman na hindi ko na problema 'yon at matuto siyang siyang gumising ng maaga
Hindi naman nagtagal ay dumating naman si Luke na may bitbit na tray na naglalaman ng pagkain namin
"Nga pala, bakit ang aga mong nakapunta dito eh hindi naman tayo sabay ng lunch break" takang tanong ko kay Janice
"Wala yung professor sa last subject kaya maaga kaming nakalabas kaya tinext ko na lang si kuya kung nasan kayo " sagot naman niya saka sumubo
Tumango naman ako bilang sagot saka nagpatuloy narin sa pagkain. Pagkatapos naman naming kumain ay agad na nagpa alam na si Janice. Magkaiba kasi ay building ng Engineering sa Medicine kaya malayo layo pa ang lalakarin niya bago makarating sa builing nila. Maghihiwalay na sana kami ng daan ni Luke nang may maalala ako
"Luke" tawag ko sa kanya
Himinto naman siya sa paglalakad at hinarap ak. "Bakit?" tanong nito
"Pwede bang pakisabi na lang kay Tita na may pupuntahan lang ako at babalik din bago maghapunan" sabi ko
Kumunot ang kanyang noo at halata mong gustong magtanong pero hindi na niya tinuloy ang kanyang sasabihin at sa huli ay sige lang din ang sinagot niya. Ngumiti ako sa kanya habang siya naman ay ginulo ang buhok ko bago kami maghiwalay ng daan
Dumiretso ako sa aking locker para ilagay doon ang folder na bitbit ko simula kaminang umaga. Kinuha ko din ang labgown ko na nakalagay doon bago isara 'yon. Kaylangan naming pumunta sa Laboratory para mag examine ng specimen at gawan 'yon ng report bukas at pagkatapos non ay pwede na kaming umuwi dahil tapos na ang aming klase
Ilang oras ang lumipas ay natapos din kami sa aming ginagawa. Natapos ko na ang mga kailangan kong gawin kaya pwede na akong umuwi. Inalis ko ang suot kong labgown saka ibinalik 'yon sa aking locker. Kinuha ko ulit ang folder na naglalaman ng paper works at research saka naglakad palabas ng builing
Sumakay agad ako sa kotse pagkarating ko sa parking lot. Tulad nang sinabi ko kanina ay hindi muna ako uuwi agad at babalik na lang bago maghapunan kaya ibang daan ang aking tinahak. Kahit na ilang oras ang byahe papunta doon ay tumuloy parin ako. Hindi naman unang beses na ginawa ko ito kaya medyo sanay narin ako.
Habang nasa byahe ay napaisip ako. Patuloy parin akong bumabalik dito dahil umaasa ako na isang araw ay babalik ka. Simula ng lumipat ako sa bahay nila Tita ay hindi ako nakipag kilala sa ibang lalaki ay hanggang maaari ay iniiwasan ko ang makisalamuha sa iba maliban sa mga pinsan ko. Natatakot ako na kapag ginawa ko 'yon ay iiwan niyo lang ulit ako na mag isa. Natatakot na akong sumubok ulit
Ilang tao na ang lumipas pero araw araw parin kitang iniisip. Pero sa ilang taon na 'yon ay may natutunan ako.
Hindi ibig sabihin na kapag may umalis sa kwento ay hihinto ka na dahil sa mundong gimagalawan mo ay walang kasiguraduhan. Hindi lahat ay permanente. May dadating at may kaylanagang umalis. Dadating yung panahon na kaylangan mong tumayo sa pagkakadapa at ipagpatuloy ang istorya na mag isa. Hindi ko naiwang hindi mapangiti
Makalipas ang ilang oras ay nakarating din ako sa aking pupuntahan. Ipinarada ko ang kotse sa harap ng building kung saan ako dati tumutuloy. Grabe ang dami na palang nabago.
Hindi ko inakala na babalik at babalik parin pala ako dito. Ang hirap kasing iwan ng nasimulan mo pero ganon talaga ang buhay. Kaylangan mong umabante para magpatuloy dahil nandito ako at nabubuhay sa reyalidad. Siguro hanggang ala ala ko na alng ang luagr kung saan naging masaya ako, lugar kung saan hindi ko naramdaman na mag isa ako, lugar kung saan ako tumatakbo tuwing may problema ako, lugar na ilang beses kong iniyakan. Lugar kung saan ko siya nakilala
Tumanda na ang lahat pati ako pero yung mga ala ala ay nandito parin at habang buhay mananatili sa puso ko.
Hahakbang na sana akopapasok sa loob ng may mapnsin akong lalaki na naka tayo sa harap ng pinto. Nakatalikod ito sakin kaya hindi ko makita anag maayos ang kanyang mukha. Simple lang ang kanyang suot. Naka maong jeans at shirt lang siya. Naglakad ako palapit sa kanya
"Excuse me Sir, ano pong kaylangan nila?" magalang na tanong ko paglapit ko sa kanya
Humarap siya sakin saka nginitian ako. "Wala naman napadaan lang ako"
Unti unting nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sa hindi malamang dahilan ay nag una unahang tumulo ang aking mga luha. Napatakip ako sa aking bibig dahil sa gulat
That smile. It's been a while since I saw that
Napahagulgol na lang ako. Ilang taon kitang hinintay pero wala paring nangyayari kaya akala ko hindi ka na babalik pero nagkakamali pala ako. Hindi ko alam kung paano nangyaring nasa harap kita ngayon. Nahalo halo na ang emosyon ko kaya hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman
Nagulat siya ng makita bigla na lang akong umiyak
"Miss, ayos ka lang ba?" tanong niya
Hindi ko siya sinagot at agad siyang niyakap ng mahigpit. Akala ko habang buhay ko na siyang hindi makikita. Hindi ko inaasahan na ngayon kita makikita. Hindi ko alam kung pano ka nakabalik pero masaya ako
"Felix" banggit ko sa pangalan niya habang hindi matigil ang aking paghagulgol
Kumunot ang noo ko ng mabilis na humiwalay siya sakin
"Pasensya na pero sino po sila?"
--END--
It's been a while guys! How are you?
I just want to say that thank you so much for appreciating and reading this work of mine. We've come so far and reached the ending of the story but I didn't have the chance to say this because of some personal matter. I know that I'm not active here for years now and writing this all of a sudden is kinda awkward for me but I just want to ask you guys if you like some side story of Ekbasis. Hehe. Just comment if you like so I can know.
Again, thank you so much for everything! I'll do my best. I love you all!