EKBASIS (Tagalog)
Malakas ang buhos ng ulan kasabay ang pagkulog at pagkidlat. Malamig na gabi at madilim na kalangitan. Sa gitna nang malakas na buhos nang ulan ay makikita ang isang kotse na bumabwahe kahit delikado at hating gabi na. Sakay nito sa loob ang isang babae at isang lalaki. Kahit madulas ang kalsada dulot nang malakas na pag ulan ay mas pinili nilang bumyahe para makauwi kapalit nang kanilang kaligtasan. Hindi lingid sa kanilang kaalaman na hindi na gumagana ang preno nang kanilang sasakyan. Nawalan nang kontrol ang kotse na kanilang sinasakyan dahilan kung bakit ito bumangga sa poste sa gilid nang kalsada. Sa lakas nang pagkakabangga ay nayupi ang harapang bahagi nang sasakyan. Duguan at walang malay ang mga sakay nito. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay ito pala ang magdudulot nang kanilang pagkamatay. Eto pala ang kikitil sa kanilang buhay. Ang aksidenteng pala ‘yon ang magiging sanhi kung bakit sila binawian nang buhay
Sa kabilang banda naman, dahil sa wagas na pagmamahalan nang mag asawa ay nagbunga ito at nabuo ang isang batang babae na nagngangalang Aphrodite. The goddess of Love. Sa murang edad ay nawalan siya nang magulang. Walang kamalay malay ang kawawang bata na hindi na niya kaylan man makikita ulit ang kanyang magulang. Dahil sa murang edad ay napagpasyahan siyang kupkopin nang kanyang Tiyahin. Binihisan, pinakain at pinatira siya nito sa apartment na pag mamay ari nag kanyang tiyahin
Lumipas ang ilang taon at lumaki si Aphrodite nang mag isa, walang karamay at walang umaalalay sa kanya. Natutunan niyang mamuhay nang mag isa at hindi humihingi nang tulong sa kahit sino
Sa likod nang apartment na kanyang tinutuluyan ay may mataas at lumang pader doon. Mapapadpad si Aphrodite sa likod na bahagi nang apartment at aksidentang makikita ang maliit na butas sa lumang pader. Dahil sa kuryosodad ay papasok siya doon ngunit hindi niya alam na sa likod nang mataas na pader na naghahati sa dalawang lugar ay bubungad sa kanya ang kakahuyan. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating nito ang dulong bahagi nang kakahuyan at sasalubong sa kanya ang isang malawak na lupain. Nagmistulang isa itong paraiso dahil sa natural na ganda nang lugar. Nagkalat ang iba’t ibang klase nang bulalak sa paligid at ang mga libo libong paru paro na lumilipad sa ere
Pero hindi doon nagtatapos ang lahat. Laking gulat niyang nang may makitang isang misteryosong pinto sa gitna nang lupain. Laking pagtataka niya dahil hindi niya alam kung paano ‘yon napunta doon
Walang nakakaalam na ang pinto na ‘yon ay ang magiging daan patungo sa lugar kung saan lahat ay mahiwaga. Lugar kung saan lahat ay nababalot nang mahika. Lugar kung saan walang limitasyon at diskriminasyon. Lugar kung saan lahat naga imposible ay magiging posible. Lugar kung saan hindi pa nararating ng kahit na sino. Lugar kung saan hindi pa nadidiskubre nang tao. Lugar kung saan malayo kumpara sa ordinaryo para itago sa buong mundo at mananatili na lamang na sikreto
Nakakatawa man pakinggan pero kaylangan mong paniwalaan
Lahat ay magbabago matapos mong makapasok sa natatagong mundo
Buksan ang mga mata
Gamitin ang isip at tainga
Ngayon tatanungin kita…….
“Gusto mo bang sumama?”
glitterr_fairy · Fantaisie