"No way!" sabi ni Yesha bago muling humarap sa computer upang iiwas ang tingin sa kausap na si Kalix na nakaupo sa sulok ng kama niya. Kung kaninang umaga, wala na siyang nagawa nang ipakilala siyang girlfriend ni Ken sa Mommy at mga Tita nito, ngayon ay hinding-hindi na siya papayag na maulit iyon kahit ano pang pakiusap ang gawin ni Kalix sa kanya.
Pagkatapos siyang paibabawan ni Ken kanina at nakawan ng halik?! Aba, sumosobra ba yata ang pabor na nangyayari sa karibal niya.
"Yesha, please, ngayon lang ito. I mean, saglit lang habang nandito lang siya sa Pilipinas.
"Alam mo ba ang pinapagawa mo sa akin, Kalix? Gusto mo akong magpanggap na girlfriend ni Ken?! Gosh!"
Napapikit na lang si Yesha nang maalala na naman ang eksena nila ni Ken bago dumating ang mommy at mga tita nito. Hindi niya alam kung saan siya naiinis. Dahil ba ninakaw nito ang unang halik sa mga labi niya na dapat ay para kay Kalix o dahil hindi man lang siya nakapagmumog bago magdikit ang mga labi nila kanina?
"Bet mo talaga siya, 'no?" tanong ni Yesha kay Kalix.
"Slight. Ang hot kasi niya. Na-watch mo naman ang videos na ina-upload niya na umaabot ng hundred thousand ang views ang likes. Ilang TV networks na ang gume-getlak sa kanyang mga artista o singer pero deadmakels lang siya. Mas bet niya raw kasi ang tahimik na buhay." paliwanag ni Kalix. Nagge-gay lingo lang ito kapag silang dalawa lang ang magkasama. "Kaya please, gora ka na."
"Kalix, you know that I don't like him."
"Yesha...."
Napalunok siya nang ikutin ng kababata ang inuupuan niyang swivel chair at lumuhod ito sa harap niya. Hinahawakan pa nito ang mga kamay niya bago tumitig sa mga mata niya.
"Pwede bang gawin mo 'yon para sa akin?" buong-buo na ulit ang boses nito na sinumang makarinig ay hindi aakalaing beki ang kababata niya. Alam na alam talaga ni Kalix ang kahinaan niya. "Pleaseeee?"
Napatingin siya sa mga kamay nitong nakahawak pa rin sa mga kamay niya bago muling sinalubong ang nakikiusap nitong mga mata. Sa kauna-unahang pagkakataon yata sa buhay niya ay matatanggihan niya si Kalix. "Sorry, Kalix, but it's really a big no."
"You look gorgeous. Kamukhang-kamukha kita noong twenty-one years old ako."
Kahit si Yesha ay namangha sa sariling hitsura na nakita sa kaharap na salamin. Ngayon lang ulit siya nakapag-ayos ng gano'n. Nakapusod nang mataas ang buhok niya na bahagyang kinulot ang dulo. May tamang kolorete sa mukha, nakasuot ng kulay light blue na cocktail dress na hindi lalampas sa tuhod ang haba at tinernuhan ng kumikislap na kulay silver na sapatos na may tatlong pulgada ang taas ng takong. Ang lahat ng suot niya ngayon ay binili ni Ken para sa kanya. Dahil a-attend sila sa birthday party ng lola nito.
Oo, hindi niya na rin natiis si Kalix at pumayag siyang muling magpanggap na girlfriend ni Ken sa gabing ito. Birthday celebration kasi ng lola ng karibal niya at kailangan nito ng display girlfriend para sa gabing ito.
"Kasama ba ninyo 'yong kaibigan ni Kalix? Si Ken ba 'yon?"
"Si Ken, 'Ma? Yes, bakit mo natanong?" kinakabahang pagbabalik-tanong niya. Maaari kayang nakahalata ito na hindi naman talaga si Kalix ang ka-date niya ngayong gabi?
"Wala naman. Naisip ko lang na kahit paano ay mabuti na 'yong may lalaki kayong kasama. Saka magaan ang loob ko sa batang iyon."
"Mama, lalaki rin naman si Kalix." natatawang sabi niya.
"I mean, 'yong totoong lalaki, anak. Hindi naman sa wala akong tiwala na hindi ka kayang ipagtanggol ni Kalix sa mga masamang taong nagkalat sa labas pero iba pa rin 'yong may tunay na lalaking kasama."
"Hindi ko ma-gets, Mama. Hindi mo ba naamoy na beki rin si Ken kagaya ni Kalix?"
Hindi naman talaga halatang beki si Ken. Kung ikukumpara niya kasi ito kay Kalix ay mas mukha itong totoong lalaki. Gusto niya tuloy idugtong na, 'BAKA NGA MAGING KAAGAW KO PA SIYA KAY KALIX.'
"Hindi beki si Ken, Yesha. I can feel na hindi siya kagaya ni Kalix," sabi ni Mommy Hara.
"Anak, nasa sala na si Kalix," sabi ni Daddy Rei niya na kumakatok sa pinto.
"Anyway, i think we should go na at hinihintay na ako ng ka-date ko sa baba."
Nakangiti naman siyang tumango sa sinabi ng mama niya kasunod ang paglalakad palabas ng kwarto.
"Hi, Kalix."
Napalingon si Kalix kay Yesha. Kapansin-pansin ang paghagod ng tingin nito mula ulo hanggang paa ng kababata bago napalunok. Minsan, napapaisip ito kung bakit hindi nito magawang ma-in love kay Yesha noon. Muli itong napalunok bago naramdaman ang kakaibang tibok na ginagawa ng puso dahil sa kaharap na kababata. Sobrang ganda ni Yesha sa gabing ito. Para tuloy nais nitong hindi na ibigay ang kababata kay Ken at silang dalawa na lamang ang mag date.
"Wow!" manghang sabi ni Kalix nang tuluyan nang makababa si Yesha. Nakasuot din ito ng formal na damit dahil ang paalam nila sa birthday party ng dati nitong kaklase ang lakad nila.
"So, what do you think?" nakangiting tanong niya habang kinikilig sa iniisip na nagagandahan sa kanya ang kababata.
"You look awsome—I mean gorgeous, Yesha!"
Lalo siyang napangiti sa sinabing 'yon ni Kalix. "Let's go?"
Nagpaalam na sila kina Mama Hara at Daddy Rei bago lumabas ng bahay.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
follow niyo ako sa IG (kaneza.kenlet) ko for more novels to come :)... and pati na rin sa fb ko (kaneza kenlet) for updates.... thank u guys for reading this novel... alam kung hindi pa dito nagtatapos ang lahat nagsisimula pa lang tayo... first time kung gumawa nang ganito sana magustuhan niyo at sana suportahan niyo rin.... thank you again, guys. :)