Samantala, sa isang coffee shop huminto ang kotseng sinasakyan nila. Nadismaya naman si Yesha nang hindi maabutan doon ang kotse ni Ken.
"So, nagpa-parlor pa siya?!" kunwa'y sabi niya.
"He's here," tugon naman ni Kalix nang marating ang paparating na kulay puti at napakagarang kotse. Pagkatapos, agad itong bumaba sa sariling sasakyan para sana salubungin ang taong nakasakay roon.
Hindi malaman ni Yesha kung bakit parang nag-slow motion ang lahat nang huminto na ang kotseng tinutukoy ni Kalix at bumukas ang pinto kasunod ang pagbaba ni Ken. Nakasuot ito ng puting amerikana at itim na bow tie. Kung bakit kasi ang lakas-lakas ng dating sa kanya ni Ken lalo sa ayos nito ngayon. Para bang nawala ang lahat ng kabaklaan nito sa katawan.
Pero bago pa siya mahuling nakatitig, agad na niyang iniwas ang tingin. Ramdam na niya kasi ang muling pag-init ng mga pisngi niya.
"Bro," bati ni Kalix kay Ken at kinamayan ito. "Here's my gorgeous best friend." Pinababa na nito si Yesha sa kotse.
Hindi rin malaman ni Ken kung saan nanggaling ang kaba na biglang bumalot sa dibdib nang makaharap na niya si Yesha. Naisip kasi nitong bagay na bagay sa dalaga ang mga biniling damit at sapatos.
"Bro, baka pasukan na ng langaw ang bibig mo," natatawang puna ni Kalix.
Nagagandahan sa aking ang beking ito?!
Panigilan niya ang sariling mapangiti nang mapansin din ang pagkamangha sa mga mata ni Ken.
"I think we should go now," biglang sabi ni Ken.
Binuksan na nito ang pinto ng sariling kotse para kay Yesha
"Thank you," sabi niya bago pumasok sa loob.
At bago pa niya naiayos ang seat belt ay nakakilos na ulit si Ken upang ayusin 'yon para sa kanya. Ngunit nang maikabit na nito ay hindi kaagad ito umalis sa harap niya. Halos kalahating dangkal na lang ang layo ng mukha nila sa isat-isa. Iniiwas na lang niya ang tingin sa mga labi nito at pinilit na hindi mahalatang napalunok siya nang maalala ang nangyari sa condo nito. Naiinis na naman siya sa mga titig nito. Hindi!, parang kinikilig siya. Pero bakit?
"Basta five years na tayong magkakilala at four years na tayo magka-relasyon. Pagkatapos, sa Kuwait 'yon nangyari. Sa isang coffee shop do'n para medyo romantic and do'n nag-start ang lahat. That's the thing na dapat hindi mo makakalimutan. "
Pinaikot na ni Yesha ang kanyang mga mata. Ilang beses na kasi niyang inuulit-ulit 'yon.
"Whatever. Kailangan ba talagang ulit-ulitin?! Kung hindi lang talaga dahil kay Kalix, hindi sana ako natutulili sa mga sinasabi mo riyan."
Napaismid naman si Ken sa narinig mula sa kanya." Gaano ka na ba katagal na in love kay Kalix?"
"Why the hell you care?"
" You know what? Sobrang swerte talaga ni Kalix at may isang Yesha siya sa buhay niya."
Hindi niya na alam kung pang-aasar ba ang pagkakasabi na 'yon ni Ken lalo na nang malingunan niya itong may kakaibang ngiti sa mga labi. Mabuti na lang at sumaktong huminto na ang kotse.
Pero magkahalong kaba at pagkamangha na ang naramdaman niya nang makita ang pagdarausan ng 80th birthday ng lola ni Ken. Alam niyang sa hotel 'yon magaganap pero hindi naman nabanggit ni Ken na sa isang pinakamahal at kilalang hotel dito sa Tagaytay gaganapin.
"We're here," sabi ni Ken nang maiparada na nang maayos ang kotse. Bumaba na rin ito upang pagbuksan siya ng pinto. Pagkatapos inilahad nito ang kamay.
Napalunok si Yesha bago inabot ang kamay ni Ken. Hindi na siya tumanggi pa na kumapit sa bisig nito. Iniwas pa niya ang tingin nang hawakan ng isang kamay ni Ken ang kamay niyang nakakapit sa bisig nito. Pakiramdam niya ay pagpapawisan na ang kilikili niya anumang oras sa sobrang kabang nararamdaman niya. Bakit ba hindi sinabi sa kanya ni Ken na sobrang sosyal pala ng birthday party ng lola niyo?
Sinalubong sila ng isang gwapong attendant paglapit nila sa mataas at malaking pinto. "Good evening, Sir, may i see your invitation card?"
"I'm Ken Refariz."
"Oh, im sorry, Sir. Hindi ko po kayo nakilala. Pasok po kayo and enjoy the party," sagot ng attendant.
Muli siyang napalunok habang inililibot ang paningin sa buong paligid. Pakiramdam niya, may mali sa suot niya. Masyado yatang maiksi ang gown na napili para sa kanya ni Ken. Pero parang 'yong sapatos niya yata ang mali. Medyo mataas yata para sa kanya.
"Hey, don't be so nervous," nakangiting lingon ni Ken sa kanya.
"Of course, I'm not!" mariing tanggi niya.
Halatang nagpigil naman ng tawa si Ken.
"Kaunti na lang siguro, pwede ko nang pigain ang manggas ng tuxedo ko dahil sa pawis ng kamay mo."
Tatanggalin sana niya ang kamay sa bisig ni Ken pero mabilis siyang napigilan nito. Hinawakan siya nito nang mahigpit. Pinagpapawisan lang naman ang mga kamay niya kapag sobrang kinakabahan siya kagaya ngayon.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
follow niyo ako sa IG (kaneza.kenlet) ko for more novels to come :)... and pati na rin sa fb ko (kaneza kenlet) for updates.... thank u guys for reading this novel... alam kung hindi pa dito nagtatapos ang lahat nagsisimula pa lang tayo... first time kung gumawa nang ganito sana magustuhan niyo at sana suportahan niyo rin.... thank you again, guys. :)