Naimagine ko pang parang may namuong kidlat sa tagisan ng titig nila Phelan at Friedan. Unang bumitaw si Phelan na tinapunan ako ng nanlilisik na tingin bago tuluyang lumabas ng kwarto. Hindi tinantanan ng nakakatakot na si Friedan ang papalayong si Phelan. Saka lang ito pumasok nang tuluyan nang nawala sa paningin niya ang lalaki.
Knowing Astrid, his electrocuting stare has never been defeated by anyone mortal. He is the scariest person I know lalo na pagdating sa pagiging overprotective nito saakin. Isinunod akong tinapunan ng nang-uusig na tingin ng lalaki. I have expected him to do that. His condemning look which requires an explanation without him having to ask for it.
"Schoolmate ko si Phelan Vargas. His family owns this hospital," kako na hindi siya tinitignan. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili bago tuluyang makatingin sa kanya ng diretso. My face and gesture has to be well composed to make myself more believable; but I doubt Friedan would buy it.
Inilapag nito ang hawak na isang basket ng assorted fruits na hindi pa natatanggal ang wrapper saka sumandal sa may window frame na malapit sa lamesa na. "The guy you dated?"
"We never dated." mapakla kong sagot. Totoo namang hindi pa kami nagdi-date ni Phelan at kailanman hindi mangyayari 'yon. Yes we kissed. Correction, it was not mutual. He kissed me but I did not kiss him back. He dislikes me and I imprecate him to death.
"You never dated but you were together last time at Ara's house?" Here goes Friedan a.k.a Astrid again being to snoopy. By the looks of it, the usual way he does, he doesn't believe me that's why he's asking more than what is required. He is my guardian and legally my foster brother but he doesn't need to know everything about anything. "So you dated. You like him?"
Isinara ko ang aking mga mata. This guy is impulsive and driven by his own beliefs. Wala na akong balak na kontrahin ang sinasabi nito. As far as I can remember, hindi pa ako nananalo o nakakalusot sa anumang argument o debate sa pagitan namin. Silence is my best weapon for now.
Friedan smirked as if he realized his going beyond the line. Naglakad ito patungo sa dulo ng silid. Pasimple nitong hinila ang drawer ng cabinet na naroon. I made faces while his busy -his back facing me. Para akong batang gumaganti ng palihim at dinuro-duro siya habang nakatalikod. Hindi ko inasahan ang mabilis niyang pagharap saakin kaya nahuli niya akong naka-dila at nakaduling ang mga mata habang nakasungay ang mga kamay ko sa ulo na parang bata.
"What are you doing?" nakakunot noo nitong tanong. Salubong ang mga kilay niya at kunot ang noo.
"I'm... Ahh, w-wala. Sumasayaw ako!"
Napailing-iling ito palapit sa kinahihigaan ko. Akala ko'y sesermonan na naman ako nito nang bigla niyang inilabas ang kamay mula sa kanyang likuran. Hawak nito ang maliit na koronang may pulang bato. Isang urion crown! It is his surprise.
I suddenly felt the tears jerking through my eyes. Hindi ko alam kung anong unang sasabihin habang nakatitig sa pulang koronang nakapatong sa kaliwang palad ni Friedan. Hindi ko makapa ang hangin sa aking dibdib sa sobrang gulat at galak. I have the ruby crown! Finally!
"Finally agent Kiera slash Lucy. This is it!" I saw his lips parted and put a smile on his face. The genuine smile I seldom see day-to-day. I have never seen him this proud.
"B-but I thought I failed. K-kasi hindi ako nakoronahan sa mismong event?"
Inabot nito ang kamay ko. Saka isinuot ang maliit na korona sa aking braso. Naramdaman ko ang pagkagat ng lamig at tigas ng pulang korona sa aking braso. Isa na akong ganap na crowned urion!
"You were crowned while asleep. Vega hit your back kaya ka nawalan ng malay. Nagrason siyang may maricopa harvest ant sa likod mo kaya napalakas ang hampas niya. Everyone in the legion know how venomous the harvester ant can be so Vega made a valid excuse of hitting you. But whatever it is, Vega has her reasons. Umayon ang pagsapak sayo ni Vega sa dapat sanang mangyayari sa'yo. It could have been worse," napatingin ito sa may bintana at tila nag-isip ng malalim. Nagpatuloy ito, "That's why the rest of the pillars suggested to bring you here kahit na hindi dapat because they thought the venom might kill you. No one on LOU has the antidote to the venom. So probably Vega is up to something. She's always good at playing mysterious."
Napahawak ako sa koronang nasa aking kaliwang bisig. Nakamasid lang si Friedan habang seryoso akong nakatitig sa kawalan. "Vega might have known what's going to happen kaya niya ako inunahan. Do you think Vega is the enemy?"
"Anyone can be an enemy, Kiera. Do not trust their words and even their actions."
Nagdududa man ako sa ginawa ni Vega, parang nakuha ko naman ang ibig sabihin ni Friedan. Tumango-tango ako bago muling tinanong ang lalaki. "What about Rumina and Kelvin?"
"Rumina has the Crystal crown and Kelvin was crowned with the Topaz. You're the 80th, Kelvin's the 81st and Rumina is the 82nd. The three of you will be the 11th gem squad." usal pa ng lalaki na abala na sa pagbabalat ng mansanas gamit ang kanyang vintage swiss knife sabay napaupo sa gilid ng kamang hinihigaan ko.
11th gem squad? Sa pagkakaaalam ko sampo ang existing squad sa LOU. Lhat ng mga iyon ay nasa third layer o mga gem crowned bearer kung saan kami napapabilang. Nasa squad ang mga kagaya naming baguhan dahil naniniwala ang organisasyon na hindi pa kakayanin ng mga nasa ikatlong hanay na mag-isang humarap sa isang misyon. Tanging ang mga pillars o first layer at second layer urion ang pwedeng magsagawa ng misyon na mag-isa. Kakailanganin lang nila ang tulong ng iba pang urions na karaniwan ay mga squad members kapag masyado nang kumplikado ang haharapin. Kadalasan, mga madadaling misyon ang binibigay sa mga squad -mga pangbaguhan.
Ang unang limang squad ay binubuo ng tig-anim na miyembro. Pinakamaraming miyembrong posible sa isang squad. Ang ika-anim hanggang ikasiyam na squad naman ay may apat na miyembro. May tatlong miyembro ang ikasampong miyembro na pawang mga baguhan lang din. Kakahirang lang na mga crowned urions ang ika 77th, 78th at 79th noong nakaraang taon. At kami nga nina Kelvin at Rumina ang paglabing isang squad.
"Nakaisip ka na ba ng pangalan ng squad niyo?" seryosong tanong ni Astrid na sinubuan ako ng maliit na hiwa ng mansanas na kanina'y binabalatan niya. Umiwas ito ng tingin nang makagat ko na ang mansanas.
Namula ako sa gesture niyang 'yon. Hindi naman niya kailangang gawin 'yon. Hindi ko naikubli ang pamumula ng mga pisngi ko. Nahalata siguro nito ang nangyayari sa mukha ko pero ipinagsawalang bahala niya. "Hindi ko pa alam kung anong ipapangalan sa squad. Kailangan ko pang tanungin sina Kelvin at Rumina."
"Better come up with something new and unique. The pillars are expecting a lot from you."
"Well that puts pressure on us. Kailan daw ba ilalabas ang unang misyon namin?"
Napatayo ang lalaki mula sa pagkakaupo sa gilid ng aking kama. Tumanaw ito sa bintana at pinagmasdan marahil ang tanawing naroon. Bumuntong hininga ito saka nagsalita, "August 23, two weeks from now."
Natigilan ako at napalunok sa narinig mula kay Friedan. Birthday ko ang araw na 'yon ah? Hindi ba naalala ng lalaki ang kaarawan ko? Sasabak ako sa isang misyon on my birthday? Ang akala ko ba'y magcecelebrate ako ng debut ko sa araw mismong iyon? I remember him promising to be my escort on that day. Alam kong mga bata pa kami noong pinag-usapan 'yon pero mahalaga 'yong pangako niya saakin. Hindi ba niya naipaglaban sa LOU na ibahin ang araw ng misyon? Nakalimutan na yata niya na kaarawan ko mismo ang araw na 'yon. "S-seriously?"
Bahagya ako nitong nilingon saka muling bumaling sa labas, "Yes Kiera. The organization won't schedule your mission on that date for nothing. You have your first target. It's encrypted on the ruby crown."
"I, I mean..." nauutal ako. Hindi ko alam kung paano magrarason. Nagdalawang isip akong sabihin sa kanya na birthday ko ang araw na 'yon. Hindi lang birthday ko kundi debut ko at tutuparin niya ang pangako niyang magiging escort ko. How could he be so insensitive? Wala ba akong halaga sa kanya para hindi niya maalala na kaarawan ko ang araw na 'yon? "The date is fixed right?"
"It is. This is your first mission as agent Lucy so don't mess up," 'yon lang ang nasabi niya saka inilapag sa isang platito ang binalatang mansanas. Hindi na ito umimik at diretsong tinungo ang pintuan.
He's gone.
I was left alone. Hurting. And about to cry.
Biglang bumigat ang dibdib ko. Naipon iyon hanggang sa nag-umapaw na ang sama ng loob ko patungo sa gilid ng mga mata ko. Maiiyak na naman ako ng di oras. Patulo na ang naipong luha sa mga mata ko nang biglang bumukas ang pintuan. Bumungad saakin ang isang bulto ng lalaking natatabingan ng makapal na tela ang mukha. The last surprise fon Friedan was hurtful and yet here's another. A mysterious one. Ang misteryosong 11th.
"Zilla?" gulat kong tawag.
Tumango ito bilang pagtugon sa tawag ko. Bigla akong napaisip. Ano ang ginagawa ng ikalabing-isa sa kwarto ko? Ano ang pakay niya? Sigurado akong hindi na lang basta-basta ang pagpapakita nito. May mabigat na dahilan ang lalaki kaya ako nito sinadya.
###