"Anong kailangan mo Z-zilla?" taka kong tanong. Labis ang pagtataka ko kung bakit bigla na namang nagpakita si Zilla. He seldom appears unless I am in trouble.
Wait, am I in trouble? Bigla kong natanong ang sarili dahilan para kumunot ang noo ko kung may nakaambang panganib. Sa pagkakatanda ko, simula nang kupkopin ako ni Dr. Roberts nagsimula ang pagpapakita ni Zilla. Una niya akong iniligtas noong kamuntikan na akong malunod sa dagat. Kasunod no'n ay nang ma-stuck ako sa elevator ng school noong nasa fifth grade ako. Nasundan pa iyon ng ilang mga aksidente at biglaang pagsulpot ng 11th sa tuwing nanganganib ang buhay ko.
Ipinagpalagay kong ang pagliligtas nito saakin ay bahagi ng misyong nakaukit sa hawak niyang crown at kaya nandito ito ngayon ay dahil may nakaambang panganib. Nanatiling nakatitig ito saakin habang ako nama'y nakatingin lang din sa kanya. Halos hindi marinig ang paghakbang niya nang lapitan ako't ilatag paharap ang kanyang palad. "Kiera, give me the ruby crown," mahina nitong sabi. Sa tono ng pananalita nito, batid ko ang pagmamadali niyang makita ang korona.
Nagdalawang isip ako. Mahigpit na ipinagbabawal ng code of light ng LOU ang ipakita ang mga nakaukit na salita sa korona. Pero si Zilla mismo ang humihinga ng ruby crown, ang taong nagligtas sa buhay ko ng maraming beses. Naisip kong baka bahagi ng misyon niyang alamin ang mga nasa listahan ng hawak kong korona para masiguro niyang ligtas ako at malaman niya ang mga lakad ko.
"Are you sure Zilla?" taka ko paring tanong dito. Pero bago ko pa man tanungin 'yon, nakapagdesisyon na akong ibigay sa kanya ang korona. I have a few trusted urion in LOU -Zilla is one of them. Alam kong dapat ko siyang pagkatiwalaan.
Tumango ito. Kahit na mga mata lang niya ang natatanaw ko sa natatakpan niyang mukha, natatanaw ko ang katapatan nito.
Ipinatong ko ang maliit na korona sa kanyang palad. Bahagya niyang pinihit ang bilugang metal na tinadtad sa batong ruby upang matanaw ang mga salitang nakaukit doon. Ilang segundo lang niyang pinasadahan ang likurang bahagi ng ruby crown saka niya maingat na ibinalik saakin.
Biglang bumukas ang pintuan dahilan para maalarma ako. Nang tanawin ko si Zilla ay wala na ito sa harap ko. Ganoon siya kabilis. Mas malala pa sa naglalahong parang bula kaya tinawag siyang The Shadow. Mabuti na lang, naisaloob ko.
Si Friedan ang dumating. Pumasok ito na may hawak na mga papeles. Seryoso parin ang tingin nito. Wala naman talagang magbabago sa itsura niya. Madalang itong ngumiti at bibihirang nakitang tumawa. Ayon nga kay Ara, mataas ang presyo ng ngiti ng isang Friedan Roberts. I couldn't agree more. Maski ako man ay hindi siya kayang pangitiin o patawanin.
"You're ready for discharge," sambit nito habang inaayos ang mga hawak na papel sa kanyang suitcase, "the car will be here in a few minutes kaya kailangan mo nang magbihis."
Bumangon ako sa kama. Dapat nga eh kanina pa ako dinischarge dahil wala naman akong nararamdamang sakit. Parang nagising lang ako sa isang malalim na tulog. Hindi ko alam kung paano nalusutan ni Friedan ang mga doktor sa maaaring matuklasan ng mga ito saakin. Marahil ay isa na namang crowned ang naging katuwang ng lalaki para maitago ang diagnosis na hindi maaaring malaman ng mga pangkaraniwang tao kung sakali mang dumaan ako sa check up.
"Kiera? Hindi ka ba magbibihis?" nakataas na ang isang kilay ng lalaki nang balikan ako at makitang nakatunganga lang habang nakaupo sa gilid ng kama.
Umiwas ako ng tingin. I just couldn't stare at him straight lalo na't pinagbibihis niya ako habang nasa loob siya ng silid. For almost twelve years na magkasama kami sa iisang bubong, hindi ko siya hinayaang pumasok sa kwarto ko at ganoon din siya even when I was little. Matagal na kaming may ilangan kahit na sa mata ng iba lalo na kay Doctor Roberts ay magkapatid kami. We never treated each other as siblings. We were strangers until now.
"I need the room," kaagad kong sinabi nang magtangka muling tumaas ang kilay nito. He's just so damn adorable kahit na nagsusungit.
"Okay, I'll be waiting outside!" patay malisya nitong sabi saka lumabas na ng kwarto.
Minabuti kong magbihis ng mabilis. Masamang pinaghihintay si Friedan. Atat na atat na rin akong makalabas ng ospital. Pakiramdam ko kasi'y mas lalo akong magkakasakit kapag nasa loob ako ng silid na 'to. Ilang minuto lang nang marinig ko ang katok mula sa pintuan. Panigurado akong si Friedan na 'yon na nainip na naman kahit higit pitong minuto pa lang ang lumilipas. Bravo for his impatience!
Kaagad kong hinablot ang maliit na purse na daladala ko pa noong nagdaang gabi at mabilis na tinungo ang pintuan. Nang buksan ko iyon at hagilapin sa magkabilang hanay ang corridor ng hospital ay wala doon ang lalaki. Paglabas ko ng pintuan ay saka ko lang napansin sa waiting area si Friedan na may kausap na maganda at seksing doktor. Mukhang masaya ang kwentuhan ng dalawa dahil bahagyang napapatawa ang lalaki sa marahil ay mga biro ng doktora. Mahal ang tawa at ngiti ni Friedan, so I supposed the pretty doctor can afford to give him such.
Naiilang akong lumapit sa kinaroroonan ng dalawa. Ilang metro lang nang parehong lumingon si Friedan at ang doktora na bahagya kong ikinagulat nang mapagsino ko - si Lexi, ang kalandian ni Friedan noong ceremonial night. Siya marahil ang umayos sa mga findings sa ospital na sa tingin ko'y iba sa totoong records. Kinailangan lang akong dalhin sa ospital para palabasin sa buong LOU na kinagat ako ng isang makamandag na insekto kaya nagblack out. Sa paraang iyon ay maitatago ni Astrid ang tunay kong kakayahan.
"There she is," pasimpleng sumulyap saakin si Friedan habang naglalakd ako palapit sa dalawa. Pinasadahan pa ako ng tingin ni Lexi mula ulo hanggang paa.
I was wearing a white Plains and Prints dress with floral design paired with a flat sandals kaya hindi ako nailang sa pagkilatis nito. Patay malisya akong ngumiti at yumuko na gaya ng ginagawa ko kapag nasa katauhan ako ng baduy na si Kiera.
"Kiera, this is Dr. Arveli," pagpapakilala ni Friedan na abot tainga ang ngiti.
"Hello doctor!" tipid kong bati.
"Mahiyain pala talaga itong si Kiera," nakangiting sambit ng doktora, "nice meeting you Kiera."
Ngumiti ako ng hindi napaghahalataang pilit saka bumaling kay Friedan bilang paghudyat na handa na akong umuwi.
"Well, Lexi we have to go. Kailangan pang magpahinga nitong kapatid ko," pagpapaalam ni Astrid. Base sa eye contact ng dalawa ay alam kong may namamagitan sa kanila. Their eyes are flirting right infront of me.
Hindi na ako umimik pa hanggang sa makasakay kami sa sasakyan. Sino ba naman ako para magselos sa isang seksing doktora? Kapatid lang ako. Lihim akong nainis sa tinuran ng lalaki. Pero totoo naman kasi na sa papel, isa akong adopted daughter ng yumaong si Dr. Roberts. Sa mata ng lipunan, mali ang magkagusto ako sa kapatid. Hiniling kong sana'y hindi na lang talaga ako nagpaampon sa doktor.
Wala kaming imikan ni Friedan habang nagmamaneho ito ng sasakyan. The usual awkward silence we have almost everyday. Damn right, we are siblings but we treat each other as strangers in so many ways and occasions.
Mabuti na lang at nagring ang telepono at nabasag ang katahimikan. Alam kong si Ara na naman 'yon. Siya at si Friedan lang naman ang nakakalam ng number ko. Alam kong tatawag at tatawag ang babae para magsimula na namang mangulit sa mga detalye ng koronasyon at ng mga insidente sa ospital. Kaagad kong hinablot ang telepono sa aking bulsa upang sagutin ang tawag.
"Hello Ara?" malumanay kong bati sa kaibigan kong nasa kabilang linya.
Isang hagalpak ng binata ang sumagot sa kabilang linya dahilan para mapakunot noo ako. Mukhang pamilyar saakin ang boses bully na nasa kabilang linya, "Hello there geek!"
"Phelan?"untag ko. Nagsisi pa ako nang banggitin ko ang pangalan ng lalaki nang mapagtanto kong nasa driver's seat lang ang istrikto kong guardian. Mabilis kong sinulyapan ang lalaki. Nakatingin lang ito ng diretso sa daan at kunwari'y walang naririnig.
"Geeky! Ang bilis mo namang gumaling at nawala ka na agad sa kwarto mo! May lahi ka bang mangkukulam?" Sinundan iyon ng malutong niyang tawa. Sa tingin ko'y nasa ospital ito dahil narinig ko pa ang paging system ng hospital habang pini-page ang isang doctor.
"What do you want?" iritable kong tanong sa lalaki na ngayo'y parang may nginunguya sa kabilang linya.
"I have your music book! Eh umuwi ka na, itatapon ko na lang 'to!"
"Don't you dare!" Napalakas ang sigaw ko sa telepono. Nahuli kong sumusulyap saakin si Friedan na ngayo'y napatiim ng bagang at halos baliin ang manibela sa higpit ng hawak. "Vargas, I will return a favor to you. Just don't ruin that!" Ingat na ingat ang bawat sasabihin ko sa kabilang linya dahil sa presensya ng bugnutin kong guardian.
"Hmmmmm," Phelan paused and chucked. Tiyak may binabalak na namang kalokohan ang lalaki. "Gymnasium, Wednesday at 9:00 o'clock. Bawal ang late."
'Yon lang at nawala na ito sa kabilang linya. Umiwas ako ng tingin kay Friedan. I kept myself busy staring at the view outside the window of the car. Mas mabuti nang manatili akong tahimik at hindi ako kausapin ng lalaki para maiwasang maopen-up ang kay Phelan.
Tumikhim ang lalaki. Naalarma ako. That's one sign that Friedan wants to talk. I'm doomed!
"Is that the guy in the hospital?" he asked in a casual tone.
"Y-yes."
"He seems to like you," lumiko ito sa kantong papasok ng village kung saan kami nakatira kaya nahinto ang kanyang sasabihin. Nang makapasok na ito sa gate ng village ay muli itong nagsalita habang nagmamaneho, "Is Phelan Vargas courting you?"
"Yeah," bigla kong nasabi. Nagulat din ako sa sagot ko. I was supposed to say NO. Holly crap!
"What Kiera?" Gulat nitong usal. Biglang pumreno ang sasakyan. Halos mag-ingay ang mga gulong sa pagkakadausdos nito sa sementadong daan. Mukhang gulat at hindi nagustuhan ni Friedan ang narinig.
###