webnovel

Nang Mahuli Kami nang mga Cannibals

Nang Mahuli Kami nang mga Cannibals

Palipat-lipat kami nang tirahan, kinagisnan ko na ang palagiang pag lipat nang pamilya ko nang tirahan. Nang nagkaisip na ako'y medyo naintindihan ko na, pinaghahanap si itay. Hindi ko alam kung bakit at kung sino ang naghahanap sa kanya pero yun ang nakikita kong dahilan kaya kami palipat-lipat. Wala kaming problema sa pera, may malaking pera si itay sa bangko. Bawat bahay na lilipatan namin ay palaging magarbo, minsan nga mansyon ang tinitirhan namin. Kaya nga lang, umaalis din agad kami, mataas na ang anim na buwan at kami ay lilipat nanaman. Hindi na rin kami nag-aaral ni kuya, sabi ni itay hindi na daw yan kailangan.

Ang nalipatan naman ngayon ay liblib na lugar, malapit sa kabundukan. Isang abandunadong mansyon ang nabili ni itay na binenta sa napakamurang halaga. Inisip ni itay na dahil sa layo nito sa kabihasnan at ang pwesto nito na nasa gilid nang pampang na delikado sa land slide kaya binenta ito nang mura. Halatang nagmadaling umalis ang mga nakatira nito dahil naiwan ang ibang mga importanteng gamit nila, mga family picture at mga mahahalagang papeles.

Unang gabi namin sa bahay, naglakad ako sa gilid nang pool nang mapansin kong may mga tao na sumisilip sa bakod. Ewan ko ba pero matalas ang paningin ko kahit sa dilim, kitang-kita ko sila na nakasilip lang at sabay na yumuko nang makita nilang nakatingin ako sa kanila. Rinig kong nag tatakbuhan si palayo nang bahay. Hindi ko nalang pinansin, baka gusto lang nilang makita ang mga bagong nakatira sa mansyon. Papunta ako sa veranda nang narinig ko si inay at itay na nag-uusap.

"Mahal, sigurado ka bang ligtas tayo sa lugar nato?" Tanong ni Inay.

"Eto na ang pinaka ligtas na lugar na nahanap ko, mahirap nang tumira sa kabihasnan nagkalat na ang mukha ko social media pati sa telebisyon. Dito walang signal ang internet, wala ring kuryente sa mga kabahayan at ang lalayo pa nang mga ito sa atin, tayo lang ang may generator sa lugar na ito. Kaya wag ka nang mag-isip pa nang kung ano-ano mahal." Sagot ni Itay.

Tama nga ako sa hinala ko, pinaghahanap nang batas si Itay kaya palipat-lipat kami nang tirahan.

Kinabukasan sumilip ako sa bintana, natanaw ko ang mga kambing na kumakain nang damo sa may burol (hill). Naisipan kong puntahan ito at maglaro sa burol, inimbita ko si kuya ngunit busy ito sa paglalaro nang video games kaya hinayaan ko nalang. Pagdating ko sa burol nakita ko ang napakagandang tanawin. Berde ang kapaligiran, puno nang halaman at mga punong kahoy. Napakasariwa nang hangin at tanging ingay na gawa nang mga ibon lang ang maririnig mo. Ramdam na ramdam ko ang malamig na hangin na dumadampi sa aking pisngi, pumikit ako at tumingala sa mga ulap, huminga nang malalim at sumigaw.

"ANG SARAP NANG PAKIRAMDAM KO!!!"

Natawa ako nang nagtakbuhan ang mga kambing sa gulat nang sumigaw ako. Hinabol ko sila at pumasok sila sa kakahuyan. Sinundan ko sila hanggang makarating ako sa may ilog. Malawak ang ilog na yun, malinaw na malinaw ang tubig, nakikita ko ang mga isda sa ilalim ang tataba nang mga ito at ang lalaki.

"Mamimingwit ako!!" Sigaw ko at dali-dali akong tumakbo pauwi para kunin ang pamingwit ni Itay.

Hindi pa man ako nakakalabas nang kakahuyan ay hinarang ako nang mga lalaking naka bahag. Sa takot koy sumigaw ako nang napakalakas na ikinagulat naman nang mga lalake at silay napa atras. Tumakbo ako palabas nang kakahuyan at hinayaan nila akong makalabas. Umiiyak ako nang makarating sa bahay.

"Maylene anak, napano ka?" Salubong ni Inay.

"Mama may mga lalake sa kakahuyan hinarang nila ako, buti sumigaw ako kaya natakot sila at hinayaan na nila akong makatakbo pauwi." Naghalo na ang luha at uhog sa mukha ko.

"Saan!? Nasaan sila at nang makilala nila ang binabangga nila!!! Josef kunin mo ang baril ko sa taas!!" Galit na galit si Itay sa narinig.

Pinuntahan ni Itay at ni kuya Josef ang kakahuyan ngunit wala na silang naabutan doon. Nagpaputok si Itay nang baril bilang babala sa mga lalaking humarang sakin.

Kinagabihan sa kwarto nila itay at inay ako natulog. Nagising ako nang alas dos nang madaling araw na wala sila sa tabi ko, sa antok ay nakatulog uli ako at umaga na nang magising.

"Itay, Inay, san kayo kagabi? nagising ako wala kayo sa tabi ko." Tanong ko sa kanila.

"Ahhh.... nasa sala lang kami anak, may pinag-usapan lang kami at ayaw ka naming gisingin kaya lumipat kami sa sala." Sagot ni itay.

Nagulantang kami nang nabasag ang salamin sa bintana, may bumabato sa bahay namin! Pagtingin ko sa labas nandun ang mga taong naka bahag lang, mas marami sila ngayon at may mga dala silang bato, sibat, at palaso. Kinuha ni itay ang kanyang baril at gumanti ito sa mga tao nang putok. Tumama sa ulo ang unang putok ni itay, gulat na gulat ang mga tao nang nakitang sumabog ang ulo nang kasama nila. Nagkagulo ang mga tao ngunit imbes na tumakbo palayo, pinalibutan nila ang katawan nang nabaril. Hindi ko makita kung ano ang ginagawa nila sa bangkay pero parang tinutulungan nila ito.

Ilang sandali pa'y may mga nakapasok na sa bahay, isa-isa silang pinagbabaril ni itay hanggang sa maubusan na si itay nang bala. Lumaban si itay nang suntukan ngunit sa dami nila'y natalo si itay. Tinali nila kaming lahat at dinala sa kanilang lugar. May mga naghihintay doon na mga kababaihan at kabataan na tuwang-tuwa nang makita nila kami. Nagkalat ang mga buto't kalansay nang tao at hayop sa paligid, may mga binibilad din na sa wari koy mga balat nang tao.Mga cannibals pala sila, mga taong kumakain nang kapwa tao.

"Bukas makakakain nanaman tayo nang tao!!" Sigaw nang kanilang pinuno.

Itinali kami sa kawayan na malapit sa nagbabagang uling, naiyak nalang ako sa sobrang init nang likod ko. Si kuya Josef ay naihi sa kanyang pantalon habang iyak nang iyak din.

Kinagabihan halos mawalan na ako nang malay sa init nang katawan ko. Nalapnos na ang balat ko na nakaharap sa uling.

"Itay, inay, kuya, di ko na kaya... mamamatay na yata ako, natutuyo na pati lalamunan ko, nahihirapan na akong huminga." Wika ko sa kanila.

"Anak konting tiis nalang, pilitin mong mabuhay, konti nalang talaga." Sagot ni itay.

Tumigil na si kuya Josef sa pag iyak, nakayuko nalang ito habang tumutulo ang uhog mula sa kanyang ilong. Si inay naman ay nakatingin lang samin na tila may gustong sabihin.

"Mga anak, panahon na para malaman nyo ang sekreto nang ating pamilya." Sabi ni inay.

Biglang umungol si itay, tila itoy nasasaktan, napapangiwi ito at napapaliyad hanggang sa naputol ang lubid na nakatali sa kanya. Agad na lumapit ang mga nagbabantay ngunit nang silay makalapit nagulat sila sa kanilang nasaksihan. Nagbagong anyo si itay! Ang dating maamong mukha nya'y tinubuan nang matatalas na pangil at mahahabang mga kuko. Humaba ang dila nito, pulang-pula ang mata at napuno nang balahibo ang kanyang katawan. Sinakmal ni itay ang leeg nang isang bantay at winakwak ang tiyan nang isa, hinugot ang bituka at itinapon sa nagbabagang uling. Sigaw nang sigaw ang bantay habang nakikitang naluluto ang kanyang mga bituka. Nangamoy isaw ang paligid, hanggang sa nagsiputokan ang mga bituka nito at agad nangamoy tae. Nagsilabasan ang mga tao sa narinig na kumosyon, dala ang kanilang mga sibat at palaso nilabanan nila si itay. Malakas at mabilis si itay ngunit sa dami nila'y matatalo sya.

Nakita kong pati si inay ay nagbagong anyo na rin, madali nitong na putol ang mga nakatali sa kanya.

"Mga anak! nganga!! tanggapin nyo ang pagiging aswang at tulungan natin ang tatay nyo!" Sigaw ni inay.

Sumunod ako at ngumanga, may isinuka si inay na itim na sisiw at isinubo nya sa bibig ko. Nang nasubo ko ito'y akala ko'y mamamatay na ako, tumigil sa pag tibok ang puso ko at hindi ako makahinga. Nangisay ako at nawalan nang malay. Nang magising ako gumaan ang pakiramdam ko, lahat nang sakit ma naramdaman ko'y nawala nang lahat, tanging gutom nalang ang nararamdaman ko sa mga oras na yun. Si kuya Josef naman ay kakagising rin lang at nakawala na sa pagkakatali.

"Mga anak!! Wag nyo pigilan ang gutom nyo!! Kainin silang lahat!!!!" Sigaw ni itay.

Parang naka slow motion ang mga tao sa paningin ko, napakadali para sakin na wakwakin ang mga tiyan nila at hugutin ang kanilang sariwang atay.

"Anak, subukan nyo ang puso at utak masarap din gaya nang atay." Mungkahe ni inay.

Tinikman ko ang puso at utak, masarap nga ngunit mas masarap parin ang atay. Si kuya Josef nama'y pinaglalaruan pa ang kanyang pagkain, binabalian nya ito nang mga paa at hinahayaan gumapang bago nya ito patayin.

Sumapit ang umaga, napuno nang dugo at laman ang paligid, nagkalat ang mga bangkay, lalake, babae, matanda oh bata wala kaming tinirang buhay sa mga cannibals. Mga lapastangan sila, inisip nilang makakain nila kami, hahahaha cannibals lang kayo, aswang kami!! ahahahahahah!

--wakas--

Chapitre suivant