webnovel

2032: Mga Anak ni Albert at Mary

Taong 2032, ang Pilipinas ay walang pinagbago maliban nalang sa mga modernong kagamitan. Mas marami pa ngayon ang mga naghihirap, mga walang tirahan, walang trabaho umaasa lang sa mga kamag-anak na nagtatrabaho sa labas nang bansa. Ang mga nanunungkulan sa gobyerno ay inuuna parin ang kanilang kikitain bago ang ikabubuti nang mga mamamayan. Hawak parin nang mga mayayamang negosyante ang politika nang bansa, ang pera nila ang may kapangyarihang magluklok nang isang politiko sa pwesto kaya walang kumakalaban sa kanila. Lalong yumayaman ang mayayaman at pahirap nang pahirap ang mga mahihirap. Walang pinagbago.

Maagang nagritiro sa trabaho si Mary bilang Agent nang Paranormal Cases Division na humahawak nang mga kasong may kinalaman sa paranormal. Marami na siyang na solve na kaso at marami rin syang naging kaibigan at maging mga kaaway. Sa katunayan sa trabaho nya nakilala ang kanyang asawa na si Albert na isang Talagbusawan. Silang dalawa ay nagtayo nang isang restaurant na bukas 24/7 dagsa ang mga customers dito mapa umaga man og gabi. Lumago ang kanilang negosyo at nakapagbukas sila nang mga branches sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. May limang anak sila na tumutulong din sa kanilang negosyo, isang masayang pamilya na puno nang pagmamahal at tawanan ang nakikita nang karamihan sa kanilang pamilya. Ang hindi alam nang mga tao'y may sekreto ang pamilya Bentuzal.

"Ate pahiram nang espada, gusto ko rin lumaban nang malapitan." Si Mayumi na dinampot na ang espada nang kanyang ate.

"Kulang pa ang pagsasanay mo sa espada, hindi ka pa handang gamitin yan sa pakikipag laban." Sagot ni Kathy.

"Hindi naman talaga espadang panlaban yan eh, ceremonial sword yan na ginagamit ni ate sa kanyang summoning spells." Wika naman ni Trisha.

"Etong katana ko nalang ang hiramin mo Mayumi, matalas to." Alok naman ni Trixie na nakangisi habang inaabot ang katana kay Mayumi.

Tinanggap ni Mayumi ang katana at inilagay ito sa kanyang likod.

"Si Ate Kathy may Libro nang Lihim na Karunungan at espada, si Ate Trisha may Sniper Rifle at 45 caliber, Si Trixie may mga katana, punyal at shuriken, ako bakal na arnis lang? It's unfair!!!" Reklamo ni Mayumi.

"Hindi ka pa kasi tapos sa pagsasanay sa paggamit nang mga sandata, maaaring magkamali ka at madisgrasya o makadisgrasya ka pa. Hintayin mo nalang na matapos ang pagsasanay mo at may ibibigay si papa mo sayo" Sagot ni Mary na iniinspeksyon ang kanilang mga gamit.

"Oo nga, malapit na ang huling pagsubok nang iyong pagsasanay, pag naipasa mo yun, papayagan ka na nila mama at papa na gumamit nang ibang mga sandata." Dagdag ni Trisha.

Nang handa na ang lahat, nag karoon muna sila nang final briefing para sa kanilang misyon. Ang misyon nila ay hulihin at kung hindi kayang hulihin ay patayin ang halimaw na ahas sa sinasabing nakatira sa ilalim nang building nang isang sikat na Mall. Napag-aralan na nilang mabuti ang gusali, ang mga daanan at sekretong lagusan nito, pati ang oras nang pag roronda nang mga gwardya. Matapos ang briefing ay nag alay sila nang dasal bago umalis.

Naka dilaw na Ducati bike si Trixie habang nakasunod naman ang malaking van na kulay itim na may stripes na pula sa exterior at pink ang buong interior na nalulan sina Kathy, Trisha at Mayumi. Naunang bumaba sa kanto si Trisha para maka pwesto sa tuktok nang gusaling katabi nang mall kung saan kitang-kita nya ang buong parking lot, ang lagusan papunta sa underground at ang mga nagrorondang mga guardia. Nag park naman sa madilim na bahagi si Trixie malapit sa lagusan papuntang underground.

"Nasa pwesto na ako." Boses ni Trixie sa kanilang earpiece.

"Nakaposisyon na rin ako, kitang-kita kita dito Trix kumakain ka nanaman nang chocolate. Sigi ka, tataba ka nyan". Si Trisha na napangiti sa sinabi.

"Kailangan ko nang sugar sa katawan para may energy ako mamaya." Depensa ni Trixie.

"Oy Ate Trixie pahingi!!!" Sigaw ni Mayumi.

Pumarada sa parking lot nang kabilang gusali ang kanilang van at lumabas si Kathy. Naiwan sa loob si Mayumi pagkat sya ang nagmomonitor nang vital signs nang kanyang mga kapatid at sya rin ang nagmomonitor nang mga camera feeds nila mula sa kanilang body camera para ma record ang kanilang laban.

Sabay na pumasok sa lagusan si Kathy at Trixie, at nang nakarating sila sa entrnace nang underground nag orasyon si Kathy at gamit ang kanyang seremonyal na espada sinugatan nya ang kanyang kamay at mula sa dugong tumulo ay nabuo ang isang sigbin.

"You know what to do Trix." Wika ni Kathy sa kapatid.

Tumakbo papasok nang underground ang sigbin at sinundan naman ito ni Trixie. Sanay si Trixie sa mga covert operations, kaya nyang pumasok nang mga gusali na hindi napapansin o nahuhuli kahit gaano pa ka raming bantay. Siya ang pinaka tahimik kumilos, kahit ang yabag nang pagtakbo nya'y walang tunog. Kabaliktaran kapag nasa bahay lang pagkat siya ang pinaka maingay at madaldal sa lahat.

Agad na nahanap nang sigbin ang halimaw matalas ang pang-amoy nito at nakakakita ito nang mas malinaw sa dilim kesa sa liwanag. Nakasunod si Trixie at laking gulat nya nang makita ang halimaw.

"Girls, I have a bad news for you, hindi basta-bastang halimaw ang kalaban natin." Boses ni Trixie sa mga earpiece nila.

"Huh? Ano bang kalaban natin?". Tanong ni Kathy.

"An ancient one ate.... He looks like a smaller version of Bakunawa" Sagot ni Trixie.

"Just as I thought." Sa isip ni Kathy.

Muling nag orasyon si Kathy at naglabas ito nang isang dambuhalang kapre, ngunit sa laki nito'y naumpog ito sa kisame.

"We can't fight it here ate, lure it outside guguho ang building pag dito natin sya kinalaban." Si Trixie na nagtatago sa likod nang malaking haligi nang gusaling yun.

Gamit ang telepathy inutusan ni Kathy ang kanyang sigbin na magpahabol sa halimaw at ilabas ito mula sa underground. Umatake ang sigbin upang galitin ang halimaw at tumakbo palabas. Galit na galit ang halimaw na hinabol ang sigbin palabas.

Samantalang sa tuktok nang katabing gusali handa na ang sniper rifle ni Trisha, pinagmamasdan nya ang galaw nang mga gwardya na sa mga oras na iyon ay walang ka alam-alam sa mga susunod na mangyayari.

"Heads up girls!!" Sigaw ni Kathy sa kanilang earpiece.

Sumabog ang isang bahagi nang parking lot at mula sa pagsabog ay lumitaw ang isang dragon.

Parang ahas ito ngunit makakapal at malalaki ang mga kaliskis, may apat na paa ito at mahahabang mga sungay. Nagtakbuhan ang mga gwardya, yung iba'y nagpaputok sa dragon ngunit hindi man lang ito ininda nang dragon.

"Anong ginagawa nang isang oriental dragon dito?! Kaya ba natin yan?" Si Mayumi na nanonood mula sa loob nang van.

"Pwede nating subukan." Sagot ni Kathy na tumalon mula sa butas na gawa nang malaking pagsabog kanina.

Isang Kapre ang lumabas din mula sa butas na may bitbit na malaking pamalo, isang buong kahoy ang bitbit nito.

"AND HERE WE GO!!!" Sigaw ni Mayumi na tumatakbo mula sa van papunta sa dragon na ang dala lang ay ang bakal na arnis.

"Mayumi don't be stupid!!" Sigaw ni Trisha.

Nakita nang dragon si Mayumi at siya ang tinuonan nito nang pansin. Mabilis itong gumapang patungo sa kanya, ngunit imbes na matakot ay patuloy pa rin si Mayumi sa pagsugod. Sasakmalin na sana nang dragon si Mayumi nang tinamaan ito sa ulo nang malakas na palo mula sa kapre. Napasubsob ang mukha nang dragon sa semento at sinundan pa ito nang malakas na hampas nang bakal na arnis ni Mayumi. Bahagyang nawalan nang malay ang dragon ngunit mabilis itong naka recover at muling tumayo. Kinalmot nito si Mayumi na agad namang sinangga ang kanyang arnis, hindi man sya tinamaan nang mga kuko ng dragon ngunit sa lakas nang atakeng yun ay tumilapon si Mayumi at tumama sa nakaparadang armored van nang mga gwardya.

"Langya! Ang lakas nun ah!" Si Mayumi na pinahid ang dugo mula sa kanyang bibig.

Muling tinamaan nang hampas nang kapre ang dragon at napasubsob uli ang mukha nito sa semento. Pinatid nang dragon ang paa nang kapre gamit ang kanyang buntot at ito'y natumba, gumapang ang dragon papunta sa kapre at pinuluputan ito. Habang nakapulupot ito sa kapre ay kinagat nito ang ulo at pilit na hinihila palayo sa sarili nitong katawan, pupugutan nya ito!

"Subukan natin kung gaano kakapal yang bungo mo." Si Trisha na inasinta ang ulo nang dragon.

Blam! Tinamaan ito, sa lakas nang impact nabitawan nang dragon ang ulo nang kapre. Humarap ang dragon sa posisyon ni Trisha at sumigaw ito nang napakalakas na sa lakas ay nabasag ang mga bintana sa gusaling kinaroroonan ni Trisha.

"Ouch!! Ang sakit sa tenga!!" Wika ni Trisha habang muling inasinta ang ulo nang dragon.

Blam! Sa pagkakataong yun ay alam na nang dragon kung saan nanggagaling ang bala kaya ito'y bahagyang umiwas at dumulas lang ang bala sa kanyang makapal na kaliskis.

Muling nag orasyon si Kathy at mula sa kanyang dugo lumabas ang Chimera, isang halimaw na may ulo nang leon, katawang tao, paa at pakpak nang agila at buntot nang isang alakdan nag aapoy ang balat nito at may kuryenteng lumalabas sa mga mata nito.

"Ipakita mo ang lakas mo Chimera!" Sigaw ni Kathy.

Tumingala ang Chimera at sumigaw, pagkasigaw nya'y bumaba mula sa langit ang kulay bughaw na kidlat, tumama at hinigop ito ng katawan nang Chimera, napuno nang enerhiya ang Chimera at sa isang iglap lang ay nakapatong na ito ulo nang dragon. Itinaas ng Chimera ang kanyang kamay at tinamaan uli ito nang kidlat, habang dumadaloy ang kidlat sa kanyang katawan ay sinuntok nya ang ulo ng dragon. Sa lakas nang pagkakasuntok nya sa ulo nang dragon ay humampas ang ulo nito at bumaon sa lupa. Dahil may kasamang kidlat ang suntok nang Chimera'y nakuryente ang dragon at nangisay.

Akala nila'y tapos na ang laban, nagulat nalang sila nang biglang tumayo ang dragon at tumilapon ang Chimera na kasalukuyang nakapatong sa ulo nito.

Blam! Muling nagpaputok si Trisha, tumama ito sa sungay nang dragon na ikinaputol nang isa sa mga sungay nito. Mula sa kung saan ay lumitaw si Trixie sinalo at itinakbo ang naputol na sungay.

"Remembrance! Ahahahaha!" Humahalakhak si Trixie habang itinatakbo ang sungay ng dragon.

"Trix!! Tumulong ka nga!!" Sigaw ni Kathy.

"Yes ate!!!" Sagot nito.

Inilabas ni Trixie ang kanyang kristal na punyal at humanap nang pagkakataong maka atake. Sa mga oras ding yun lumabas si Mayumi mula sa kanilang van na may dala-dalang bazooka.

"Say hello to my little friend!!" Sigaw ni Mayumi habang nakangisi na tinututok ang bazooka sa dragon.

Sinunggaban nang kapre ang ulo nang dragon upang hindi ito makawala, naglulupasay ang dragon at ihinahampas kung saan-saan ang buntot nito. Umatake naman ang Chimera at sunod-sunod na kinalmot ang katawan nang dragon ngunit hindi tumatagos ang kanyang atake sa kapal nang kaliskis nang dragon.

"Kailangan nating mabasag ang kaliskis nang dragon na to. Lahat kayo, ituon ang mga atake nyo sa iisang bahagi nang katawan nang dragon! Atakihin nyo ito sa kanyang dibdib, yan ang pinakamanipis na bahagi nang kanyang katawan, manipis ang kaliskis sa parteng yan!" Utos ni Kathy sa mga kasama.

Inangat nang Kapre ang dragon at iniharap ang dibdib nito sa mga kasama.

Blam! Tumama ito sa gitna mismo nang dibdib nang dragon at nagkaroon nang konting lamat ang kaliskis na tinamaan. Inatake naman ito nang Chimera at sinuntok na may kasamang kidlat, mas lumaki ang lamat sa kaliskis nang dragon, sa lakas nang pag-atake napaatras ang kapre.

"Tabi kayo!" Sigaw ni Mayumi na itinira ang bazooka.

BOOM! Tumama ang bazooka sa dibdib nang dragon, at tuluyang nawasak ang kaliskis nito. Ito ang hinihintay na pagkakataon ni Trixie, tumalon ito papunta sa dibdib nang dragon at pinagsasaksak ang bahagi nito na wala nang kaliskis. Sa unang pagkakataon nasugatan nila at napadugo ang dragon. Nagpumiglas ang dragon hanggang sa ito'y nakawala dahil na rin sa panghihina nang kapre kasi pati ito'y nasabugan nang bazooka ni Mayumi. (Isa ito sa dahilan kung bakit ayaw nang mga alaga ni Kathy kay Mayumi). Mabilis na nakatalon palayo si Trixie na muntik nang masakmal nang dragon.

Blam! Muling inasinta ni Trisha ang dibdib nang dragon, tumagos ang bala sa naka expose na balat nito. Nanlilisik ang mata nang dragon ng tumingin ito sa posisyon ni Trisha, humiyaw ito at mabilis na gumagapang papunta sa gusaling kinaroroonan ni Trisha.

"Oh Shhhhh... Mukhang galit yata sya sakin girls, need help here..." Natatarantang si Trisha.

"Keep shooting!!" Sigaw ni Kathy na muling nag orasyon.

Blam! Blam! Blam! Bawat bala ay tumatama sa pagitan nang dalawang mata nang dragon ngunit patuloy ito sa pagsugod. Biglang lumitaw si Trixie sa tabi nang dragon at hinagis dito ang tatlong shuriken, nang tumama ang shuriken sa katawan nang dragon ay sumabog ito. Nadapa ang dragon dahil sa pagsabog. Mula naman sa itaas bumagsak si Mayumi sa ulo nang dragon, kasabay sa pagbagsak nya ang paghampas nya nang kanyang arnis, pinuntirya nya ang espasyo sa pagitan nang dalawang mata nang dragon.

Bumawi ang dragon at pinaghahampas nang nito ang mga babae gamit ang kanyang buntot, mabilis nakaiwas si Trixie samantalang si Mayumi ay ginamit ang kanyang arnis upang panangga sa buntot nang dragon ngunit gaya nang dati ay tumilapon ito at nagpagulong-gulong papunta kay Kathy.

"Mula sa kalangitan, bumaba ka't parusahan ang aking kalaban!! Pangil nang kidlat!!!" Si Kathy na nakalutang na sa hangin at tila sumasayaw nang Tala.

Bumagsak ang napakalakas na kidlat at tumama sa dragon, sa lakas ay sumabog ang buong paligid, nagsiliparan ang mga bato at semento. Wala nang nakikitang pag galaw mula sa dragon na sa oras na iyon ay natatabunan nang nagkalutang na mga alikabok.

"Tapos na ba ate?" Tanong ni Mayumi kay Kathy.

Laking gulat nila nang humiyaw ang dragon at lumitaw ang ulo nito sa ibabaw nang alikabok. May lumalabas na apoy mula sa ilong at bibig nito, binuka nito ang kanyang bibig at humarap sa posisyon ni Trisha. Nahigop ang hangin sa paligid papunta sa bibig nang dragon at bigla itong bumuga nang magkahalong apoy at kidlat na tumama sa kaharap na gusali. Nabutas ang bahagi nang gusali na tinamaan at mula sa butas na iyon nagmula ang apoy na kumalat sa buong gusali.

"Ate!!!" Nag-aalalang sigaw ni Trixie at Mayumi.

"Okay lang ako..." Si Trisha na lumitaw mula sa nasusunog na gusali.

Iba na ang anyo nito, naging kulay abo ang balat at lumitaw ang mga sinaunang marka nang Anito na si Talagbusao. Nagbabaga ang mga mata nito habang hawak-hawak ang kanyang sniper rifle na nagbago rin ang anyo, sumanib ito sa katawan ni Trixie.

"Subukan natin ngayon ang tigas nang bungo mo." Boses ni Trisha na parang pinagsama-samang hiyaw nang mga mababangis na hayop.

Itinutok ni Trisha ang kanyang baril sa dragon, hinigop nang kanyang baril ang enerhiya mula sa kanyang katawan at namumuo ito bago pumutok at kumawala ang enerhiya patungo sa dragon.

"Mga anak ni Talagbusao..." Ang huling nasambit nang dragon bago tamaan nang enerhiya.

Parang kandilang tinapat sa blow torch ang dragon, natunaw ang balat at sumabog ang katawan nito sa ibat-ibang direksyon. Pati ang kinatatayuan nang dragon ay natunaw, nag iwan nag malaking butas ang atakeng iyon.

"Mali.... Kami ay mga apo ni Talagbusao." Wika ni Trisha na unti-unting nagbabalik sa pagiging tao.

Nanlaki ang mga mata ni Trixie at Mayumi sa nakita.

"Coooooool!! Kailan kaya lalabas ang pagiging Talagbusawan ko?" Namamanghang si Mayumi.

"Di pa nga lumalabas yung sakin, syempre ako muna." Sagot naman ni Trixie.

Tinulungan ni Trixie at Mayumi si Trisha na makababa sa nasusunog na gusali sa pagkat nanghihina pa ito dahil sa paggamit nang kapangyarihan ni Talagbusao. Kahit nagkalasug-lasog ang katawan nang dragon buhay parin ito ngunit naghihina na at hindi na makagalaw. Nilapitan siya ni Kathy at tinanong.

"Bakit ang isang sinaunang nilalang ay nandito at nagpapaalipin sa isang tao?"

"H...Hindi ako n...nagpaalipin, k...kinailangan ko lang ang kanilang t...tulong." Sagot nito.

"Luh! Nagsasalita ka pala? At nagsasalita ka kahit di binubuka ang bibig mo? Tulong saan?"

Naging mahaba ang usapan nang dalawa, maraming natutunan si Kathy tungkol sa mga dragon. Silang mga dragon ay galing kay Bakunawa, maramin ang kanilang uri at iba-iba ang kanilang itsura. Ngunit ang Bakunawa ay walang pagmamahal sa mga nilalang na galing sa kanya, ito'y kanyang kinakain, kaya sa takot ay lumayo ang mga dragon at nanirahan sa iba't ibang bahagi nang mundo.

"Alam mo.. May lugar ako na pwede mo gawing tirahan, ligtas ka dun mula kay Bakunawa."

"Doon rin ba galing ang mga nilalang na tinatawag mo kanina sa laban?" Tanong nang Bakunawa.

"Oo, nasa ibang dimensyon sila at lumilitaw dito kapag tinatawag ko o di kaya'y gusto lang nilang gumala. Marami ngang pasaway sa kanila na basta-basta nalang lumilitaw nang walang paalam." Napangiti si Kathy.

"Pero nananalaytay sa aking ugat ang dugo ni Bakunawa, kumakain ako nang tao."

"Maraming pagkain sa dimensyon na iyon, mas masarap pa kesa sa tao."

"Weh?! Di nga?!" Saway nang dragon.

Dinala nang magkapatid ang dragon sa kanilang head quarters. Tinulongan ni Mary si Kathy na pagalingin ang dragon at nang gumaling na'y pinasok ito sa kabilang dimensyon upang doon na manirahan kasama nang ibang alaga ni Kathy. Ang dimensyon na yun ay hindi tumatakbo ang oras, isa itong paraiso kung saan mapayapa ang lahat nang nakatira maliban nalang sa mga mababangis na nilalang sa dulo nang dimensyon na malapit sa lagusan papuntang Karimlan ang dimensyon kung saan naghahari si Sitan.

Kalat na kalat sa mga balita ang nangyari, ngunit nakapagtatakang walang kahit isang video na lumitaw na nagpapakita sa labanang naganap. Ito ay dahil sa signal jammer at Electomagnetic pulse na nakakabit ng magkapatid sa kanilang van, kapag nasa loob ka nang area nito ay hindi gagana ang kahit na anong electronic gadgets maliban nalang sa mga gadgets na dala nang magkapatid.

Sa ngayon ay ligtas na ang mga shoppers na mag shopping sa mall na yun. Ngunit nandun pa rin ang kwento-kwento tungkol sa malaking ahas ilalim nang mall na yun.

"Magkano bili mo sa sungay nang dragon?"

"Kung tunay na sungay nang dragon yan bibilhin ko yan nang Sampung Milyon kada kilo."

"Sampung Milyon?! Sa iba nga Singkwenta! Wag nalang!"

"Teka! Teka! Ikaw naman di na mabiro... 55M per kilo, ano deal?"

"60M per kilo, take it or leave it."

"Ilang kilo ba yan?"

"27 kilos of real dragons horn pero 2 kilos lang ang ibebenta ko."

"120 Million Pesos will be transfered to your account if it's the real deal."

"Nice! By the way, I also have dragon's blood from the same dragon who owns that horn."

"Saan at pano mo ba nakukuha yang mga binibenta mo Miss Trixie?"

"That's our family's business"

Mahigit limang daang milyon ang natanggap ni Trixie sa gabing yun. Ito ang sekreto nang pamilya Bentuzal.

Chapitre suivant