webnovel

I Quit

Nakangangang pinagmamasdan ni Eunice si AJ.

"Bakit?"

Tanong ni AJ sa kanya.

"Anong pinagsasabi mo dyan kay Beshy? Huwag ka ngang magbiro ng ganyan! Baka magsumbong yon kay Daddy lagot tayong dalawa!"

Kinakabahan sabi ni Eunice.

"Relax hindi tayo isusumbong nun, nag 'good luck' pa nga e! Hehe!"

"Anong good luck na pinagsasabi nila?"

'Loko yung mga yun, hindi man lang nagalala sa akin, parang gusto na kong ipamigay!'

"Hahahaha! Mag relax ka nga lang dyan Coffee! Kilala mo naman ang Beshy mo at ang pinsan mo!"

"Saan mo ba talaga ako dadalhin? Huwag mong sabihin itatanan mo ako sasapakin kita dyan!"

"Hikhikhikhik!"

"Oh bakit ka humahagikgik dyan?"

"Wala, naalala ko lang ang sinabi ni Buddy Mel bago nya ibaba ang phone, huwag daw kitang gagalitin baka daw sapakin mo ako! Totoo pala! Hahaha!"

Natawa na rin si Eunice ng madinig ang tawa ni AJ.

Kinabahan sya kanina dahil akala nya nagalit si Eunice sa sinabi nya, nagaalala lang pala baka makarating sa Daddy ang biro nya.

'At least hindi sya galit ng sabihin kong magtatanan kami, hehe! Totohanin ko na kaya?'

"Ehem, saan mo nga ba talaga ako dadalhin, Milky na makulit!"

"Dyan lang! Hehe!"

Dinala sya ni AJ sa isang buffet restaurant at sya ang nag bayad.

Masayang masaya si Eunice ng makita ang sandamakmak na pagkain sa buffet.

Sa sobrang saya pumulupot ito bigla sa leeg ni AJ sabay kiss sa pisngi.

"Thank you, thank you, thank you!"

Tsup!

Nabigla si AJ sa aksyon ni Eunice, hindi sya nakagalaw.

Yung sandaling aksyon na yon, nabulabog lahat ng kalamnan nya.

'AJ umayos ka, behave ka lang dyan, huwag kang pasaway!'

'Juskolord!'

Hinatak na sya ni Eunice sa buffet ng mapansin nitong hindi pa rin kumikilos si AJ. Gutom na sya.

Hinayaan lang ni AJ si Eunice kunin lahat ng gusto nya at sya lang ang may dala ng plato.

Halos mapuno nila ang table nila ng sari saring pagkain.

Pagkaupo agad na kumuha si AJ ng gloves at sinimulang balatan ang hipon para kay Eunice.

Matyaga nyang pinagbabalat ng hipon si Eunice bagay na nag papangiti kay Eunice.

Ito ang gusto nya kay AJ, ang pagaalaga at pagaasikaso nito sa kanya.

"Oh, bakit ganyan kang makatingin, napopogian ka sa akin anoh?"

"Oo naman pogi ka naman talaga! Bilisan mo dyan sa hipon, gutom na ko! Saka gusto ko din yung crab antayin mo paglabas, baka maubusan tayo!"

"Wagka magaalala naka abang na ako! Hehe!"

Inabot sila ng 3 hours bago nila maubos ang lahat ng pagkaing.

"So ngayon, okey ka na ba?"

Tanong ni AJ kay Eunice.

"Yup! Salamat Milky my friend!"

"Your welcome my Coffee! So anong plano mo next, do you want to go home or do you want to go back to that place?"

"Sa totoo lang gusto ko ng umuwi, late na rin kasi, dapat kanina pa nag start ang special exam pero, gusto ko ng matapos ito, I need to tell them what I want and what is important to me!"

Paliwanag ni Eunice.

"Okey, after mong mag rest babalik na tayo dun!"

Sabi ni AJ.

"Ikaw talaga Milky masyado mo akong iniispoiled! Baka mamya makasanayan ko yan hanap hanapin ko!"

Sabi ni Eunice.

"Okey lang!"

Sagot ni AJ.

*****

Sa isang room ng suite sa roof top ginanap ang venue ng special exam para kay Eunice.

Walang pwedeng pumasok kahit catering nasa may labas lang.

Bilang ang mga nasa loob ng silid wala pa atang 30 person at inip na inip na silang lahat pero wala pa ring umaalis.

"Late na sya, darating ba si Ms. Perdigoñez o hindi? Hindi mo ba tinuturo sa mga estudyante mo ang importance of time?"

Sabi ng isang babae na mukhang may katarayan ang mukha at tono ng boses.

Sya si Dr. Beatriz Fuentes.

"Well, alam mo naman ang traffic, Beatriz. Let's just enjoy, darating din yun and I promise you she's worth the wait!"

Sagot ni Dean Vernal.

"Don't expect me na bibigyan ko sya ng perfect score dahil may minus na sya sa akin for tardiness!"

"Tingnan natin!"

Nang biglang bumukas ang elevator kung saan nakasakay si Eunice.

"Eunice! You're here, finally! Good, makakapagumpisa na tayo!"

"Magandang araw po sa inyo!"

Magalang na bati ni Eunice.

"Eunice, come, kumain ka muna before we start!"

"Sige po, salamat po! Kumain na po ako bago magpunta dito!"

Napataas ang kilay ni Dr. Beatriz.

"You mean, hindi ka natraffic kaya ka late?"

"Hindi po Mam! Kanina pa po ako dumating pero nagutom po ako kaya kumain muna ako!"

Kumulo ang dugo ni Beatriz.

"Are you telling me that you are wasting all of our time?"

Mataas ang tono ng boses nito.

"Dr. Beatriz!"

Suway ni Dean Vernal.

Nakatingin lang si Eunice sa kanila.

"Ms. Perdigoñez, lahat ng andito ay mga professional kaya mahalaga ang bawat oras namin!"

"Sir Dean, naiintindihan ko po na mahalaga ang oras nyo pero sana malaman nyo na mahalaga din ang oras ko! Isa po akong working student!"

"So your telling na mas importante ang oras mo sa oras ko?"

"Mam, hindi ko po sinusukat ang importance ng time ninyo, syempre time nyo yan kaya mahalaga po yan sa inyo kagaya ko mahalaga sa akin ang oras ko dahil oras ko yun!"

"Ms. Perdigoñez, this is not a warning but I'm not going to give you passing grade for this!"

"It's okey Mam, I don't really mind!"

"Ms. Perdigoñez, masyado kang arogante! Watch your attitude, baka saan ka pulutin nyan!"

"Sorry for being arogant pero nakakainis lang po kasi dahil hindi ko naman ginusto na magpunta dito! Hindi ko alam kung para saan itong special exam na ito and I really don't care kung para saan ito!"

"Nitong mga nagdaang araw wala ng ginawa ang mga professor ko kundi ipagawa sa akin ang trabaho nila which is unfair!

Nagbabayad ako ng tuition sa school para may maipasweldo sa mga professor ko tapos ako uutusan nila na gawin ang trabaho nila, diba unfair yun!

At si Dean, any time nya maisipan na ipatawag ako sa office nya at may ipagagawa sa akin without telling what is that for! Nakakapikon!"

"So I've decided that I quit! I don't care about this school anymore na sasakan ng abusado ng mga teacher at ni Dean! And I don't care about this special exam nyo! Inyo na yan, isaksak nyo sa baga nyo! Goodbye!"

Chapitre suivant