webnovel

Elite Group

"Ms. Perdigoñez!"

Habol ni Dean Vernal kay Eunice pero hindi sya pinansin nito. Tuluyan ng umalis si Eunice.

"What is going on?! Anong pinagsasabi ng batang yun that she quit?!"

"Who does she think she is?"

"Mentally ill ata yun! We are a pretigious group! Only the chosen one can be part of our group tapos kung makaasta yung batang yun akala mo kung sino?"

Nagwawala na ang lahat naiinis sa ginawang pag walk out ni Eunice.

"Akala ko ba she's a good candidate para sa elite group natin bakit sya nag quit?"

Pinupog ng tanong ng mga tao dun si Dean Vernal.

"Wait! WAIT!"

"Me hindi ako maintindihan Dean anong sinasabi nyang inaabuso nyo sya? Pakipaliwanag?"

Tanong ni John kay Dean.

Hindi makapagsalita si Dean. Umabuso nga ba sila kaya napuno na si Eunice, kaya nya sinabing nag quit na sya?

Muling tumunog ang elevator tanda ng may dumating.

Akala ng lahat si Eunice, bumalik.

Lahat ng mata nasa elevator nag aabang sa muling pagbabalik ni Eunice.

'Humanda kang bata ka akala mo kung sino ka!'

Pare pareho ang iniisip nila.

Pero iba ang dumating, isang may edad na lalaking matikas. Na kahit na kita sa balat nito ang katandaan makikita pa rin ang tikas ng tindig na akala mo ay isang hari.

"D-Don Miguel?"

Gulat ang lahat lalo na ang ilan na kilala lang sya sa pangalan.

Sya si Miguel Saavedra o mas kilala ng karamihan na Don Miguel ang founder at presidente ng elite group na kinabibilangan nila.

Ang IDS Hope Elite Group ay binuo niya para makatulong sa asawa nya. Si Issay.

Mahilig kasing tumulong sa mga nangangailang ang asawa nitong si Issay at madalas na tinutulungan nya ay ang mga taong may matinding karamdaman at wala ng lunas.

Kaya naisipan ni Miguel na magtayo ng isang ospital para kay Issay, ang Isabel Delos Santos Special Care Hospital o IDS Hospital.

Pagkatapos ay nagtayo sya ng research team at tinawag nya itong IDS Hope Elite Group. Puro mga genius ang hinanap nya at inilagay sa research facilities na ito.

"Anong ginagawa ng presidente dito?"

Kinakabahang bulong ng isa sa kanila.

"Hindi ko alam! Paano nya nalaman na andito tayo?"

Lumapit kay Miguel ang isa sa kanila.

"Don Miguel, magandang araw po!"

Hindi sya pinansin ni Miguel. Nililibot nito ang tingin sa lahat ng naroroon. Iniisa isa silang pinagmamasdan, tila kinikilala.

"Sino ang mga taong ito?"

Tanong ni Miguel.

Hindi makasagot ang lahat. Natatakot ang iba at hindi naman maintindihan ng iba ang sinasabi ni Miguel.

"Bakit hindi kayo makasagot?"

Si Beatriz ang lumapit.

"Don Miguel, magandang araw po!

Gathering po ito ng mga elite group para sana sa bagong recruit pero.. nag quit po e! Hindi ata nakaya ang pressure! Hehe!"

"At sino ka naman?"

"Ako po si Beatriz, Don Miguel, naging member po ako ng elite group 3 taon na ang nakakaraan!"

"Hindi ko naalalang ni recruit kita at ang pagkakaalam ko kinse lang sila at hindi ka kabilang dun!

Nasaan ang elite group ko?"

Anong ibig sabihin nito? Bakit parang hindi nya alam na member nya kami?'

"Pasensya na Don Miguel pero baka naman po, nakalimutan nyo lang!"

Tinitigan ni Miguel ng matalim si Beatriz.

Natakot ito at nanghina ang mga tuhod sa galit na tingin ni Miguel.

"Hindi kita kilala, umalis ka sa harapan ko!"

Takot na napaatras si Beatriz.

"Kayong mga elite magsilapit kayo!"

Walo ang lumapit, isa isa, kinakabahan.

Nasa harapan nya ngayon ang walo sa orihinal na recruit ni Don Miguel may pitong wala.

"Marami kayong dapat ipaliwanag sa akin at isa naroon ay kung sino ang nagbigay sa inyo ng karapatang mag recruit ng bagong member. Pero bago yan gusto kong malaman kung ano ang ginagawa ni Eunice dito at bakit inaabuso nyo sya?"

Sabay sabay silang napatingin kay Dean Vernal.

Si Dean Vernal ay hindi kasama sa original na elite group.

Isa sya sa na recruit ng isa sa member ng grupo kaya napataas ang kilay ni Don Miguel.

"At sino ka naman?"

"A-A-Ako po si Dean Vernal ang Dean po ng DIDS University."

"So kilala mo ang asawa ko?"

"O-Opo, Don Miguel!"

"Nakasalubong ko si Eunice sa elevator at sinabi nya sa akin na gusto na nyang mag quit sa pagaaral dahil sa pinapagawa ng Dean at mga professor nya. Ikaw yung tinutukoy nya diba? At nasaan naman ang walang kahihiyang mga professor nya?"

"Don Miguel, hindi po ako aware sa nangyayari kay Eunice, hindi ko po alam na naabuso na sya!"

"Anong klaseng pamamalakad ang ginagawa mo at naabuso ang isang freshman na tulad ni Eunice? At anong ginagawa nya dito?!"

"Don Miguel, sya po sana ang bagong irerecruit at andito sya para sa special exam!"

"Gusto nyong mag take ng special exam ang bata na hindi nya alam kung para saan? Nababaliw na ba kayo? Anong karapatan nyong pwersahin ang isang tao sa gusto nyo?"

Chapitre suivant