webnovel

Chapter 8

RIN woke up in a familiar room. Pakiramdam niya ay napakagaan ng ulo niya at naging napakabigat naman ng katawan niya kaya nanatili lang siyang nakahiga.

Hindi na maganda itong nangyayari sa kaniya. Lately ay nakaka-alala siya ng mga alaalang hindi niya mapagtagpi-tagpi. Some memories were only a blur and it will cause her to feel dizzy and have her head feels like hell. Hanggang kailan ba siya paparusahan ng mga alaaalang pilit na bumabangon?

Wala naman siyang naging problema sa pag-iisip at memorya noong nakatira siya sa San Rafael kasama ang Nanang Marta niya. Everything is fine except the feeling of emptiness she felt inside. Pakiramdam niya ay may kulang. At nawawala ang damdaming iyon kapag kasama niya si Grego. Pero ang kapalit naman no'n ay ang muling pagbangon ng mga alaalang may kaakibat na sakit.

Bakit ba ako nahihimatay kapag nakaka-alala ng mga alaalang hindi ko mapagtagpi-tagpi? Ganoon na ba kalala ang amnesia ko?

Feeling niya ay nagiging pabigat na siya sa lahat dahil sa kondisyon niya. She have to go home soon. Ang huling balita niya ay wala na sa Philippine Area of Reaponsibility ang bagyo kaya nakakasiguro siyang hindi na masyadong maputik ang daanan papunta sa bahay ng Nanang Marta niya.

Napabalikwas siya ng bangon nang biglang bumukas ang pinto. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang pumasok si Grego sa kwarto. Kaagad itong ngumiti at lumapit sa kaniya.

"How are you feeling?"

Tipid siyang ngumiti. "Better. I mean, hindi na masyadong malala yung pagsakit ng ulo ko kapag nakaka-alala ako. Unlike before, the pain is bearable this time pero kusang nagba-black out ang isip ko sa tuwing nakaka-alala. I think it all started when i got here and I've met you."

Nakita niya ang pagguhit ng lungkot sa mukha ni Grego. "I see."

Saglit na katahimikan ang bumalot sa buong kwarto bago siya muling magsalita. "A-Ano. Uuuwi na ako sa San Rafael."

"Why?"

She bit her lower lip. "Kasi masyado na akong nagiging pabigat dito. Masyado ka ng madaming naitulong sa akin, Grego. Hindi ko dapat abusuhin iyon—"

"Sinong nagsabing inaabuso mo ang tulong ko?"

"Bakit? Hindi ba?" Nalungkot siya sa naging realization niya. "Look, ilang linggo na akong nandito sa pamamahay mo. Palamunin ako at ni isang bagay ay wala man lang akong naitutulong dahil nga sa madalas na pag-sakit ng ulo ko."

"What about me and Erin? Iiwan mo na lang ba kami?" Bakas ang pagtatampo sa boses nito.

Halos hindi siya makatingin dito ng maayos. He's very sweet and expressive. Lahat talaga ng nararamdaman ni Grego ay ipinapakita nito sa kaniya. Katulad ngayon, nagtatampo ito na nagbabalak siyang umalis.

"Pwede naman akong bumisita dito eh. Maybe once a month."

Mas lalo itong sumimangot. "No. You're not leaving."

Gusto niyang matawa. He's literally pouting like a child! And she likes it. He looks so adorable. Parang gusto niya tuloy na lambingin ito buong araw.

"Pau— i mean, Rin. Please. Stay. Hindi ka pabigat dito. I swear. You belong here."

She furrowed her brows. "Why do you think I belong here?"

"Because…" hindi nito maituloy ang sagot sa tanong niya. "Just because. Hindi na mahalaga iyon. My princess enjoys your company. Malulungkot si Erin kapag umalis ka."

Napangiti siya. The sweet and adorable Erin. Nakakatuwa nga namang makipaglaro sa batang iyon. But how about him? Would he miss her too?

Pero kahit ano pa ang sagot sa mga tanong ni Rin sa sarili, alam niyang hindi pa rin no'n mababago ang desisyon niya. Aalis siya para hindi na mas lumalim pa ang mga nararamdaman para sa mag-ama. She loves being with them. Hindi madaling kalimutan iyon, oo. Pero mas makabubuti sa lahat kapag umalis siya ng maaga. The sooner she'll leave, the sooner they all could move on with their lives. At isa pa, siguro ay nakikita lang ni Grego sa kaniya ang mga katangiang hiniling nito na sana ay meron din si Pauline. Kaya siguro minsan ay tinatawag siya nito sa pangalan ng dating asawa.

This is the part of love that really sucks! The part where the lovesick fool have to say goodbye for the greater good.

She heaved a sigh. "At isa pa, ayaw ko ng maalala yung nakaraan ko."

Gumuhit ang sakit sa mukha ng binata dahil sa sinabi niya. He cleared his throat. "W-Why? Hindi ba't sinabi mong gusto mong malaman yung katotohanan? Why are you telling me this? Ngayon na handa na sana akong bawiin ka?"

Mas lalong lumalim ang gatla niya sa noo. "Why do i get the feeling that you wanted to tell me something. Ano ba kasi iyon?" Naiiritang tanong niya.

"I just wanted to ask!" Tumaas na rin ang boses nito. "Why would you want to forget everything from your past at once? Bakit?" His eyes were longing for explaination from her. Bakas sa mukha ni Grego ang sakit at pagtatampo. And in an instant, the room was filled with blue and grey kaleidoscope. Making her feel miserable than she already is.

"Because I don't want to feel the pain anymore. Ayaw kong namimilipit sa sakit. Ayaw ko. It is too much. Too much for my body to take. At pakiramdam ko nagiging pabigat na ako sa lahat… Kay Nanang Marta, at lalong-lalo na sa'yo." Hindi niya mapigilang maluha. "I just wanted to live, that's all. Kahit huwag na bumalik yung mga alaala ko. Pero bakit gano'n? Bakit pinaparusahan ako ng mga alaaalang iyon?" She sobbed. "I just feel like my own memories has a price and the excruciating pain is the best price to pay." Nanikip ang dibdib niya sa sibrang sama ng loob. "I just feel like i don't deserve my memories anymore. Kasi hindi ko kaya yung sakit." She intently looked at him. "Now tell me. Bakit ko pa gugustihing maalala ang nakaraan ko kung hindi ko kayang bayaran ang mga iyon? Kasi duwag ako."

Saglit na tumahimik si Grego at tinitigan siya. Bakas sa mukha na maraming katanungan ang nasa isip nito. It took him a while to respond. "Magiging masaya ka ba kapag… hindi mo na maaalala yung nakaraan?"

Napakabigat sa damdamin ng tanong na iyon mula sa binata. It feels like her life depended on it. Magiging masaya nga ba siya kapag tuluyan na niyang talikuran yung nakaraan?

She attempted to wipe her tears pero naunahan na siya ni Grego. His thumb wiped away the last tear fell down her cheeks. "Hush now, Rin. Now, answer me. Are you?"

Wala sa loob na tumango siya bilang pagtugon. Kasabay no'n ay ang pagyakap sa kaniya ni Grego ng mahigpit. Napakahigpit. Sa sobrang higpit ay halos matunaw siya sa mga emosyong ipinararamdam sa kaniya ng mga katawan nila.

"Okay, baby. Now, I'm letting you go. You're free."

Chapitre suivant