webnovel

Chapter 9

Isang buwan. Mahigit isang buwan na naging pala-isipan kay Rin ang huling sinabi ni Grego sa kaniya.

"…now, i'm letting you go. You're free."

Mahigit isang buwan siyang naniwala na baka sadyang sinabi lang iyon ni Grego sa kaniya dahil puamayag na itong umuwi siya sa San Rafael. Pero hindi eh. She feels the pain in his voice… na para bang napakahirap sa kalooban ni Grego na paalisin siya.

Pagkatapos nilang mag-usap ni Grego noong araw na iyon ay hindi na sila muling nag-usap pa. Iyon na ang naging huli nilang pag-uusap. Naging tahimik na rin ito at halos umaaktong hindi siya nag-e-exist sa mansyon. And it hurts her. Kahit paano naman ay may pinagsamahan sila kahit kaunti.

Matapos ng ilang araw ay umalis na siya ng tuluyan sa mansyon ng mga Perez. Umiyak pa nga si Erin noong nakita siya nitong may bitbit na mga bag na may laman na mga lumang gamit ni Pauline. Parang ang bigat sa kalooban niyang maglakad papalayo sa mansyon at iwan sila Grego at Erin na nakatitig sa kaniya habang lulan siya ng minivan papalayo. And for an unknown reason, she cried.

Ilang araw at gabi siya umiiyak kapag naaalala ang mag-ama. Napakasakit sa kaniya na umalis at umuwi ng San Rafael pero kailangan niyàng gawin iyon para magkaroon ng peace of mind. Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Ilang linggo lang naman ang inilagi niya sa mansyon ng mga Perez samantalang tatlong taon siyang nanirahan sa San Rafael. Pero bakit mas masakit na mawalay kay Grego at Erin kesa sa mawalay sa Nanang Marta niya?

"Anak. Tulala ka na naman. Nami-miss mo pa rin ba sila?" Tanong ng Nanang Marta niya na gumising sa kaniya mula sa malalim na pag-iisip.

"Alam mo bang nag-alala ng sobra si Cholo sa'yo? Noong nawala ka sa bayan, halos libutin niya ang San Rafael para mahanap ka. Kung hindi lang sana bumagyo ay dapat matagal ka na naming nahanap. Alam mo naman ang mga pulis dito sa atin. Hindi sila makagalaw kapag bumabagyo lalo na't maputik ang daanan. Napaka-layo pa naman natin sa lungsod at isa pa, noong nalaman naming sinugod ka sa ospital, hindi binigay ng mga staff doon ang mga detalye sa kung sino ang kumuha sa'yo." Napabuntong-hininga ang Nanang Marta niya. "Akala talaga namin k-in-idnap ka na. Jusko!"

Napangiti siya. "Nanang naman eh. Alam ko naman pong nag-alala kayo. Alam ko rin naman pong wala kayong magawa kasi maputik at delikado ang mag-byahe muka dito papuntang bayan kapag umuulan. At isa pa, ire-report naman sa inyo ng mga pulis natin sa bayan kung sakali mang may nangyaring masama sa'kin."

"Sabagay, anak. Kaso nag-alala talaga kami eh, lalo na nang nalaman naming nasagasaan ka pala at isinugod sa ospital."

Hinawakan niya ang kamay ng Nanang Marta niya. "Nang, tapos na iyon, okay? Wala ka ng dapat ipag-alala. Ligtas ako. At isa pa, makakalimutan ko rin si Mayor Grego at si Erin. Talagang napalapit na sila sa'kin kaya hindi sila ganoon kadaling kalimutan." Ngumiti siya ng tipid at nagpatuloy sa pagpapakain ng mga manok na umiikot-ikot sa paanan niya at nag-aabang ng pagkain.

"Ang bait naman ng tumulong sa'yo, anak. Isipin mo, binigyan ka niya ng mga mamahaling damit, pinatira ka sa mansyon nila ng mahigit isang linggo. At hindi lang iyon! Siya pa ang gumastos sa pagpapa-doktor sa'yo,"

Napangiti ulit siya. Totoo talagang mabait at matulungin si Mayor Perez. Sa katunayan nga ay ipinahatid pa siya nito sa driver pauwi sa San Rafael para lang matiyak na makamauwi siya ng ligtas. Binigyan pa siya ni Mayor ng groceries– na kaagad niyang tinanggihan– kaso sadyang mapilit yung driver na naghatid sa kaniya at sinabing sisisantehin daw uto ni Grego kapag hindi niya tinanggap ang mga groceries. Kaya labag man sa loob ay tinanggap na lamang niya ang mga iyon. He's really expressive. Kapag may concern ito sa isang tao ay ipinapakita o sinasabi talaga nito. Walang tinatagong emosyon ang binata mula sa kaniya, at siguro ay isa iyon sa maraming bagay na nagugustuhan niya mula rito.

Nagpaalam si Nanang Marta na pupunta na sa bukid para tingnan ang mga tanim nila doon na aanihin sa susunod na buwan. Siguradong bukas pa ng madaling araw makakauwi ang Nanang Marta niya dahil doon iyon magpapalipas ng gabi sa bahay ng kaibigan nito kaya naiwan siya mag-isa sa bahay. Imbes na magmukmok dahil mag-isa na naman siya ay nanatili na lang siya sa labas ng kubo at nagpapakain sa mga manok. At least the chickens gave her company. Kahit paano ay natutuwa din naman siya sa pagpapakain ng mga manok.

Busy siya sa pakikinig ng radyo at masayang tinitingnan ang mga kulay na nakikita niya mula sa mga pamilyar na notang nagmumula sa isang acoustic song at bumabalot sa kapaligiran. Ang synesthesia niya lang talaga ang source of entertainment niya kapag mga ganoong oras at habang nagpapakain siya ng mga alaga niyang manok.

"Nakakakita ka na naman ng mga kulay, ano?"

Napangiti siya sa pamilyar na boses na naggagaling sa gilid. Alam niyang si Cholo ang nagsalita dahil may shades ng pink at red na humalo sa mga kulay na nakikita niya kanina.

"Halika na dito, Cholo. Maupo ka na sa tabi ko. Andami mong satsat."

Narinig niya ang mahinang pagbungisngis ni Cholo bago ito tuluyang naupo sa tabi niya.

"Ang cute mo talaga kapag nagpapakain o nakikipag-usap sa mga alaga mong manok. Para kang bata."

"Che!" Inirapan niya ito.

"Aba! Marunong ka na magtaray, ah? Saan mo natutunan 'yan, old lady?"

She grinned. "Siyempre doon sa telenovela na ipinapalabas ni Aleng Tetay sa TV nila. Alam mo namang ang nanay mo lang ang may flat-screen TV dito sa lugar natin kaya ang ending, naging cinema ang sala ng bahay niyo dahil sa dami ng nakikinood." She giggled. Madalas kasi siyang tumambay sa bahay nila Cholo at nakikinuod ng mga soap operas sa TV ng mga ito kaya naging ganoon sila ka-close ni Cholo. She treats him like his little brother, lalo na't higit na nakababata ito sa kaniya. Sa tantya niya kasi ay nasa early thirties na siya pero sabi naman ni Cholo ay mukha siyang twenty-two dahil sa pagkakaroon niya ng maamong mukha. Minsan pa nga raw ay nagmumukha siyang bata dahil sa mga damit niyang ipinamigay lang ng mga kapitbahay nila noong unang salta niya pa lang sa San Rafael. Dahil balingkinitan ang katawan niya, nagkakasya sa kaniya ang mga damit ng mga batang nasa edad trese anyos. Bitin nga lang sa haba kaya minsan, kapag itinataas niya ang mga kamay ay makikita na ang pusod niya, bagay na iniiwasan niya dahil maraming kalalakihan ang tumitingin at pinagnanasaan siya. Umabot pa nga sa puntong napa-away si Cholo dahil binastos siya ng isa sa mga kababayan niya.

"Kamusta, Rin? Okay ka na ba ngayon? Pwede na ba tayong mag-date? Alalahanin mo. Hindi natuloy yung date natin dati."

Natawa siya. "At talagang gusto mo akong i-date, huh?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Saan mo ako dadalhin, aber? Sa karendirya na naman ni Mang Tonyo? Doon na naman sa karenderya niyo?" Ang tinutukoy niya ay ang tatay ni Cholo na nagmamay-ari ng sikat na karenderya sa bayan.

Napakamot si Cholo sa batok, mukhang nahihiya. "Ayaw mo na ba doon? Sige kung gusto mo–"

"Ano ka ba? Okay lang! Nagbibiro lang naman ako." She smiled and patted his shoulder. "Sige. Punta tayo sa bayan mamaya. Tatapusin ko lang itong pagpapakain ng manok."

"At sinong may sabi sa'yo na pwede kang sumama sa ibang lalake?" A familiar voice out of nowhere interrupted, making her whole body stiff.

Natigilan siya. A familiar shade of blue and grey flashed in her eyes. Kasabay no'n ay narinig niya ang mga pamilyar na mga yabag na papalapit sa direksyon nila. Nang lingunin niya kung sino iyon ay napasinghap siya nang mapagtantong tama ang mga hinala niya.

Mayor Gregorio Perez. He's here!

Chapitre suivant