webnovel

PAYBACK TIME

"IT'S ME, Sierra! What the fuck?" nanggigil na anas ni Inconnu habang nakatakip ang palad nito sa ibabaw ng labi ni Sierra. Natigilan si Sierra at napatitig sa lalaki. Dahil groggy pa sa pagtulog at may kadiliman, hindi niya agad nakilala ang lalaki. Pero ngayong nakatitigan na niya ito at nakita ang pamilyar na pulang mata bilang demon saka naamoy ang mala-CK nitong pabango, nasisiguro niyang si Inconnu na iyon.

Biglang kumabog ang dibdib ni Sierra. Iyon na ba ang oras ng paniningil nito? Ah, bigla siyang hindi mapakali. Pasimple niyang sinuri ang sarili. Madaling araw na. Panis na ang laway niya. Nakakahiya kay Inconnu kung maamoy nito iyon. Lumipas na rin ang bagong ligong amoy niya. Nasisiguro niyang amoy kumot na siya.

Natigilan si Sierra sa naisip. Bakit ba siya natuturete? Hindi siya dapat umaastang excited! Maniningil ito ng utang. Walang romantikong notion doon. Hindi siya dapat makaramdam ng pananabik!

Inalis na niya ang kamay nito ng makabawi. Lihim din na nanalangin na sana'y walang nakarinig sa malakas niyang sigaw. Nabigla kasi siya kanina. Sino naman ang hindi mabibigla? Nagising siya dahil mayroong humahaplos sa kanya. Sa pagmulat din ng mga mata ay mapupulang mata nito ang bumungad sa kanya. Sino'ng hindi mapapasigaw?

"Bakit ngayon ka lang? Ang tagal na kitang hinintay!"

Biglang namula ang mukha ni Sierra sa huling nasabi. Lalong naginit ang mukha niya ng mapangisi ang demon. Mukhang tuwang-tuwa sa kaalamang hinihintay niya ito! Malamang ay iniisip nitong nasasabik siya sa gagawin nila. Damn!

"Really? I didn't expect this. But don't worry. Babawi ako, okay?" nasasabik na anas nito at sinimulang samyuhin na ang buhok niya.

Napalunok si Sierra at nanigas na sa kinahihigaan. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at dinama ang bawat kilos ni Inconnu. Muli, pinagsabihan niya ang sarili. Hindi dapat siya makaramdam ng pananabik. Hindi siya dapat lumulutang. Hindi siya dapat naliligayahan!

But what the heck? Unti-unti siyang natatangay. Sa bawat haplos, samyo at pagtama ng hininga nito sa balat niya, unti-unti niyang nalilimutan ang lahat ng dahilan kung bakit nila ginagawa iyon ni Inconnu.

She felt that everything was right. Alam niyang malaking kahibangan iyon. Isang napakalaking kalokohan. Hindi normal na makaramdam ng ganoon sa isang demon pero bakit ganoon? Hindi na niya nararamdamang demon si Inconnu. Sierra felt that Inconnu was a man—a man ready to please her... satisfy her needs and make her contented...

"You smell so good, Sierra..." mainit na anas ni Inconnu habang pinauulanan siya ng mabining halik sa gilid ng mukha. Ang kanang palad nito ay patuloy sa mabining paghagod sa kanyang katawan. Walang ibang magawa si Sierra kundi ang mapasinghap at mapaungol sa luwalhating dulot ng init ni Inconnu.

Aaminin niya, hindi niya inaasahan ang aksyon ni Inconnu. She was expecting him to be rough, wild and harsh. He was a demon. It was normal for him to be cruel. Isa iyon sa mga bagay kung bakit hindi siya mapakali sa isiping makakasiping ito. Inaasahan niyang pahihirapan siya ng lalaki.

Pero mukhang nagkamali siya. Kakaiba ang taktika ni Inconnu. Sa bawat segundong lumilipas, lalo siyang nalulubog sa ligayang unti-unti nitong pinapamulat sa kanya. Sa bawat minutong natatapos, nararamdaman niya ang unti-unting paghahangad pa ng katawan niya sa mga gagawin pang pagpapaligaya ng lalaki. Sa bawat kilos ni Inconnu, unti-unti siya nitong binabaliw! She couldn't believe her body's reaction now. She was aching inside, to think that Inconnu was only giving her butterfly kisses and touching her body! Ni hindi pa siya nito sinisiil ng halik, ganoon na katindi ang nararamdaman niya. Naliliyo siya at gusto ng bumigay!

"Oh Sierra... somebody's coming," mainit na anas ni Inconnu at mabilis na ibinaba ang nighties niya. Tumigil din ito sa pagkilos sa tabi pero hindi naman umalis. Pero hinihingal ito. Mukhang nagpipigil!

"Hmmm?" wala sa sariling ungol niya. Hindi pa niya ganap na naiitindihan ang sinabi ni Inconnu, biglang bumukas ang pinto niya at iniluwa si Nana Lilith! Hindi kasi siya nagla-lock ng pinto kaya agad nitong nabuksan iyon. Nakaugalian na niya iyon para in case na magkaroon ng emergency ay agad siyang magigising ng mga katulong.

"Nana!" tili ni Sierra at agad tinakpan ng kumot ang katawan. Gusto niyang lumubog sa kinahihigaan! First time in her damn history! Nahuli siyang mayroong kasamang lalaki sa kuwarto!

"Ma'am! Okay lang po ba kayo? Narinig po namin hanggang quarters ang sigaw ninyo!" alalang saad ni Nana Lilith at agad siyang nilapitan. Kasunod pa nito ang ilang katulong! Lahat, nababakas ang pagaalala sa mukha.

Natigilan si Sierra at napatingin sa tabi. Nakahiga pa rin si Inconnu doon. Nakaunan ang dalawang braso sa batok nito. Prenteng-prenteng nakahiga! Mukhang nage-enjoy sa posisyon! And obviously... siya lang ang nakakakita dito...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Napatingin si Sierra sa mga katulong. Alala pa rin silang nakatingin sa kanya. Sa kanya lang sila nakatingin! Hindi talaga nila nakikita si Inconnu!

"O-Okay lang ako. I-I just had a nightmare and—"

"Iha, ano'ng kaguluhan ito?" singit ng daddy niya. Agad silang napalingon sa pinto at nakita nila itong nagmamadaling pumasok din. Nakapantulog din ito at mukhang kagigising lang. Hindi na siya magtataka kung bakit ito nagising. Magkatabi lang ang kwarto nila. Mukhang dinig din nito ang pagsigaw niya kanina. Malakas na rin ang daddy niya kaya nakakaya na nitong kumilos ng magisa.

"Wala ho dad. Nanaginip lang ako ng masama. Pasensya na ho sa istorbo," nahihiyang hingi niya ng paumanhin.

"Okay. All of you, go back to sleep now. Ako na ang maiiwan dito. Sasamahan ko si Sierra." anang daddy niya sa mga katulong saka siya hinarap. "Don't worry, iha. Sasamahan kita hanggang sa makatulog ka,"

Napamulagat tuloy siya at pasimpleng napatingin kay Inconnu. Gusto niyang matawa ng mapaungol ang lalaki. Mukha naman itong hindi galit pero mukhang... bitin!

At aaminin niya, ganoon din ang nararamdaman niya. Pakiramdam ni Sierra ay para siyang itinapat sa mainit na uling. Kung kailan malapit na siyang maluto, doon naman siya inalis sa baga. Nakakaloka sa pagkabitin!

"Pero dad—"

"No buts. This time, I will take good care of you. Sleep now, okay?" anito saka siya inalalayang makahiga. Inayos nito ang kumot niya saka ito nahiga sa sofa niya sa kwarto.

"This is insane!" hindi makapaniwalang anas ni Inconnu.

Napakagat si Sierra sa ibabang labi para pigilan ang sariling mapahagikgik. Damang-dama niya ang walang hangganang pagpipigil ni Inconnu. Panay ang buga ng hangin nito at idinaan na lang sa pagaamoy-amoy sa buhok niya ang init ng katawan.

Siya naman ay nagpipigil din. Sinikap niyang hindi makagawa ng anumang ingay na puwedeng ipagtaka ng daddy niya. Aba, paano na lang kung marinig siya nitong umungol sa luwalhati? Nakakahiya! Baka ibitin din siya nito ng patiwarik!

Kaya nang magtangkang haplusin siya ni Inconnu at agad niyang tinapik ang palad nito. Napaungol ang probreng demon. Lihim siyang natawa. Doon din niya napatunayang napakahirap ng sitwasyon nila. Hirap siyang huminga kakapigil matawa! Damn it!

Pareho na lang silang napabuntong hininga ni Inconnu sa huli.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Let's try to have sex on your table. Please?" walang pasakalyeng ungot ni Inconnu kaya nagkadasamid-samid si Sierra sa paginom ng mainit na kape. Pambihira! Muntikan na iyong lumabas sa ilong niya! Nakakaloka talaga ang kamunduhang naiisip ni Inconnu!

Nakangising dinaluhan siya ni Inconnu. Nang makahuma si Sierra ay inirapan niya ang demon na maloko. Wala na itong ibang bukambibig kundi kamunduhan! Hindi na siya nagtataka dahil demon ito. He possessed one of seven deadly sins: lust.

Isang linggo na itong bumubuntot-buntot sa kanya. Maingay ito. Sinasabi ang laman ng isip kahit nasaan sila. Mabuti na lang, siya lang ang nakakarinig kaya sarili lang niya ang namamangha at naloloka sa mga kamunduhang sinasabi nito.

Lahat ng lugar, mayroon nabubuong ideya si Inconnu kung papaano gagamitin sa sex. Kagaya na lang ng sandaling iyon. Tahimik siyang pumipirma ng mga papeles sa opisina. Mahigit dalawang linggo na buhat ng makapag-report siya doon. Magmula din ng dumating si Inconnu, sumasama na rin ito doon. Binubusisi araw-araw ang opisina niya kahit araw-araw naman itong nandoon. At sa tuwing binubusisi nito ang opisina niya ay makakaisip ito ng mga kalokohan pagdating sa kama.

Hindi na naulit ang pagtatangka nitong makipagtalik. Gayunman, hindi na naalis dito na mahilig itong magbiro ng tungkol sa sex at green jokes. Gusto na rin niyang mapailing sa sarili. Kung naiba lang na lalaki iyon ay nabastusan na siya at sampal na ang inabot sa kanya. Pero pagdating kay Inconnu, hindi niya iyon magawa.

She must admit, a part of her felt weird. Nakakaramdam siya ng init. Naku-curious din siya. Ano nga ba ang mararamdaman niya oras na makatalik ito sa ibabaw ng mesa? Sa loob ng banyo? Kotse? Garden at kung saan-saan? Ang mga ideyang isinasaksak ni Inconnu sa isip niya ay naghahatid ng kiliti din sa imahinasyon niya...

And no one can blame her. She was just human. She has needs too. A need that Inconnu was willing to give... a need sometimes made her wants to yield...

Pero sa huli ay inaawat niya ang sarili. Kailangan niyang gawin iyon dahil kung papayag siyang magtalik sila sa mesa, mapapanood iyon ng mga tao nila sa viewing room! May CCTV ang office niya! Aba'y ayaw niyang magkaroon sila ng scandal!

"What happened to you? Bakit ka naubo?" nakangising tanong ni Inconnu. Normal na para kay Sierra ang ngising iyon. Pati ang kislap ng kalokohan sa pulang mga mata nito, normal na rin. He looked gorgeous wearing those anyway and sometimes, she found herself watching them.

She sighed. Mukhang tinutubuan siya ng paghanga sa lalaki. Masisisi ba siya? Sa tingin niya ay hindi. Oo at demon si Inconnu pero hindi maiaalis ang katotohanang isinalba nito ang buhay ng daddy niya. Hindi siya nahirapang kausapin ito. Hindi rin ito nagiging marahas at hindi siya idinaan sa dahas.

It seems that Inconnu was enjoying teasing her. Sa tuwing masasamid siya sa mga green jokes nito, napapahalakhak ito. Tuwang-tuwa ang mokong sa nakikitang pamumula niya kahit pa nasa mga mata ang hindi maitagong init na maangkin siya.

Isang bagay din iyon kung bakit kakaiba ang attachment na nararamdaman ni Sierra para kay Inconnu. It was something deeper. Her mind was set that one day; she'll give her self to him. Hindi siya napipilitan sa bagay na iyon dahil tanggap niya na dapat niyang ibigay iyon para dito.

"Nagtanong ka pa? You kept talking about sex. Naiilang ako sa ganoong topic." amin niya.

"Bakit naman? Masarap pagusapan ang tungkol doon. Why don't we talk about positions? My favorite position is—"

"Inconnu!" bulalas na awat niya. Nagiinit na ang buong mukha niya! Napahalakhak tuloy ito sa naging reaksyon niya. Gusto na niya itong batuhin pero hindi niya magawa. Hindi nga siya makaporma ng husto dito dahil natatakot siya na baka mahalata sa CCTV na may kausap siyang hindi nakikita.

"Okay, okay!" sumusukong saad nito. Itinaas pa ang dalawang kamay para ipakitang surrender na ito.

Napabuga na siya ng hangin at kinalma ang sarili. Napapailing na nagpatuloy na lang siya sa trabaho. Tumahimik naman ang mahalay na herodes. Iyon nga lang, makalipas ang ilang minuto, nakaramdam siya ng pananayo ng balahibo. Napatingin siya kay Inconnu at napaungol na naman nang makitang titig na titig ulit ito sa kanya habang mayroong kislap ng kapilyuhan sa mga mata.

"Ano ba? Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan. N-Naiilang ako..." awat niya kay Inconnu.

"Why? Dapat ay sanay ka nang tinititigan. Napakaganda mo kaya marami ring lalaking nagkakagusto sa'yo." anito.

Napasinghap siya sa hayagang pagpuri nito. Lalo siyang nailang dahil walang halong kalokohan iyon. Bakas ang sinseridad sa mga mata ni Inconnu. Wala tuloy siyang masabi. She was so damn speechless!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"A-Ano ka ba? Isa lang ang naging maliligaw ko. Si Elderson. Naging kami pero nagkahiwalay din," natatawang kontra niya at kinwento ang nangyari sa kanila ng ex nang makabawi.

Nagsalubong ang kilay ni Inconnu. "It's true. Sa ilang beses kong pagsama sa'yo, I heard every man's thoughts of you. Gusto ka nila pero hindi sila makaporma dahil una, anak ka ng mayari. Pangalawa, nagaalangan sila sa ganda, posisyon at pangalan mo. Pangatlo, dahil sa daddy mo."

Napatitig si Sierra kay Inconnu. Napalunok siya ng mapatango ito. "Your father is a business tycoon. Hindi napapabagsak ng kahit na sino. Dahil doon, nagiging ilag sa'yo ang mga lalaki." anito saka napabuga ng hangin. "Chicken shit. They don't deserve you. Ang lalaking nararapat sa'yo ay ang lalaking matibay ang dibdib na harapin ang lahat ng iyon."

Hindi tuloy napigilan ni Sierra na mapangiti. Hindi niya ine-expect na ganoon ang reasoning ni Inconnu. May lalim itong magisip at natutuwa siyang marinig ang mga opinyon nito. It somehow impressed her.

"Why are you smiling?" diskumpyadong tanong nito.

Natawa tuloy siya at napailing. "Hindi ko ine-expect na ganyan ka pala magisip,"

Ito naman ang natigilan hanggang sa biglang namula ang buong mukha. "Shit!" bulalas nito saka napabuga ng hangin. Hindi siya nakaramdam ng takot o kaba sa biglaang pagasik nito. Ang totoo, natatawa na si Sierra. Mukhang ayaw nitong napupuri! Parang masusunog oras na sinabihan niya ng magagandang katangian nito!

Ah, demon nga naman ito. Nangingilabot kapag pinupuri. Napabungisngis siya sa naisip.

"Let's talk about sex!" bulalas nito.

Natawa na siya at nagtrabaho. Alam niyang gusto lang nitong ibalik ang sariling disposisyon pero hindi niya pinagbigyan. Lihim na lang natatawa si Sierra sa stressed na nakikita kay Inconnu. Panay ungol ito at buga ng hangin pero hindi na siya kinulit. Hinayaan na siya nitong nagtrabaho.

Chapitre suivant