webnovel

PAYBACK TIME. AGAIN.

"Hindi pa ba tayo uuwi? Gabi na," bulong na tanong ni Inconnu. Napatikhim si Sierra at tumipa sa cellphone saka iyon pasimpleng pinabasa kay Inconnu. One thing she found out about him, Inconnu could easily grasp the life of a human. Wise ito. Kaya sa loob ng maraming linggo na nakakasama niya ito, naiintindihan na nito ang takbo ng buhay ng mga tao. Nasundan na nito ang paggamit ng gadgets. Hindi rin ito nahirapang basahin ang mga letra. Bukod sa talino, taglay din nito ang kapangyarihan kaya kaya nitong makipagsabayan.

Patapos na ang meeting. Uuwi na tayo pagkatapos nito... ani Sierra sa cellphone. Itinipa niya ang mga letrang iyon sa bakanteng mensahe. Kasalukuyan silang nasa monthly meeting ng kumpanya. Hindi na bumalik pa ang daddy niya sa pagtatrabaho. Sa ngayon ay pinaguusapan nila na siya na ang magiging President ng kumpanya at malapit na ang inauguration para doon.

Nang matapos basahin iyon ni Inconnu, binura nito iyon gamit ang sariling mahika at unti-unting nagkaroon ng panibagong letra sa space.

Pagod ka na naman n'yan. Hindi na naman kita maaaya... I am so damn excited to have you, sweetie. But you're tired. Always tired that's why I couldn't ask you every night...

Natigilan si Sierra sa nabasa! Biglang kumabog ang dibdib niya. Iyon pala ang dahilan nito kung bakit hindi na naulit ang pangangalabit nito!

And her heart melts. Tuluyang pinatunayan ni Inconnu na mayroon itong puso. Mayroon itong consideration at concern. Hindi tuloy mapigilan ni Sierra na mapangiti. Ah, kinikilig siya sa tuwa!

Bigla siyang napasinghap sa reyalisasyon. Kinikilig siya! Tuluyan na bang nahawakan ni Inconnu ang damdamin niya? Tingin niya ay hindi imposible iyon. Kahit sabihing demon si Inconnu at puro kahalayan o kamunduhan ang alam, sumisingaw ang ilang katangian nagiging dahilan kung bakit nagiiba ang tingin niya rito...

"The meeting is adjourn." pinal na saad ng board at nagsipagayos na sila ng gamit. Binilisan na niya para makauwi na. Gusto niyang sabihin kay Inconnu na hindi pa siya pagod. Kaya naman niya. Maliligo lang siya pagdating para maging mabango para dito. Napahawak siya sa dibdib na kumabog. Sierra couldn't believe her heart's reaction. She was palpitating! Damn it!

"Uwian na," pasimple niyang saad saka naglakad na sila palabas ng office. Dumaan muna sila sa sariling opisina para kuhanin ang natitirang gamit doon at tuluyang bumaba sa parking lot.

"You should get your own driver. Pagod ka na sa trabaho, magmamaneho ka pa pauwi," suhestyon nito at napailing.

Napabungisngis si Sierra. "I'll think about that. Thank you sa concern,"

"Hey. It's not concern. It was suggestion." kontra nito.

Napahagikgik siya. Mukhang nagpapaka-demon na naman para huwag niyang mapuri. "Okay. Suggestion na kung suggestion." sakay niya.

"Sierra, you are enjoying this, right?" angil nito.

Natawa na siya. Hindi na niya mapigilan. "Bagay mo namang maging mabait. Bakit mo kasi pinipigilan?"

Napamaang ito. "Hindi ako mabait! No!" kinikilabutang bulalas ni Inconnu at napabuga ng hangin. "You know what? Just drop my suggestion. Huwag ka nang kumuha ng driver. Naisip ko rin na kung mayroon kang driver, hindi kita maaayang magtalik sa loob ng kotse mo. Why don't we try to have sex now? Sa backseat nitong kotse? Mukhang kasya naman tayo doon."

"Inconnu!" bulalas na awat niya.

"Come on..." nangaakit na aya nito. Hindi pa nakuntento. Hinaplos pa ang hita niya. Naka-corporate attire siya at skirt ang pangibaba. Dahil doon ay malaya nitong nahahawakan ang hita niya!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Napaurong si Sierra at napalunok. Biglang dumagsa ang init sa buong katawan ni Sierra. Salamat sa mainit na palad ni Inconnu. Iyon ang salarin kung bakit biglang nagkadaletse-letse ang tibok ng puso niya!

"I-Inconnu, s-stop... m-mababangga tayo!" hingal na awat niya. Patuloy sa pagtugon ang katawan niya sa init. Napakagat siya sa ibabang labi ng makarating sa panty niya ang pangahas na palad ni Inconnu.

"Let me take good care of that," anas ni Inconnu at pumitik. Napasinghap na lang si Sierra ng biglang tumakbo ang kotse niya ng nagiisa. Tila mayroong kumokontrol sa manibela. "Spread your legs, sweetie... let my fingers penetrate you..."

"I-Inconnu... please... s-sa bahay na lang... n-natatakot ako sa ganito..." kinakabahang awat ni Sierra. Hindi niya mapigilang makaramdam ng ganoon. Papaano kung mawalan ng kontrol ang manibela at mabangga sila? Ayaw pa niyang mamatay! Isa pa, papaano kung mayroong makakita sa kanila? Aba, bago pa siya tuluyang mawala sa sarili, kailangan na niya itong awatin.

"Okay!" napipilitang bulalas nito at nilubayan na ang hita niya. Panay ang buga nito ng hangin at hinayaan na siya nitong magmaneho. Gayunman, hindi nakatakas sa kanya ang pasimpleng pagpisil nito sa pagitan ng sariling hita. Napamaang siya ng makitang bakat na bakat doon ang matinding reaksyon ng katawan nito.

"You are driving me insane, sweetie," mainit na anas nito habang nakatitig sa kanya.

Biglang naginit ang mukha ni Sierra. Nakaramdam ulit siya ng init. Ang ideyang siya ang nagiging dahilan ng matinding reaksyon nito ay naghahatid ng kakaibang kiliti sa gulugod niya. Napalunok siya at kinalma ang sarili.

"Be ready later. Hindi ako papayag na hindi na ito matutuloy, okay?" paungol na anas nito at napapakit habang pinipisil ang pagkalalaki.

Napalunok ulit si Sierra. Wala na talaga siyang lusot dito. Nanakit tuloy ang puson niya. It seems that her body was aching for the real action too. She sighed in desperation...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"LOOK AT you. So damn tired, you fell asleep!" napapailing na saad ni Inconnu habang nakatitig sa tulog na si Sierra. Sinasabi na nga ba niya. Makakatulog ito sa pagod. Ni hindi na nga ito nakapag-dinner. Pagdating nila kanina, sinilip nito ang ama sa entertainment room. Matapos iyon ay nagpaalam itong maliligo para makapag-ready sa gagawin nilang pagtatalik.

And Inconnu was so damn excited! Hindi na humupa pa ang init at reaksyon ng katawan niya. Pagkatapos maligo ni Sierra, sabik na sabik siya. Gusto niya itong daluhungin, siilin ng halik at amuyin ang kasuluk-sulukang bahagi ng katawan nito. But no. He never did that. Instead, he controlled himself and took a bath too. Gusto niyang maging mabango din para dito.

At mukhang natagalan siya sa paliligo dahil nakatulog na ito. Napabuntong hininga na lang si Inconnu at dahan-dahang naupo sa tabi ni Sierra. Inayos niya ang kumot nito at napaungol ang dalaga. Napalunok siya sa kagandahan nito. Para itong babasaging kristal kaya ingat na ingat siya.

Hindi na maintindihan ni Inconnu ang sarili. Alam niyang hindi dapat tinatrato ng ganoon si Sierra. Dapat, pagdating niya ay agad na niya itong siningil. Dapat, pinagsawaan na niya ito at saka iniwanan.

Pero hindi ganoon ang ginawa niya. Sa halip ay naghihintay siya ng magandang pagkakataon. Madalas itong pagod at hindi niya makuhang singilin. Papaano niya iyon magagawa? Aayain niyang makipagtalik ang babaeng pagod? Papaano ito mage-enjoy sa aksyon?

He sighed. Bakit ba kasi ganoon ang takbo ng isip niya pagdating kay Sierra? Kay Nadia ay hindi naman siya nakaramdam ng ganoon. Basta hinila lang niya ang babae noon at agad naman itong nagpaubaya. Kay Sierra, hindi niya basta magawa ang ganoon.

He sighed again. Naguguluhan na siya sa damdamin. Napapaisip nga rin siya kung bakit. Dahil ba sa nabibilib siya kung gaano ito kalalim magmahal? Sinakripisyo ni Sierra ang sarili para sa ama. Nagbibigay impresyong selfless itong tao. Bagay na hindi lubos akalain ni Inconnu na mayroon sa mundo. Dahil doon, tinitingnan tuloy niya si Sierra sa ibang paraan...

"No..." anas ni Inconnu saka mariing ipinikit ang mga mata. Hindi pa siya nakuntento, natutop niya ang mukha. Pakiramdam niya, sa ganoon paraan ay mapipigilan niya ang dikta ng damdamin...

Napabuga ng hangin si Inconnu at kinalma ang sarili. Muli, pinaalala niya sa sarili kung ano at sino siya. Pinaalala din niya kung ano ang dahilan kung bakit siya nandoon. Dapat ay doon lang siya mag-concentrate! Damn it!

Iyon ang isinaksak paulit-ulit ni Inconnu sa isip habang nakatitig sa magandang dalaga. Para na siyang sira. Iyon lang ang laman ng isip niya hanggang sa magumaga. Hindi naman din kasi siya natutulog. Bilang demon, hindi siya nakakaramdam ng gutom, pagkauhaw, pagod at antok. Kaya kahit maghapon o magdamag niyang tungangaan si Sierra ay hindi siya makakaramdam ng pagkabagot.

At idagdag pang napakasarap titigan ng babae. Hindi alam ni Inconnu kung ano ang mayroon sa bababeng ito kung bakit habang tumatagal na tinititigan niya, lalo itong gumaganda. Lalo siyang nahihirapang iwaglit ang tingin. Hindi rin nito alam, sa tuwing naglalakad sila at napapadaan sa iba't ibang departments, maraming mga lalaking sinusundan ito ng tingin.

Deep inside him felt proud. Aba, kasama niya ang napakagandang babae. Siya lang ang nagiisang lalaking nakakalapit at nakakatabi ito ng ganoon kalapit. Gayunman, sa kabilang banda ay nakakaramdam din siya ng inis. Bilang lalaki, alam niyang marami ding nagpapantasya dito. Palibhasa, hindi lang basta maganda si Sierra kundi saksakan din ng sexy. Perpekto ang hugis nito. Idagdag pang napakabango nito. Parang hindi napapawisan. Parang laging nakababad sa bathtub. At ang balat nito... napakakinis! Alam na alam niya ang lambot noon dahil ilang beses na niya itong nahaplos. Malas lang ng iba dahil siya lang ang nakakaalam noon.

He sighed again. Sa napakaraming pagkakataon ay muli niyang pinaalalahanan ang sarili na hindi siya dapat makaramdam ng ganoon. At bago pa siya malulong sa banyagang damdamin, kailangang maisagawa na niya ang paniningil at ng makabalik na siya sa impyerno...

"Inconnu..." anas na ungol ni Sierra at unti-unting nagmulat ng mga mata. Nang magtama ang paningin nila ay ngumiti ito sa kanya at naginat.

At hindi naisip ni Inconnu na hindi na siya kumukurap. Hindi na rin niya na-realize na halos nabibingi na siya sa lakas ng kabog ng dibdib. He was staring at the beautiful sight... he was... mesmerized...

"Inconnu? Why?" nakangiting untag ni Sierra.

Napakurap-kurap siya. Agad niyang kinalma ang pusong nagwawala. Delikado ang lagay niya kaya kailangan na niyang maningil ng pautang. Kundi pa niya iyon gagawin ay siguradong magagaya siya kay Demetineirre...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"ARE YOU okay? You looked serious..." nanantyang tanong ni Sierra kay Inconnu habang nagmamaneho siya. Ilang araw na itong tahimik. Naninibago siya. Hindi siya sanay na ganoon ito. Mas gusto niya ang Inconnu na maingay at mabiro. Kahit green jokes pa iyon, mas nato-tolerate pa niya kaysa ang ganitong hindi ito nagsasalita at madalas na malalim ang iniisip.

"I'm fine. Nagiisip lang ako. Huwag mo akong isipin. Mag-concentrate ka lang sa pagmamaneho," malamig nitong sagot.

"O-Okay..." napipilitang sagot niya saka tumalima. Tahimik na pinakiramdaman na lang ni Sierra si Inconnu hanggang sa dumating sa opisina. Tahimik pa rin itong nakasunod sa lahat ng departamentong puntahan niya. Sa susunod na Sabado na ang inauguration. Inaayos na nila iyon. Gaganapin iyon sa isang mamahaling hotel.

Nang masigurong wala na siyang kailangan pirmahan ay nagpunta na siya sa opisina. Lihim siyang napabuntong hininga ng makitang tambak ang mga pendings niya. Dahil patapos na ang termino niya bilang VP for Finance, kailangan niyang tapusin ang mga proyektong kailangan ng pirma para mai-release ang budget.

Hindi na niya alam na inabot na siya ng gabi. Napaungol siya ng maramdamang minamasahe ni Inconnu ang batok niya. Napapikit si Sierra sa ginhawa.

"'You like this, huh?" mainit na anas ni Inconnu.

Napasinghap si Sierra ng maramdaman ang hininga ni Inconnu sa tainga. Nanayo agad ang balahibo niya sa katawan. God... this man was turning her on! Ah, she wanted Inconnu to do something more...

"I-Inconnu... l-let's stop..." pigil hiningang awat niya. Kahit nadadarang na ay pinilit ni Sierra na panatilihin ang liwanag ng isip. Mahirap pero kailangan niyang gawin.

"Come on... let's do it right here, right now..." mainit na anas ni Inconnu at sinamyo ang tainga niya. Halos tumirik na ang mga mata ni Sierra sa init na biglang sumiklab sa sistema niya...

"Promise... s-sa bahay natin ito ituloy... w-we can't do it here... t-the CCTV's everywhere..." naliliyong paliwanag niya.

Napaungol si Inconnu. "I can do something about that..."

"Pero pupuntahan pa rin nila ako para ayusin ang CCTV kung masisira mo..." ungol na sagot niya at sana, makinig na si Inconnu. Kung alam lang nito kung gaano kahirap ang ginagawa niyang pagpipigil, siguradong mapapahalakhak ito sa pagkabilib. Isang daang porsyentong lakas na ang ginagamit niya para pigilan ang sarili.

Gusto na niyang matawa ng mapaungol sa sobrang desperasyon si Inconnu at ibinaon ang mukha sa gilid ng mukha niya. Ilang minuto itong nagtagal doon bago siya pinakawalan.

"Okay. Let's continue this at home. Let's go!"

Napabungisngis siya sa pagmamadali nito. Ah, hindi maintindihan ni Sierra ang pananabik. Pakiramdam niya, ang lahat ng pagod niya sa trabaho ng oras na iyon ay biglang naglaho. Wala siyang ibang gusto at iniisip kundi ang napipinto nilang pagniniig ni Inconnu.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Inayos na ni Sierra ang mga gamit. Matapos ay lumabas na siya sa opisina. Paspas na siya sa pagmamaneho habang tahimik si Inconnu sa tabi. Damang-dama na ni Sierra ang tensyon sa pagitan nila. Sobrang kapal na noon at apektado na ang kanyang paghinga.

Pagdating sa bahay ay agad na silang dumiretso sa kuwarto. Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay agad siyang siniil ng halik ni Inconnu. Agad siyang tumugon. Mainit ang naging sagot ng labi niya sa bawat siil ng halik nito. Hindi na niya namamalayang ang lakas-lakas na ng ungol niya!

"Shh..." anas na awat ni Inconnu sa pagitan ng mga labi nila. Mukhang hindi naman ito nainis sa lakas ng halinghing niya kundi natutuwa! He was chuckling and his eyes were sparkling in delight! "Hinahalikan pa lang kita pero kung makaungol ka, parang—"

"Shut up and kiss me," napapahiyang putol niya at siya na mismo ang humalik dito. Hindi na niya nakuhang mahiya pa. Hinayaan na niya ang sariling maging alipin ng damdamin kay Inconnu.

Hayun. Inamin na niya sa sarili. She likes this man. She wants him, she was aching for him. At alam niyang kaya siya ganoon dito ay dahil sa loob ng ilang linggong nakasama niya si Inconnu, nakilala niya ito ng husto. Nakita niyang may mga katangian si Inconnu na puwedeng magustuhan ng isang babae.

Kahit alam niyang sex lang ang habol nito, hindi siya nito pinilit. Pansin niya na kapag pagod siya ay hinahayaan na lang siya nitong magpahinga. Ilang beses din niya itong nahuhuling kinukumutan siya at nagpapanggap siyang tulog dahil ayaw niya itong mapahiya. Alam niyang paninindigan pa rin nito ang pagiging demon kapag nahuli niya ito.

Hindi lang din nito napapansin na sa tuwing nakakalimutan niya ang oras ay pinaaalalahanan siya nito na kailangan na niyang huminto, magpahinga at kumain. Alam niyang para sa iba ay simpleng bagay lang iyon pero para kay Sierra ay malaking bagay na. Kailan ba noong huling mayroong ibang tao ang nagalaga sa kanya? Matagal na at napakasarap sa pakiramdam na mayroong nagpapahalaga at concern sa kanya...

"Damn it, Sierra... I could kiss you like this forever..." mainit na anas ni Inconnu habang sinisiil siya ng halik. He kissed her like she possessed the sweetest lips on earth...

Napaungol si Inconnu at lalong sinaliksik ang labi ni Sierra. Hindi pa ito nakuntento, hinigit pa siyang palapit sa katawan nito at binuhat sa pangupo. Awtomatikong naipalibot niya ang dalawang hita dito. Nasa pagitan ito ng mga hita niya hanggang sa naramdaman niyang kumilos ito at dahan-dahan siyang inihiga sa kama.

Doon na naging pangahas ang palad ni Inconnu. Isa-isa nitong inalis ang saplot niya sa katawan. May halong pagmamadali iyon. At dahil tuluyan na rin siyang binalot ng mahika at init, awtomatikong kumilos din ang kamay niya at hinubaran ito...

Napalunok si Sierra ng makita ang magandang katawan ni Inconnu. He possessed a perfect body. His biceps and triceps were bit prominent. His chest, broad shoulders and abs were noticeable too. Parang napakasarap sumandig kay Inconnu at magpayakap. Pakiramdam niya ay walang kunsinuman ang puwedeng makasakit sa kanya habang yakap nito...

"I-Inconnu..." pigil hiningang anas ni Sierra ng siilin ng halik ni Inconnu ang leeg niya. Napapikit siya sa luwalhati, napaungol siya sa init at napakagat siya sa ibabang labi ng unti-unting bumaba ang labi ni Inconnu sa kanyang dibdib.

And he spread her legs. Nahigit ni Sierra ang hininga ng maramdaman ang pagtatangka nitong pumasok sa kanya. Napamulat siya ng mga mata para salubungin ang tingin nito hanggang sa nagulat na lang siya ng bigla itong mawala!

"I-Inconnu?" hingal na tawag niya. Hindi pa rin mai-process ng utak niya na biglang nawala ito! Sa gitna ng aksyon, naglaho si Inconnu! What the hell was that?

"Inconnu!" malakas na tawag ni Sierra habang dumadagundong ang kaba sa dibdib. Bigla siyang nakaramdam ng takot sa pagiisa. Biglang nanlamig ang pakiramdam niya. Ano'ng nangyari? Bakit biglang nawala si Inconnu? Bakit wala itong pasabi!

Biglang nanghina si Sierra at pabagsak na nahiga sa kama. Gulong-gulo ang isip niya hanggang sa naiyak sa pagiisa. Hindi niya alam ang iisipin. Nagalalala siya kay Inconnu. Sana, bumalik ito. Sana... malaman niya ang biglang pagkawala nito...

Chapitre suivant