webnovel

"Mind over heart"

Chapter 17. "Mind over Heart"

Ethina's POV

Nag-aayos na kami para lumabas sa hospital. Okay naman na daw si Sanjun, allergy lang talaga sa mani ang dahilan. Malay ko bang may allergy siya sa mani, tsaka di ko naman kasalanan 'yun dahil basta niya na kang kinain 'yung noodles na para naman sa akin. Pero noong nawalan siya ng malay, sobra talaga akong nagalala sa kanya. Hindi ko alam, pero para bang sobrang kaba at takot ko. Baka kasi sabihing pinatay ko ang asawa ko o di naman kaya nilason ko. Aba, ayaw ko pang makulong dahil sa kadupangan niya sa noodles ah.

"Sandali, okay ka na ba talaga? Medyo namumula pa 'yung leeg mo eh." Sabi ko kay Sanjun, nagbibihis na siya ng damit niya habang inaayos ko naman ang bag niya.

"Ayos na ako, will please stop acting like you care?" Sigaw niya sa akin. Naningkit naman ang mata ko, I'm sure, wala na nga siyang sakit.

"Aba? Ang sungit neto matapos mo kong puyatin pagbabantay sayo? Huh, grabeng paguugali nga naman." Sarkastiko kong sabi tsaka sinukbit ang bag sa balikat ko. "Tara na, bayad na ako sa account mo, bayaran mo ako ah?" Sabi ko rito habang nakataas ang isang kilay. Sinamaan niya lang ako tingin at hindi ko na siya pinansin.

Pagdating namin sa taxi. Tahimik lang siya sa backseat habang ako nakaupo sa tabi ng driver. Tinignan ko siya mula sa rearview mirror. Nakapalumbaba siya habang nakamasid sa labas ng taxi. Hindi masungit ang hitsura ng mukha niya, para pa rin siyang may sakit, seryoso lang ang mukha niya at tila may malalim na iniisip. Habang nakatingin ako, bigla naman siyang napatingin sa salamin kaya nagtama ang mga tingin namin. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at umayos ng pagkakaupo.

Paguwi namin sa bahay, dumiretso agad siya sa shower para maligo. Tahimik lang siya pagdating namin.

"Ganyan ba siya kapag nagkakasakit? Hindi halimaw, medyo mild lang." Ani ko sa sarili ko.

Ilang sandali lang lumabas na siya ng shower room at nagbihis na ng pang-office niya. Paglabas niya ng kwarto, tinanong ko siya habang nag-aayos siya ng sleeves niya.

"Papasok ka pa sa office? Kagagaling mo lang sa allergy mo, tignan mo medyo mapula pa 'yang leeg mo." Nagaalalang sabi ko sa kanya. Hindi naman niya ako pinansin, tinignan niya lang ako, isang seryosong tingin na nakapagpatahimik sakin at tsaka siya lumabas ng pinto.

Paglabas niya, hindi mawala sa isip ko ang pag-aalala sa kanya. Aba'y kahit naman na kampon siya ng kadiliman, tao pa rin siya.

"Hay nako, bahala na nga." Iiling-iling ko sabi tsaka tinawagan si Direk. "Hello, Direk?"

Nagbihis na rin ako agad ng damit ko para pumunta sa office ni Sanjun, oo di muna ako papasok, pupuntahan ko muna si Sanjun at tututukan, naku mahirap nab aka kumain na naman siya ng mani at kargo de konsensya ko na naman siya.

Paglabas ko sa sala, napatingin ko sa wedding picture namin ni Sanjun na nakalapag lang sa sahig at nakasandal sa wall. Hindi pa rin namin nasasabit 'to. Naupo ako sa sofa at tinignan ang picture namin. Pinagmasdan ko ang mukha ni Sanjun sa picture. Kung tutuusin, mas gwapo nga siya kay Direk, pero masungit naman. Mukha siyang matalino, edukado kaso masungit pa rin.

"Hay nako, bakit kasi ang sungit sungit mo?" Tanong ko sa sarili ko, nakagat ko ang ilalim kong labi tsaka binuhat ang frame at sinabit sa ding-ding. Aba, mukha talagang mawawalan na ako ng matres nito.

Naisabit ko naman siya sa awa ng Diyos. Ang ganda niyang pagmasdan mula sa pinto namin. Perfect!

Umalis na ako at nagpara ng taxi para pumunta sa office ni Sanjun. Pagdating ko 'dun, banati pa ako ni Manong guard, malaki rin ang papel ni Manong guard sa story ko ah. Pagdating ko sa office niya. Wala siya 'ron at secretary niya lang, ang sabi ng secretary niya nasa meeting na raw si Sanju. Ang aga naman ng meeting nila. Naupo muna ako sa upuan ni Sanjun para mag-feeling na CEO kahit feeling lang. Nagpaalam kasi sa akin ang secretary niya na ipalaam kay Sanjun na nandito ako.

Habang nakaupo ako, nililibot ko ng tingin ang buong office niya. Ngayon ko lang napansin sa ilang beses ko ng pagpasok dito ang mga paintings. Ang daming paintings tsaka magaganda, parang mamahalin. Mahilig pala si Sanjun sa paintings?

Mayamaya pa, bigla naman bumukas ang pinto kaya napatayo ako, pagtingin ko akala ko si Sanjun ang makikita ko.

"Ethina? Ikaw pala." Bati niya sa akin.

"Siren, magandang umaga." Nakangiti kong sabi.

"Hinahanap ko lang si Sanjun, where is he?"

"Ah, nasa meeting siya ngayon." Sabi ko rito.

"Ah, gusto mo bang mag-coffee?"

Sumama naman ako sa kanya, sa tabi lang kasi ng building na 'to may isang coffee shop. Yung shop na nakita ko sina Jazzsher together with her hipon kabit? Nakakasura talaga. Buti na lang hindi ko siya nakita kanina pagpasok ko.

Umorder na kami ng coffee ni Siren. Tahimik lang siya at supistikadang hawak ang tasa at umiinom ng kape.

"I've heard the news what happened last night." Aniya't nilapag ang kape sa mesa at tinignan ako sa mata tsaka ngumiti, isang ngiting di ko alam kung totoo.

Hindi naman sa panghuhusga, pero hindi ko talaga feel itong si Siren, she looks like, she's so mean, 'yung tipong mabait pag nakaharap at kaya kang saksakin kapag nakatalikod.

"Ah, oo accident ang nangyari." Marahan kong sabi tsaka kinuha ko ang iced coffee kong inorder at uminom.

"Pabaya ka pa lang asawa." Biglang nanglaki ang mata ko at nasamid sa sinabi niya, ibinaba ko sa mesa ang iced coffee kong hawak at nagtatakang tinignan siya.

"Pabaya?" Marahan kong tanong sa kanya, nakita ko naman inikot niya ang mata niya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Yeah, pabaya kang asawa. How come na hindi mo alam na allergy si Sanjun sa nuts? And the fact na pinakain mo siya 'non? Paano kung may nangyaring masama kay Sanjun? Pananagutan mo ba? Sabi ko na nga ba, you're not the right person for Sanjun, mukha yatang nabulag lang sayo si Sanjun to choose you as her wife, tell me? May nangyari bang pikutan?" Nagpanting ang tainga ko sa huli niyang sinabi at tumaas na rin ang kilay ko sa kanya.

"Iniinsulto mo ba ako?" Matapang kong tanong sa kanya. "Ano namang alam mo sa nangyari?"

"Oh come on, Ethina, we're talking nicely here, wag ka namang war freak. Well, no wonder galing ka nga sa mahirap na pamilya." Kumunot ang noo ko habang nangigigil sa inis sa kanya.

"Bakit mo ba sinasabi ang mga ito Siren?"

"Wala lang, I care so much for Sanjun, since we were little. He's like a little brother for me, I just wanna make sure that he's living good with you as his wife. Pero mukha yatang hindi at nageenjoy ka lang sap era ng mga Alcantara." Napasinghap ako sa sinabi niya at sinamaan siya ng tingin.

"Hindi mo kailangang sabihin ang gagawin ko bilang asawa ni Sanjun, sino ka ba sa akala mo?" Tumaas na rin ang tono ng boses ko.

"Sinasabi ko lang ang alam ko, dahil alam ko namang hindi mo pa lubusang kilala si Sanjun." Sagot niya sa akin. Naikuyom ko na lang sa inis ang dalawa kong palad. Gusto ko siyang sampalin pero hindi, hindi ko ibaba sa lebel niya ang sarili ko. What a spoiled bitch brat.

"Pwes makikilala ko rin siya, at isa pa kaya nga kami nagpakasal para mas makilala pa ang isa't-isa." Taas noo kong sagot sa kanya.

"Sanjun is like a little brother for me Ethina, I just want to make sure that he's fine with you as his wife. Since then naging mailap sa tao si Sanjun kaya siya laging galit sa mundo." Pag-uulit niya. Brother? Oo mukha nga kayong magkapatid dahil pareho kayo ng ugali. Girl version ni Sanjun.

"Ito lang ang masasabi ko sa Siren, kung totoong pinahahalagahan mo si Sanjun, buksan mo 'yang puso mo ng maramdaman mo ang tunay niyang nararamdaman." Ani ko't tumayo na tsaka lumabas ng coffee shop.

Paglabas ko ng coffee shop, padabog akong naglalakad at masama ang tingin sa lahat ng tao. Naiinis ako dahil akala niya kung sino siya kung manghamak, at tsaka ano bang pinagsasabi niya? Ano bang pakialam niya. Akala mo kung sino, bakit kaya nagustuhan ni Sanjun ang babaeng 'yun. Buti nga sa kanya at ni-reject siya ni Direk, akala mo kung sinong maria clara, hudas naman pala. Napakagaspang ng ugali, maarte, matapobre at higit sa lahat mukha bisugo.

Huminto ako sa paglalakad.

"Pwes, ipapakita ko sa kanyang derserving ako kay Sanjun! Itaga niya sa bato!" Ani ko sa sarili ko at bumalik na ng opisina ni Sanjun. Habang pabalik na ako sa office ni Sanjun, napatawag naman si Direk.

"Hello Ethina?"

"Yes Direk? May problema po ba?" Tanong ko at pumasok na sa building.

"Wala naman, so how is he?" Tanong ni Direk.

"Sabi niya po ayos na siya, nandito nga po ako sa office niya para bantayan siya eh, pasensya po di ako nakapasok." Paumanhin ko, tumawa naman si Direk sa kabilang linya.

"Ayos lang, anyway nasabi mo na rin ang about sa trabaho. Uhm, tomorrow is our shooting in Baguio for three days, we need you here, dapat sumama ka." Nabigla naman ako sa sinabi ni Direk.

"Wow, Baguio? Sige po Direk, maghahanda ako mamaya, three days lang naman eh, magpapaalam ako kay Sanjun mamaya."

"Sige, magingat ka." Natawa ako sa sinabi ni Direk, parang kinikilig ba.

"Opo, bye!"

Matapos ng paguusap namin ni Direk, nakarating na ako sa office ni Sanjun, pagpasok ko nandon na siya. Nginitian ko naman siya at lumapit.

"Sanjun, magpapa—" Hindi ko pa man natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang tumingin ng masama sa akin. "B-Bakit? Anong problema?" Nauutal kong tanong sa kanya. Iba ang mga tingin niya na animoy gusto na ako sapakin sa tingin.

Tumayo siya mula sa upuan niya at lumapit sa akin. Nilapit niya ang mukha niya sa akin habang seryoso ang mukha niya.

"Nagkita raw kayo ni Siren?" Mariin niyang tanong sa akin. Galit ba siya? Bakit siya nagagalit? Ang bilis namang magsumbong ni bisugo sa kanya.

"Oo, bakit? Nagsumbong ba sayo 'yung bisugong 'yon? Alam mo di ko alam kung bakit mo nagustuhan 'yon, mahadera naman, matapobre at higit sa lahat—" Natigil ako bigla sa pag-corner niya sa akin sa ding-ding tsaka kinalabog ang pader. Bigla akong nakaramdam ng kaba at lungkot sa ginawa niya. Pakiramdam ko, nada-down ako. Pakiramdam ko, ako yung tama pero di ako pinaniniwalaan.

"Wag mo siyang pagsalitaan ng ganyan! You don't even know her!" Mariin niyang sabi habang nanggigigil sa galit. Naramdaman ko namang gumigilid na ang luha ko. Napalunok ako ng laway at tinignan siya ng diretcho sa mata.

"Alam mo bagay kayo! Pareho kayong baliw! Alam mo bang nilait-lait ako ng babaeng 'yon? Tapos ano? Hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko sa kanya?" Sagot ko sa kanya. Napapikit ko ng muli niyang kalabugin ang pader dahilan para yakapin ko ang sarili ko. Para bang pinipigilan niya lang na saktan ako kaya pader ang pinagdidiskitahan niya. Nasasaktan ako sa sinasabi at ginagawa niya. Bakit ba ang kitid ng utak niya?

"Bakit? Totoo naman ang sinabi niya ah? Totoo namang mahirap ka lang!" Nagpanting ang tainga ko sa sigaw niya at natulala, tsaka tuluyang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Tinignan ko siya ng masama at tinulak palayo sa akin.

"Gago ka!" 'Yun lang ang nasabi ko at dali-dali lumabas ng office niya.

Umuwi na ako sa bahay pagpasok ko ng pinto, bumungad sa akin ang wedding picture naming dalawa. Sinamaan ko ng tingin ang mukha ni Sanjun.

"Hoy! Hinayupak ka! Ang kapal ng mukha mo! Nakakainis ka! Magsama kayo ni bisugo!" Sigaw ko tsaka hinubad ang sapatos ko't binato ang walang kamalay-malay na picture, kaso hindi sumakto at sa picture ko tumama. "Aba, umiilag ka pa? Leche ka talaga!"

Padabog akong naglakad papunta sa kwarto ko. Magiimpake na lang ako para bukas sa trip ko Baguio ko, ay hindi doon na lang muna ako matutulog kay Jenina, di mo masisikmurang tumira dito kasama ang isang alagad ng kasamaan. Nakakainis, nakakainis siya.

Chapitre suivant