webnovel

"I'll go with you!"

Chapter 18. "I'll go with you!"

Sanjun's POV

"Alam mo bagay kayo! Pareho kayong baliw! Alam mo bang nilait-lait ako ng babaeng 'yon? Tapos ano? Hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko sa kanya?"

Nakapalumbaba ako habang nakatulala sa isang paintings ko na nakasabit sa office ko. Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Hindi mawala sa isip ko ang hitsura ng mukha ni Ethina, her eyes, her tears and her voice. Nakita ko siyang umiyak sa harap ko. And that look. Biglang nag-flash sa isip ko ang mukha niya kanina bago umalis, kung paano niya ako tinignan at sinabing.

"Gago ka!"

Nasapo ko ang noo ko habang umiiling, sobra yata akong nagaalala sa babaeng 'yon which is not supposed to. Siya naman ang may kasalanan, bakit niya naman sinigawan si Siren, nagtatanong lang 'yung tao tungkol sa kalagayan ko. Alam kong nagalala si Siren kaya nainis ko ng nalaman kong sinigawan ni Ethina si Siren nang tanungin siya nito tungkol sa kalagayan ko.

Bigla ko 'ring naalala ang nangyari kagabi. Gising ako noon at may malay nang buhatin niya ako para dalhin sa ospital. Pinasan niya ako sa likod niya, ramdam ko ang pagaalala niya. Noong gabi rin na nasa ospital ako, natulog siya sa tabi ko para bantayan ako. Kakaiba ang naramdaman ko habang pinagmamasdan ko ang mukha niyang natutulog sa tabi ko. Ang sarap sa pakiramdam na may isang taong nagaalaga at nagaalala sayo.

Around 6pm ng makauwi ako, paguwi ko patay pa rin ang ilaw at parang walang tao. Pagpasok ko sa loob, nabigla ako ng bumungad sa akin ang wedding picture namin na nakasabit na sa wall. Pinagmasdan ko ang picture at nabaling ang tingin ko sa larawan ni Ethina. Masaya siyang nakangiti at ang ganda ng mata niya. Nasaan na kaya ang babaeng 'yon.

"Ethina?" Sigaw ko sa buong bahay. "Ethina?!" Paguulit ko pero walang sumasagot. "Wala pa siya?"

Naglakad ako papunta sa kwarto niya at kumatok. "Ethina? Nandiyan ka ba? Hoy sumagot ka!" Sigaw ko habang kumakatok pero wala pa ring sumasagot.

Nagpunta naman ako sa kusina para uminom ng tubig. Pagbukas ko ng fridge, napansin ko ang note nakadikit, nakakunot ang noo kong tinanggal ang note at binasa.

"Hoy kumag, 'don ako matutulog kila Jenina ngayong gabi, tatlong araw akong mawawala dahil gogora aketchi sa Baguio! Magsama kayo ng bisugo mong iniirog! Tse"

Kinuha ko ang nakadikit na note sa fridge at ginusot tsaka inihagis sa trash bin.

"Edi umalis siya. Bahala siya sa buhay niya!" Sigaw ko. "Ugh!" Padabog akong pumunta sa kwarto ko.

Kinabukasan. Maaga kong tinawagan ang secretary ko. Nakabihis na rin ako at nakaayos na ang mga gamit ko. Tinanong ko rin sa kaibigan niyang si Jenina kung saan ang bahay niya, sabi ko wag ng sabihin na pinatanong ko.

"Yeah, mawawala ako ng 3 days, make sure na magiging maayos ang company, pakisabi kay Mr. Shin na magbabaksyon ako together with my wife, I know he'll understand. Okay, bye."

Binaba ko na ang tawag at sumakay sa kotse ko. Pupunta na ako sa kanya. Pagdating ko sa bahay ng kaibigan niya, sakto namang palabas na siya. Pagbusina ko, napalingon siya sa kotse ko at nagtatakang tinignan ako. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at tinawag siya, nakita ko pang ang sama ng tingin niya habang nakanguso.

"Hop in moron." Sabi ko sa kanya, nakita ko naman kumunot ang noo niya at lumapit sa akin. Hindi siya pumasok pero dinungaw ako sa loob ng kotse.

"Ano na namang effect 'to? Di mo ba nabasa ang note ko? Aalis ako for 3 days shoot sa Baguio." Inis niyang sabi.

Nilingon ko naman siya. "Then, I'll go with you." Seryoso kong sabi sa kanya, nabigla naman siya sa sinabi ko.

"Adik ka ba? O baka naman baliw ka? Bakit ka naman sasama?" Maktol niya. "Bahala ka sa buhay mo." Aniya't mabilis na naglakad.

"Aba, sinusubukan ako ng isang 'to ah." Lumabas ako sa kotse at hinabol siya tsaka sapilitang kinuha ang dala niyang maleta at nilagay sa compartment ko.

"Hoy! Ano bang ginagawa mo?"

"Tara na, mahuhuli ka na sa trabaho mo." Sabi ko sa kanya.

"Ayoko! Mag-isa kang umalis!" Asar niyang sabi tsaka ako tinalikuran at naglakad palayo. Aba, ano bang pagiinarte ng isang 'to.

Hinabol ko siya at binuhat na parang sako ng bigas sa balikat ko, nabigla naman siya sa ginawa ko at nagtititili sa ginawa ko habang pinapalo ako sa likod.

"Hayop kang baliw ka, ibaba mo ko!" Sigaw niya. Binuksan ko ang pinto sa backseat at hinagis siya papasok sa loob tsaka sinara ang pinto. "Aray ko naman, marahas kang leche ka!" Pumasok na ako sa sasakyan at pinaandar ang kotse.

Sinabi niya kung saan ang meeting place nila ng mga staff nila. Pagdating namin 'don, marami ng tao kasama na si Shawn. Sinalubong niya kami at binati.

"Ethina, oh inihatid ka pala ng asawa mo, nice." Sabi niya kay Ethina. Tinignan ko naman siya ng seryoso.

"Hindi ko siya ihahatid, sasama ako sa kanya." Mabilis kong sabi sa kanya na ikinagulat niya.

"Huh? Pero hindi ka—"

"Direk, pagbigyan na lang po natin. Don't worry hindi siya magiging sagabal sa trabaho ko." Ani Ethina, tinignan ko naman siya ng masama.

"Anong sagabal? Huh, sasama lang ako." Maktol ko. Nakita ko namang pinandilatan niya ako ng mata kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Ah, sige ba. It'll be fun, and besides it's time for you two na mag-enjoy together, I know how my brother so busy in his work. It's time for vacation." Natatawang sabi ni Shawn habang nakatingin sa akin. Seryoso naman akong nakatitig din sa kanya.

"Don't ever call me brother once again. I'm not you brother and you're not my brother since you left our home." Mariin kong sabi sa kanya, nakita ko naman ang pagbabago ng mukha niya.

"Okay, as you wish Sanjun." Formal niyang sabi tsaka umalis, pagalis ni Shawn. Bigla naman akong kinurot sa tagiliran ni Ethina.

"What?" I asked in my pissed tone.

"Bakit mo sinabi 'yun sa Kuya mo?" Para naman siyang nanay na pinapagalitan ako.

"Hindi ko siya Kuya," ani ko't nauna ng maglakad sa kanya.

Ethina's POV

Kung minamalas ka nga naman, ang akala ko magiging maayos na tatlong araw tila magiging isang battle ground for three days. Nakakainis talaga siya, gusto niya siya lagi ang nasusunod. Para siyang pinuno ng mga sanggano akala mo kung sino kung makautos. Nakakainis, naku naku, wag lang sana pumasok sa isip kong paslangin siya dahil wala akong balak maging criminal.

Since sasama nga siya sa Baguio para sa shooting namin. Panay ang sunod niya sa akin habang nag-aayos kami ng mga dadalhin sa shoot. Minsan naman sinisita niya ako sa mga ginagawa ko, panay ang sita niya akala mo kung sinong marunong eh hindi niya naman ako tinutulungan na magbuhat. Wala talagang puso.

Naayos na naman ang mga kailangan namin. Ready na ang lahat para sa byahe.

"Ethina, 'san ka sasakay?" Tanong ni Direk.

"Pwede po bang sa inyo?" Masaya kong tanong. Tumango-tango naman si Direk bilang pag-sang-ayon.

"Hindi, sa akin ka sasakay. Nasa akin ang mga gamit mo." Napalingon naman ako sa likod ko at nakita ko si Sanjun na nakasandal sa kotse niya habang nakacrossed-arms at seryoson nakatingin sa amin ni Direk.

"Ayaw ko, edi kukunin ko yung gamit ko. Umuwi ka na kasi, wag ka na sumama." Bulyaw ko sa kanya.

"What? Nag-file na ako ng leave tapos papauwiin mo ako?" Maktol niya tsaka lumapit sa akin.

"Kasalanan ko?" Singhal ko sa kanya. Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko at hinila, pinigilan ko naman siya kaya napalingon siya sa akin.

"Ano? Kanino ka sasama? Sa akin o sa kanya?" Mariin niyang sabi na nakapagpatahimik sa akin. 'Yung boses niya parang spell na mapapasunod ka na lang ng kusa. Sinimangutan ko siya at yumuko.

"Okay sayo na ako sasama." Nakanguso kong sabi tsaka hinila ang kamay ko sa kanya at pumasok sa sasakyan niya.

Pagpasok ko sa sasakyan sumunod na rin siya.

Asar, good luck sa magiging trip ko sa Baguio, may kasama pa akong asungot. Grr!

Chapitre suivant