Chapter 39 | The Other Side of Story
Miley's POV
"Aalis na kami, anak. May kailangan pa kasi kaming asikasuhin sa palasyo. Just tell your brother that we already left."
Napatango ako kay Mom at napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.
"Sige po. Ingat kayo ni Dad."
Mahigpit naman akong niyakap ni Dad. "Magpakabait kayo rito, hah? Saka minsan ay dalaw-dalawin n'yo rin naman kami sa palasyo." Bakas sa boses niya ang pagtatampo.
Natawa naman sina Hiro at Kira. Paano naman kasi ay parang bata na naman ang Daddy kong hari at nasisiguro ko na nakanguso na naman siya ngayon.
I saw Mom rolled her eyes. "Hay naku! Nagdadrama na naman ang Daddy mo."
Kumalas na siya sa yakap naming dalawa at nakangusong nilingon si Mom. "Hindi ba pwedeng naglalambing lang?" Napailing na lang kaming lahat sa tinuran ni Dad.
I smiled widely at him and salute. "Yes, Sir. We will."
Ginulo niya pa ang buhok ko at sa isang iglap ay wala na sila sa harapan ko.
"I knew it. Kaya pala no'ng simula pa lang ay hindi na talaga magaan ang loob ko sa Mikan na 'yon."
We all looked at Ate Steph when she speaks. Biglang naging seryoso ang mukha niya.
Kaya pala pansin namin na parang ilag din 'tong si Ate Steph kay Mikan. Mayroon din pala siyang ibang pakiramdam dito.
"Yeah. Tapos mang— Nevermind!"
Napataas ako ng kilay nang dahil sa naging reaksyon ni Rei. Ano raw?
"Ano 'yon?"
Umiling naman siya. "Wala. Parang gusto kong pumunta sa ibang lugar. Tipong makapagbakasyon man lang tayo kahit isang linggo lang," nakahalumbabang turan niya.
Napatango naman ako. Oo nga. Kahit man ako ay gusto ko rin 'yon. "We should have told that to Mom and Dad a while ago. For sure it will not be a problem to them."
They all nodded. Pero si Kuya Vince, as usual ay walang pakielam. Nakapikit lang ang mga mata niya, habang nakasandal sa pader at nakapamulsa.
"Malapit na rin naman ang summer break. Siguro sa pagkakataong 'yon ay pwede naman tayong magbakasyon muna. 'Yong tipong wala ring ibang iniisip."
Napakunot noo naman ako sa sinabi ni Kuya Hiro. Ano kayang problema at parang ang lungkot-lungkot ata niya?
I saw how Rei's face softened. Nagkibit balikat na lang ako.
"Ang dami na rin kasing nangyari. Pagkatapos ngayon ay biglang may kapatid pala si Nicole. Kamusta na kaya 'yong pag-uusap no'ng dalawa?" Kira crossed his arms and shook his head.
Natahimik naman kaming lahat. We do hope that she will be okay. That we will all be okay.
-----
Nicole Jane's POV
We would like you to meet your older brother, Gino Parker.
We would like you to meet your older brother, Gino Parker.
We would like you to meet your older brother, Gino Parker.
Paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang sinabi ni Mom sa 'kin kanina. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ipinagtapat nila sa 'kin.
In just a snap, I already have an older brother. How cool is that?
Dati pangarap ko lang 'yon, eh. I used to ask myself on what does it feel to have a sibling?
Naisip ko na siguro ay masaya ang magkaroon ng nakatatandang kapatid. Kasi parang may instant friend ka na rin at may makakasangga ka pa sa lahat ng bagay. Bukod ro'n ay mayroon ka na ring mapagsasabihan ng mga problema.
"Ahm. Hi?"
Napaangat ako ng tingin nang marinig ko siyang nagsalita.
Then there I saw him smiling in front of me. Pero halata pa rin sa mukha niya ang pag-aalinlangan, maging ang bad boy look niya. But at the same time, excitement and longing are visible on his brown eyes.
"Hi?" I answered back.
After that an awkward silence enveloped us again.
Nandito kami ngayon sa garden. Pagkatapos ng rebelasyon nila Mom kanina ay rito ako dinala ng mga paa ko.
Pero hindi ko akalain na susunod pala siya. Hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos. Ang awkward pati sa feeling. Alangan namang ipagtabuyan ko siya. Hindi ko rin naman kayang gawin 'yon.
Sa totoo lang ay kanina pa kami rito. Pero hindi ko alam kung paano ba namin sisimulan ang pag-uusap. We're still a total strangers to each other.
"How? I mean, why just now?"
Bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga tanong na 'yon. Halos pabulong lang 'yon pero alam ko na sapat na ang lakas nito para marinig niya. I am still confused and shocked.
He sat on the other end of the same bench where I am seated. Napayuko lang ako. Pero ramdam ko na nakatingin siya sa 'kin.
"Two years old ka pa lang no'n ng mapagpasyahan nila Mom at Dad na dalhin ako sa ibang bansa. I was six years old back then. Bata pa lang ako ay namulat na ko sa kung ano ang responsibilidad ko maging sa pakikipaglaban. Kahit ang tungkol sa propesiya ay alam ko. Nahirapan akong intindihin no'ng una. But later on, I already understand everything." He smiled.
"We are not just a normal person. We are even surrounded with not a normal one. Sa Amerika ko nagsanay kung paano maging isang malakas at karapat-dapat na protector. Kinakaya ko kahit wala sa tabi ko ang mga magulang natin. Kasi para rin naman 'yon sa 'tin. Para maipagtanggol ko kayo sa posibleng digmaan na maaaring maganap. Pero kahit gano'n ay hindi naman sila nagkulang sa 'kin at nagpabaya. Dahil madalas pa rin naman nila kong dalawin do'n." Malalim siyang napabuntong hininga.
Tahimik lang akong nakikinig. For a moment, I felt pity for him. Lumaki kasi ako na kasama ang mga magulang namin parati. Pero wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang magpasaway.
While him, he has no one beside him all throughout.
Ngayon ko napag-isip na siguro no'ng mga panahon na umaalis sila Mom papuntang ibang bansa, maybe it is not really because of the business or what.
But mainly because of him.
"Marami rin naman akong mga naging kaibigan do'n. Karamihan ay kapwa protector ko. Pero mayroong isa sa kanila na mas nangibabaw at naging matalik kong kaibigan." He paused for a while that made me look up at him.
"Si Dave."
My jaw drops because of what I heard. "S-Si D-Dave?" Halos pigil ko ang hininga habang nakatingin sa kanya.
He smiled sadly. "Yeah. Si Dave. Naging matalik ko siyang kaibigan. Kahit na alam kong dumadaloy sa dugo niya ang pagiging isang Croven. But I know he's different. Far different from his clan. Nagkakilala kami no'ng mga panahong muntik ng manganib ang buhay ko. He's the one who saved me."
Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng mga narinig ko. It's just too much information for this freaking day.
"Ayaw raw niya kasi sa kaharian ng ama niya. That's why he usually goes to different countries. Until we met. Hindi rin alam nila Mom ang tungkol do'n. I just kept it to myself, because I have my own plan."
Napatango-tango ako. Noon pa lang talaga ay hindi na siya sang-ayon sa ama niya.
"Ang totoo niyan ay palagi ka naming napapagkuwentuhan. Hindi mo kami kilala. Pero kami ay madalas lang na nakasubaybay sa 'yo mula sa malayo. We are making sure that you are always okay and safe. Nang dahil sa kanya ay nagagawa kitang makita mula sa malayo. He is helping me without the knowledge of our parents. Ang sabi niya sa 'kin ay may kapatid rin daw siyang babae. But they're not close. He is against his father. While his sister seems like a loyal follower to him."
Bahagya kong nakaramdam ng lungkot. I know that it is Mikan that he is referring to.
"Sa tuwing nagtatanong ako tungkol sa kapatid niya ay hindi naman siya umiimik. Ang sinasabi lang niya ay wala rin siyang alam na gaanong detalye sa kung anong nangyari at paanong nangyari ang bagay na 'yon. I think, it is just recently when he learned everything about the secrets of his father."
Bumaba ang tingin ko sa mga kamao niyang nakakuyom. I understand what he feels.
"But one day, I am not surprised when he told me that he is starting to like you. Wala namang kaso sa 'kin 'yon. But I already warned him that he might just got hurt. Dahil sa simula pa lang ay mayroon ng nakatakda at nakatadhana para sa 'yo. And that is Kyle." He chuckled, then looked up at the sky.
Tama. Sa simula pa lang ay mayroon ng mga nakatakdang maganap at 'yon ang kailangan na masunod. Hindi na dapat pang maulit ang nangyari mula sa nakaraan.
"Nakakalungkot lang na sa pag-uwi ko ay hindi ko na pala siya maaabutan. It's been a long time since we last saw and talk to each other. Nangako pa siya noon na isa siya sa mga sasalubong sa 'kin sa pagbabalik ko. But I guess, it will just remain a promise." He is smiling, but sadness is visible in his eyes.
I tried to absorb everything that he said. Parang hindi na ata kakayanin pa ng utak ko ang lahat ng mga nalaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay mababaliw na ko.
We remained silent for a couple of minutes. There are a lot of questions running from my mind right now.
When I suddenly remember something that I do really want to know.
"How did Mikan became Marcus' daughter?"
-----
Kyle Ethan's POV
"I am so happy to see the two of them talking to each other right now."
Napatango na lang ako kay Tita Nathalie na nakatabi sa 'kin ngayon, habang pinagmamasdan sina Nicole at ang Kuya niya na nag-uusap sa garden.
"I am sure that Nicole has a lot of questions from her mind right now. But I know that she can manage," I assured her.
Siya naman ang napatango, bago inihilig ang kanyang ulo sa balikat ni Tito Conrad na nasa kabilang tabi niya.
"Right. Nicole is a strong woman. And I know how she is longing to have an older brother."
Napangiti naman ako. She may be independent, but I know that deep inside her, she still wants to have that someone to protect her aside from me.
Kailan ko lang din nalaman ang tungkol sa bagay na 'to. Pagkarating na pagkarating nila ay agad na kinuwento nila sa 'min ang lahat.
We are all shocked. That is another news. And I know that there are still some things that will be revealed soon.
"We will be staying here for good. Paminsan-minsan na lang namin dadalawin ang negosyo namin sa Amerika. Mayroon na rin naman kaming napag-iwanan do'n na maaaring pagkatiwalaan. At may iba na ring mamamahala sa training ng mga protectors na nando'n," Tito Conrad informed.
Malawak din ang negosyo ng mga Parker. Just like us. Pero ng dahil sa dami ng mga nangyayari ay pare-pareho naming pansamantalang ipinagkatiwala muna ang mga 'to sa iba.
Sa pamilya kasi namin ay ang mga magulang muna nina Rei at Vince ang namamahala sa negosyo.
Kahit kasi wala na si Marcus ay kailangan pa rin naming mag-ingat. We will never know if there are remaining enemies watching all of us from afar.
Natigil naman kami sa pag-uusap nang bigla na lang tumayo ang magkapatid at tumungo papasok ng mansyon.
Sinalubong namin sila at seryoso lang ang mukha ng Kuya niya ng diretso siyang tumingin sa 'kin at nagsalita.
"I think we need to go and see the Stanford sisters."