webnovel

Chapter 40 | Mikan Croven

Chapter 40 | Mikan Croven

Nicole Jane's POV

We are all here in the living room right now. Ang sabi kasi ni Kuya— Oh, well. Mukhang kailangan ko na talagang masanay na mayroong tinatawag na Kuya.

Ayon kasi kay Kuya Gino ay tanging ang Stanford sisters lang daw ang makakasagot sa tanong ko. Sila raw kasi ang nakatuklas ng tungkol sa bagay na 'yon na gustong-gusto ko malaman.

That's why Kyle immediately called the two. Sa totoo lang ay hindi pa nga nila nakakausap ulit ang magkapatid. Biglaan din kasi ang lahat ng mga nangyari at kinailangan pa nilang umalis ulit para kumpirmahin ang ilan pang mga impormasyon. Kaya pala hindi ko rin sila nakita sa nangyaring labanan no'ng nakaraan.

Mabuti na nga lang at nakabalik na sila ngayon sa Pilipinas. They also told us that they have a lot of information to tell.

Nakaupo kami nina Kyle, Miley at Rei dito sa isang mahabang sofa. Habang sina Mom, Dad, Kuya at Kira naman ay sa tapat namin nakaupo. Then Vince and Hiro are both standing and looked like they're lost on their own deep thoughts. Si Steph naman ay nakasandal lang malapit sa bintana at mukhang ang layo ng tinatanaw sa labas.

Pero sabay-sabay kaming napatingin sa dalawang naglalakihang mga pinto sa harap namin ng dahan-dahan 'tong bumukas at iniluwa nito ang dalawang magagandang nilalang.

"Nicole! Thank God you're fine!" nakangiting bati ni Althea sa 'kin. Mabilis niya kong nilapitan at mahigpit na niyakap. Habang si Athena naman ay masuyong hinawakan ang kanang kamay ko at marahang pinisil 'yon.

Napangiti na rin ako. "Yeah. Thanks to the help of you two as well. But there are still some things that are not clear to me until now. Shall we start?"tanong ko pagkakalas sa yakap naming dalawa.

They both nodded and seated at the two vacant single chairs.

Halos pigil ang hininga naming lahat habang hinihintay sila na magsimula. Nabanggit kasi ni Kyle sa 'kin na kahapon pa nila hinihintay ang mga 'to, pero hindi naman nila makontak.

Althea let out a deep sighed before she starts. "Nalaman namin na pagkatapos mabuntis ni Marcus ang nanay ni Dave ay may isang tao pa siyang sunod na naging biktima. At si Mikan nga ang naging bunga no'n. Ngunit sa hindi maipaliwang na kadahilanan ay walang dugong bampira na nananalaytay sa kanya. Kaya naman ay pinamigay siya ni Marcus."

Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya. I didn't know that it was possible.

"Pero sa kabila ng ginawa niya ay patuloy pa rin niya 'tong sinubaybayan, habang nasa pangangalaga ng mga kumupkop dito. He thought that he can still use her to his future plans," seryosong paliwanag niya.

Okay. That makes sense now. Kung gano'n ay may iba pa palang tao na nabuntis si Marcus at itinago niya ang tungkol dito.

"What happened to Mikan's mother then?" I asked curiously.

"She died in giving birth to Mikan," Althea answered.

Nakuyom ko na lang ang kamao ko. Isang inosenteng tao na naman pala ang namatay ng dahil lang sa kasamaan niya.

Pansin ko na napatitig si Althea sa 'kin na para bang may hinihintay siya na sabihin ko. Kung kaya naman ay sinenyasan ko siya na magpatuloy lang. I will just reserve my questions later.

"Nagkataon naman na napunta si Mikan sa pamilya ng isa sa mga protector na naninilbihan sa mga Clarkson. But the truth is, they are not there to protect, but to get revenge."

Nakita ko kung paanong nagtagis ang bagang ni Kyle. Gano'n din ang biglang pagkunot naman ng noo ni Vince.

"Revenge? For what? As far as I remember, we showed nothing but goodness to them," nagtatakang tanong ni Kyle.

"That's what you thought." Napailing si Athena at siya naman ang nagpatuloy.

"Marami sa angkan nila ang namatay sa nagdaang digmaan, na no'ng mga panahon na 'yon ay naninilbihan naman sa mga Croven. I believe that the Clarkson's didn't know them too well. Kaya nagawa nilang makapasok sa inyo. 'Yon ang dahilan kaya sila naghiganti. Ginamit nila ang kanilang tunay na anak para mapalapit sa isa sa mga Clarkson at mahulog ang loob nito sa kanya. 'Yon ay walang iba kung hindi si Mica. Ang itinuring na kapatid ni Mikan at ang babaeng..." bigla siyang napasulyap kay Vince na ngayon ay nakanganga na.

"Naging malapit kay Vince no'n."

Napasinghap na lang ako nang dahil sa narinig ko. Unti-unti ng nasasagot ang mga tanong sa isipan ko. So everything that had happened is connected to each one of us here.

"Kasalanan din namin 'to. We should have known that they are from the enemy's side. Pero ng dahil na rin sa tagal ng nangyari at sa akalang wala ng natirang protector na nanilbihan sa mga Croven dati ay napanatag kami." I held Mom's hand and squeezed it.

"Wala po kayong kasalanan. So don't blame yourself," I assured her.

Napansin ko rin ang biglaang paglungkot ng mukha ni Steph. So Mica is the girl she's talking about.

Athena continued. "Nang malaman ng hari ang tungkol dito ay agad nitong ipinag-utos na ipadakip sila. Wala naman talaga sa plano ang may mamatay o ang patayin sila. Pero dahil nanlaban sila, Mica di—" hindi na nagawa pang tapusin ni Athena ang sinasabi niya nang bigla na lang kaming nakarinig ng malakas na kalabog at tanging ang likod na lang ni Vince ang nakita namin.

Napatingin naman ako bigla kay Steph. I know that she wants to follow him. So I nod at her and smile, telling her that I understand and she can go ahead. Vince is lucky to have such a good friend beside him.

She smiled back and mouthed thank you. Pero bakas sa mukha niya ang pag-aalala kung kaya naman ay malalaki ang mga hakbang na lumabas siya ng sala.

"I already knew that this will happen." Althea groaned.

"It still hurts him. We can't blame him anyway," Hiro added.

"Yeah. But hearing the truth will surely free Kuya's heart from pain and guiltiness," Rei said and we all agreed. Katotohanan lang naman ang makakatulong sa kanya para makawala sa nakaraan, eh.

I looked at the twin sisters. "Please go ahead."

They obliged and continued. "The Clarkson's didn't know about Mikan's existence that's why they didn't know that she is part of the family. Nang dahil sa nangyari ay mas lalong lumalim ang galit nila sa mga Clarkson at gano'n din si Mikan. At sa kalagitnaan nga ng ginawa nilang pagtakas ay nandoon si Marcus para tulungan sila. That was also the time when the Herlock's and Mikan learned that she is his daughter and that she is adopted."

Nagsalubong ang kilay ko. "The Herlock's? Ibig sabihin ay iba ang apelyido na ginamit ni Mikan? We all knew her as Mikan Williams."

Athena nodded. "Yes. Everything has been planned. Bago pa siya pumasok sa academy ay pinagplanuhan na ni Marcus ang lahat. Pati ang mga papeles at kahit na anong mapagkakakilanlan ni Mikan ay naisaayos niya. So that no one can suspect her. Lahat ng alam n'yo tungkol sa kanya ay hindi totoo. Well, aside from the fact that she had a sister died. Alam kong hindi naman niya itinago ang bagay na 'yon."

Napasandal ako sa sofa at mariing napapikit. Tila nanakit ang ulo ko nang dahil sa mga narinig ko.

"Yes. Nabanggit nga niya sa 'kin ang tungkol do'n."

"Ayos ka lang ba, anak?"

Napadilat ako at nakita ko ang nag-aalalang mukha nina Mom at Kyle.

"Yeah. I'm fine. It's just information overload."

Kaya siguro ako nakatulog ng isang buong araw para ihanda sa paghaharap na 'to.

"Do you want to have some rest for a while?" mababa ang boses na tanong ni Kyle.

I just shook my head and chuckled. "Nope. I have already rested for a day."

Natawa naman sila bago muling nagpatuloy ang magkapatid.

"Ang pagpasok ni Mikan dito ang naging hudyat ng pagsisimula ng plano nila. Mikan was just waiting for the royals to be completed and for you to enter. They knew too well that you will be transferred here in the academy. Because basically, that's the original plan of the Clarkson's and the Parker's that Mikan's adopted parent's learned. Lahat ng impormasyon na alam ni Marcus ay galing lahat sa mga Herlock's. Isa sila sa malapit na protectors ng mga Clarkson no'n kung kaya naman ay alam nila at nagawa nilang malaman lahat. Even about the prophecy."

Napatango kaming lahat.

"If we only knew." Kyle gritted his teeth. I held his hand to calm him down.

"Kaya pala iba rin talaga ang pakiramdam namin sa Mikan na 'yan. Hindi na ko magugulat kung bakit wala man lang siyang ibang naging kaibigan sa halos apat na taon na pananatili niya sa academy." Miley crossed her arms and snorted. Halata sa mukha niya ang inis.

Samantalang ako ay hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko. Naiinis din naman ako. I felt betrayed. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang tuluyang magalit kay Mikan.

Maybe because I'm hoping that somehow, there's still goodness within her heart. Just like her brother.

Bukod ro'n ay naniniwala ako na kaya lang siya nagpadala sa mga inutos ni Marcus ay para maging magaling siya sa paningin nito at matanggap siya nito. I know that she feels hurt when she learned that Marcus doesn't want her to be his daughter.

Well, she doesn't deserve to have that kind of father anyway. That's why I can say that she is also a victim here.

"Si Mikan din ang may kagagawan ng nangyaring pag-atake sa academy no'ng nakaraang student's night. Siya ang nagturok ng syringe sa dalawang estudyanteng bampira. Siya ang may kagagawan ng mga naging kaguluhan dito. Siya rin ang nagpapadala ng mga sulat na may pagbabanta sa 'yo, Nicole. Ginawa niya ang lahat ng 'yon para makapaghiganti at para makuha ang approval ng ama niya. She wants to be the best daughter in Marcus' eyes. Palagi siyang nakikipagkompetensya kay Dave," Althea informed. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Sa ngayon ay nagagawa ko nang mapagtagni-tagni ang mga pangyayari at mas lalong naging malinaw ang lahat.

Akala ko sa palabas lang sa tv nangyayari ang mga ganito. I didn't expect that I, myself, will experience this kind of twist in my life.

"Saan n'yo nga pala nakalap ang lahat ng impormasyon na 'to?" Kyle asked seriously. "No'ng nakaraan pa namin kayo kinokontak. But you couldn't be reached."

Sasagot na sana sila ng biglang sumabat si Kira. "Umalis kayo no'ng nakaraan para kausapin ang mga black witch. Then you came back with the information regarding Mikan. Then left again. You have been missing in action, these past few days and now you are both here again with new information. Pinag-alala n'yo rin kami."

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang biglang pagsimangot ni Miley. Pinigilan ko naman ang sarili na matawa.

Athena smiled widely. "Well, thanks to Sapphire for all of this."

"Sapphire? Wait. Is she the black witch who have the power to see the past?" Kira asked.

Nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila. Clueless of whom they are talking about.

"Yes. Pero 'yon lang ang impormasyon na nakalap namin. Hindi na niya binanggit pa sa 'min kung sino sa mga black witch ang tumulong sa mga Croven. But one thing is for sure. She's no longer part of their group." Pinagkrus ni Athena ang mga hita niya at nangalumbaba.

Kyle looks like he is wondering into something. "That's amazing. We all know that Sapphire is so hard to deal with. Unless may binigay kayong kapalit." Nagbabanta ang mga matang tinitigan sila ni Kyle.

Althea laughed. "No worries. But believe it or not, she didn't ask anything in return. We just need to go through some obstacles in order to get that information," she said in a matter of fact.

Wala talaga kong maintindihan sa mga pinagsasabi nila kaya napatayo na ko.

"Wait! Who's Sapphire? I don't remember knowing someone with that name. Even before." Kanina ko pa talaga pilit na kinakalkal sa isip ko kung nakilala ko na ba ang witch na tinutukoy nila dati pero wala talaga kong maalala.

Alam ko na rin naman kasi ang tungkol sa mga black witch sa panahon namin dati. Pero wala talaga kong maalalang Sapphire.

Kyle held my hand and made me sit again. "Sapphire is now the leader of the Black Witch. She's the daughter of Crystal and Mond Almed."

Saglit ko pang inisip ang sinabi niya ng may maalala ko bigla. Napatango-tango na lang ako nang mapagtanto kung sinl siya.

So she's an Almed. Oh, well, hindi ko na pala siya naabutan no'n.

"Care to share us the obstacles that you have been through?"

Nagulat pa ko ng si Kuya naman ang nagtanong.

Napailing naman si Athena. "No. Not now. What's important is that we already know about this."

"Hindi pa nga lang tayo nakakasigurado kung 'yon na ba talaga ang lahat ng dapat nating malaman," Kira said while thinking. "Parang may kulang pa rin kasi."

Napatango ako. May punto kasi siya. Halos lahat naman ng tanong ko ay nasagot na. Ang kaso lang ay mayroon pa nga ring kulang.

Hindi ko lang din mawari kung ano.

"Kamusta na kaya si Kuya?" Rei said out of the blue.

I looked at her and smiled. "Don't worry. I know that Steph can manage."

Chapitre suivant