webnovel

Chapter 12 | The Revelations

Chapter 12 | The Revelations

Kyle Ethan's POV

''Changes that suddenly occurred when she turned eighteen?'' tanong ni Vince.

Tinanguan ko lang siya habang patuloy pa rin ako sa pag-iisip. Nandito kaming lahat sa sala ng mansyon ngayon at kanina pa namin pinagkukuwentuhan ang mga pinag-usapan namin ni Nicole.

Naguguluhan kasi ako. Dahil kahit ako mismo ay nagsimulang makaramdam ng kakaiba sa 'kin magmula ng mag-eighteen ako. I just don't know if it's a coincidence or it is really meant to happen.

Saka habang tinititigan ko siya kanina pakiramdam ko ay parang matagal ko na siyang kilala. Everything in her seems familiar to me. Even her sweet scent.

Most especially her lips.

Kung hindi nga lang siguro biglang dumating si Kira ay malamang na nahalikan ko na siya. Hindi ko lang din alam kung bakit gano'n na lang ang kagustuhan ko na mahalikan siya.

Wala sa loob na napahawak ako sa kaliwang dibdib ko. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

It's all because of her again.

Pero mas ikinagulat ko kanina ang naramdaman kong malakas na puwersa na nagmumula sa kanya ng itulak niya ko. Pero hindi lang 'yon ang gumugulo sa isip ko ngayon. Pati na rin 'yong sinabi sa 'kin ni Kira na pagkakapareho namin ni Nicole ng birthdate at ang biglaang pagsakit ng ulo ko. Hahabulin ko pa sana siya ng umalis siya kanina pero napapikit at napaupo na lang ako ng dahil sa sobrang sakit nito.

Sa 'king pagpikit ay mayroon akong nakita na dalawang imahe. Hindi ko lang malaman kung sino ba ang mga ito dahil masyadong malabo ang kanilang mga mukha.

Ang tanging bagay na nasisiguro ko ay isa 'tong lalaki at babae na tila may pinagtatalunan.

Pero mas lalo akong naguluhan nang dahil sa sunod kong nakita.

The boy was talking to a girl. Kapareho rin ng pinag-uusapan nila ang pinag-usapan namin ni Nicole. Then he was about to kiss the girl when she pushed him away. Sa sobrang lakas nito ay tumalsik na lang ang lakaki sa may puno.

It was the same scene that happened to us. Magkaiba nga lang ang lugar pero magkatulad ang nangyari.

Pero sinu-sino nga kaya 'yong mga nakita ko? Saka ano kayang ibig sabihin no'n? Bakit parang kahit hindi ko naaninag ang hitsura nila pakiramdam ko ay kilala ko sila?

''Aalis lang ako saglit.'' Napatingin kaming lahat kay Kira at tumango. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang mawala.

Alam ko na mayroon ding gumugulo sa kanya. Kanina kasi habang papunta kami rito ay tulala lang siya. Hahayaan ko na lang muna siya sa ngayon dahil marami pa kong ibang bagay na dapat intindihin. Maybe he needs some time alone too.

Hiro stood up and slammed the table. He looked frustrated. ''Masisiraan na talaga ko ng bait sa kung sino ba talaga ang Nicole na 'yan! Nasisiguro ko na may nalalaman ang mga magulang natin tungkol dito kaya bakit hindi na lang natin sila tanungin?"

Seryoso ko siyang tiningnan. "No. We will find the answers on our own. Hindi natin kailangan ng tulong nila. Dahil nasisiguro ko na ililigaw lang nila tayo sa katotohanan,'' I said in a matter of fact.

''Kuya Kyle is right. Kaya kung puwede lang ay wag kang pabida riyan.'' Reiri glared at him. Hindi naman nagpatalo si Hiro at pakiramdam ko ay may hindi kami nakikitang kuryente sa pagitan nilang dalawa.

Kailan kaya sila magkakasundo?

''Don't worry, Kuya. Kami na lang ni Reiri ang bahala kay Ate Nicky. Bukod kasi kay Ate Mikan ay alam kong pinagkakatiwalaan niya rin kaming dalawa.'' Miley tapped my shoulder.

''So, it's settled then. We'll take care of the rest. Kami na lang ang babalik ni Hiro sa palasyo para hanapin 'yong libro.'' Kinaladkad na ni Vince si Hiro palabas na hindi na nagawa pang umangal.

''Alis na rin kami, Kuya. We'll try to search something in Ate's room. I know it's bad, but we don't have a choice.'' Umalis na rin sina Miley at Reiri.

Tuluyan na kong naiwan mag-isa.

Pero ilang minuto pa lang ang nakalilipas magmula ng umalis sila ay bigla na namang sumakit ang ulo ko.

Damn it! Why again?

Hindi ko napigilan ang mapahiyaw ng malakas at napahawak na lang ako ng mahigpit sa ulo ko bago pa ko tuluyang mahulog sa sahig. Mas masakit ito ngayon kumpara kanina.

Pero natigilan ako nang bigla na namang may lumabas na mga eksena sa isip ko.

''Hoy, masungit na prinsipe! Lumabas ka na at wag ka ng magtago pa riyan. Ano na naman bang ginagawa mo rito? Are you stalking me?'' nakapameywang na tanong ng isang babae.

Mula sa likod ng mga halaman ay mayroong lumabas na isang lalaki. ''Hindi kita sinusundan, mataray na prinsesa. Wag ka ngang feeling. Nagkataon lang na napadaan ako at nakita kita.''

The girl crossed her arms. ''Oh really? If I know may gusto ka sa 'kin kaya palagi kang nakasunod!'' she shouts at him.

Biglang nag-iwas ng tingin 'yong lalaki. ''W-Wag ka nga! Hindi kita gusto no! Ni hindi ka nga maganda.''

Nanliit ang mga mata no'ng babae. "Anong sabi mo? Alam mo bang ikaw pa lang ang nagsabi sa 'kin niyan?" Ipinadyak nito ang mga paa sa lupa. "Dahil diyan ay humanda ka dahil hinding-hindi kita mapapatawad!''

Nagsimulang tumakbo ang babae patungo sa direksyon ng lalaki. Pero hindi niya mahuli-huli ito dahil mas mabilis tumakbo sa kanya ang lalaki.

''Ang weak mo talaga, Jade!'' the boy teased her when he looked back.

''Wag kang mayabang masyado, Carl! Maabutan din kita!'' Mas lalo pang binilisan ng babae ang pagtakbo.

Bigla akong napadilat at unti-unting nawala ang sakit ng ulo ko.

What's that?

Kahit hindi ko na naman naaninag ang mga mukha nila ay nasisiguro ko na sila rin 'yong una kong nakita kanina. Gano'n na gano'n din ang boses nila at tila ba narinig ko na ang mga salitang 'yon dati.

Jade and Carl. Who the hell are the two of you?

-----

Third Person's POV

Marahang umiinom ang kanilang pinuno ng isang pulang likido habang nakaupo sa kanyang trono, nang biglang bumukas ang malaking pintuan sa harap nito at pumasok ang isa sa pinagkakatiwalaan niyang alagad.

Lumuhod ito at tumungo bilang tanda ng paggalang sa kanya. ''Mayroon po akong magandang balita, Master,'' magalang na sabi ng isang matipunong lalaki.

Sumilay ang mala-demonyong ngiti ng pinuno. Sa isip-isip nito ay talagang nalalapit na nga ang araw na itinakda upang makamit nito ang inaasam na malakas na kapangyarihan.

''Ano naman 'yon?'' mapanganib ang tono ng kanyang boses pero nababakasan pa rin ito ng pagkasabik.

Tumingala ang kanyang alagad at ngumisi. ''Kumpirmado na pong siya ang matagal na nating hinahanap.'' Bakas sa mata nito ang kagalakan.

Napatango siya at halata ang kasiyahan sa kanyang mukha. ''Paano naman niya nasiguro ang tungkol sa bagay na 'yon?'' Matiim niyang tinitigan ang alagad. Hindi pa man din ito nagsasalita ay nabasa na niya sa isip nito ang sagot.

''Sa mismong araw po na ito ay lumabas na po ang pulang marka sa kanyang leeg. Tanda na siya po ang itinakda.''

Tuluyan ng tumayo ang pinuno at marahang tinapik ang balikat ng kanyang alagad. Tunay ngang ito ay kanyang maaasahan at kahit kailan ay hindi pa siya nito binigo. Sadyang hindi siya nagkamali sa pagkupkop sa mga ito.

Kahit pa na isa silang tao. Dahil noong panahon na nasa panganib ang buhay ng mag-asawa ay iniligtas niya ang mga ito kapalit ng paninilbihan at katapatan sa kanya.

Walang pag-aalinlangan na tinanggap ng mag-asawa ang kanyang alok. Sadyang malaki rin ang pakinabang niya sa mga ito dahil dati itong nasa panig ng kabilang kampo.

Marami na siyang impormasyon na nakalap mula sa mga ito. Ngunit ang mas nakakuha ng kanyang interes ay ang tungkol sa propesiya na nabanggit ng mga ito. Wala kasi siyang kaalam-alam tungkol dito.

Na sa loob na lamang ng ilang linggo ay magaganap na.

''Magaling kung gano'n. Makakaalis ka na." Muli itong yumuko bago tuluyang umalis.

Naiwan na namang mag-isa ang pinuno sa loob ng malaki at malamig na kuwarto nito. Napaangat siya ng tingin at pinakatitigan ang malaking litrato ng isang babae na nakasabit sa isang sulok.

''Wala na sana kong balak pa na maghiganti kung ako lang sana ang pinili mo.'' Bakas sa boses niya ang galit at sakit.

''Pero hindi mo 'yon ginawa. Ang mas masakit pa ay nagawa mo kong ipagpalit at sa isa pang kalaban! Kaya ngayon ay ang anak mo ang magbabayad sa lahat ng pasakit at kasalanang ginawa n'yo sa 'kin ng asawa mo.''

Napahigpit ang hawak niya sa kanyang kopita hanggang sa tuluyan na itong nasira. Nanggigigil na siyang maipaghiganti ang kanyang namatay na pamilya at mabawi ang kaisa-isang babae na kanyang minahal.

''Kasabay ng pagkakaroon ko ng malakas na kapangyarihan ay ang pagbawi ko sa 'yo...

Cassandra Clarkson.''

-----

Kira's POV

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga nakitang imahe at eksena ni Kyle ng biglang sumakit ang ulo niya kanina.

Pero malakas ang kutob ko na may kinalaman 'yon sa kanilang dalawa ni Nicole. Ewan ko ba. Pero parang ang daming bagay na ang nag-uugnay sa kanila.

Muli ko na namang naalala ang mga nangyari kanina. Talagang napanganga ako sa pinakitang lakas ni Nicole. Hindi ko akalain na magagawa niyang patalsikin ng gano'n lang ang pureblood prince. She's really something.

Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng gubat ng matanaw ko ang tulalang si Nicole na nakatayo lang sa bukana nito.

''Nicole.'' Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa 'kin na para bang nakakita siya ng multo.

''Hey! Are you alright?'' Mabilis ko siyang nilapitan at sinalat ang noo niya dahil bigla na lang siyang namutla.

Pero nagulat na lang ako nang umatras siya. She looked so scared at me. I also noticed that she's shaking.

Bigla akong naalarma. Ano ba ang nangyayari sa kanya? She's making me feel worried!

''Ano bang—''

''Sino ba talaga kayo? Ano ba kayo, hah?'' sumisigaw at mangiyak-ngiyak niyang tanong.

Bigla akong natigilan nang dahil sa tanong niya. Does she already know?

Kaya ba parang takot na takot siya sa 'kin? Dahil ba halimaw na rin ang tingin niya sa 'kin?

Nakaramdam ako ng sakit dahil sa isiping 'yon. Parang hindi ko yata kakayanin na maging gano'n ang tingin niya sa 'kin.

Gustong-gusto ko talaga ang mapalapit sa mga tao. Pero siya pa lang ang kauna-unahang tao na napalapit sa 'kin ng ganito.

Every time that I'm with her, I felt like I am normal just like her. Nakakalimutan kong iba ako sa kanya at malaya kong nagagawa ang gusto ko.

''What are you saying? Bakit mo naman biglang natanong 'yan?'' I force a laugh to ease the tension.

She looked away. Parang nabigla rin siya sa ginawa niyang pagsigaw. ''W-Wala. Nevermind. Alis na ko.'' Mabilis siyang tumakbo palayo sa 'kin.

Pero may nakita akong nakausling putol na sanga sa dadaanan niya at mukhang hindi niya ata 'yon napansin. ''Hey! Watch out!''

Mabilis akong nakalapit sa kanya pero nadapa na siya. ''Ouch!''

Niluhod ko ang kaliwang tuhod ko habang nakatukod lang 'tong kabila at inalalayan ko siyang makaupo ng maayos. Tiningnan ko 'yong sugat niya sa tuhod at medyo nagdudugo ito.

Dugo.

Napalunok ako. Parang bigla na lang umikot ang tiyan ko ng maamoy ito.

Napaangat ako ng tingin at doon ko lang napansin na nakatitig pala siya sa 'kin. ''Sa susunod kasi mag-iingat ka. Nasugatan ka na naman tuloy.'' I patted her head and smiled.

Kahit nakaramdam ako ng pagkatakam nang dahil sa dugo niya ay hindi ko siya magagawang saktan. Nabubuhay kami sa pag-inom ng dugo ng mga hayop at ayon na rin ang nakasanayan namin kaya naman ay nagagawa naming kontrolin ang pagkatakam sa dugo ng mga tao.

Kinuha ko ang panyo ko mula sa bulsa para ipangtakip sa sugat niya. Mahirap na at baka may makaamoy na kauri namin sa kanya na hindi makapagpigil.

Pero nagulat na lang ako ng sa muli kong pagtingin sa tuhod niya ay wala na itong sugat. ''Paanong...''

Naikuyom ko na lang ang kamao ko nang may nakita akong biglang tumulo na luha rito.

She's crying. Shit.

''Sino ba kayo? Sino ba ko? Wala na kong maintindihan. Gulong-gulo na ko!'' Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak at nasasaktan akong makita siya na ganito.

I don't know why, but the very first time I laid my eyes on her, I just can't take it away from her. Gusto ko siyang nakikita palagi. Masaya ako sa tuwing nakakasama at nakakausap ko siya. Lalong-lalo na kapag nakikita ko siyang ngumingiti at naririnig ko ang pagtawa niya.

Because of her, an unknown feeling resides inside of me. Pero mas pinili ko itong balewalain. Alam ko naman kasi na kahit ano pa ang nararamdaman ko sa kanya ay wala ring patutunguhan.

I admit. Kaya ako wala sa sarili kanina ay dahil sa nakita kong muntik na silang maghalikan ni Kyle. Tipong gusto kong magwala at hilahin siya palayo kay Kyle, na bestfriend ko, ng mga panahon na 'yon.

But I know that I don't have the fucking rights.

Aside from that, I know that it's Kyle that she likes. And Kyle likes her too. Mukha man silang hindi magkasundo at madalas na nag-aaway ay nakikita ko naman kung paano nila tingnan ang isa't isa sa tuwing akala nila ay walang nakatingin sa kanila.

There was something in their eyes. Na para bang bigla na lang itong kumikinang sa tuwing makikita nila ang bawat isa. But they're not even aware of it.

Kaya ang tanging magagawa ko na lang muna sa ngayon ay ang protektahan at alagaan siya. Until they both realize their worth to each other.

I pulled her closer to me and hugged her tightly. ''Magiging okay rin ang lahat. Trust me. Kakampi mo kami. We're all here for you.'' I gently caressed her back to give her comfort.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito. She looked like a lost child.

If I could only answer her questions, maybe it could help to at least lessen the pain that she's feeling right now.

But damn. We're all clueless and confused too.

''Anong nangyayari rito?'' Napahiwalay kami sa isa't isa nang marinig namin ang malamig niyang boses.

''Kyle,'' tawag ko sa kanya pero kay Nicole lang siya nakatingin. ''Kasi...'' hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang niyang hinila si Nicole patayo.

''Bitiwan mo nga ko! Saan mo ba ko dadalhin?'' Nagpupumiglas si Nicole pero wala naman siyang magawa.

To my surprise, Kyle cupped her cheeks and his face softened. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya na ganito kaamo. ''If you really want to know the truth, come with me.'' Nangungusap ang kanyang mga mata.

Natulala na lang si Nicole sa kanya. Mukhang alam ko na kung ano ang binabalak niya at tama lang na sa kanya manggaling ang lahat.

Tumayo na ko. Ito na ang pagkakataon nila para masabi sa isa't isa ang tunay nilang nararamdaman. It's up to them to grab the chance or let it pass.

Alam kong hindi na ko kailangan dito. Muli kong sinulyapan ang tulala pa ring si Nicole at mapait na ngumiti bago tuluyang naglaho.

-----

Miley's POV

"Wala ka pa rin bang nakikita?" Reiri asked.

"Wala pa, eh. Sana lang ay hindi muna bumalik si Ate."

"Oo nga, eh. Don't worry. Ako ng bahala rito sa labas. Just take your time."

"Okay. Thanks."

Nandito ako ngayon sa kuwarto ni Ate Nicky at kasalukuyang naghahanap ng mga bagay na puwedeng makatulong sa 'min para malaman ang tunay niyang pagkatao.

Samantalang si Reiri naman ay nakabantay lang sa labas. I am talking to her through my mind. Sakto kasi na wala si Ate rito sa loob kaya pinagbantay ko muna siya sa labas. Mahirap na at baka mahuli kami.

Sinilip ko na 'yong ilalim ng kama niya, pati na rin 'yong ilalim ng unan at bedsheet niya.

Nahalughog ko na rin ang bag niya pati na rin 'yong maliliit na drawer sa sidetable niya pero wala rin naman akong nakitang kakaiba.

Kahit ang banyo ay hindi ko pinalampas. But it's all cleared.

Tanging ang cabinet na lang niya ang hindi ko pa nakikita. Napabuntong hininga na lang ako. I feel so guilty.

''Sorry, Ate. Alam kong invasion of privacy na 'tong ginagawa ko. But I really need to do this.''

Sinimulan ko ng buksan ang cabinet at naghanap sa loob. Inisa-isa ko rin ng bukas ang mga drawer na nandito.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit noong nasa pinakahuling drawer na ko ay bigla akong kinabahan.

Dahan-dahan ko sana 'tong bubuksan. Kaya lang ng hihilahin ko na ay naka-lock pala ito. I didn't want to do this, but again, I have no choice but to destroy it.

Unang tumambad sa 'king paningin ang isang bagay na kahit kailan ay hindi ko naisip na mayroon din siya.

My hands are shaking as I slowly took the familiar necklace out. Matiim ko itong tinitigan at walang duda na kaparehong-kapareho 'to ng kuwintas ni Kuya.

But why does she have this?

Kailangan tong malaman agad ni Kuya Kyle.

-----

Kyle's POV

Nang bumuti na ang pakiramdam ko ay naisipan ko na ring umalis ng mansyon. Kailangan ko rin kasing makita at makausap ulit si Nicole.

Wala pa naman sa plano ko ang sabihin sa kanya ang totoo. Pero ng makita ko siyang umiiyak at yakap-yakap ni Kira ay bigla na lang akong nakaramdam ng...

Selos.

Oo aaminin ko na. Nagseselos ako sa tuwing nakikita ko silang masayang magkasama. Samantalang kapag ako ang kaharap niya ay palagi na lang siyang nakasimangot at galit.

Ang gusto ko ay ako lang ang yayakap sa kanya ng gano'n. Ako lang ang ngingitian niya at ang magiging dahilan kung bakit siya masaya. Ang poprotekta at mag-aalaga sa kanya.

I was never been this selfish. Not until I met her.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Basta namalayan ko na lang ang sarili ko na gusto kong palaging nakukuha ang atensyon niya.

Kaya wala na kong ibang ginawa kung hindi ang inisin at pagtripan siya. Kahit papaano kasi ay nagagawa pa rin niya kong makita at mapansin.

Dahil sa kanya lang tumibok ng ganito ang puso ko at magmula no'ng araw na makita ko siyang nasaktan ay wala na kong ibang ginusto kung hindi ang maprotektahan siya.

I don't want to lie to her anymore. Kaya habang maaga pa ay sasabihin ko na sa kanya ang lahat. Para malaman ko na rin kung mayroon bang pag-asa 'tong nararamdaman ko o wala.

Isa pa ay gusto ko rin na pagkatiwalaan niya ko. Just like what I told her before. Besides, I know that I can trust her too.

I'm willing to take all the risk now.

''Tell me what's the truth. Please.'' Sa wakas ay nagawa rin niyang magsalita pagkatapos ng ilang minuto niyang pagkakatulala.

Ang ganda-ganda talaga niya. Hinding-hindi ko pagsasawaan ang pagtitig sa kanya.

Dahil no'ng unang beses pa lang na makita ko siya ay nakaramdam na kaagad ako ng kakaiba.

''Okay. Close your eyes first.'' Bakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan pero sumunod rin naman siya.

Hinawakan ko nang mahigpit ang dalawang kamay niya at pumikit din. Sa pagdilat ko ng aking mga mata ay nandito na kami sa training area namin na nasa likod lang ng mansyon.

''Open your eyes now.'' Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nagpalinga-linga siya sa paligid at bakas sa mukha niya ang pagkagulat at pagkalito.

''How—-'' I cut her off immediately.

''Listen carefully first, okay? And please understand all the things that I'm going to say.'' Binuka niya ang bibig at akmang tututol sana. Pero sinara rin niya ito at agad na tumango.

That made me smiled. ''Alam ko na sa oras na malaman mo ang totoo ay may posibilidad na magwala ka at magalit ka sa 'min. Sa 'kin. Pero sana ay wag mo muna kaming husgahan. Kung sakali man na maisipan mong umalis dito sa academy, sana ay itago mo na lang sa sarili mo ang lahat at wag mo ng ipaalam pa sa iba.'' Diretso lang siyang nakatingin sa 'kin at iniintindi nga niya ang lahat ng sinabi ko.

''Alam mo ba kung bakit ako biglang nagalit sa 'yo noong unang pagkikita pa lang natin?'' Umiling siya. ''Kasi ang akala ko ay kalaban ka dahil nagawa mong makita 'tong mansyon na tinitirahan namin. Pagkatapos ay nakita ko pang hindi mo suot 'yong bracelet mo. Nag-alala lang naman ako no'n na baka may makaamoy sa 'yo na kauri namin. Because that bracelet serves as the protection for the human students here.''

Truthfully, I was freaking worried by that time. For the very first time again, I feel worried for a human.

Napakunot ang noo niya. ''What do you mean by that? Paano ba 'to naging proteksyon?'' she asked, pointing the bracelet that she's wearing.

Napahilot ako sa batok ko. "May spell kami na pinalagay riyan. Para sa tuwing sinuot n'yo 'yan ay hindi maaamoy ng mga kalahi namin ang dugo n'yo at hindi sila matatakam. 'Yon din ang dahilan kung bakit hangga't maaari ay pinag-iingat ka namin na wag masugatan. Lahat naman kami rito ay sinanay sa dugo ng hayop. But I'm afraid to admit that some of us here may not be able to control their bloodlust.''

Napalunok siya. Kita ko ang namumuong takot sa kanyang mukha. Pero hindi ko 'yon pinansin at nagpatuloy.

''Siguro ay nagtataka ka rin kung bakit bigla-bigla na lang kaming sumusulpot at nawawala. Alam ko na napapansin mo rin ang pulang likido na iniinom ng ibang mga estudyante rito pati na rin ang dalawang magkaiba na dorm building. Mas malaki 'yong amin at mas marami kami. Pati na rin kung bakit mapuputla at malalamig ang mga balat at kamay namin." Dahan-dahan siyang tumango.

"I also know that you're wondering about how did we became a princes and princesses. That's because we're different. We're not one of you and we're the young royalties of our clan.''

Napabitiw siya bigla sa 'kin at bigla akong nakaramdam ng takot.

Magsasalita pa sana ko pero naunahan na niya ko. I didn't expect what she said.

''Yes you're different. You're not a human, because you're a vampire.'' Nanginginig 'yong boses niya pero nandoin ang kasiguraduhan sa bawat salitang binitiwan niya.

I was taken aback. ''How did you—''

Bigla naman siyang natawa. ''How did I know? Simple lang. Katulad ng mga sinabi mo ay napansin ko nga ang lahat ng 'yon. That's why I did a research on my own. Ang lahat ng mga nakalap kong impormasyon ay tumutukoy sa kung ano ba talaga kayo. Ayoko pa nga sanang paniwalaan ang mga 'yon no'ng una. Kaya gusto ko sanang makausap muna kayo para alamin ang katotohanan. But now that you mention all of those, kinumpirma mo na rin ang hinala ko.''

Napakunot noo ako nang biglang magbago ang aura niya. Parang hindi na siya gano'n katakot at mas naging kalmado pa.

''Aren't you afraid of us? Of me?'' I asked in a low voice. It's as if I am the one whose afraid to know her answer.

She smiled. For the very first time she fucking smiled at me that made my heart beats faster again. Mas lalo pati siyang gumaganda kapag nakangiti!

''Siyempre natakot ako noong una. Kaya nga halos takbuhan ko si Kira kanina. Dahil hindi ko alam kung paano ko pa kayo haharapin pagkatapos ng mga nalaman ko." Malalim siyang napabuntong hininga.

"But later on I realize, I shouldn't be afraid of all of you. Dahil kung gusto n'yo lang naman kaming gawing hapunan o ano pa man ay malamang matagal na kaming wala rito. Aside from that, you even gave us this bracelet for protection. Kaya alam ko na wala naman kayong intensyon na saktan kami. Isa pa ay hindi n'yo naman siguro papayagan na mayroong tao na mag-aral dito kung hindi mahigpit ang seguridad n'yo.''

Nabuhayan ako ng loob nang dahil sa sinabi niya. I thought she will suddenly freak out and hate us to death once she learned about us. That in her eyes, we're nothing but a monster like what the other humans think.

But she's not. She's really different. Because of that, this unfamiliar feeling inside me towards her grew bigger.

''Ibig bang sabihin ba ay hindi ka aalis dito sa academy?'' I asked hopefully.

Umiling siya. ''Nope. I trust you guys. Dahil alam ko na kahit alam n'yong tao ako ay sincere naman sina Miley sa pakikipagkaibigan sa 'kin. I hate to admit it, but they're actually like a sister to me already. So no worries, because your secret is safe with me. Hindi ko lang sigurado kung ako ba ay ligtas sa inyo.'' She laughed with humor. How I love to hear that laugh.

''Of course you're safe with us. Dahil hindi namin hahayaan na may mangyari sa 'yo. We'll protect you no matter what. I assure you that.'' Sa sobrang saya ko ay napanggigilan ko ang ilong niya.

Pareho kaming natigilan dahil doon. Pero mas lalo akong nagulat dahil hindi man lang niya ko sinita at sinigawan katulad ng palagi niyang ginagawa.

Instead, she holds my hand that made me freeze on my spot. ''It's really cold.'' Then she caressed my cheek. ''Then your skin was really pale as if you didn't come out for ages.'' She chuckled.

''I still can't believe it that vampires are really true and I just met some of them here. Isn't it cool?'' Nangingiting napailing pa siya.

Napatitig na lang ako sa kanya habang nakaawang ang bibig. Hindi ko akalain na magagawa niya kaagad kaming tanggapin ng gano'n lang. Kung alam ko lang sana na ganito ang magiging reaksyon niya ay sana noon ko pa 'to sinabi sa kanya.

''Nicole, mayroon pa pala kong aaminin sa 'yo.'' Napatingin naman siya sa 'kin at napaayos ng tayo.

''Ano 'yon?'' she asked, still smiling.

''I... I...'' napakamot na lang ako sa batok. I'm Prince Kyle Ethan Clarkson and I can't believe that I was fucking shy in front of a human girl. What the hell?

Teka, paano ko nga ba sasabihin?

''You what?'' She's looking at me intently while waiting for me to go on.

I looked straight into her eyes and let the words that I've never imagined to tell her slipped out into my mouth.

"I-I like y-you."

Nicole Jane's POV

I was stunned for a moment. Ilang beses pa kong napakurap. Pero nandito pa rin siya sa harap ko at diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Aaminin kong natakot talaga ako sa kanila noong simula. We're talking about vampires here! There's a possibility that they might drink my blood until I die and I know that I can't do anything about it, because they're too strong. I might get died anytime here.

But somehow, I feel safe and protected with them as well. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit pilit ko mang itanggi ay alam ko sa sarili ko na mapagkakatiwalaan ko sila. Na hindi sila kagaya noong mga napapanood ko at pinaniniwalaan ng ibang tao na masasamang bampira.

''I... I...'' napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin o maging reaksyon dahil doon.

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kasi mapigilan ang kiligin.

News flash! Marunong ng kiligin si Nicole Jane Parker! At sa isa pang prinsipe ng mga bampira!

Kasi naman kung makatitig din siya ay halos matunaw na ko. Tapos sasabihan niya pa ko ng gano'n. Eh di lalo akong nalunod sa kilig.

Kung kanina ay halos himatayin na ko nang dahil sa sobrang takot at kaba. Ngayon naman ang pagkakilig pa ata ang magiging sanhi ng pagkawala ko ng ulirat. Ang bilis ng tibok ng puso ko at ramdam kong namumula na ang mga pisngi ko.

''You're so cute when your blushing,'' pang-aasar pa niya habang nakangisi.

Nanlaki naman ang mga mata ko at malakas siyang hinampas sa balikat. Nakakahiya talaga!

I was about to speak again when Miley suddenly appeared from nowhere.

''Kuya? Ate?'' Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa 'ming dalawa ng may pagtataka. Gano'n din ang ginawa ng katabi niyang si Reiri.

Kyle let out a deep sighed.  ''She already know everything.''

Nanlaki naman ang mga mata nilang dalawa.

''What? How? Why?''

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang may ibang biglang sumigaw. Pagtingin ko sa likod nina Miley ay nandoon na sina Vince at Hiro na parehong nakaawang ang mga bibig. Samantalang si Kira naman ay tahimik lang na nakatayo sa isang tabi at nakapamulsa.

Napuno ng nakabibinging katahimikan ang paligid. Pero ng makabawi sa pagkabigla ay sinimulan ng ikuwento ni Kyle sa kanila ang lahat ng naging usapan namin.

As in lahat pati na rin 'yong naging pag-amin niya! Nakakahiya nga lalo na noong sinimulan akong asarin nina Miley, Reiri at Hiro.

Kinikilig ako pero siyempre ay ayoko namang ipahalata 'yon. Alam naman kasi nilang lahat na mortal kaming magkaaway na dalawa. Pagkatapos sa isang iglap ay bigla na lang umangat ang level namin.

Pero napapairap na lang ako sa kawalan sa tuwing sinasamaan ako ni Vince ng tingin. Ewan ko ba. Pero sa simula pa lang ay mukhang bad vibes na talaga kami sa isa't isa. Ni hindi ko na nga inisip na bampira siya and he can attack me whenever he wants.

Aasarin pa sana ko ulit ni Miley ng may nakita akong nakausling kung ano sa bulsa niya. Nang matitigan ko 'to ng maigi ay napasinghap na lang ako.

''Miley! Paanong napunta sa 'yo yan?'' Gulat na itinuro ko 'yong kwintas na ibinigay sa 'kin ni Dad.

Lalo naman siyang namutla nang dahil sa pagsigaw ko. Mabilis niyang inilabas 'yong kuwintas at iniabot sa 'kin.

''Sorry, Ate. Sa totoo lang ay nakuha ko 'yan sa kuwarto mo kanina. Na-curious kasi ako kung paano ka nagkaroon niyan. Mayroon din kasing ganyan si Kuya Kyle,'' nakatungo niyang sabi na para bang takot mapagalitan.

''Well, my Dad gave me this noong dinala nila ko rito. Sinabihan pa nila ko na ingatan ko 'to at palaging suotin. Noon ko nga lang din nakita ang kuwintas na 'to, eh,'' I explained to them.

Kinuha ni Kyle 'yong kuwintas mula sa pagkakahawak ko at matamang sinuring. ''Oo nga. Katulad na katulad ng kuwintas na ibinigay sa 'kin ni Mom. Wait. Kukunin ko lang saglit sa kwarto ko.''

Inabot muna niya sa 'kin pabalik 'yong kuwintas. Sa pagkurap ko ay bigla na lamang siyang nawala sa tabi ko. Tanging ang malakas na pag-ihip na lang ng hangin ang naramdaman ko.

Wow. Hindi ko pa rin talaga maiwasan ang mamangha.

Hindi naman nagtagal ay bumalik siya agad dala ang kuwintas na katulad ng akin. Kahit ako tuloy ay hindi ko naiwasan ang mapaisip.

''Woah. Why did the both of you have these?'' Kinuha sa 'min ni Vince 'yong mga kuwintas at ipinagtabi.

''Nakapagtataka lang talaga. That necklace was made for the vampires only. Sa narinig kong usapan nila Mommy rati ay dalawa lang ang pamilya ng mga bampira na mayroong ganyan. One is the Clarkson's and I don't know the other one,'' Kira stated.

I bit my lower lip. Nang dahil sa mga nalaman ko tungkol sa kanila ngayong araw ay halos nakalimutan ko na 'yong sarili kong problema.

''Guys, you told me that I'm not one of you. But what if I am?'' nag-aalangan kong tanong sa kanila.

Pansin kong nagkatinginan silang lahat. Then Kyle looked at me with confusion on his face.

''What do you mean, Nicole? You're a human. Wala naman kaming naaamoy na kakaiba sa dugo mo.'' He assured me, but I can sense that he was having his doubts too.

''Pero naguguluhan na rin kasi ako. Bakit may mga kakayahan ako na parang sa inyo? Bakit ko nagagawa 'yong mga bagay na nagagawa n'yo? Gumagaling ng kusa ang sugat ko. Pakiramdam ko lumalakas ako. Pagkatapos ang bilis ng pagkilos ko kanina. 'Yong pagiging mas malinaw ng mga mata ko sa dilim, talas ng pakiramdam at pandinig. Bakit? Bakit ko nararanasan ang lahat ng 'yon? Tapos bakit mayroon kaming ganyan?''

Parang gusto ko na namang maiyak at nagsisimula na namang mamuo ang takot sa dibdib ko.

Alam ko na kung sino talaga sila at tanggap ko naman 'yon. Pero ako... hindi ko pa rin alam kung sino at ano ba talaga ko at kung magagawa ko bang tanggapin ang sarili ko.

Reiri held my hand tightly. Halata sa mukha niya ang pag-aalala. ''Sa totoo lang ay napansin din namin ang mga bagay na 'yon, Ate. Kaya nga namin naisipang pumasok sa kwarto mo ay para maghanap ng mga bagay na makakapagturo sa 'min kung sino ka ba talaga. Pero bukod sa kuwintas ay wala na kaming iba pang nakita. Naguguluhan din kaming katulad mo.''

Natahimik kaming lahat. Pero mayamaya lang ay biglang tumayo si Kyle sa harap namin. ''Sa totoo lang ay may dapat pa kayong malaman.''

Napa-poker face na lang kami sa kanya. Seriously? Mayroon pa?

Sinimulan niyang tanggalin ang pagkakabutones ng polo niya. Kaya naman ay napatakip na lang ako sa mga mata ko kahit may uwang ito at napatili.

''Ano bang ginagawa mo? Wag ka ngang maghubad sa harap namin!''

''Oo nga Kuya. It's so gross!'' Nakigaya na rin sa 'kin sina Miley.

Sinamaan naman niya kami ng tingin habang naririnig ko naman ang mahinang pagtawa nina Hiro at Kira.

''Magsitahimik nga kayo. May ipapakita lang ako na baka pwede ring makatulong sa 'tin. Kaya kung ayaw n'yong makita ay bahala kayo,'' nakasimangot na sabi niya.

Natahimik naman kami at napatingin na lang sa kanya. Although medyo ang awkward pa rin sa feeling 'yong ginagawa niya.

I gulp the moment I saw his bare chest. Akala ko ay ibaba pa niya ang pagtanggal ng butones. Pero nadismaya ako ng hanggang do'n lang pala 'yon.

My eyes widened because of what I think. Agad ko namang ipinilig ang ulo ko.

Ano ba naman 'tong naiisip ko? Napakalaki talagang tukso ng lalaking 'to!

Pero natigilan ako sa pagsesermon sa sarili ko ng...

''You have the red mark too?'' Napatakip na lang ako sa bibig ko. Samantalang napamaang na lang ang iba pa.

He nodded. ''Lumabas ito ilang araw pagkatapos ng birthday ko. Kagaya mo ay nakaramdam din ako ng kakaiba sa katawan ko magmula ng mag-eighteen ako. Hindi lang 'yon. Nalaman ko rin na magkapareho tayo ng birthdate. Exact month, date and year.'' Our jaw dropped on what we heard.

''Same birthdate, red mark and necklace. How are we able to connect all of those?'' Hiro ruffled his hair. Para na siyang masisiraan ng bait sa sobrang pagkakalukot ng mukha niya.

''Damn! Parang imbis na magkaroon ng malinaw na sagot ang mga tanong natin ay mas lalo lang nadagdagan at naging komplikado ang lahat," dugtong pa niya.

Vince rubbed the side of his temple. ''Hindi rin pala namin nagawang pasukin ulit 'yong library. May nakahuli kasi sa 'min kaagad.'' His voice sounded tired and he looked so exhausted.

Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya pero pilit ko na lamang itong inignora at napapikit. Sumasakit na rin ang ulo ko. Parang hindi na ata nito kaya pang tanggapin ang lahat ng impormasyon na nalaman ko ngayon. It's too much that there's no enough space for some of it anymore.

Ano pa ba ang kailangan naming malaman? Bakit masyado naman atang sunod-sunod? Hindi ba pwedeng time-out muna?

'Yong pakiramdam na natakot ka, naging masaya ka tapos natakot ka ulit. Ang gulo na talaga. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari at hindi ko na alam kung ano pa ba ang totoo at hindi. Kung panaginip lang ba ang lahat ng ito at magigising akong normal na ulit ang lahat. That all of this isn't actually happening.

Pero napadilat ako nang bigla ko na lang siyang naramdaman na yumakap sa 'kin. His scent was surprisingly familiar to me.

''Don't worry. Everything will be okay. Kasama mo kami sa pag-alam ng katotohanan. I promise that we won't leave you alone. I won't leave you.'' His words made my heart flutter and feel relief for a moment.

Hindi ko pa alam kung ano nga ba ang talagang nararamdaman ko para sa kanya.

All I know is that I'm happy being in his arms right now, whispering some soothing words to me. Being this close to him and make me feel protected. Being touched by him that make me feel relaxed. To hear his voice, that served as a music in my ears. Been with this vampire man who became my enemy and at the same time, likes me and make my heart go wild all over again.

So for now, I'll just cherish all of those first.

Chapitre suivant