webnovel

Chapter 13 | Officially His Girlfriend

Chapter 13 | Officially His Girlfriend

''Just promise me that after two years, you're going to marry me.'' The boy held the girl's hand and smiled so sweetly at her.

''I promise! Fiancee mo na nga ko, 'di ba?'' She giggled, then held her left hand up, showing him their engagement ring.

''I'm just making sure, you know. Mahirap na at makakalimutin ka pa naman.'' He chuckled when she hit his right shoulder hard.

''Ewan ko sa 'yo! Kahit kailan talaga ay hindi pwedeng hindi ka mang-aasar no.'' Tumalikod sa kanya ang babae at humalukipkip.

Tinusok-tusok naman ng lalaki ang tagiliran nito. ''Ito naman pikon agad. Para binibiro ka lang, eh.'' Nanatiling walang imik ang babae pero unti-unti ng sumisilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

Napasimangot ang lalaki. "Hindi mo pa rin ba ko papansinin?'' Sa pagkakataong 'to ay kiniliti naman niya ang babae pero dedma pa rin.

''Ah gano'n. Sinusubukan mo talaga ko, hah.'' Naramdaman ng babae ang biglang pag-alis nito sa likod niya.

She's about to turn her back to check if he's still there when suddenly, the boy appeared in front of her.

''Akala mo hah! Tingnan lang natin kung hindi mo pa rin ako papansinin pagkatapos ng gagawin ko.'' Magsasalita na sana ang babae ng biglang...

Sinakop ng lalaki ang labi niya.

My eyes flew open and I pushed myself up from the bed.

Malalim akong napabuntong hininga. Magmula no'ng araw na nalaman ko ang lahat ay gabi-gabi na lang akong nagkakaroon ng panaginip tungkol sa isang lalaki at babae. Pero hanggang ngayon ay pawang hindi ko pa rin sila nakikilala dahil malabo pa rin ang kanilang mga mukha.

Sino kaya ang mga 'yon? Noong unang beses ko kasing managinip ng tungkol sa kanila ay magkaaway na sila at para talagang mga aso't pusa. Until they became friends, then now engaged.

Grabe. Para na nga kong nanonood ng teleserye. Hindi kaya eksena lang 'yon sa isang palabas?

Napailing na lang ako. Ayoko ng problemahin pa ang tungkol sa kanila. Tutal ay panaginip lang naman 'yon, eh.

Mahigit isang linggo na rin ang lumipas magmula ng sunod-sunod na rebelasyong nangyari. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang paniwalaan ang lahat.

Nandoon pa rin 'yong takot. Kahit papaano ay mga bampira pa rin naman sila. But they assured me that they're not the kind of vampires who suck blood from humans. Hindi pa raw nila 'yon nasusubukan. Isa pa ay nakasanayan na raw nila ang pag-inom ng dugo ng hayop.

Kaya pala madalas silang wala rito. Because they're hunting. Habang ako naman ay nakasanayan ko na ring makita ang mga kakaiba nilang kakayahan. Kahit ang akin.

Tumayo na ko at naghanda sa pagpasok. Ilang araw na rin akong hindi nakakapasok ng matino dahil tumutulong din ako sa kanila para alamin ang katotohanan tungkol sa 'kin.

I even contacted my parents and asked them some ridiculous questions. In my desperation, I even asked them if we're really a human!

Which made me earned a teasing laugh from them. Napagkamalan pa tuloy nila kong may problema sa utak. Baka raw naapektuhan na dahil iniwan nila ko rito.

Pagkatapos mag-asikaso ay humihikab na naglakad na ko palabas. Ngunit nagulat na lang ako ng may bigla na lang kumaladkad sa 'kin.

Sa pag-angat ko ng tingin ay kumunot ang noo ko nang makita si Mikan. ''Let go of me! Ano na naman bang trip mo?'' naiinis na sigaw ko sa kanya.

Pero tila wala siyang narinig at nagpatuloy lang sa pagkaladkad sa 'kin hanggang sa makababa at makalabas kami ng dormitory building.

Muntikan pa kong mapasubsob nang bigla na lang siyang huminto at nakapameywang na humarap sa 'kin. ''Why were you MIA last week?'' Nanunuri ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin.

I rolled my eyes. ''Sinabi ko na ngang mayroon lang akong inasikaso, 'di ba? Saka tungkol din naman sa school 'yong ginawa ko.'' I lied to her.

''Tungkol naman pala sa school. Pero bakit hindi mo pa rin magawang sabihin sa 'kin kung ano nga 'yon?'' pangungulit pa niya.

''Because it's confidetial. Something like that. Hindi pa kasi pwedeng sabihin sa iba. Kaya wag ka ng makulit, okay?'' Tahimik kong hinihiling na sana ay hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako.

Pero bakas pa rin ang pagdududa sa kanyang mukha. But thankfully, she didn't bother to ask me again. Dahil sa totoo lang ay nakakaramdam din naman ako ng konsensya sa tuwing nagsisinungaling ako sa kanya.

I really want to tell her the truth. Pero hindi pwede. Magiging delikado rin kasi ang buhay niya, kung pati siya ay idadamay ko pa sa problema ko ngayon.

Isa pa ay nasisiguro ko na magbabago ang tingin niya sa 'min kapag nagkataon. Baka mas mangibabaw ang takot sa kanya. Dahil hindi naman lahat ay kagaya ko na madaling maiintindihan at tatanggapin ang lahat. It's in the nature of every human being to be judgmental.

''Mukhang seryoso ang pinag-uusapan natin, ah.'' Sabay kaming napalingon sa bagong dating.

''Hi Nicole! Hi Mikan!'' nakangiting bati ni Kira ng makalapit siya sa 'min.

Napangiti na rin ako. Nakakahawa talaga ang positive aura niya. ''Ikaw pala. Anong ginagawa mo rito?'' I asked curiously.

He shrugged. ''Papasok na sana ko ng makita ko kayo. Sabay-sabay na tayo?'' He smiled once again.

Tinanguan ko naman siya. ''Sige.''

Nagsimula na kaming maglakad ni Kira, pero nanatili lang si Mikan sa kinatatayuan niya.

Oh, right. Muntikan ko ng makalimutan na malakas nga pala ang tama ng isang 'to kay Kira.

''Mikan? Let's go.'' Bigla naman siyang natauhan at mabilis na sumunod sa 'min. Bahagya pa siyang yumuko na para bang nahihiya.

''Okay ka lang ba? Namumula ka kasi, eh. Are you sick?'' Biglang sinalat ni Kira ang noo niya, dahilan para mapaangat siya ng tingin at mas lalo pang mamula.

Napakamot na lang ako sa batok. Masyado namang halata kung kiligin ang babaeng 'to. Habang si Kira naman ay masyadong manhid.

''A-Ayos lang ako. Mainit lang talaga ang panahon kaya siguro ko namumula.'' Natawa siya pero halata namang pilit lang 'yon.

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. ''Seriously? Mainit? Samantalang magmula ng dumating ako rito ay wala pa kong naramdaman na init dito,'' pang-aasar ko pa sa kanya.

Pero totoo rin naman kasi. Ang lamig kaya ng klima rito. Gagawa na lang kasi ng palusot 'yong hindi pa kapani-paniwala.

Habang naglalakad ay nagpatuloy lang kami sa kulitan. Ngunit dahil hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko ay hindi ko rin napansin ang humahagibis na kotse papunta sa direksyon ko.

''Nicole!'' Kira shouted.

The next thing I know is that his arms are now protectively wrapped around my waist. While my shocked face was buried in his chest that made me smell his manly scent.

Nang dahil sa sobrang pagkabigla ay hindi ko agad nagawang makagalaw. Ang bilis din ng tibok ng puso ko. Siguro ay dahil sa kaba.

Kung tutuusin ay pwede ko namang gamitin 'yong kakayahan ko, kung mayroon nga talaga ko no'n. But I can't do that in front of many people. Especially on human students here.

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nanatili sa gano'ng posisyon. Ang alam ko lang ay mahigpit niya kong yakap habang nanginginig ang kanyang mga kamay.

''Sorry po! Prince Kira! Prince Kyle! Hindi ko po sinasadya. Napabilis po kasi masyado ang pagmamaneho ko at hindi ko po nagawang kontrolin agad.''

Natauhan lang ako nang may narinig akong nagsalita. Kaya naman ay dali-dali akong napalayo kay Kyle at napalingon sa lalaki na yukong-yuko at nanginginig rin ang mga kamay na nakatayo sa harap namin ngayon. Halata sa kanya na takot na takot siya.

Bumaba ang tingin ko sa suot niyang bracelet. A human.

''Sorry isn't enough. You almost killed her. With that, you deserve to be punished.''

Pakiramdam ko ay nagtayuan ang mga balahibo ko nang bigla kong marinig ang malamig at nagbabanta niyang boses. Pangalawang beses ko pa lang siyang narinig na ganyan.

''Kyle, pwede naman siguro natin siya kausapin ng—'' natigil si Kira sa pagsasalita nang bigla na lang akong hinila ni Kyle palayo sa kanya at hinapit ang beywang ko. I felt my cheeks reddened.

Ramdam ko ang nanlilisik na mga mata ng mga kababaihan sa paligid ko. Lalo na 'yong mga bampira. Pakiramdam ko anumang oras ay maglalabasan na ang mga pangil nila.

Ano na naman ba kasi ang eksena ng lalaking 'to?

''No. My decision is final. Lalo pa at muntik ng malagay sa kapahamakan ang buhay ng girlfriend ko,'' he said confidently and so surely.

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya. What the hell?

Napasinghap ang halos lahat ng nakapaligid sa 'min. Hindi naman nagtagal ay nagsimula na silang magbulong-bulungan.

Habang ako, si Kira at Mikan naman ay napanganga na lang nang dahil sa sinabi niya.

Girlfriend? Ako? Kailan pa? Bakit di ko alam?

Ngayon ko hinihiling na sana ay bumuka ang lupa at lamunin na lang ako.

-----

Kyle Ethan's POV

''Hoy! Magsalita ka nga! Paano mo ako naging girlfriend, hah? Nanligaw ka ba? Sinagot ba kita?'' Patuloy lang sa pagsigaw sa 'kin si Nicole at kanina pa talaga ko naririndi sa kanya. Sa totoo lang ay nagtataka na ko kung bakit hindi pa rin siya napapaos, eh.

Nandito kami ngayon sa mansyon. Pagkatunog pa lang kasi ng bell kanina ay bigla na lang niya kong hinatak papunta rito. Sinenyasan ko naman sina Kira na hayaan muna nila kaming mag-usap dahil nakita ko ang akmang pagsunod nila sa 'min kanina.

Hindi lang naman sila ang nagulat sa sinabi ko kanina, eh. Maging ako man sa sarili ko ay nagulat din. But the moment I saw the two of them so close to each other again, that's when I have finally decided to proclaim her as my girl. Possessive na kung possessive pero ang gusto ko ay sa 'kin lang siya at ang atensyon niya.

'Yon lang din ang naisip kong paraan para wala ng iba pang lalaki ang lumapit sa kanya. Because no one will ever dare to mess up with me.

''Kyle! Ano na naman ba kasing pumasok sa kukote mo at sinabi mo 'yon? Kailan pa naging tayo? Bakit hindi ko alam? Joke ka ba?'' Ang sama-sama na ng tingin niya sa 'kin. Kung nakamamatay nga lang siguro ang tingin ay baka kanina pa ko bumulagta rito.

This time, I finally speak up. ''Good question. Kailan naging tayo? From the day when I said that I like you.''

That made her stop and blush. She's so cute when she's blushing that makes me want to pinch her cheeks.

Nag-iwas siya ng tingin. ''Dahil ba sinabi mong gusto mo ako, ibig sabihin ay tayo na agad? Ni hindi mo pa nga alam kung anong nararamdaman ko at kung papayag ba ko tapos nagdesisyon ka na kaagad!''

Gusto kong matawa dahil halata naman na naggagalit-galitan lang siya. Pero pinigilan ko ang sarili. I don't want to ruin the moment.

I stand up and start to walk towards her. Bigla naman siyang napalingon sa 'kin.

''Hoy! Anong gagawin mo, hah? Baka nakakalimutan mo na kahit bampira ka ay kayang-kaya kitang tapatan!'' Iniumang niya pa ang dalawang kamao na animo'y manununtok.

Sa bawat hakbang ko palapit sa kanya ay siya ring paghakbang naman niya paatras, habang patuloy na nagsasalita ng kung anu-ano.

Pero hindi ko na napigilan ang mapangiti nang bigla siyang mapasandal sa pader. Gotcha!

Itinukod ko ang mga kamay ko sa magkabilang gilid niya para wala na talaga siyang kawala. Halata sa mukha niya ang pagkataranta.

''K-Kyle, lumayo ka nga! F-Feeling mo naman gwapo ka.'' She tried to push me away, but I didn't budge. Hindi ko hahayaan na maulit uli 'yong nangyari noong nakaraang linggo.

Instead, I leaned closer and whispered behind her ear. ''Bakit? Ano nga ba ang nararamdaman mo? Ayaw mo ba talagang pumayag?'' Sinadya kong palungkutin 'yong boses ko.

Then, I kissed the side of her neck to tease her even more. She responded with a loud gasped. ''Don't you feel the same? Don't you like me too?'' I asked in a husky voice.

Sinalubong ko ng tingin ang nanlalaki niyang mga mata. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya at gano'n din ako.

Napalunok naman ako ng bumaba ang tingin ko sa parte ng leeg niya na hinalikan ko. Mas lalong dumiin ang pagkakatukod ko sa pader upang pigilan ang sarili ko na ibaon ang pangil ko roon at tikman ang dugo niya, na unang nakakuha ng atensyon ko noong una pa lang kaming nagkita.

"I-I need to go."

Napakurap ako nang bigla siyang magsalita. Gusto ko lang naman talaga siyang asarin dahil natutuwa ako sa reaksyon niya.

But suddenly, the atmosphere became awkward. Kaya naman ay dahan-dahan akong lumayo sa kanya. Magsasalita pa sana ko para humingi ng pasensya, pero dali-dali siyang tumakbo paalis.

Malakas na nasuntok ko ang pader, dahilan para magkaroon ito ng crack bago napapikit.

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Now I wonder.

Ano nga ba ang nararamdaman niya sa 'kin?

-----

Nicole Jane's POV

Nakasimangot ako habang papasok sa classroom namin. Ni hindi ko na nga inintindi ang hitsura ko dahil halos wala akong tulog kagabi. Hindi kasi mawala sa isip ko ang nangyari sa mansyon.

As expected, their attention were all diverted to us.

Binitiwan ko ang kamay ni Kyle bago kinuha ko mula sa pagkakahawak niya 'yong bag ko. Nauna na kong pumasok sa loob at padabog na naglakad papunta sa upuan ko. Ramdam ko namang nakasunod lang sa 'kin 'yong apat na may pangil pati si Mikan.

''Grabe! Ang suwerte mo talaga! Boyfriend mo lang naman ang prinsipe at anak ng may-ari nitong academy. Pagkatapos ang sweet-sweet niya pa! Kaya ka siguro MIA nitong mga nakaraan, no? Ngayon ko lubos na naiintindihan kung bakit mo naisipang magsinungaling sa 'kin. Pero kung ipinaliwanag mo lang agad ay maiintindihan ko naman, eh,'' dire-diretsong sabi ni Mikan ng makaupo siya sa tabi ko.

Gusto ko sanang ibuka ang bibig ko para sabihin na hindi ko nga boyfriend ang bampirang 'yon. Pero mas pinili ko na lang na manahimik.

Alam ko naman kasi na kahit anong klase ng paliwanag pa ang gawin ko ay wala rin namang maniniwala sa 'kin. Siyempre kung ano ang sinabi ng mahal nilang prinsipe ay 'yon na 'yon! Ako pa tuloy ang lumalabas na masama dahil dine-deny ko pa raw 'yong hudyo!

Kahapon, noong bigla akong tanungin ni Kyle ng tungkol do'n ay talagang hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung isagot. Dagdagan mo pa ng kaakit-akit niyang boses at ang ginawa niyang paghalik sa leeg ko!

Halos panlambutan ako ng tuhod nang dahil sa ginawa niya. Mabuti na lang at nagawa ko pang patatagin ang sarili ko kahit papaano.

Pero dahil doon ay tuluyan ko ng hindi nasagot ang tanong niya. That's why he considered it as a yes! Kaya wag na daw akong umangal pa.

Tama ba 'yon?

Tulala akong umuwi sa dorm no'n. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-iwas ng bawat nakakasalubong ko at paghawi nila sa bawat dinaraanan ko na para bang mayroon akong nakakahawang sakit. Nakilala na tuloy ako sa buong school nang dahil sa bilis kumalat ng balita.

Marami rin ang nakakita sa 'kin kahapon na nakaupo ako sa puwesto nila sa dining hall, habang sinasabayan ko sila sa pagkain. Mabuti na nga lang at kahit papano ay kasama ko si Mikan do'n. Ayoko nga sana pero hinila naman niya ko bigla kaya hinayaan ko na lang. Nakakapagod na rin kasi makipagtalo.

Akala ko sa pag-uwi ko ay magkakaroon na ko ng pagkakataon na matahimik kahit saglit.

Pero hindi 'yon ang nangyari. Dahil naabutan ko lang naman si Mikan na talagang nakaabang pa sa labas ng kuwarto ko.

Ayoko na nga sanang tumuloy. But she already saw me and I know that I'm really dead.

Buong gabi lang naman niya kong kinulit. She asked me the same questions that I asked Kyle. Ilang beses ko 'yong itinanggi at ipinaliwanag sa kanya.

Pero wala, eh. Hindi rin naman siya naniwala at nagtititili pa kagabi na halos mabasag na 'yong eardrums ko. Parang nakarma ata ko sa ginawa kong pang-aasar din sa kanya.

Pagkatapos kanina, pagbukas na pagbukas ko pa lang ng pinto ay agad na bumungad sa 'kin ang gwapong mukha ni Kyle. Kasama niya pa 'yong tatlo niyang alipores na nagmistula naming bodyguard na nakasunod lang sa 'min. Kahit nga si Mikan ay hindi man lang ako sinabayan!

Nakangisi ng nakakaloko sa 'min si Hiro. Si Kira naman ay nakangiti, as usual. Pero parang may kakaiba sa ngiti niya ngayon. Di ko lang maisip kung ano. Habang si Vince naman, well ano pa nga bang aasahan ko ro'n? Siyempre nakasimangot at halatang napipilitan lang.

Napailing na lang ako nang dahil sa tilian at nakasunod na tingin sa 'min ng bawat makasalubong namin. Mas lalo pang lumakas ang tilian nila nang bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko!

Pilit ko 'yong binawi sa kanya. Pero mistulang naka-glue na ata 'yon ng dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

Hindi lang 'yon. Siya rin ang nagdala ng bag ko. Pagkatapos ay nakatitig at nakangiti lang siya sa 'kin habang naglalakad kami. Ni hindi man lang siya nabangga, hah. Hindi ko tuloy naiwasan ang makaramdam ng ilang.

Natigil ako sa pagbabalik tanaw nang biglang tumayo at umalis si Mikan sa tabi ko. ''Saan ka pupunta?'' kunot noo kong tanong sa kanya.

Pero imbis na sumagot ay diretso lang siyang naglakad paalis. Doon ko lang napansin na papunta naman si Kyle rito sa puwesto ko. Ano na naman bang binabalak niya?

Pero nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa. "T-Teka! Bakit diyan ka uupo, hah?'' Bigla na lang kasi siyang umupo sa tabi ko. Magugulo na naman ang utak at puso ko nito, eh.

He smirked at me. ''Bakit? Masama bang tabihan ang girlfriend ko?'' Napanganga na lang ako nang bigla niya kong akbayan at ilapit pa lalo sa kanya.

Huminga ako nang malalim. Pilit na pinapakalma ang sarili. "Kyle, nasa classroom tayo. Ano ka ba?'' Pilit akong lumalayo sa kanya pero hinihila lang niya ko pabalik ng walang kahirap-hirap.

Ang PDA naman talaga ng lalaking 'to.

''So what? I don't mind them. The only thing I mind is about us.''

Natigilan na naman ako nang dahil sa sinabi niya. Bakit ba ang hilig ata niyang magpakilig ngayon?

Napalingon ako kay Mikan nang marinig ko siyang tumikhim. Ang laki ng ngiti ng bruha! Siya ang nakaupo ngayon sa upuan ni Kyle at katabi si Kira.

Hindi ko akalain na magagawa niya 'to sa 'kin para sa sariling kapakanan ng lovelife niya!

Napatingin naman ako kay Kyle na ngayon ay nakangiting nakapikit habang nakaakbay pa rin sa 'kin. Parang hinaplos naman ang puso ko nang makita ang payapa at maamo niyang mukha.

Ibang-iba na talaga siya sa Kyle na nakilala ko noon. Nakakapanibago. Kahit pa nga may mga panahon na inaaway pa rin niya ko.

I sighed. Wala na. Kahit anong tanggi ang gawin ko ay alam ko namang hulog na hulog na rin ako. Sino ba namang hindi mahuhulog?

Dahil sa bawat araw na nagdaan na kasama ko siya, he never failed to let me feel and show me that he care.

I might as well accept it. Wala na rin naman akong magagawa, eh. Mabilis nga siguro ang mga naging pangyayari, pero sa ganito rin naman ata ang punta ng lahat.

Dahil gusto ko rin naman talaga siya. O baka nga higit pa. Pero mas mabuti na lang muna siguro ang gano'n sa ngayon.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Pero sa ngayon ay sigurado na talaga ko sa nararamdaman ko.

Pinakatitigan ko ang kanyang mukha. Indeed, I'm officially his girlfriend now.

Chapitre suivant