webnovel

Chapter 11 | Changes

Chapter 11 | Changes

Nicole Jane's POV

Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa clinic. Habang ako naman ay patuloy pa rin na iniisip ang mga nangyari.

Mayroon talagang mali, eh.

I look down at my wrist watch for a second just to check what time is it already. Natigilan ako nang mapansin na pasimula na ang susunod naming klase.

''Alis na kami. Magsisimula na kasi ang klase namin. Hindi rin naman kami gaanong nasaktan, eh.'' Hihilahin ko na sana si Mikan paalis pero agad kaming hinarangan ni Miley.

''Wala na kayong dapat na ipag-alala. Sina Kuya Vince at Hiro na ang nagsabi sa teacher n'yo na hindi kayo makakapasok ngayon.''

"What?" Aangal pa sana ko pero mabilis na nila kaming nahila kaya wala na kaming nagawa.

Pagdating namin sa clinic ay nadatnan namin si Kyle na nakaupo sa loob. Ano naman kayang ginagawa niya rito?

Hindi ko na lang siya pinansin dahil agad rin naman kaming sinalubong ng nurse rito.

''Pakigamot na lang po 'yong galos sa braso nila. Bumagsak po kasi sila pareho sa sahig dahil sa isang aksidente,'' Reiri said.

Mabilis naman kaming dinaluhan ng nurse. Una niyang nilapitan si Mikan kaya nagmasid-masid lang muna ko sa paligid.

But my forehead creased when I caught her staring at me. Well, not particularly on my face.

Sinundan ko ng tingin 'yong tinitingnan niya. Doon ko lang napagtanto na sa leeg ko pala siya nakatitig.

Then it reminds me of the red mark that suddenly appeared a while ago. I almost forget about it.

''Miss, baka pwedeng ito na lang po muna ang gamutin mo sa 'kin. Hindi ko po kasi alam kung bakit bigla na lang ako nagkaroon ng ganito.'' I pointed the right side of my neck.

She looks at me for a moment, then shook her head. ''Pasensya na po. Pero sa tingin ko ay wala akong magagawa pagdating sa bagay na 'yan. Hindi naman kasi ito isang klase ng sugat o sakit na puwedeng gamutin. Actually, it seems familiar to me. Hindi ko nga lang matandaan kung saan ko ba unang nakita ang ganyang marka.''

Nanlumo naman ako bigla nang dahil sa narinig ko at napatango na lang ang mga kasama ko.

Siguro nga ay balat talaga ang isang 'to. Pero ang weird dahil ngayon lang ito lumabas at doon pa talaga sa parte na kitang-kita. Ang pangit kaya tingnan!

''Hey! What the hell is your problem?'' Nagulat na lang ako nang bigla akong hilahin ni Kyle patayo.

Tiningnan niya 'yong braso ko na para bang mayroon siyang sinusuri rito. ''Your wounds are healed,'' he said more on to his self.

''Hala! Oo nga, Nicole! Wala na 'yong mga galos mo. How did that happen?'' manghang tanong ni Mikan.

Napakurap ako. Pagkatapos ay tinitigan ko rin ng maigi 'yong braso ko. Wala na nga itong bakas ng kahit na anong sugat o galos man lang.

''I d-don't know.'' Parang kanina lang kasi ay nakita ko na mayroon pa kong galos.

''Wag mong sabihin na kusa na lang 'yon gumaling? Hindi kaya may lahi kang bampira, Nicole?''

Sinamaan ko ng tingin si Mikan nang bigla siyang tumawa nang malakas.

I felt that everyone in this room aside from the two of us tensed up. I wonder why.

Well, maybe they're just afraid of vampires. Who wouldn't anyway?

''Seryoso ba? Bampira talaga?'' Napailing na lang ako sa kanya. She's really impossible.

Habang ginagamot si Mikan ay napansin ko ang pananahimik pa rin nina Kyle. Pare-pareho silang nakatingin sa 'kin na tila ba pinag-aaralan ako.

Napaiwas ako ng tingin lalo na kay Miley. May kakaiba kasi talaga sa mga mata niya na para akong hinihigop. Ewan ko ba.

Nang matapos ay nagpaalam muna sa 'kin si Mikan na may pupuntahan lang daw siya saglit. Sina Miley naman ay may kailangan lang daw asikasuhin sa Student's Council Office.

''Alis na rin ako. Babalik na lang muna siguro ako sa dorm.'' Tinalikuran ko na si Kyle at nagsimula ng maglakad paalis. Sa susunod na klase na lang ako papasok kapag sinipag pa.

Paliko na sana ko sa dulo ng hallway nang bigla akong matigilan. I almost jumped in surprise when he suddenly appears in front of me.

"May kailangan ka ba?'' takang tanong ko sa kanya.

''May mga itatanong lang sana ko sa 'yo.'' Seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba.

''Okay. A-Ano ba 'yon?''

Himala. Ngayon lang ata kami nakapag-usap ng ganito. 'Yong hindi kami nagsisigawan at nagtatalo.

''Mayroon ka bang napapansin na kakaiba sa 'yo nitong mga nakaraan?'' he asked directly.

Napakunot noo ako. Bakit naman kaya niya natanong? Mayroon din kaya siyang napapansin sa 'kin?

Tinaasan ko siya ng kilay. ''That's none of your business.'' Lalampasan ko na sana siya. Pero bigla na lang niyang hinigit ang braso ko at malakas na sinandal ako sa pader.

He leaned both of his hands on the wall at my each side. Our faces were about an inch away. Ramdam ko na rin ang init ng hininga niya sa balat ko.

Then my heart. It's beating so fast right now. Na para bang matagal na itong tumitibok ng ganito para sa lalaking kaharap ko ngayon.

''H-Hoy! Ano b-bang—''

Natigil ako sa pagsasalita nang mas lalo pa niyang ilapit ang mukha niya sa 'kin.

Good heavens.

''Sasagutin mo ba 'yong tanong ko...'' he look down on my lips. ''O hahalikan kita?''

Napalunok ako bigla. Nagbabanta ba siya o nagpapakilig? Bakit parang mas maganda ata kung hindi ko na lang sasagutin 'yong tanong niya?

Nanlaki ang mga mata ko at napailing nang dahil sa naisip. Where the hell did that come from, Nicole?

''Oo na! Sasagot na ko! Basta lumayo ka muna sa 'kin.'' I tried to push him away, but he didn't budge.

"Don't test my patience. I'm waiting.'' Umigting ang kanyang panga.

Teka, bakit parang ang hot niya tingnan no'ng ginawa niya 'yon?

Muli kong ipinilig ang ulo bago nag-iwas ng tingin. Mahirap na at baka tuluyan akong mahila ng karisma ng lalaking 'to.

''Fine! I'll answer your question.''

Bahagya siyang lumayo sa 'kin. "Good."

Malalim akong napabuntong hininga. "Eversince I turned eighteen, I noticed that there were so many changes that suddenly happened to me. I started to do the things that I'm not actually capable of doing. Tipong nakakagawa ako ng mga bagay na imposible. Pagkatapos ngayon ay may kung ano naman na lumabas sa katawan ko.''

Bigla siyang nanahimik. Sinalubong ko naman ang matiim niyang titig. "Okay na?"

Ilang segundo pa niya kong tinitigan. At habang tumatagal ay mas lalo akong nakakaramdam ng kakaiba sa kanya.

I felt like I have been with him and I already knew him for a very long time. That we have this certain connection with each other.

Then those familiar deep brown eyes, that's looking straight into mine. It's as if I already stared at it a long time ago. Telling me something that can't be spoken with words.

Then he leaned closer... and closer... and closer. Our lips almost touch when...

''Ang sweet n'yo naman.''

I came back to my senses and automatically pushed Kyle away upon hearing Kira's teasing voice.

Pero nanlaki na lang ang mga mata ko nang humagis at mapasandal sa kabilang pader si Kyle.

Napatakip ako sa bibig kasabay ng malakas kong pagsinghap. Ang hina lang naman ng pagkakatulak ko sa kanya pero bakit tumalsik siya ro'n?

Kyle and Kira both gave me a confused look with their mouth hanging open.

An awkward silence passed by and I was the first one to break the ice.

I forced a smile when I turned to Kira. ''Kira, it's not what you think, okay?''

Humarap din ako kay Kyle at nag-peace sign sa kanya. ''Sorry, Kyle. Pero kailangan ko na talagang umalis. Bye!'' Hindi ko na sila hinintay na makapagsalita pa at sa nanginginig kong mga binti ay dire-diretso akong tumakbo palayo.

Nang makarating ako sa dorm namin ay agad na dumiretso ako sa kuwarto ko. Hinihingal na napasandal ako sa pinto pagkasara na pagkasara ko nito.

Saglit akong natulala. How did I do that?

Wala sa loob na tinitigan ko ang mga kamay ko. Bigla ko tuloy naalala 'yong sinabi ni Mikan kanina.

Hindi kaya may lahi kang bampira, Nicole?

Ipinilig ko ang ulo ko. It's impossible. Utang na loob!

Bampira? She must be kidding me. Mahilig lang talaga siyang magbasa ng tungkol sa mga gano'ng klase ng nilalang kaya kung anu-ano na lang ang naiisip niya.

But I can't deny the fact that there's really something wrong with me.

Kinuha ko 'yong laptop ko at dumapa sa ibabaw ng kama ko. The next thing I knew is that I already typing some details regarding the vampires.

I just kept on browsing until the topic about the characteristics of vampires caught my attention.

Super strength

Pale skin

Cold skin

Accelerated healing

Decelerated aging

Heightened senses

Strong hearing

Accelerated speed

Eyes become red when angry

Bigla akong natigilan at pilit na inalala ang lahat ng mga kakaibang nangyari sa 'kin nitong mga nakaraan.

Super strength. Kanina lang ay mahina kong itinulak si Kyle. Pero nagulat na lang ako nang bigla siyang tumalsik nang malakas.

Pale skin. I automatically looked down on my skin. I sighed in relief when I notice that it wasn't.

Yeah, I wasn't. But most of the students here do have that. 'Yon nga ang una kong napansin sa kanila lahat dito.

Cold skin. I touched my hand and it's still warm as it is.

But not most of the students here...

Naalala ko pa no'ng hinawakan ni Mr. Lin, Kyle at Miley ang kamay ko. Their hands were freaking cold that made me flinch and shivered.

Accelerated healing. Naisip ko agad ang tungkol sa misteryosong paggaling at pagkawala ng sugat at galos ko kanina.

Decelerated aging. I didn't notice it yet, because I'm still a teenager.

Pero kung titingnan mabuti sina Kyle ay masyado silang mukhang bata para sa mga edad nila. Kahit ang mga teachers dito at iba pang staff.

Heightened senses. Oh. That night at the supermarket. It's so dark at all and yet I manage to see what's happening around.

Strong hearing. Wait. Kanina habang nag-uusap kami ni Mikan ay naramdaman at narinig ko agad ang mga yabag nila kahit malayo pa sila.

Accelerated speed. It hit me. That incident a while ago when I just appeared in front of Mikan as fast as the wind.

Then I remembered the times when Kyle and the rest of them will suddenly appear out of nowhere. Maraming beses na 'yong nangyari. Ang pinakahuli ay 'yong kanina na bigla na lang din siyang sumulpot sa harap ko.

Eyes become red when angry. Hindi pa naman ako totally nagagalit nitong mga nakaraan so I still don't have an idea about it.

But I already saw Kyle got mad. I didn't get enough sleep on that night when I saw his eyes turn to red.

Saka no'ng biniro ako kanina ni Mikan tungkol sa pagiging bampira. Parang bigla silang naging tensyonado at natahimik.

Even the nurse. Crap.

I was dumbfounded when all of those information has finally sunk into my mind. Masyadong nagtutugma ang lahat ng mga nangyari pati na rin ang mga napapansin ko na characteristics nila.

Ayoko pa sanang maniwala. Pero ito nga at nasa harap ko na ang lahat ng sagot.

Kaya siguro ang weird ng karamihan sa mga estudyante rito. There's something mysterious in them na kikilabutan ka na lang. Tapos kung tingnan pa nila kami ay para bang naiiba kami sa kanila.

Dahil iba talaga sila. O sila nga lang ba?

Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Ang gulo na. Wala na kong maintindihan. Parang ang hirap lang paniwalaan.

Dahil pakiramdam ko ay kapareho ko lang sila.

Because they possess most of these characteristics. Which I was too.

But who the hell are they, really?

Most importantly, who the hell am I?

Chapitre suivant