webnovel

Sigurista

"MAGSITIGIL KAYO!!!"

Suway ni Issay sa magkapatid na Nadine at Nicole.

Issay: "Kapag hindi kayo tumigil pareho ko kayong padadapain!"

Kaya huminto na ang dalawa at tahimik na naupo. Pati si Jaime ay natakot din ng makitang galit na si Issay.

'Parehong pareho talaga sila ni Lola Fe! Parehong tumataas ang balahibo ko sa kanila!'

Issay: "Ngayon lang kayo nagkita mag aayaw na agad kayo!"

'Haay! Jusmiyo, maagang mamumuti ang buhok ko sa dalawang ito!'

Pero ang dalawang magkapatid kahit na tumahimik ng nakaupo nagpatuloy pa rin sa pagpapalitan ng tingin ang dalawa lalo na pagnakatalikod si Issay.

Issay: "Buti pa halina kayo kayo sa bahay ng mga magulang nyo! Jaime ikaw ang mag drive!"

Pero pagtayo ng dalawa nagulat na lang sila ng parehong dumapo ang tsinelas sa likuran nila.

PAK!

Nadine at Nicole: "Aww!"

Issay: "Sinabi ng tumigil na, ang kukulit!"

Si Jaime na kanina pa pinagmamasdan ang girlfriend at kapatid nito ay lihim na nangingiti sa kanila.

'Hindi ko akalain na may pagkaisip bata rin pala itong si Nadine. Hehe... at ang kyut nya!'

******

Sa bahay nila Enzo at Nelda.

"At sino ka naman?!"

Ito ang bungad na tanong ni Enzo ng makita si Jaime sa may pinto.

Kanina, tuwang tuwa nilang sinalubong na magasawa ang bagong dating na panganay nilang si Nadine.

Agad na inakap ni Nelda ng mahigpit ang anak na matagal na nyang nasasabik na makita.

Nelda: "Anak ... anak ko! Huhuhu! Sorry anak!"

Hindi nito binitiwan sa pagkaka akap si Nadine hanggang sa sala.

At si Nadine na hindi na rin napigilan ang maiyak, inakap ng mahigpit ang ina.

Nadine: "Ma, Sorry din po! Sorry po sa lahat!"

Natutuwa sila Enzo, Issay at Nicole na makita ang mag ina. Sa wakas at tuluyan ng nagkapatawaran ang mag ina, mababawasan na ang bigat sa puso ng bawat isa.

Habang nangyayari ang lahat ng ito, naiwan naman si Jaime sa may pinto na hindi alam kung papasok ba o hindi sa loob ng bahay.

Kaya napansin sya ni Enzo.

Jaime: "E, Sir ako po si Jaime. nobyo po ng anak nyong si Nadine."

At nilapitan nya si Enzo at si Nelda para magmano sa mga ito.

Enzo: "E ano ngayon kung boyfriend ka ng anak ko! Anong gusto mo matuwa ako?"

Singhal nya kay Jaime.

Napalunok si Jaime, hindi alam ang susunod na gagawin.

Si Nadine na kanina ay umiiyak biglang nakaramdam ng kaba ng madinig ang ama.

At si Nicole naman ay nangingiti ng madinig ang sinabi ng Papa nya. Naalala nya kasi nung unang beses na magkaharap si Edmund at ang ama, parehong pareho.

Nicole: "Good luck Ate! Hehe!"

Pangiinis nito sa kapatid.

Issay: "Sa tingin ko, kailangan nyo munang magusap!"

"Halika Nicole, doon tayo sa kusina, samahan mo akong maghanda ng meryenda!"

Ayaw pa sanang umalis ni Nicole dahil gusto nyang panoorin ang mangyayari, pero hinila na sya ni Issay.

Si Jaime nanatiling nakatayo ay pilit na nilalabanan ang kaba sa dibdib at pinalalakas ang loob.

'Kailangan kong gawin ito!'

Nelda: "Iho, maupo ka!"

At saka lang ito naupo sa tabi ni Nadine. Habang sinusundan ng matatalim na tingin ni Enzo.

Jaime: "Sir, Mam, gaya po ng sinabi ko, ako po ang boyfriend ni Nadine at gusto ko po sana na makasal kami sa lalong madaling panahon!"

Enzo: "HA??!!!"

Anong kasal? Ngayon lang kita nakita gusto mo agad kunin ang anak ko?!"

Nelda: "Iho, bakit ba kayo nagmamadali? Ano bang dahilan?"

Jaime: "Mam, isa po akong sundalo at malapit na po akong madestino sa malayo. Gusto ko po sanang makasal kami bago ako umalis!"

Enzo: "Sundalo ka? Hmmm ....

May kamukha ka?"

Si Issay kasama si Nicole, na may dala ng meryenda ang sumagot kay Enzo.

Issay: "Anak sya Gene!"

Nang madinig ng magasawa ang sinabi ni Issay, sabay silang napatingin kay Nadine at pagkatapos sa tyan nya.

Enzo at Nelda: "BUNTIS KA??!!!"

Nanlalaki ang mga mata nilang parehong tanong kay Nadine.

Nadine: "HINDI PO!"

Sunod sunod ang iling nito.

Nagtaka si Jaime bakit ng mabanggit na anak sya ng tatay nya ito agad ang tinanong nila.

Enzo: "Kung hindi ka buntis, e bakit nagmamadali itong lokong ito na pakasalan ka?"

Jaime: "Sir, pasensya na po, pero ang totoong dahilan kaya gusto ko pong makasal agad kay Nadine para pag alis ko parte na sya ng buhay ko! Ayaw ko po kasing mawala pa sya sa akin!"

Enzo: "Ahhh... sigurista, parang si Anthon! Mag kamaganak nga kayo!"

Napaubo naman si Issay sa sinabi ni Enzo at saka tiningnan ito ng matalim.

'Langhiyang ka, Friends ba talaga tayo?!'

Tanong ng mga mata nya.

Napangiti lang si Enzo at nag peace sign kay Issay.

Napakamot naman sa ulo si Jaime.

'May ginawa ba si ninong at si Papa na hindi ko alam?'

'Mukhang kailangan kong makauwi agad para tanungin sila!'

Kawawang Jaime. Hindi pa rin kasi nya alam ang tungkol sa lihim na kasal ni Issay at Anthon pero hindi naka rehistro at hindi pa rin nya alam na ang Papa nya ang ama ng pinagbubuntis ni Belen.

Si Nadine na wala din alam sa mga nangyayari, kanina pa rin nagtataka at gustong malaman ang sagot.

Napatingin sya sa kapatid, nagtatanong. Sinagot naman sya ng mga kilos nitong nagsasabing may alam sya pero hindi nya sasabihin.

Nagmamakaawa ang tingin ni Nadine sa kapatid pero nag belat lang ito.

Muling ibunuka ni Nadine ang bibig nito ng dahan dahan pero walang tunog para mabasa ni Nicole ang ibig nyang sabihin.

Nadine: "Hindi ko ibibigay sayo ang pasalubong mo!"

Parang bata naman na ngumuso si Nicole.

Nelda: "Nadine, nakikinig ka ba?"

Nadine: "Po? Opo Ma, nakikinig po ako! Ano po yun?"

Enzo: "Akala ko ba nakikinig ka? Umayos ka nga!"

Tumahimik na si Nadine at nakinig habang sa sulok ng mata nya nakikita nyang pinagtatawanan sya ng kapatid nya.

'Humanda ka sa akin mamaya!'

Enzo: "Jaime Nadine, uulitin ko, hindi ako makakapayag na makasal kayo agad! Okey lang na maging engage kayo sa ngayon at pagdating mo Jaime, saka kayo magpakasal! Maliwanag!"

Nadine: "Opo Pa, naintindihan ko po!"

Sabi nito habang tumatango.

Inaasahan na nya ito at wala syang planong kumontra dahil hindi pa naman nya talaga gustong magpakasal kaagad pinipilit lang sya ni Jaime.

Walang ng nagawa si Jaime ng pumayag si Nadine sa gusto ng magulang.

'Pakiramdam ko may kinalalaman kay Ninong at Papa ang hindi nila pagpayag!'

Chapitre suivant