"Nicole, tapatin mo ako! Ano ang mga nangyari dito habang wala ako?"
Tanong nya sa kapatid ng makorner ito sa kuwarto.
Atat na atat na syang malaman ang dahilan ng mga tingin ng mga magulang ng malaman nilang anak ni General Santiago si Jaime.
Kaya ng magpaalam si Jaime, agad nyang hinatak si Nicole para tanungin.
Nicole: "Sabihin ... mo muna sa akin .... kung bakit ka ..... nagmamadaling magpakasal dyan."
Sumeryoso si Nadine.
Nadine: "Hindi naman ako ang nagmamadali, ..... si Jaime!
Ewan ko dun parang may kinatatakutan na mangyari! Kaya napilitan tuloy akong pumayag para maniwala sya na seryoso ako sa kanya!"
Nicole: "Aahhh.... tama pala ang Papa, sigurista nga!"
"Wala ba syang tiwala sa'yo?"
Natahimik si Nadine. Iyon din kasi ang unang pumasok sa isip nya ng pilitin sya ni Jaime.
Nadine: "Bakit ba ganyan kang magisip?"
Nicole: "Teka Ate, hindi ko gustong siraan si Jaime sa'yo pero may kailangan ka munang malaman bago ka magdesisyon magpakasal!"
Nadine: "Tungkol saan?"
Nicole: "Tungkol sa nangyari kay Nanay Issay at Tito Anthon!"
At ikinuwento na nito ang lahat ng nangyari.
Ito ang sinabi sa kanya ni Issay sa kusina ng maghanda sila ng meryenda kanina. Kailangan malaman ni Nadine ang nangyari sa kanilang dalawa ni Anthon. Kaya kahit hindi iniuutos ni Issay sa kanya, nagkusa na sya.
Pagkatapos madinig ang kwento, natahimik si Nadine.
Alam nyang magkaiba sila ni Issay pero kailangan nyang magingat para hindi maging katulad ng sa dalawa ang relasyon nila ni Jaime.
Nicole: "Asan na ang pasalubong ko?"
Nadine: "Anong pasalubong? Kanina mo pa ako iniinis dyan tapos hihingi ka ng pasalubong! Tama na ang sabon sa'yo!"
Sabay bato ng unan sa kapatid.
Nicole: "Ah ganun... Sige pag dimo binigay sa akin ang pasalubong ko hindi ko sasabihin ang tungkol sa Papa ni Jaime!"
Pangiinis ni Nicole.
Nadine: "Anong tungkol sa Papa ni Jaime?"
Nicole: "Ibigay mo muna ang pasalubong ko... hmmm! Dapat yun bilin ko sa yong pabango. Pag hindi, hmp! Hindi ko sasabihin sayo!"
Nadine: "Andaya mo!
Kung ayaw mong sabihin sa 'kin kay Nanay Issay ko na lang itatanong!"
Nicole: "Okey sige, tingnan ko lang kung sabihin nya sa'yo... Super secret kaya iyon, as in .. ilan lang kami na nakakaalam!"
Lalong na curious si Nadine.
Nadine: "Sabihin mo na kasi!"
Naaatat na tanong nya.
Pero nilabasan lang sya ng dila ng kapatid na parang ng iinis. Saka kumaripas ng takbo.
Nadine: "Aba't ...."
at hinabol naman nya ang kapatid ng makitang tinakbuhan sya.
*****
Sa sala kung saan naiwan naguusap ang magasawa at si Issay...
Enzo: "'Say, sensya na kanina ng mabanggit ko ang tungkol kay Anthon. Galit ka ba?"
Kanina pa kasi nyang napapansing tahimik ito kaya hindi nya maiwasan kabahan.
Issay: "Wala yun, wag mo ng isipin yun! Mas okey nga na malaman ni Nadine ang lahat ng tungkol sa amin para magingat sya at huwag padalos dalos sa pagdedesisyon."
Nelda: "Pero sino ang magsasabi sa atin, sa kanya?"
Issay: "Si Nicole! Alam na ni Nicole ang gagawin."
Enzo: "Ahhh.... kaya pala sila naghahabulan ngayon!"
At tiningnan nila ang tinutukoy ni Enzo, ang dalawang magkapatid naghahabulan na parang mga bata sa ikalawang palapag ng bahay.
Nelda: "Issay, hindi mo ba naiisip si Anthon kahit minsan?"
Tanong ni Nelda habang nakatingin sa vase nyang muntik ng mahulog dahil natabig ni Nadine.
Issay: "Madalas, lalo na ngayon na napanaginipan ko sya... Parang nagpaparamdam!"
Naalala nya tuloy ang panaginip nya kanina. Hindi na nya maalala ang buong detalye pero isa lang ang naalala nya sa panaginip na yaon, nasa panganib si Anthon.
'Mukhang kailangan kong makausap si Totoy para makamusta si Anthon!'
Enzo: "'Say, may sasabihin ako sa'yo na nakalimutan kong sabihin."
Issay: "Ano yun?"
Enzo: "Nung magpunta ako ng Zurgau, nagkita kami ni Anthon. Magkasama sila ni Miguel. Sila ang tumulong sa akin na madala sa ospital ang biyenan ko.
Pero ng bumalik ako ng Maynila kasama ang biyenan kong babae at ang pamilya ni Egay, kasama namin si Miguel at sa private plane nya kami sumakay pero hindi namin kasama si Anthon dahil hindi namin alam kung nasaan sya. Bigla kasing nawala!
Pasensya na kung hindi ko nabanggit sa'yo, ngayon ko lang din naalala!"
Issay: "Close pala kayong tatlo!"
Hindi mawari ni Enzo kung nangiinis ba ang kaibigan o hindi. Seryoso kasi ang mukha nito.
*****
Pagkagaling ni Jaime kila Nadine, nagmamadali itong umuwi ng bahay para makausap ang Tito Joel nya.
Kung meron man syang matatanungan tungkol sa nangyayari na hindi magdadalawang isip na magkuwento, si Tito Joel nya yun!
Kaya pagkatapos nitong batiin at kamustahin ang Lola nya, agad nitong hinanap si Joel.
Jaime: "Lola si Tito Joel po, hindi pa po ba umuuwi?"
Mama Fe: "Ay apo, padating na iyon, at ang Papa mo naman hindi ako sigurado kung uuwi. Madalas kasing hindi sya umuuwi nitong mga nagdaang araw!"
Kaya pagdating ni Joel sa bahay nadatnan nya si Jaime sa loob ng silid nya.
Joel: "Anong ginagawa mo dito? At kelan ka umuwi?"
Jaime: "Kararating ko lang Tito at gusto ko sanang makausap ka!"
Joel: "Tungkol naman saan? At tinawagan mo na ba ang Papa mo?"
Jaime: "Tungkol po kay Ninong Anthon at opo natawagan ko na ang Papa pero hindi ako sinasagot!"
Joel: "Ano naman ang tungkol sa Ninong mo ang gusto mong malaman?"
Jaime: "Kasi Tito inaya ko ng magpakasal si Nadine bago sana ako umalis pero sabi ng Papa nya sigurista daw ako katulad ni Ninong Anthon."
Joel: "Inaya mo si Nadine magpakasal? Pumayag ba yung bata o pinilit mo?"
Jaime: "Gusto rin naman nya akong pakasalan kaya sabi ko bat pa natin patatagalin!"
Joel: "So pinilit mo nga!"
Jaime: "Medyo, nagaalala kasi ako na baka may umaligid sa kanya habang wala ako dito!"
Joel: "Yun lang ang dahilan mo kaya gusto mo syang pakasalan?"
Sigurado ka bang mahal mo sya, bakit wala kang tiwala sa kanya?"
"Kung talagang kayo kahit ano pang maging balakid kayo pa rin ang magkakatuluyan sa huli!"
Huwag mong pwersahan si Nadine gaya ng ginawa ng Ninong mo kay Ate Issay!"
At ikinuwento na nito ang lahat ng tungkol kay Anthon maliban ang tungkol kay Yasmin na hindi pa nya sigurado.
Joel: "Kaya ikaw, huwag kang gagaya sa Ninong mo na napa praning na sa sarili nyang multo. Respetuhin mo ang babae, Maliwanag!"
"Ngayon, tawagan mo ang tatay mo at tatlong araw na iyong hindi umuuwi!"
Jaime: "Hello Pa... Pa ... okey ka lang?"
Gene: "Oo anak okey lang ako! Nasa ospital ako ngayon, manganganak na si Belen!"
Natataranta nitong sabi saka pinatay ang cellphone.
Joel: "Bakit? May nangyari ba?"
Tanong nya kay Jaime ng makita ang itsura ng pamangkin.
Jaime: "Nasa ospital daw sya dahil may nanganganak?"
Joel: "Congratulation! Hehe! Magiging Kuya ka na!"
Jaime: "???"