Hanggang sa....
Mayroong tumadyak sa pinto kaya pwersahan itong bumukas.
Kanina, may nakakita kay Anthon habang sinusundan nya si Yasmin.
Bagong mukha si Anthon sa lugar kaya kapansin pansin ito. At ng makita nilang sinusundan nito si Yasmin hanggang sa loob ng apartment, naalarma sila. Agad silang nagtungo sa mga kapatid ni Yasmin upang sabihin ang nakita nila.
Tatlo ang kapatid ni Yasmin na lalaki at sya ang bunso. Wala na ang mga magulang nila at may kanya kanya na silang pamilya maliban kay Yasmin. Medyo strikto kasi sila sa bunso nilang kapatid kaya walang makalapit dito.
Malapit lang din ang tinitiran nilang magkakapatid sa isa't isa kaya pag may problema, alam agad ng nila.
"Mang Lando! Mang Lando! May nakita kaming isang lalaking sumusunod kay Yasmin!"
Ito ang ibinalita ng isang teenager na nakakita kay Anthon kanina. Nagtungo agad sya sa panganay na Kuya ni Yasmin.
Lando: "Ha? Sino kilala mo ba?"
"Hindi po, bagong salta po!"
Kinabahan si Lando.
Lando: "Nasaan na yung lalaking sumusunod sa kapatid ko?"
"Andun po sa apartment nya!"
Kumulo ang dugo ni Lando sa nadinig.
Lando: "Boy, maraming salamat sa ginawa mo, babawi ako sa'yo. May ipapakiusap lang sana ako, pakipuntahan mo ang mga kapatid ko na sina Ben at Rod upang malaman din nila!"
"Sige po Mang Lando!"
Pagdating ng inutusan kila Ben at Rod wala na ang mga ito. May nagpunta na rin pala sa kanila upang ibalita ang nakita at nagtungo na sa apartment ng kapatid nila.
Sabay sabay na dumating ang magkakapatid sa tapat ng apartment ni Yasmin kaya sabay sabay silang lumusob.
Tinadyakan ni Lando ang pinto para bumukas at nagulat sila ng makita ang ginagawa ni Anthon sa kapatid nila.
Lando: "Walanghiya ka!"
Initsa nya si Anthon palayo kay Yamin at saka pinagtulungang nilang gulpihin ni Ben habang si Rod naman ang lumapit at tumulong kay Yasmin.
Hindi nya kayang makita ang kalunos lunos na itsura nito pati ang dugong nagkalat sa kama. Alam nyang kay Yasmin iyon kaya naginit din ang ulo nya at gusto din tumulong sa paggulpi kay Anthon pero pinigilan sya ni Yasmin.
Yasmin: "Huwag Kuya, Huwag mo kong iwan! Pakiusap!
Hawak hawak nito ang kamay ng Kuya nya at umiyak ng umiyak.
Naawa si Rod kaya nanatili sya sa tabi ng kapatid.
Anthon: "Teka teka! Sino ba kayo at bakit nyo kami iniistorbo ng asawa ko?!"
Napatigil ang dalawang magkapatid at sabay sabay silang napatingin kay Yasmin. Nagtatanong.
Yasmin: "Hindi Kuya, hindi totoo yan! Huhuhu! Pakiusap wag kayong maniwala sa kanya!"
Galit ang nakikita ni Yasmin sa mga Kuya nya.
'Hindi maari ito, ako ang biktima bakit parang ayaw nilang maniwala sa sinasabi ko?!'
Yasmin: "Kuya Ben, sa munisipyo ka nagtatrabaho, malalaman mo kung totoo ang sinasabi nya!"
Umiiyak si Yasmin sa nakikitang pagkadismaya ng mga Kuya nya at sa kawalan nya ng lakas na ipaglaban ang katotohanan.
Yasmin: "Ako ang biktima pero bakit ayaw nyong maniwala?"
at humagulgol na ito sa pagiyak.
Anthon: "Oo tama ang Mahal ko, hindi pa kami kasal dahil hindi nairehistro ang kasal namin....
Pero gusto ko syang ulitin!"
Nagkatinginan ang tatlong magkakapatid.
'Sa itsura ni Yasmin, halatang pinagsamantalahan ang kahinaan nito pero ano itong sinabi ng lalaking ito?'
'Kelan nagka boyfriend si Yasmin at bakit hindi namin alam?'
'At sino itong lalaking ito?'
Ito ang mga tanong sa isipan nila.
Yasmin: "Hindi Kuya, ngayon ko lang sya nakita, maniwala naman kayo!"
Nagmamakaawang sabi ni Yasmin sa mga kapatid.
Ben: "Sino ka at anong ginagawa mo dito sa Zurgau?"
Anthon: "Ako si Anthon at kaya ako andito para ipaghiganti ang ginawa nila sa Mahal ko!"
'Anong pinagsasabi ng taong ito?'
Rod: "Kuya Lando kunan mo ng ID!"
Ibinigay ni Anthon ang ID nya at kinuha naman ni Lando ang buong wallet nya.
Ben: "Piloto ka pala at sa Maynila ka nakatira!"
Lando: "... at kahapon lang sya dumating ng Zurgau!"
Rod: "Ilan beses ka na bang nakapunta ng Zurgau?"
Anthon: "Ngayon lang! Maganda pala dito sa Zurgau, parang gusto ko ng manatili dito kasama ang Mahal ko!"
Nakangiti nitong sabi kay Yasmin na nasa likod ni Rod nagtatago.
Napansin ito ni Anthon at nakaramdam sya ng selos.
Anthon: "Hoy umalis ka nga sa asawa ko!"
Lalapit na sana ito pero pinigilan sya ng dalawa.
Lando: "Hindi pa tayo tapos!"
Anthon: "Hehe! Tama ka, hindi pa nga tayo tapos dahil dapat kaming makasal ng Mahal ko ngayon!
Kaya tumawag kayo ng magkakasal sa amin!"
Nagkatinginan lang ang tatlo pero kinakabahan si Yasmin.
Ben: "Bakit mo sya gustong pakasalan?"
Anthon: "Dahil ayaw ko na syang mawala sa buhay ko!
Katunayan ..."
Kinuha nya ang pantalon nya at nilabas nya ang isang maliit na pouch at sa loob ng pouch ay ang singsing.
Binili nya ito sakaling magkaroon ulit sya ng pagkakataon magpropose kay Issay.
Nagulat sila kung bakit sya may dala nito.
Anthon: "O ano naniniwala na kayo na pakakasalan ko sya?"
Sa kalagayan ng kapatid at sa nangyari ngayon kailangan nilang magdesisyon. Kailangan nilang isipin ang kapakanan ng bunso nilang kapatid.
Ben: "Hindi ka ba nagbibiro?"
Anthon: "Bat ako magbibiro, seryoso ako! Gusto mo i video mo pa!"
At kinuha nito ang cellphone nya at ibinigay kay Ben upang videohan sya.
"Ako si Anthon, Anthony Santiago, ay kusang loob na nagpunta dito para alukin ng kasal ang Mahal kong asawa at ito ang singsing na magpapatunay nito!"
Hindi nga ito nagbibiro kaya kesa mapatay nila ang hayup na ito na lumapastangan sa kapatid nila mas maigi ngang hayaan nila ang gusto nya.
Lando: "Sige ituloy natin ang kasal."
"KUYA!!!"
Lando: "Huwag ka ng makialam at kami ng bahala dito!"
Nagwawala sa galit si Yasmin pero wala syang nagawa sa takot sa mga kapatid nya.
Masayang masaya si Anthon.
"Sa wakas magiging akin ka na habang buhay Mahal ko at pangakong hinding hindi kita iiwan dahil dito na rin ako titira sa Zurgau!"