webnovel

Tama Ba Ito?

"Tama ba ito, Ate She?"

Naluluhang sambit ni Yasmin habang inaayusan sya ng hipag nya.

Maging sila ay hindi makapaniwala ng madinig ang nangyari kay Yasmin.

Hindi rin nila mapigilang lumuha sa sinapit ng hipag nila.

She: "Ano ba? Kanina pa ako paulit ulit na inayos ang makeup mo... Tumigil ka na sa pagiyak!"

Pero maging sya ay hindi rin mapigilan ang pagluluha.

Maging ang dalawang pa nyang hipag na sina Beth at Myrna ay naroon din at hindi rin mapigilan ang pagtulo ng luha.

Myra: "Ano bang klaseng kasalanan ito, parang lamay!"

Beth: "Pasensya ka na Yas, hindi namin alam ang sagot sa tanong mo!"

Nadinig ni Rod ang iyakan nila kaya pumasok ito sa loob upang amuin ang kapatid.

Rod: "Yasmin...."

Yasmin: "Kuya, huhuhu! Kausapin mo sila Kuya para itigil ito please! Hindi ko kayang makasama ang hayup na yon! Huhuhu!"

Inakap ni Rod ang kapatid upang damayan ito sa nararamdaman nya. Maging sya ay tutol dito pero ng ipaliwanag sa kanya ng dalawa kung bakit kailangan nilang gawin ito, labag man sa kalooban nya pumayag din sya.

Rod: "Huwag kang magalala hindi ka namin pababayaan ng mga Kuya mo! Alam kong nasasaktan ka pero tiisin mo lang, pagkatapos nito saka tayo babawi!"

Hindi maintindihan ni Yasmin ang ibig sabihin ng kapatid.

Yasmin: "Hindi... Hindi....."

Tila nawalan na sya ng lakas na makipagusap. Wala naman kasing nakikinig sa kanya.

Nakita sila ni Ben ng mapadaan ito sa silid kaya naisipan nyang pumasok at kausapin ang kapatid.

Ben: "Yasmin...."

Hindi sya sinuklian nito ng tiningnan. Pagod na syang makipagusap at magmakaawa.

Lumapit si Ben at naupo sa tabi nya.

Ben: "Akala mo siguro gusto namin ito..."

"Naisip mo ba kung anong mangyayari kung sakaling sabihin mo na pinagsamantalahan ka ng lalaking iyon?

Paano kung ....itanggi nya?

Tingin mo may maniniwala sa'yo?

Ikaw ang biktima pero walang maniniwala sa'yo....

Kakayanin mo bang harapin ang bukas sa sandaling husgahan at pagtawanan ka ng mga tao?"

"Malupit ang mundo Yasmin, lalo na sa mga biktima!"

Saka lang sya tiningnan ni Yasmin.

Yasmin: "Kung hindi ninyo ito gusto, bakit ipinipilit nyong makasal ako?"

Ben: "Dahil ayaw namin na husgahan ka ng mga tao sa nangyari sa'yo!"

Yasmin: "Ikinahihiya nyo ako?"

Ben: "Hindi, kailanman hindi ka namin ikakahiya gusto lang namin itong itama."

Yasmin: "At ito ang tama? .... Ang ikasal ako sa hayup na yon!!!"

Ben: "Oo ... dahil sa kasal na ito hindi ka nila huhusgahan at dahil sa kasal na ito maari nating makuha ang hustisya!"

Hindi maintindihan ni Yasmin ang ibig sabihin ni Ben.

Ben: "Wala tayong ebidensya na na pinagsamantalahan ka nya dahil pinagsisigawan nya na ikinasal na kayo dati!"

Yasmin: "Pero Kuya, hindi totoo yun!"

Ben: "Alam ko! Alam namin na hindi totoo yun! Pero hindi namin maintindihan bakit pinagpipilitan nya na asawa ka nya at parang kilalang kilala ka nya!"

Yasmin: "Hindi nyo ba naisip na baka totoong may asawa sya?"

Rod: "Yun nga ang gusto ko kaya mas dapat kayong makasal!"

Yasmin: "Para ano? Para guluhin ko ang pamilya nya?"

Ben: "Tama! Para guluhin ang pamilya nya!"

Sinira nya ang nanahimik mong buhay, sinira din nya ang kinabukasan mo!

Sya ang unang nanggulo sa buhay mo kaya anong masama kung pagbayaran nya ito?

Hindi namin sya pinilit, alam mo yun! Sya ang makulit na paulit ulit na gustong gawin ito kaya ibigay natin ang gusto nya!"

"Bukas na bukas din ipaparehistro ko ang kasal ninyo gaya ng iminungkahi nya at pagkatapos, pagnapatunayan natin na ikinasal na sya dati, saka natin sya idedemanda at doon mo sabihin lahat ang totoo!"

Medyo naliwanagan na ni Yasmin ang gustong mangyari ng mga kapatid. Tama ang Kuya nya, walang makikinig sa kanya ngayon. Darating ang oras masasabi rin nya ang totoo.

Yasmin: "Kaya nyo bang ipangako sa akin na hindi nya na ulit ako sasaktan?"

Ben: "Ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat upang hindi ka na nya muling saktan! Dahil kapag ginawa nya ulit iyon, sisiguraduhin namin ng mga Kuya mo na sa tuwing sasaktan ka kanya, ibabalik namin ng sampung beses ang sakit na nararamdaman mo!"

Sapat na ito kay Yasmin, ang malamang hindi sya pababayaan ng mga kapatid nya.

Natapos ang kasal sa maiksing seremonya pero puno puno ng saya ang puso ni Anthon. Naiyak pa nga ito na nagpapasalamat at sa wakas natuloy din ang kasal.

Masayang nakipag inuman si Anthon sa mga bisita at magaalas tres na ito natapos.

Pagbalik nya sa apartment ni Yasmin, mahimbing na itong natutulog.

Pinagmamasdan nya ang maamong mukha ng asawa at nangiti sya.

"Sa wakas Issay naging akin ka na... masayang masaya ako dahil ako ang ....."

Pero hindi na nya natapos ang sasabihin dahil sa sobrang kalasingan, sumuka sya at nasukahan nya ang natutulog na si Yasmin.

Nagising si Yasmin sa mainit na likidong dumapo sa katawan nya at diring diri ito sa ginawa ni Anthon.

Itinulak nya si Anthon papasok sa banyo at saka binuhusan ng tubig na may sabon upang mawala ang amoy nito.

Inis na inis sya sa amoy ng suka na nakadikit na ata sa kanya at sa buong bahay kaya itinapon nya lahat nasukahan ni Anthon.

At pagkatapos nyang palitan ang kobre kama unan at kumot, natulog muli ito at iniwan si Anthon hubot hubad nakahiga sa banyo.

Pero ng mangawit, nagising si Anthon at pilit na tumayo. At ng makita si Yasmin na nakahiga sa kama, muli nyang itong ginapang at pwersahan na inangkin ng paulit ulit.

Nagising si Yasmin sa ginagawa sa kanya ni Anthon at wala itong nagawa kundi ang umiyak ng tahimik, hindi lang dahil sa sakit ng katawan na nararamdaman maging sa damdamin nyang paulit ulit ni Anthon na sinasaktan.

Yasmin: "Ito na ang huling beses na tatanggapin ko ang ginagawa mong kahayupan sa akin! Sa susunod na gawin mo sa akin ulit ito, huwag mo akong sisihin pero, sisiguraduhin kong puputulin ko na ang kahayupan mo!"

A few more chapters to go!

Thank you all

trimshakecreators' thoughts
Chapitre suivant