webnovel

Gayuma

"Seryoso ba sya?"

Tanong ni Issay sa abogado ni Roland.

Nagulat si Issay ng bigla sya nitong puntahan sa apartment at ibinigay ang dokumento ng pagsasalin ng lahat ng ari arian ni Roland sa kanya.

Atty.: "Opo Ms. Isabel, yan po ang gusto nya at nakalagay din dyan ang dahilan kung bakit nya ibinigay ito sa inyo!"

Issay: "Pwede ko ba itong tanggihan?"

Atty.: "Nakikiusap po sya na huwag nyong tanggihan para sa ikakatahimik ng konsensya nya!"

Issay: "May konsensya sya?"

Atty.: ".... "

"Ms. Isabel, isa lang po ang kahilingan nya ang isalba nyo ang kalagayan ng kompanya alang alang sa mga empleyado nya at ang mapatawad nyo sya!"

At nagpaalam na itong umalis na hindi na inantay ang sagot ni Issay. Baka tumanggi pa ito kung magtatagal pa sya.

Nelda: "Anong relasyon mo dun bakit ibinigay nya lahat ng pagaari nya sa'yo?"

Nagulat si Issay ng bigla itong sumulpot at magtanong.

Issay: "Ano bang ginagawa mo dito? Lagi ka na lang andito sa apartment ko!"

Nelda: "Diba sabi mo pwede kong dalawin ang anak ko?"

Issay: "E, halos dito ka na nakatira ah! Lumipat ka na kaya dito!"

Simula ng una silang magkita ni Issay, determinado na si Nelda na guluhin ang buhay nito. Wala syang tiwala dito.

Hindi sya makakapayag na mapunta ang amor ng mga anak nya kay Issay, kaya pumayag na syang magpagamot at dumalo sa mga session para madali syang gumaling.

Halos araw araw itong nasa apartment ni Issay para alamin ang maraming bagay tungkol dito pero sa bandang huli siya din ang napipikon sa pangiinis ni Issay.

Naintindihan naman ni Enzo kung bakit ginagawa iyon ng kaibigan. Kaya pag nagsusumbong ang asawa, lihim itong nangingiti. Alam nyang sinasadya ito ni Issay para lalong ma challenge ang asawa nya.

Nelda: "Maganda yang naisip mo! " Sige bukas na bukas lilipat na ako dito!"

Issay: "Maganda yan... tapos ako naman ang lilipat sa inyo kasama ang asawa mo!"

Nelda: "Aba't.... Hoy... hmp!"

'Loko 'to may plano pa atang gayumahin ang asawa ko!'

Nicole: "Ma, tama na po! Hindi ko na po gusto ang ginagawa nyo! Hindi na ko makapag aral ng maayos at makapagturo dahil lagi kayong narito. Pakiusap Ma, bigyan nyo ko ng space!"

Sabat ni Nicole sa pinaguusapan nila.

Nasaktan si Nelda sa sinabi ng anak dahil sa nitong huli hindi lang naman sya ang dahilan kaya ito napapadalas kila Issay.

Nitong mga nagdaang araw kasi lagi na syang nangungulit kay Issay na magkuwento tungkol sa mga anak nya na labis na ikinagagalak ng puso nya. Kaya kahit na napipikon ito kay Issay dahil lagi sya nitong iniinis, hindi nya maikakaila na nasisiyahan sya na kausap ito.

'Lintek! Nagayuma na rin ata ako ng babaeng ito!'

Napansin ni Issay na nalungkot si Nelda sa sinabi ng anak.

Issay: "Nicole!"

Nakakunot ang noo nitong sabi.

Nataranta si Nicole ng tawagin sya ni Issay, alam nyang galit ito.

Nicole: "Sorry po Ate, nahihirapan po kasi ako pag andito si Mama! Naiilang ako at hindi ko magawa ng tama ang trabaho ko at pagaaral ko!"

Naiintindihan ni Issay si Nicole, sadya naman nakakainis na ang kakulitan ng nanay nya pero nasa proseso ito ng pagpapa galing at medyo sensitibo ito sa maraming bagay.

Issay: "Hindi naman ikaw ang pinupunta nya dito ako!"

Alam ito ni Nicole, kaya nga mas lalo syang naiistress.

Nagulat naman si Nelda sa sinabi ni Issay.

'Pano nito nalaman na sya ang pinupunta nya dito at hindi si Nicole?'

Issay: "Nelda, sa darating na mga araw medyo magiging busy ako dahil dito."

Itinaas nya ang dokumentong binigay ng abogado ni Roland.

Issay: "Kung gusto mo, samahan mo ako habang inaasiko ko ito para hindi mo na naabala si Nicole sa ginagawa nya!"

Nangiti si Nelda sa sinabi ni Issay.

Nelda: "Talaga?!" Sige payag ako!"

At para itong bata na tuwang tuwa sa narinig.

Kinabahan si Issay.

'Jusko! Tama ba itong desisyon kong isama ito?'

Pero wala na syang maisip na solusyon para mabawasan ang pagpunta nya dito sa apartment at ng hindi na magulo pa ang isip ni Nicole.

Issay: "O, ayan naayos ko na ang problema mo sa nanay mo! Wag mo ng idadahilan na hindi ka makapagaral ng maayos!

Mamya che-chekin ko ang ginawa mo!"

Mas lalong na stress si Nicole.

'Anong bang nangyayari sa dalawang ito at parang nagiging close na?'

Nelda: "Ha? chini-check mo ang pagaaral ni Nicole?"

Issay: "Oo! Bakit anong problema?"

Nelda: "Akala ko ba ako ang laging nakikialam sa buhay ng anak ko, bakit ikaw pwede mong pakialaman?"

Issay: "Magkaiba tayo. Hindi ko sila pinakikialaman sa buhay nila at hindi ko rin sila inuutusan na gawin ang gusto ko. Wala akong pakialam sa mga desisyon nila gusto ko lang na machallenge sila na ilabas ang best nila!"

Nelda: "Nila? Ibig mo bang sabihin pati si Nadine?"

Issay: "Oo! gaya mo mas mahigpit ako sa panganay mo mas pasaway yun e!"

Saka binalingan si Nicole.

Issay: "At ikaw, alam ko kaya naiistress lalo dahil kay Edmund! Pinipeste ka ba nya?"

Namula si Nicole ng nabanggit si Edmund.

Issay: "Kayo na ba?"

Lalo itong namula pati tenga ng madinig ang sinabi ni Issay.

Issay: "Hmmm!"

Nelda: "May boyfriend ka na?"

Kinakabahan na tumango si Nicole.

Nelda: "Sino si Edmund?"

Nataranta si Nicole hindi nya inaasahan na sya ang pagbabalingan ng usapan lalo na ng ikinuwento ni Issay ang tungkol sa kanila. Hiyang hiya ito at pulang pula.

Hindi alam ni Nelda ngunit nakakaramdam sya ng saya ngayon nakikita nya ang anak.

Habang pinagmamasdan nya ang dalawa. Naisip nya tuloy na kung sakaling may mangyari sa kanya, kay Issay nya lang maihahabilin ang mga anak.

Ngunit sabi nga iba, hindi maganda ang sobrang saya dahil may kaakibat itong kalungkutan.

*****

Sa Zurgau.

Nakaabot na sa ama ni Nelda ang ginawa nyang pagpagamot tungkol sa problema nya. At hindi ito nagustuhan ng ama ni Nelda.

"Walang hiyang batang 'yon, ni hindi man lang iniisip ang magiging kahihiyan ng pamilya!"

Nanggagalaiting sabi ng ama ni Nelda.

"Pa, ano bang sinasabi mong kahihiyan ng pamilya, baka ikaw ang nahihiya sa karamdaman ng anak mo! Walang masama sa ginawa nyang pagpapagamot kung makakabuti naman ito sa kanya! Ayaw mo bang gumaling ang anak mo?"

Sagot ng ina ni Nelda na naiinis sa kakitiran ng isip ng asawa nya.

Pero mataas ang pride ng asawa nito. Kumuha sya ng tao para puntahan si Nelda.

"Dukutin ninyo ang anak ko at sapilitang dalhin dito sa Zurgau!"

Chapitre suivant