webnovel

Bagong Anino

Nang malaman ni Garry Perdigoñez na si Issay na ang bagong may ari ng kompanya ni Roland natawa ito.

Garry: "Mukhang naungusan ako ng lokong yon ah!"

Pero hindi galit si Garry, katunayan hinahangaan nya ang kakayahan ni Issay simula pa noon. Hindi nya alam kung paano nya napapaamo ang isang lalaki na katulad ng pinsan nyang si Luis at ngayon si Roland.

"Darating ang panahon na magiging isa sa pinaka magaling na negosyante ito na kaiingitan ng lahat!"

"Pero ngayon, mukhang kailangan naming magusap."

Kaya nagpunta ito sa LuiBel company para dalawin si Issay.

Ito ang unang araw na nagpakita si Issay sa kompanya sa loob ng tatlong buwan. Kaya nagulat ang mga naroon ng dumating sya.

Pagdating sa opisina sinalubong sya ni Tess. Simula ng magdalangtao si Belen ito na ang tinalaga ni Issay na maging acting CEO at si Ms. Onse naman ang naging sekretarya nito.

Tess: "Sino sya?"

Tanong nito kay Issay ng makita na kasunod nito sa likod si Nelda.

Lumingon si Issay.

Issay: "Bagong anino ko!"

At dumiretso na ito sa silid nya kasunod si Nelda.

Hindi nainis si Nelda sa sinabi ni Issay kay Tess, katunayan tuwang tuwa pa itong pinagmamasdan lahat ng ginagawa ni Issay.

Nelda: "Anong trabaho dito ni Nadine?"

Issay: "Assistant ko!"

Nelda: "Pwede ba akong maging assistant mo?"

Issay: "Hindi!"

Nelda: "Bakit?"

Issay: " Hindi ka matalino katulad ng anak mo, hindi sya nagmana sa'yo!"

Nelda: "Alam ko kay Enzo sya nagmana ng katalinuhan pero maliban dun lahat ng galing nya namana nya sa akin. Kaya maka kaya ko din ang ginagawa nya kung gugustuhin ko!"

Issay: "Bakit gusto mo ba?"

Nelda: "Oo gusto kong subukan!"

Nagulat si Issay sa sagot ni Nelda. At hindi rin ito napipikon kahit na panay ang pangaasar nya.

Kaya...

Issay: "Sige gawan mo ko ng business proposal para sa kompanya ni Roland."

Gusto nyang subukan ang kakayahan nito.

Nelda: "Proposal? Teka bakit ang hirap naman agad ng pinagagawa mo, walang bang medyo madali lang? Nagsisimula pa lang naman ako ah!"

Issay: "Yan yung una kong pinagawa kay Nadine nung unang araw na maging assistant ko sya!"

Napalunok si Nelda.

'Jusko, ang lupit palang boss nito! Pano kaya ito natagalan ni Nadine?'

Nelda: "Papaano ba yun gawin?"

Issay: "Yun ang dapat mong malaman. Etong laptop, pagaralan mo!"

Kinuha naman nito at naupo sa isang tabi at nagsimulang mag research.

Nangiti si Issay. Kanina pa nya sinusubukan ito kung susuko pero nagulat sya at nagpatuloy pa rin.

'At least mababawasan ang kakulitan nya! Hehe!'

Biglang may kumatok.

Ms. Onse: "Ms. Isabel, narito po si Sir Garry, gusto daw po kayong makausap!"

Issay: "Sige papasukin mo!"

Pag pasok nito seryoso syang tumingin kay Issay.

Napatayo si Issay ng makita itong pumapasok sa pinto at agad nya itong sinalubong. May kutob na sya kung bakit ito narito.

Issay: "Kuya Garry, dito po tayo maupo!"

At dinala sya nito sa sofa.

Garry: "Alam mo na siguro kung bakit ako narito!"

Napatungo si Issay ng makitang seryoso ito. Nahihiya.

'Galit kaya sya?'

Issay: "Kuya, wala akong alam sa plano ni Roland. Ang gusto ko lang naman ay bumili ng konting shares dito."

"Saka may kutob akong bibilhin mo ang kompanya nya at wala naman akong plano makipag kumpetensya sa'yo!"

Garry: "Anong plano mo ngayong nasayo na ang kompanya?"

Issay: "Hiniling nya na isalba ko ang kompanya, kaya yun ang plano kong gawin."

Garry: "Paano mo gagawin yun?"

Issay: "Papalitan ko ang pangalan tapos papalitan ko lahat ng namumuno!"

Garry: "Hm! Mukhang alam mo na ang dapat gawin!"

Issay: "Pero kung interesado kang bilin pwede ko syang ibenta sa'yo!"

Garry: "Sira ba't mo gagawin yun?!"

"Gusto ko pamunuan mo ng maayos yan at siguraduhin mong magtatagumpay ka!

At babantayan kita!"

Pahabol pa nito.

Issay: "Hindi ka galit?"

Garry: "At bakit naman ako magagalit? Tanggap ko na natalo mo ako pero natutuwa ako at napasa iyo ang kompanya."

"Alam kong magagawa mong isalba ito pero kung magkaroon ka ng problema huwag kang mahiyang magsabi sa akin okey?"

Issay: "Pangako Kuya Garry!"

Napatingin si Nelda sa dalawa.

'Sino naman kaya ito, at bakit iba kung kausapin nya?'

Nagpaalam na si Garry pagkatapos ng sangdamakmak na advice na binigay kay Issay kung paano isasalba ang palubog na kompanya ni Roland.

Nelda: "Sabel, sino yun?"

Issay: "Ikaw ususera ka din ano!

Yun ang uncle ni Edmund na boyfriend ni Nicole."

'Uncle ni Edmund yun? May itsura ha!'

Hindi mahilig magbasa si Nelda ng mga business magazine kaya hindi nya kilala si Garry Perdigoñez.

Nelda: "Paano mo nga pala nalaman na sila na ni Nicole?"

Issay: "Wala, hinulaan ko lang."

Nelda: " ??? "

'Ang galing nyang manghula ah!'

Issay: "Halata kasi sa kilos ni Nicole na may inililihim ito kaya naisipan kong banggitin ang pangalan ni Edmund, ayun nag react kaya tinanong ko agad kung sila na para mahuli ko!"

Nelda: "Pero bakit nila sinisikreto?"

Issay: "Malamang hindi dahil sa akin kaya tyak, sa'yo! Natatakot sigurong si Nicole sa magiging reaksyon mo pag nalaman mo! Wild ka kasing mag react sa mga bagay, bagay!"

Napaisip si Nelda. Hindi pwedeng laging ganito ang mga anak nya sa kanya, kailangang gumawa sya ng paraan para magtiwala ang mga anak nya sa kanya.

Nelda: "Sabel, gusto kong makilala si Edmund!"

Issay: "Huwag kang magaalala padating na yun, makakausap mo na ang magiging manugang mo!"

Pagdating nga ni Edmund ng opisina kinulit na sya ni Nelda. Niyaya nya itong mag lunch at walang nagawa si Edmund kung hindi ang sumunod.

Hinayaan lang sila ni Issay na magbonding na dalawa pero nagulat sya ng magreport ang isa sa bodyguard nya at sinabing may sumusunod dun sa dalawa ng lumabas ng building.

"Sinong target ng mga yon, si Edmund o si Nelda?"

Chapitre suivant