Pabalik balik ng lakad si Mayor Arnold sa opisina nya. Halatang malalim ang iniisip.
Tungkol ito sa nangyari nitong mga nagdaan buwan simula ng masunog ang mga titulo hanggang sa nangyari kamakailan.
Kaya sila naglagay ng anusiyo dahil sa mga nasunog na rekord ng titulo ng lupa, mag aanim na buwan na ang nakakaraan.
Nangyari ito bago maging computerize ang mga rekord ng munisipyo.
Naging abo lahat at wala man lang natirang mapagkikilanlan kung sino ang tunay na may ari ng lupa.
Mangilan ngilan lang naman ang mga nasunog pero.... Nakapagtatakang piling pili ito.
Nagkataon lang ba?
Lahat kasi ng titulo ng lupa na nasunog ay sumusukat sa sampung ektarya pataas at hindi aktibo ang mga may ari.
Kaya maliban na lang kung meron magpakita ng titulo na nagpapatunay na sa kanila ang lupa, saka lang magkaroon ng pagkakakilanlan dito.
Kagaya ng nangyari sa lupain nila Issay.
Ngunit bago dumating si Issay may nauna nang nagdala ng patunay na kanilang pagaari ang lupang sinasakupan ng bahay ni Issay pati na ang buong bukirin.
Si Kapitan Santiago.
Mag tatatlong buwan na ng dalhin ni Kapitan Santiago ang kontratang nagpapatunay na nabili ni Roland Ledesma ang lupang tinutukoy.
Ngunit.
Dumating si Issay dala ang titulong mapagkikilanlan sa tunay na may ari ng lupa.
At sa pag dating ni Issay,
nataranta ang mga nasa Registry of Deeds.
Sa imbestigasyon sa mga taong sangkot, lumalabas na kapabayaan ni Sylvia ang nangyari dahil hindi nya magawang patunayan na ibinigay nya ang titulo kay Brando at hindi rin nya maipaliwanag kung paano ito napunta sa basurahan.
Itinatanggi kasi lahat ni Brando ang testimonya ni Sylvia.
'Tsk. tsk.tsk!'
Iiling iling na sabi ni Mayor habang nakatungo at pababalik balik ng lakad.
"Arnold, Mahal, mauupod na ang sahig sa'yo."
Sabi ni Cheddeng sa asawa na may halong lambing, pagpasok nito sa opisina.
"Sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip sa mga nangyari!"
Pahayag ni Mayor Arnold na halata sa boses ang pagod.
"Alam kong naiinis ka dahil hindi mo mapatunayan na may kinalalaman si Brando sa mga nangyari pero..."
Sabi Cheddeng sabay lapit sa asawa at iniupo sa sofa.
".... sa tingin mo ba walang talagang kasalanan si Sylvia? Hindi ba sa simula pa lamang sa kanya na ibinigay ang titulo, kaya responsibilidad nya ito?
Ano sa palagay mo ang iniisip ni Sylvia ng mga oras na iyon?"
dugtong ni Cheddeng.
Napangiti si Arnold.
"Tama ka! Kung naging mas responsable lang sana si Sylvia hindi mangyayari ito.
Pero..... "
"Pero ramdam mo na hindi pa rin tama, dahil wala tayong magawa kay Brando."
Pagpapatuloy ni Chedeng sa gustong sabihin ng asawa.
"Sure ka ba na wala nga ba? Hindi bat sa pangyayaring ito nagkaron ng mukha ang isa sa mga tiwali?
Maaring wala tayong magawa sa ngayon pero, naniniwala akong mas maliit na ang ginagalawang mundo ni Brando ngayon."
Paliwanag ni Cheddeng
"Tama ka, Mahal! Nang dahil sa nangyari marami ng mga matang nakatingin kay Brando ngayon. Marami na ring magiingat sa mga kilos nila at malamang iwasan sya para hindi sila madawit, lalong lalo na si Sylvia."
Pahayag ni Arnold habang nasisiyahan sa masahe ng asawa sa ulo nya.
"At si Sylvia .... tyak na matuto na sya sa pangyayaring ito."
"Mahal, may naisip ako. Bakit hindi mo pagharapin ang dalawa? Balita ko andito na rin si Mr. Ledesma sa San Roque!"
Suhestyon ni Cheddeng.
Nangiti si Arnold habang pinagmamasdan ang mukha ng asawa nya ng buong pagmamalaki.
At saka inakap ng buong pagmamahal.
Sinong magaakala na sa tagumpay ng isang lalaki ay isang magaling at matapang na babae ang nasa likod nito.
*****
Araw ng paghaharap
"Ipinatawag ko kayong dalawa para maliwanagan ang tungkol sa usapin ng lupaing ito!"
Pagsisimula ni Mayor Arnold habang ipinapakita ang anunsiyo.
Naroon din sa loob ng silid ang assistant nyang si Joan, si Vice Mayor at iba pang konsehal.
Nasa kanan naman ni Mayor sila Roland at Kapitan Santiago.
At sa kaliwa naman si Issay at Anthon.
Sinadya ito ni Mayor para marami ang makasaksi.
"Mr. Ledesma, dahil ikaw ang nagbigay ng unang dokumento paki paliwanag mo."
Sabi ni Mayor Arnold kay Roland
"Mayor, mag lalabinglimang taon na ng nabili ko ang lupain na iyan kay Mr. Saavedra.
At narito po ang kasulatan na magpapatunay na legal ko itong binili sa kanya.
Nakapirma din dyan si Mr. Saavedra Pati ang halaga ng pinagbilan nakalagay din dyan!"
Paliwanag ni Roland sabay abot ang kopya ng dokumentong hawak nya kay Mayor.
"Ibig mo bang sabihin Mr. Ledesma, kilala mo ang may ari ng lupa?"
Tanong ni Mayor Arnold
"Tama Mayor! Kilalang kilala ko po sya, katunayan, nagkausap pa kami bago sya namatay!"
Pagdadahilan ni Roland akala mo totoo.
Nagtinginan ang mga naroroon. At ang iba naman ay nagbubulungan.
Para kasing sinasabi ni Roland na close sila ng tunay na mayari dahil nagkausap sila.
Marami tuloy ang napaniwala ni Roland.
Pero tahimik lang na nakikinig si Issay, walang mababakas na pagkabahala sa kanyang mukha.
"Ikaw naman Ms.Isabel, sabi mo may dala kang titulong na magpapatunay sa pagkakakilanlan ng mayari ng lupa, tama ba ko?"
"Opo Mayor."
"Sinong nagbigay sa'yo ng titulo?"
Tanong ni Mayor Arnold.
"Wala pong nagbigay sa akin. Ang Nanang ko po ang nagtatago nito mula pa nuon.
Nang pumanaw ang Nanang ko, napunta sa akin ang pagiingat ng titulo."
Sagot ni Issay.
"Balita ko matagal kang nawala sa San Roque kelan ka huling nandito?"
"Mag dadalawamputlimang taon na po akong hindi nauwi ng San Roque, ngayon lang po ulit ako nakabalik."
Pagaamin ni Issay.
"Ibig bang sabihin nito, na may posibilidad na nagkaroon ng bentahang naganap na hindi mo alam?"
"Hindi po ako nakakasiguro, Mayor. Basta ang natitiyak ko, hindi basta basta ibebenta ni Lolo ang bukirin na hindi kinukunsulta sa amin!
Saka, kung sakaling may bentahang naganap hindi isasama ni Lolo ang kinatitirikan ng bahay namin dahil sa Nanang ko yun!"
Paliwanag ni Issay.
"Mapapatunayan mo ba ito?"
Tanong ni Mayor Arnold.
Kinuha ni Issay ang isa pang folder na naglalaman ng mga papeles.
"Eto po Mayor, naka hiwalay na po ang titulo ng lupain namin nun pang pagkatapos pumanaw ng Tatang ko. Nakapirma po dyan ang dating Mayor.
Yan po ang magpapatunay sa isang ektaryang pagaari ng Nanang ko kaya hindi ko po mapaniwalaan ang sinasabi nya!"
Sabi ni Issay sabay turo kay Roland
Nataranta naman si Roland.
"Mayor, Ms. Isabel, hindi ko ito alam! Maniwala kayo! Baka nagkamali lang sa pagsukat ang mga manunukat!
Hindi ko ito sinasadya!
Pangako aayusin ko ito! Ipapasukat ko ulit!"
Sabi ni Roland.
Pero hindi sya sinagot ni Mayor tumingin lang sa kanya.
Muli nitong kinausap si Issay.
"Ms. Isabel, kelan ka huling nagbayad ng buwis?"
"Hindi pa po ako nagbabayad ng buwis dahil si Lolo Juan ko po ang nagbabayad nun!"
Aniya.
Napabuntunghininga si Mayor.
Hindi man nya ipahalata pero makikita sa mata nito ang pagkadismaya.
"Ang isa pang dahilan kaya ko kayo pinagharap na dalawa ay dahil nalaman kong may nagbabayad ng buwis para sa lupaing ito.
Hindi lang updated ang amilyar nito, advance pa!
Kaya gusto kong malaman kung sino sa inyo ang nagbabayad."
Tanong ni Mayor Arnold.
"Mayor! Ako po yun!"