webnovel

Ang Isda Sa Bibig Nahuhuli

"Mayor, ako yun!"

Buong pagmamalaking sambit ni Roland na ikinagulat ng lahat.

Maging si Kapitan Tyago ay makikita sa mukha ang pagkagulat, halatang wala itong alam.

'Huh? Si Tyong ang nagbabayad ng buwis? Bakit hindi na lang nya ipinabayad sa akin?'

Naiinis ito dahil naisahan na naman sya ng tyuhin nyang ito.

Napatingin ang lahat sa direksyon ni Roland.

Nagkaroon ng ingay ang paligid. Sari saring diskusyon ang maririnig.

"Sabi na sigurado ngang si Roland Ledesma nga ang tunay na mayari!"

"Oo, walang ng duda! Kung sya ang nagbabayad ng buwis marahil ay sya na nga!"

"Ehem!"

Tumahimik ang lahat ng marinig ang boses ni Vice Mayor. Lumalakas na kasi ang ingay ng nasa paligid.

"Mga kasama! Maari bang pigilan nyo ang mga sarili ninyo, lalong lalo na ang bibig ninyo!

Huwag nyo sanang kalimutan andito tayo para maging tagamasid lang!"

Pagsuway ni Bise sa mga kasamahan ng makitang nakatingin na si Mayor sa direksyon nila.

Nang wala ng ingay na madidinig saka nagpatuloy si Mayor.

"Mr. Ledesma, ayon sa'yo ikaw ang nagbabayad ng amilyar? Pwede bang makita ang mga resibo ng pinagbayaran mong amilyar?"

Tanong ni Mayor Arnold.

"Hah?! a.. e, hindi ko kasi nadala! .... Pwede bang pagbalik ko na lang Mayor!"

Tumango na lang si Mayor Arnold sa kanya at saka nagisip.

"Uhm... Mayor, dahil sa nagkamali ang mga manunukat sa sukat ng lupa na nabili ko at di ko naman talaga yun sinasadya, na mapasama ang lupain pagaari ni Ms. Isabel. Ibig pong sabihin nun hindi ko rin po sinasadya na maisama sa binabayaran kong buwis ang lupain nya.

Diba dapat lang na bayaran ako ni Ms. Isabel sa mga buwis na ibinayad ko nitong nagdaang labinglimang taon?"

Sabi ni Roland na parang pakiramdam nya naisahan sya kaya anong masama kung maningil sya.

Ganito talaga si Roland kapag gumagawa ng kasinungalingan, naniniwala syang totoo ito at nakakalimutan isa lang itong kasinungalingan.

Napatanga si Mayor Arnold.

Di sya makapaniwala na may ganitong tao sa saksakan ang kapal ng mukha.

'Diba nya naiisip na pwede syang idemanda ni Isabel dahil inaangkin nya ang lupa nito?'

Pero si Issay kalmado lang na nakatingin kay Roland.

'Nakakatawa itong taong ito!'

Ito ang nasa isip ni Issay.

"Mayor, may kahilingin lang po ako."

Sabi ni Issay.

"Ano yun Ms. Isabel?"

"Pwede ko po bang makita ang dokumentong dala ni Mr. Ledesma?"

Napaismid si Roland.

"Hmp! At bakit?"

"Gusto ko lang masiguro kung talagang si Lolo nga ang nakapirma sa mga papeles na yan."

Paliwanag ni Issay.

"May katwiran sya Mr. Ledesma!"

Sabi ni Mayor Arnold at iniabot nito ang mga dokumento kay Issay.

Tiningnan itong isa isa ni Issay na parang sinusuri ang bawat nakalagay.

Napataas ang kilay ni Roland.

'Binabasa nya ba isa isa yung nakalagay o baka naman nagpapakitang gilas lang sya?'

Pagkatapos mabasa ni Issay ang dokumento saka ito muling nagsalita.

"Mayor, pwede ba akong magtanong tungkol sa dokumentong ito ni Mr. Ledesma?"

"Oo naman, Issay! Bakit hindi ba yan ang pirma ng Lolo mo?"

Tanong ni Mayor Arnold na umaasa.

"Kasi po Mayor may napansin lang ako. Bakit 'MR SAAVEDRA' lang ang nakasulat at nakapirma?"

Kinuha ni Mayor ang dokumento at tiningnan. Totoo nga, ba't ngayon lang nya napansin?

Nataranta si Roland.

"Aba malay ko kung bakit ganyan sya pumirma!"

Depensa agad ni Roland.

"Pero Mr. Ledesma, kahit saan parte ng dokumento Mr. Saavedra lang ang nakalagay! Paano namin malalaman kung sinong Mr. Saavedra 'to?"

Natahimik si Roland. Marahil ay naghahagilap ng isasagot.

"Mr. Ledesma, sabi mo nagkausap kayo ng may ari ng lupa bago sya namatay, pwede bang malaman kung sinong nakausap mo?"

Pangungulit ni Mayor Arnold.

Pilit na nagiisip si Roland ng pangalan.

"Si.. si.. Leopoldo Saavedra! Tama! Syanga!"

Bulalas ni Roland.

Ito ang unang pangalan na naalala nyang binanggit ng pamangkin nyang si Kapitan Tyago na nasa titulo ng lupa.

"Sigurado ka ba?"

Tanong ni Mayor Arnold.

"Oo naman Mayor! Ba't parang nagduda ka?"

Naainis na tono ni Roland.

"E, bakit hindi mo nilagay ang pangalan nya kung sigurado ka?!"

May halong pagkairita ang tono ni Mayor Arnold. Hindi na nito maitago ang pagkainis, ramdam nya kasing nagdadahilan lang ito.

"E, Mayor, ako po ang me kasalanan nyan. Ipinagawa ko po sa sekretarya ko yan ng hindi nacheck bago na notaryo!"

Pagpapaliwanag ni Kapitan Tyago.

Pinilit ni Mayor na kontrolin ang sarili.

Kailangan matapos nya ang usaping ito ngayon, kaya kinakailangan nyang kumalma.

Ang ipinagtataka ni Mayor Arnold ay ang kalmadong mukha ni Isabel.

'Kung ibang tao ito, malamang nagwawala na ito sa galit. Pero wala ka man lang makikitang kahit konting bahid ng pagaalala sa mukha nya!'

'Nakangiti pa sya!'

Muli nitong binalingan si Roland.

"Mr. Ledesma, Pano mo nga pala nakilala si Mr. Leopoldo Saavedra?"

"Sa pamangkin kong si Santiago! Hehe!"

Sagot ni Roland sabay tapik ng malakas kay Kapitan Tyago na nasa tabi nya.

"Ang nanay nitong si Santiago at ang asawa ni Leopoldo Saavedra ay mag pinsang buo! At itong si Tyago ay laging andun sa kanila at kinagigiliwan ni Leopoldo! Hehe!"

Buong pagmamalaking kwento ni Roland.

'Sino pang makakapagpatunay na hakahaka ko lang ang sinasabi ko, e mga patay na lahat ang mga binanggit ko!'

Nakangiting sambit ng isip ni Roland.

Ramdam na nya ngayon ang tagumpay.

"Totoo yun Mayor! Katunayan nga, gusto akong ampunin ni Mr. Saavedra pero di pumayag ang nanay ko!"

Buong ngiting pagsangayon ni Kapitan Tyago sa sinabi ng Tyuhin.

'Pagkatapos nito dapat sigurong bigyan ako ng malaking bonus ni Tyong! Hehe!'

Napangiti si Isabel. Abot hanggang tainga ang mga ngiti nito.

Sa isip ni Issay:

'Ang isda nga naman sa bibig mahuhuli.'

Nang biglang bumukas ang pinto, sabay katok para makuha ang atensyon ng mga naroon.

Nakita ni Mayor ang asawa at pinapasok ito. Pero hindi ito dumiretso sa kanya bagkus ay tumayo sa gitna nila.

"Ipagpaumanhin nyo Mayor, subalit kailangan kong putulin saglit ang pinaguusapan nyo. May mahalaga kasi akong sasabihin."

Sabi ni Cheddeng hindi lang kay Mayor maging sa lahat ng naroroon.

"Ano ba yun at tila napakahalaga?"

Curious na tanong ni Mayor.

"Meron po kasing dumating at may dalang mahalagang impormasyon tungkol sa lupaing pinaguusapan nyo!"

Sagot ni Cheddeng.

Sabay bukas ng pinto at tinawag ang taong sinabi nito.

Nagulat ang lahat kung sino ang dumating.

Biglang napatayo si Mayor pati na ang kanyang mga kasamahan ng makilala kung sino ang dumating.

Pero pinigilan sila ni Belen.

"Wagna kayong umalis sa pwesto nyo! Natutuwa ako na makabalik muli dito!"

Buong ngiting pahayag sa kanila ni Belen.

"Pero andito ako kasama si Atty. Rivera at ang aking pamangking si Edmund para tapusin ang usaping ito, kaya ipagpatuloy na natin at mamaya na tayo magkamustahan!"

At naupo na si Belen

Samantala, si Edmund ay matalim ang tingin sa lalaking katabi ni Issay at tila gustong nya itong paalisin sa tabi nito

Napansin ito ni Tiya Belen kaya hinatak na nya ang pamangkin paupo sa tabi nya.

"Madam, pwede ko po bang malaman kung bakit kayo bumisita?"

Pagbabalik ni Mayor sa usapan.

Umaliwalas ang mukha nito nasiyahan sa pag dating ng bisita.

"Dahil dito."

Sabay abot ni attorney ng folder na naglalaman ng resibo ng pinagbayarang amilyar ng taong kasalukuyan at ng mga nagdaang dalawamputlimang taon.

"Madam, ito ang..."

Hindi na natapos Mayor ang sasabihin dahil biglang sumabat si Roland.

"Belen! Pano napunta sa'yo yan?"

Pasinghal na tanong ni Roland

Dahil sa huling dumating si Belen, wala syang alam kung ano ang pinaguusapan nila kaninang wala sya at kung bakit ganito ang reaksyon ng pinsan nyang si Roland.

"Mayor Arnold, kaya po nasa pagiingat ko yang amilyar ay dahil inihabilin yan sa akin ng namatay kong kapatid na si Luis Perdigoñez."

Paliwanag ni Belen

Nagulat ang lahat.

Bat napasama si Luis Perdigoñez?

Ibig bang sabihin nito, nagkainteres si Luis sa lupain ng mga Saavedra?

At ibig din bang sabihin nito

may ikatlong umaangkin sa pag mamayari ng lupa?

Lalong sumakit ang ulo ni Mayor.

Chapitre suivant