webnovel

Asus

Ayradel's Side

Pinilit kong kalimutan lahat ng nangyari. Pinilit kong ikalma ang sarili ko, saka maayos na pinasok ang gate ng aming skwelahan.

Marami-rami na rin ang mga estudyante. Mas pinili kong dumaan sa may bandang madadaanan ang open court, pagkatapos ay ang gymnasium...

Walang masiyadong tao roon. Lalagpasan ko na sana nang may makita akong pamilyar na pigura. Mas lumapit pa ako sa entrance ng gymnasium, doon ay natanaw ko si Charles na mag-isang nagbabasketball.

Nakasuot siya ng normal na white shirt at pantalon, pero sige ang pagdribol at pagshoot niya sa bola na para bang sarili niya ang kalaban niya.

Ilang beses niyang ginawa iyon hanggang sa mapagod siya at hingal na hingal na naupo sa floor ng gymnasium. Hinayaan niyang tumalbog palayo yung bola, tapos saka niya niyakap ang sarili niyang tuhod.

Halos manlambot ang puso ko sa nakikita ko... hindi ko sigurado pero parang meron siyang problema?

Nahihiya man ay sinikap kong lumapit. Tumigil lang ako sa paglalakad noong nasa tapat niya na ako, habang nakayuko pa rin siya.

"C-Charles." sambit ko na mukhang ikinagulat niya. Agad siyang napatingin sa akin, puno ng pawis ang katawan niya pero langhap ko pa rin ang bango nito.

"Ayra," aniya na ngumiti.

Napatingin ako sa orasan. Late na ako, late na kami, dahil 9am na. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan kong mangyari 'to ngayon.

Umupo rin ako sa sahig ng gymnasium hindi gan'on kalapit, at hindi rin gan'on kalayo sa kanya. Parang pwede pang makaupo ang isang tao sa pagitan namin.

Sigh...

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko.

"Ikaw?" aniya. "May klase na. Okay lang akong ma-late, e ikaw?"

"Ngayon lang ako male-late." sabi ko sabay tawa.

"Yabang naman!"

"Totoo naman e! Kung tutuusin, mas pwedeng ma-late ang mga ngayon lang male-late kaysa sa mga PURO late na."

Humalakhak siya at gan'on rin ako.

"Oo na po, Miss Rank 1." sagot niya. "Pinagalitan pa ako! Tsk, tsk! Hahaha!"

"O, ano ngang ginagawa mo rito?" tanong ko. Tumunganga lang siya saglit sa mukha ko pagkatapos ay tumayo upang kunin yung bola na hinayaan niyang gumulong kanina.

"Eto," sagot niya, sabay dribol. "Nagpapractice kung saan tingin ko ako mas magaling." humakbang siya palayo, pagkatapos ay walang kahirap-hirap na shinoot iyon. "Pero kahit anong galing mo, kulang pa rin e."

Malungkot na kinuha niya ulit yung bola at umupo ulit sa tabi ko.

"Naramdaman mo na ba 'yon? Yung tingin mo, binigay mo na lahat, kulang pa rin?"

ngumiti ako ng tipid. "Oo naman."

"Talaga?"

"Hmm..." sabi ko. "Bakit? Sino bang nagpaparamdam sa iyo na may kulang pa?"

"Para sa mga magulang ko kasi, kulang pa rin lahat ng ginagawa ko, or should I say, mali 'tong ginagawa ko." sagot niya gamit ang malungkot na boses. "You know, bata pa lang ako, alam ko na kung anong gusto ko. Bukod sa sports ay alam kong basketball na talaga ang mahal ko. Dito ako nakakakuha ng self fulfillment. I don't have any interests in academics. Alam kong mali, pero nakakasakal rin e. My parents wants me to be an entrpreneur like them... e wala nga akong alam sa business."

Napatunganga na lang ako sa kanya. Sa tingkad ng ngiti niya ay hindi ko akalaing may itinatago siyang ganitong lungkot.

I heaved a heavy sigh...

"Pareho pala tayo e..."

Napatingin siya sa akin... "Bakit naman? Sino nagsabi sa 'yong kulang ka? Gugulpihin ko?!"

Tumawa ako. "Mama ko!"

Humalakhak naman siya at nahiya. "Joke lang pala. Hehe."

"Tss. Mabuti ka nga, may talent ka e, itong pagbabasketball." panimula ko. "E ako? I don't have any talents or skills kundi ang magmemorize. Tingin ko sa academics lang ako pupwede. Sobra ko ring ginawa lahat ng kaya ko, para sumaya si Mama. Mula kinder ay Rank 1 ako... hindi ko alam pero parang hindi pa iyon sapat. Kung may mas mataas pa sa Rank 1, malamang yun na ang goal kong makuha ngayon..."

"Why not.... Rank zero? Hahahaha!"

"Wew!" humalakhak na rin ako.

Hindi ko akalaing makakausap ko ng ganito si Charles. Akala ko puro kababawan lang ang alam nito sa buhay e.

"Ang hirap no... Ako, I don't even know why am I here... in this course." aniya pa. "But at least n'ong nalaman kong dito ka rin nagenroll, medyo nagkapurpose ako. Hehe."

Halos tumalbog ang dibdib ko sa kaprangkahan niya.

"Ano ka ba." nagiinit ang pisnging sabi ko.

"Bakit? Hahaha! Hindi ka pa ba sanay na may nagsasabi sa iyo ng ganito? Simula ngayon dapat masanay ka na."

"Psh!" I managed to firm my voice. "T-Tama nga ang mga magulang mo! Mag-aral ka!" natatawang sabi ko.

He pouted. Halos magrambol ang dibdib ko nang mag-lean in siya ng kaonti palapit sa akin.

"Then... Can you be my tutor, Miss Ayradel?"

Aniya. Natulala ako saglit, hindi dahil sa kanya kundi dahil sa mga naalala ko sa nakaraan.

Tumikhim ako. At umiling-iling.

"Tama na 'yan. Naniniwala ako sa galing mo sa basketball. I know you are more than enough."

"Talaga?" lumiwanag ang mukha niya.

"Hmm. Pero life is not all about basketball. Naiintindihan ko ang lungkot mo, pero naintindihan ko ang parents mo. Make them proud na magaling ka sa basketball, and also, make them proud na you excel on class. Okay ba 'yon?"

Napaisip siya sa sinabi ko, pagkatapos ay agad na ngumiti.

"Okay..." aniya.

"Good."

"So, you will help me?"

"Kung gusto mo?"

"Oo naman!"

Napangiti ako, pero agad ring nalungkot dahil naalala ko na naman s kanya si Richard.

Tsk. Mali 'to.

"Bakit?"

ngumisi ako. "Wala lang."

Tumayo siya at gan'on rin ako.

"Tara na sa room? Excited na akong mag-aral!" aniya na tinawanan ko naman.

"Ang plastik!"

Numuso siya. "Ang sama mo naman! Ikaw nagbigay ng inspirasyon sakin tapos ikaw rin panira! Tss!"

"Oo na! Sorry na!"

"Yown!" saka siya umakbay sa akin, pero agad ko ring inalis iyon dahil baka may mapanuring mata na naman ang makakita sa amin.

Hindi nga ako nagkamali, dahil paglabas namin ng gymnasium ay natanaw ko si Richard na diretso ang tingin sa amin. Hindi siya nakikita ni Charles na sige lang sa pangungulit sa akin, pero kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay nasa kanya ang atensyon ko.

Ano bang problema mo? At anong pake mo? Tss.

Nagpanggap na lang akong hindi ko siya nakita at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Mabuti na lang at hindi ko siya kaklase sa araw na ito. Sa ibang block section siya nakalagay.

Nakarating kami ni Charles sa classroom nang nagkaklase na. Hindi katulad noong highschool ay hindi masiyadong mahigpit ang attendance sa college. Madalas pa nga ay nakakalimutan mag-attendance, o may mga absent naman talaga pero isinusulat ng mga kaibigan nila sa attendace. Tsk, tsk. Pero dipende pa rin sa prof, may mga prof na sobrang higpit sa attendance, maging sa mga lates and absences.

"Saan kayo galing mga bakla?" salubong sa amin ni Lea noong matapos ang klase sa unang subject.

"At talagang sabay pa kayo ni Charles ha! Kayo haaaaaaa!" pangaasar ni Blesse.

"Nagkasabay lang kami sa paglalakad." sabi ko na lang. Ayoko nang ikwento lahat. Nahihiya rin ako kay Charles na naglalakad lang naman sa likuran namin.

"Asuuuuuuuuus!"

Naglalakad kami ngayon papuntang cafeteria. Siksikan, ang daming taong nakapila, pedo kahit gan'on ay hindi ganoon kainit dahil pati dito ay airconditioned. Nakapili rin agad kami ng lamesa na pagpu-pwestuhan naming lima.

Bale ang pwesto ay ako, charles, Lea. Pagkatapos sa kabila ay sina Blesse at Lea. May isa pang bakanteng upuan, dahil pang anim-an itong lamesa.

Si Charles ang pumila para sa order naming lahat, kaya naman nagkwentuhan na lang kami habang naghihintay.

"Ikaw nga Ayra, ay magsabi ng totoo."

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Lea.

"Trip ka ba ni fafa Charles?" tanong niya na ikinagulat ko. Naalala ko naman yung pinagsasabi niya sa akin kanina.

"A-ano ka ba! Bakit sa akin mo tinatanong?"

"Syempre gurl! Ikaw nakakaramdam!"

"Hindi no! Bakit ba ganyan kayo magisip?!" sagot ko naman.

"Hmm... mukha ngang wala PANG something sa kanila ni fafa Charles. Wala PA. Hehehehehe!" sabat naman ni Rocel.

"Pero may pag-asa ba si Charles sa'yo? Parang bet ka niya te, ramdam mo ba?! O manhid ka?" Blesse.

Sonrang pula na ng pisngi ko sa pinaguusapan.

"W-wala, ano ba kayo! Magkaibigan kami!"

"Asuuuuuuus!" silang tatlo yan.

"Pero nagkaboyfriend ka na ba?"

Mas lalong tumalbog ang dibdib ko sa tanong ni Rocel. Hindi ko alam kung bakit ako ang topic! Dapat kasi hindi ko na lang sinabayan sa pagpasok si Charles e!!!

Lumunok ako.

"Oo—"

"TOTOOOOOO?! SINOOOOO? ANO PANGALAN?!"

Napangiwi ako sa ingay nila. Maingay na rito sa cafeteria pero nangingibabaw pa rin ang boses nila.

"Isang beses, pero ex na kami. Naghiwalay kami n'ong senior highschool." sabi ko.

"Aw, sayang naman!"

"Bet ko gwapo 'yon ano?! Pero mas gwapo pa rin syempre ang fafa Richard ko! Hihihi!"

Napangiwi ako sa sinabi ni Blesse. Kung alam mo lang, Blesse, kung alam mo lang.

"Pero sino yung Ex mo, Ayra?"

Ang kukulit naman ng mga 'to!

"A-ahm..."

Bago pa ako makasagot ay bahagyang umingay ang paligid. Napatingin kaming lahat, at speaking of the devil.... pumasok si Richard Lee. Kaya pala nagsisitilian na naman ng pa-impit ang mga babae.

"Ayan na pala 'yung ex ko ih! Hihihi~" sabi bigla ni Lea na agad na binatukan ni Blesse.

"Kapal mo bakla ah?"

"Waaaw! Sino kaya mas makapal sa atin? Ikaw nga sinasabi mong asawa mo 'yan e!"

At nag-away na lang talaga sila...

Matapos ang ilan pang minuto ay  dumating na si Charles dala ang mga order namin.

"Tagal mo fafa Charles! Tomguts na kami ih!" sabi ni Blesse.

"Hahahaha! Sorry! Dahil dyan, may libre akong fries and drinks!"

Totoo nga. Hindi naman kami umorder n'on pero nagkaganoon sa mga inilapag niya.

"Sige na, kain na!" sabi ko, pero bago pa kami makapagsimula lng kumain ay biglang may nagsalita.

.

.

"Can I sit here?"

Napaangat ang tingin namin sa lalaking itinuturo ngayon ang upuang katabi ni Blesse. Bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko, samantalang si Blesse naman ay halos manigas na sa sobrang pagkagulat.

"A-a-a-ah O-o-o-oo!!!!! Oo!!!! Upo ka!!!!!" sabi ni Blesse na hindi magkanda-ugaga.

Tipid namang ngumiti si Richard, saka umupo sa tabi ni Blesse.

Nagsimula na kaming kumain. Sina Blesse, Rocel at Lea ay halatang hindi mapakali, at any moment parang gusto na nilang yakapin si Richard.

"Ahm... Richard, right?" panimula ni Blesse.

"Hmm." tango naman ni Richard habang kumakain na. Doon pa lang e, parang titili na si Blesse.

"Ahm... kaklase mo kami sa Biology at P.E—"

"Hmm... Kilala ko kayo, kaya sa inyo ako nakiupo." sagot muli nito kaya sina Lea e parang tatalon na sa saya.

Ako naman ay naiinis. Bakit ganyan siya kabait ngayon?! Bakit nawala ang kahanginan niya noong highschool kami? Huh! Akala mo kung sino!

Hindi ko namalayang pinapatay ko na pala yung karneng ulam ko dahil sa inis. Nagising lang ako noong hawakan ni Charles ang braso ko.

"Sorry," sambit ko, sabay tingin kay Richard na nakatingin sa braso kong hinawakan ni Charles.

"Oh! Mabuti naman at kilala mo kami! Hihihihi!" sagot ni Blesse.

Nawalan na sila ng salitang itatanong kay Richard kaya naman nagpatuloy na lang sila sa pagkain, habang patuloy na kinikilig— at paminsan minsan na naguusap gamit ang mata.

"Ayra!" halos mapatalon ako sa gulat nang bigla akong nilapagan ni Charles ng gulay sa plato. Pinakbet yata ang ulam niya, kaya naglapag siya ng okra, kalabasa, at.... kamatis. Err.

Napatingin ang lahat kay Charles, na ngayon ay nakangiti sa akin.

"Kumain ka naman ng gulay, kailangan mo 'yan para tumaba ka."

Ngumiti ako, na may kasamang ngiwi. Binalik ko sa kanya yung kamatis.

"Di ako kumakain ng kamatis, haha! Pero kakainin ko 'tong iba!"

"Asuuuuuuus!" mahinang kantyaw nina Lea, sapat na para marinig namin.

Kasabay n'on ay ang pabagsak na paglapag ni Richard sa baso pagkainom niya. Napunta sa kanya ang tingin naming lahat.

"Tapos na ako. Thank you." tipid na sabi niya sabay tayo at kuha ng pinagkainan niya upang ilagay sa lababo kung saan ito hinuhugasan ng mga taga-hugas.

Nalilitong tinignan siya nina Lea, Rocel, at Blesse.

"Ay, nagalit yata si fafa Richard?"

"Nagalit yata sayo Bless!!!!"

"Halaaaaa huhu! Masama na bang kiligin sa kanya? Huhuhu kinilig lang naman ako e!" sabi ni Blesse.

Pinagmasdan ko ulit si Richard Lee na ngayon ay nakalakad na palabas ng cafeteria.

Chapitre suivant