Ayradel's Side
Bumalik kami sa klase kinalaunan.
Walang prof pero pagdating namin ay nasa harapan na ang presidente ng student council ng aming kolehiyo na tinipon ang mga kaklase ko sa classroom. Umupo na rin kami sa rescpective seats namin, as usual sa akin tumabi si Charles, pagkatapos ay sabay-sabay na kaming nakinig.
"Since nalalapit na ang Entrep Week at Entrep Congress ay kakailanganin ng mga Seniors ang tulong ninyo sa mga darating na events at kung ano pa." panimula n'ong presidente. "May mga umiikot na na representatives ng mga organization para hingan kayo ng lists ng mga sasali sa mga events and competitions. Hindi ba? May lumapit na ba sa inyo?"
"Opo! Kasali nga kaibigan namin sa Miss Enrep e!"
Napasapo ako ng noo nang biglang sumigaw si Lea.
"Oh okay." anito. "Bukod diyan ay aasahan namin ang tulong ninyo sa production, at sponsorship."
"Paanong sponsorship? Kami ang sponsor?" tanong ng isang kaklase ko.
"Of course not! Kayo ang maghahanap ng sponsors. Huwag kayong mag-alala dahil hindi namin kayo pinepressure. One or two sponsors na mahanap niyo are enough, pero mas marami mas maganda para mapababa pa natin ang ating mga ambagan."
"Can I just ambag na lang? Parang nakakapagod naman 'yan! Lalo na yung production!" maarteng sabi ng isang magandang babae sa likod.
"Of course you can. Pero asahan mo ring pakpak ang grade mo."
Umirap lamang yung magandang babae sa presidente na binabae.
"O sige na, yun lamang! Maraming salamat! I suggest, magelect na kayo ng class president niyo to handle things."
Saka umalis yung presidente ng SC. After n'on ay may kaklase akong tumayo sa unahan, babae siya na nagsusumigaw ng conisence. Malakas rin ang bibig niya na talaga nagpatahimik sa mga maiingay kong kaklase.
"Katulad nga ng sinabi kanina nung SC, mag-election na tayo ng president!"
"Magbobotohan pa ba? Etong si Sheena na agad tutal siya naman ang pinaka-maganda at pinakamatalino here!"
"Kaimyerna! Lagi niya na lang pinagmamalaking matalino siya! Siya na dyosa! Siya na matalino! Bigwasan ko 'tong bida bida na 'to e!" komento ni Blesse.
Kinalabit naman ako ni Lea, pagkatapos ay may binulong. "Mag-president ka kaya bi!!!"
Agad naman akong tumutol sa suhesyon niya.
"Ayoko!"
"Para matalo mo 'yang Sheena na yan!"
"Ba't ko naman siya tatalunin? Ayoko lang talaga magpresident."
Kung gugustuhin ko'y dapat noong highschool pa lang. Ayoko ng may posisyon at atensyon.
Nagsimula ulit magingay ang mga kaklase namin.
"Oo! Si Sheena na!"
"Oo nga siya na!!"
"Wag na tayong magbotohan! Carried na yan!"
Ayun nga, natapos ang usapan nang si Sheena na ang Presidente. Ganoon kadali dahil wala naman nang umalma. Noong dumaan sa harapan ko si Sheena ay kataka-takang tinaasan niya ako ng kilay. Hindi ko alam pero parang pinagmamalaki niya sa aking Presidente na siya.
Umiwas na siya ng tingin at pumunta na sa unahan. Punong-puno siya ng confidence at feel na feel niya ang pwesto niya sa harapan. May pahampas hampas pa siya sa table na akala mo e, guro.
Nakaramdam ako ng inis sa pagmumukha niya. Naku, ang ganda mo pa namang babae! Bakit ganyan ang ugali mo? Hays!
"Okay.... dahil ako na ang presidente niyo... ako nang bahalang magdistribute ng mga gawain para sa buong klase." maarteng sabi niya.
"Wooooo! Go Sheeeen!" suportadong suportado naman ang kaibigan niya sa kanya.
"At ang pinipili kong tutulong sa akin ay si Charles Lizarde..." ani ni Sheena na ngiting ngiti.
Ohhhhh. May gusto pa yata ang isang ito kay Charles!
Gulat na gulat naman si Charles na nakatungo lang kanina sa tabi ko.
"Ha? Anong meron sa akin?"
"Ikaw daw vice president ni presi!" gatong ng isa naming kaklase. Agad namang nagsitilian ang mga ito.
Tumingin sa akin si Charles pagkatapos ay tinignan si Sheena na naghihintay.
"Ayoko! Mukha ba akong vice president?" aniya. "Tsk! Natutulog yung tao e?"
Si Sheena naman ay nalaglag ang panga...
"Ah.... Hehehe. Mukhang nagising yata natin!" aniya na namumula ang mukha.
"Tsk! President ba yan e parang landi inaatupag bago yung kailangang gawin!" komento ni Rocel.
"Nice one kay bebe Charles! Hihi! Tunganga siya ih!"
Napunta ang usapan sa paggu-groupings para mas mapadali ang mga gawain. Grupo ng production at grupo ng sponsorship. Tinanong ang lahat kung saan nila gustong mapabilang, pero hindi ko alam kung bakit pagdating sa akin ay hindi nasunod.
"Bicol... team Sponsorship."
Agad akong umalma ng tahimik kay Riza, yung nagbabasa ng groupings.
"Uy. Sa prod yung pinili ko e." sabi ko. Mas may alam ako sa production dahil HS pa lang ay ginagawa ko na iyon. May alam rin naman ako sa sponsorship pero kaonti lang. Mas gusto ko rin talaga sa production.
"Puno na ang tao sa production," sumingit ang ngising-ngisi na si Sheena sa usapan. "Kaya sa Sponsorship ka na. Okay?"
"Ang unfair mo naman sis! E lahat tayo nasunod sa kung saan natin gusto ah!" si Rocel ang nagreklamo.
Silang tatlo nina Lea at Blesse ay nasa production.
"Utak kasi at confidence kailangan sa sponsorship e! Gagawa ka ng letters at mangkakausap ng iba't ibang leaders ng mga company!" — sabi nilang tatlo yan kaya ayun.
Hindi ko mapigilang mainis dahil alam kong sinadya niya yun upang mangasar. Pero hindi ako nagpahalata na naapektuhan ako.
"Rocel, okay lang. Gusto ko rin naman sa Sponsorship. I could do any of the two."
Laglag ang panga ni Sheena noong lagpasan ko siya at puntahan ko ang Sponsorship team.
Okay lang. May alam naman talaga ako sa sponsorship. Kaso mga baranggay captain lang naman hinihingan ko noon ng sponsors e. Lol.
"Ghad, I don't have any idea sa pagkuha ng sponsor!" reklamo ng isa sa mga kaklase ko na si Zenie. "Ayoko rin namang mapagod sa prod! Ugh!"
"Ikaw, Gem! Diba may business family mo?"
"E! Wala akong alam doon!"
Kanya kanya na sila ng dahilan, at yung iba ay tahimik at mukha lang talagang walang pakialam.
"Uh... I know one thing..." Napalingon silang lahat sa akin. "I can write sponsorship letters, siguro ang kailangan muna nating hanapin ay ang target sponsors na pagsesendan natin ng letters natin!"
"Sige. And kailangan nating makahanap ng sponsor contacts! Mas maganda siguro kung more than 2 para matuwa naman sa atin ang seniors!"
"Kailangan rin yung makukuha nating sponsors syempre ay connected sa event."
"Ah! May suggestion ako!" sabi ni Kristine.
"How about Richard Lee's company?"
Agad na naghabulan ang puso ko sa sinabi niya. Kinikilig kilig pa siya habang sinasabi iyon, samantalang ako naman ay muntik nang malaglag sa kinauupuan ko.
"Kunin nating sponsor! Yung Edukasyon Planner Company!"