((( Monina POV's )))
Di talaga ako natulog. Gustong-gusto ko nap ag-umpugin ang ulo ng Cedrick na yan! Di rin ako gumawa ng mga bagay na ikakapagod lang naman ng mga taong nasa paligid ko. Ako pa yung makarma.
Binuksan ko ulit ang kurtina. At halos napangiti ako ng sumalubong sa akin ang sunrays na malaginto nito. Ang ganda ng tabing dagat. White sand na ang sarap ngang tumakbo sa dalampasigan. Nagsisisayawan yung puno na parang niayaya akong lumabas.
Alam kong di nag-alala ang pamilya ko sa akin dahil alam nila na may sched ako ngayon sa trabaho. Saka umaasa talaga ako sa sinabi ni Rhoa na kahit tumambay ako dito makukuha ko parin ang sahod ko.
Napalingon ako ng bumukas ang pinto. Si Rhoa. Ang cute nito sa uniform niya. Ngunit halatang walang tulog.
"Asaan yung bag ko?" tanong ko sa kanya.
"Kumain ka muna." kaya kumuha ako ng isang cute nap aka-slice ng vegies sandwhich. Dalawang kagat lang tapos.
"My bag please?" Di lang ako basta nag-uutos. May please pa yan ha. Alam ko ang pinagdadaanan ng mga kagaya ko na nagbibigay ng serbisyo. Kunting respeto kahit paano. kahit nga servant pa yan. Nakakalungkot man sabihin, yung iba inaalipin nga ng pera. Swerte ng mga taong kumukontrol ng pera.
At ininguso niya yung drawer na andoon lang pala nito nilagay. Lumapit ako at di pa naman lowbat yung camera. Napangiti ako sa kanya. Saka nga lumabas na ng silid na ikinasingaw ng pangalan ko nito.
Natigilan ako tumakbo ng napalakad na lamang ako sahil sa ganda ng boung paligid. Yung architectural style na parang oocean lover ang nakatira dito. Ang mula kisameng aquarium. Ang presko ng paligid. Ang daming isda. Napapicture ako. Pakiramdam ko tuloy nakapasok ako sa isang aqua park. Ngunit natigilan ako ng … totoo bang Lion ang nakikita ko?!
Kitty, relaxs di ako mangangagat. Nafrozen ako. Asaan na ba si Rhoa?!
Napapikit na lamang ako ng tinakbo ako ng Lion. Ngunit muling napamulat para lang makitang… hinihimas ni Manyak yung alaga niya.
Teka within a seconds andito siya sa harapan ko. Plus yung secretarya nga niyang nakangiti sa akin. Palit kayo ng labi ng amo mo. Kanya yung nakangiting labi, iyo naman yung halatang napaka grumpy na labi nito.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin na di man lang ako tinatapunan ng paningin. Halata ngang inaamo niya ang alaga nito. Saka makatanong to, di ba niya alam na kinulong lang naman nila ako dito!
"So meaning uwi na ako."
"I thought nasa loob ka ng silid mo."
Silid mo? Di ko yun silid. Hinila na ng isa sa tauhan niya yung lion. Sayang di ko man lang napicturan. See yah Hello kitty. Next time kanta tayo ng Roar.
"Dyan ka muna." dahil nakita ko na yung labasan papunta sa dalampasigan. Tumakbo na ako saka nga kumuha ng larawan. Ang ganada. Yung orange rays na parang may maganda at masiglang araw na sumisibol na umaga para sa ating lahat.
Nagsawa ako sa kaka-picture. Pati nga yung seashells napagtripan ko.
Ngunit, nang mapatitig ako sa pinangalingan ko, May kalakihan at kaganda ng desenyo ng bahay ni Mr. Manyak. Kinunan ko ng larawan na baka ngayon lang ang chance.
Napapagitnaan ang bahay niya ng bulubundok upang mailihim nga ang ganda ng dalampasigan na ito.
Mabuti pa ang mga mayayaman, nagagawang paraisoang mundong ito para sa kanila. Sabi nila, the more na mayaman ka, the more na maraming problemang dumarating sa iyo. Talaga ba? Siguro, di ko lang na-experience na maging mayaman. Hahaha.
Nililipad ang buhok ko na di ko man lang naitali. Kaya napapaipit ako sa aking tenga.