webnovel

Chapter 71 Live With Me

((( Secretary Lee POV's )))

Hinayaan lamang ni Master Cedrick si Miss Monina na lumabas. Sinundan niya ito ng titig. Hangang sa naabutan kami ni Rhoa."Master Cedrick."

"She didn't make a fuss right?"

"She didn't."

"Make a breakfast for us." na ikinatango ko na lang kay Rhoa. Di kasi ito nilingon ni Master Cedrick at nagtatanong ang kanyang mga mata kung kailan pa kami dumating. Kamuntik lang naman lapain ng Lion ang binabantayan mo Rhoa.

Saka namalayan ko na lang lumabas si Master Cedrick. Napahawak sa may railings na paibaba nga ang dalampasigan kung nasaan si Miss Monina, Abala itong kumukuha ng larawan. Hangang sa magsawa ito.

"Confiscate her camera." titig niya sa akin, at naupo na nga sa outdoor chair na nililiman ng puno. Dumating si Rhoa at ako naman ibinaba ang gamit ko sa isang upuan. Pupuntahan ko na sana si Miss Monina ng…

"Hayaan mo muna siya." at lumapit sa akin si Rhoa para i-abot ang inumin ko.

Patuloy paring pinagmamasdan ni Master Cedrick si Miss Monina. Ginugulo ng hangin ang buhok niya na paulit-ulit iniipit angilang hibla sa tenga nito. Hangang sa kusa ngang bumalik na nakatitig parin sa camera niya. May ngiti sa labi na parang nakakita ng diamante. Saka napatitig sa aming dalawa. Ngumiti ito ng pagkalaki-laki.

"I hope my father can see this! A beautiful paradise."

Tumayo ako para ipanghila ito ng mauupuan.

"Thank you." Saka nga kinuha ko ang camera na nagulat siya. Tumango ako sa kanya na kailangan niya itong bitawan.

"Tatayo na lang ako. Wag mo lang kunin camera ko."

"Ibigay mo yan sa kanya." si master Cedrick."

"Akin to?! Bakit ko sa kanya ibibigay."

"Tss. Get it!"

"Hoy!" na ikinalayo nito sa akin. "Kung yung mg a larawan ko lang naman ang dahilan ng pagkuha mo ng camera ko, buburahin ko na! Wag niyo lang pag-initan ang pinag-ipunan ko. " saka nganaging abala ito. Napatitig ako kay Master Cedrick. Yun parin ang utos niya. Kunin ang camera. Napabuntong hininga ako.

Bigla ko ngang hinablot kay Miss Monina.

"Ibalik mo sa akin yan!" Tanging itinaas ko ito na di nga niya kayang abutin. Tsk. Kung makikita ako ng asawa ko, paniguradong papatayin ako noon sa selos.

Nang biglang mapayakap ito sa akin dahil dumaan ngang tumatakbo ang alaga ni Master Cedrick. Narinig lang ang isang sipol parang aso na tumakbo sa kanya.

"May balak din bang palapain ako ng amo mong sira ulo sa alaga niya?"

"Oo Miss Monina. Kung di ka pa titigil." na agad niyang ikinakalas sa akin.

Nangangamoy na di gusto ni Master Cedrick ang ginawa ni Miss Monina.

"Have a seat." alok ko sa kanya ng upuan. Habang si Master Cedrick nakapikit na hinihintay ngang mapakalma si miss Monina sa ginagawa nito.

"Ibabalik mo ang camera ko diba? Promise i-didelete ko lahat ng larawan na kinuha ko."

Napasenyas akong tumahimik na siya. Lapat ng daliri sa labi ko. At napatitig siya kay master Cedrick. Ngunit lumingon ulit sa akin para mahinang sabihin.

"Talagang kailangan na niya magpatingin sa doctor." Di na lang ako sumagot.

Hangang sa naimulat na nga ni Master Cedrick ang kanyang mga mata. Nahiga sa tabi ng upuan niya ang Lion. At kung may pagbabanta pa ngang mag-ingay si Miss Monina paniguradong malalapa siya ng alaga nito.

Ngunit halos mapangiti ako ng nakangiti nga si Miss Monina na binati ang pagmulat ng mga mata ni Master Cedrick. Napa-ismid ito. Ang puntos ay para kay Miss Monina.

"Para matapos na ito. Sige tinatangap ko ang hamon mo. papatunayan ko sayo na nagkakamali ka sa inaakala mo na, naghahabol ako sa kapatid mo. Actually., mabait si kuya gwapo. Kuya gwapo ang tawag ko sa kapatid mo since di ko naman alam pangalan niya. Gwapo kasi ,common sense talaga namang may hitsura siya. Kung gusto mo siyang iwasan ko… Iiwasan ko. Saka di ko na nga siya nakikita sa campus. Okey na? kailangan ko pa ba mag-oath taking? Na never ako magkakagusto sa kapatid mo?"

"Secretary Lee, explain to her."

"May kailangan pa bang i-explain na malalim? Di naman ata aabot ito sa kontrata ah? Saka ikaw yung pumunit ng cheque! Di ko na yun kasalanan!"

"I'm not interested on that money, Ms. Alvarez. Gusto ko lang mawala ka ng tuluyan sa landas ng kapatid ko."

"Tingin mo talaga sa akin mukhang pera no?"

"Why? Di ba normal sa isang kagaya mo?"

Napaubo na ako. Wala pa nga mag-aaway na sila. Halos matawa na nga ako sa gustong mangyari ni Master Cedrick.

"Let me explain it to you Miss Monina." ako na nga ang nagsalita ngunit malayo naman ang sinagot nito.

"Kapag nakita ko talaga ang kapatid mo ulit. Mauubos ko ang buhok niya kahit sa kasingit –soingitan pa kung bakit ako nadadamay sa pagiging maldito mo! Kapatid ka lang kala mo naman ikaw na itong nagluwal sa kanya para maging concern sa mga babaing gusto nitong ligawan. Jusko po. Nagkakamali ka Mister Manyak sa inaakala mo na mukhang pera lahat ang mga babae."

"Yes. I'm just pointing the word some. Hindi ko nilalahat."

Ayaw na ata nila akong dalawang pagsalitain. Sabagay may nakikita an ako sa dalawa. Himala nga na napapasagot ni Miss Monina si Master Cedrick. Okey mananahimik na lang ako.

"Hoy Mister Manyak! Itatak mo ito sa kukutemo! Kung di lang kailangan ng pera sa mundong ito para mabuhay. Marami ang masaya. Wala kasi yang sukatan na mayaman, tatsulok. Whatever na systema para lang makita yung nakakalamang. Talagang marami ang magiging masaya."

Ngumisi si Master Cedrick. Di nito inaalis ang paningin kay Miss Monina.

"Do you think magiging masaya nga ang lahat kung walang pera?"

"One hundred percent sure." matatag nitong tugon sa kanya.

"Then prove it to me."

"Sige. Idagdag mo pa yan sa papatunayan ko sayo." Lumaki ang ngisi ni master Cedrick. Kunti na lang Miss Monina. machecheckmate ka ni Master Cedrick dahil sa bunganga mo.

"Then it settle. Your going to live with me." hulog na nga ng bomba ni Master Cedrick.

Chapitre suivant