webnovel

Chapter 58 Needing

((( Secretary Lee POV's )))

Sinalubong kami ni Rhoa. Di parin niya pinapapasok ang babae na nakikita ko nga sa monitor. Iniwan na siya ni Justin Sy. Halos mabingi ata si Rhoa sa ginagawang paulit-ulit na doorbell nito.

Well, ang lakas ng fighting spirit ni Miss Monina.

Miss. I am going to root with you. Guluhin mo nga ang mundong biring ni Master Cedrick. Patunayan mo na si Young Master Dominic ang nagkagusto sayo. I'm on your back cheering to you! Para sa Boss kong di maiwan ang mundo niyang kinulayan ng kulay itim.

Nakatayo lang ako sa tabi nito. Napangisi ng makita si Monina sa malaking monitor. At napapakingan ata niya ang lakas ng doorbell na halos marindi na ata si Rhoa.

"Kinukumbinsi ko na siya Master Cedrick na umalis, pero makulit talaga."

Yeah. Kailangan ni Master Cedrick yung makulit na babae. Magpapalambot sa puso nitong tigang. Lihim akong napapangiti. Hitsura kasi ni Master Cedrick di makapaniwala sa babae. Ngunit naupo lamang ito sa sofa.

Napasiko sa akin si Rhoa na parang walang gagawin si Master Cedrick. Ano ito? Hahayaan lang niya si Monina na maghapong kaka-doorbell? Kami, maghapon din kakatayo dito?

Isinandal niya ang ulo sa upuan saka ipinikit ang mga mata. Ginawa nga niyang musika ang paulit-ulit na doorbell ni Miss Monina. Di na nakayanan ni Rhoa, umalis na ito.

Until, ako na din ang naririndi. Ayaw parin ba paawat ni Miss Monina? Ayaw parin?

"Secretary Lee. Mute the belltone." narindi na rin siya. Lumapit ako sa control panel saka nga napamute. Sa monitor, patuloy parin napapadoorbel si Miss Monina.

"Sa tingin mo, bakit naririto siya?"

"Di ko alam Master Cedrick."

"Tss. Walang kwenta." Normal na masakit siya magsalita para sa akin. Wala din kasing kwenta ang tinatanong niya. Wala daw siyang oras na gustong sayangin. Eh ano ito?

"Get me some drinks."

Kaya pinuntahan ko si Rhoa. Lumapit sa fredge.

"Sino ang babaing yun?"

"Akala ko, siya ang mapaglalaruan ni Master Cedrick. Siya pala itong paglalaruan ang boss natin." pangiti kong sabi. At kumuha na nga ng wine glass.

"He need this again."

Chapitre suivant