webnovel

Chapter 59 Lock out

((( Monina POV's )))#

Tatlong oras na ako sa kakadoorbell pero di man lang ako binubuksan. Wow. Oras ko dito ang nasasayang! Letche lang oh! Di na naman ako nakapasok sa part time ko para nga maalagaan ang perang di naman akin. Dapat talaga maibalik ko ang perang to!

Ang taas ng bakod at bakod pa lang parang invisible na nakabantay si kamatayan. Ilang grim reaper ba ang sinasahuran niya para sa bakod na kala mo naman guguho ang mundo kapag nawala ang taong nakatira sa pamamahay na ito.

Ang init na. Kumakalam na din sikmura ko. Ngunit di ako susuko. Kailangan ko isampal ang cheque na ito sa mukha ng mayabang na yun! Kala naman niya sa akin. Tss.

Himala at di talaga naririndi sa kakadoorbell ko. Sinabi na din naman sa akin ni Justin Sy na walang tao pa nigurado. Anong wala?! Sa taas ng bakod! Walang nakakulong?

May mga sinabi sa akin si Justin Sy na talagang masungit ang kapatid ni Dominic. Hindi lang masungit. Manyak na bigla na lang manghahalik na di naman sa shuta niya ang labi ko. Saka yang mga taong nagsusungit-sungitan! Sila yung mga offensive masyado. Mga taong kala mo di nagkamali sa buong buhay nila.

Kailan nila bubuksan ang gate na ito!

Nang kumulimlim at nawala nga yung araw. Hala. Pagkatapos ng mainit na tanghali… ngayon naman… wag niyong sasabihin na uulan!

Patuloy ako sa kakadoorbell. Nahimatay na ata sa rindi ng sound yung mga taong ayaw ako pagbigyang pumasok! Wala naman akong nanakawin. Sa totoo nga ibabalik ko pa ang kayamanan nila.

Chapitre suivant