webnovel

Nightmare

Laine's Point of View

BIGLA akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko sa labas.Dumating na siguro ang mga bisita nila mommy from Manila or maybe sila kuya Frank at kuya Fred na yon.Fiesta kasi  kaya sila uuwi dito ngayon.

Bumangon na ako and do my morning rituals.Excited na akong makita ang mga kuya ko at mga pamangkin.

Nang matapos akong magbihis ay lumabas na ako ng room ko.At laking tuwa ko ng sila nga ang mabungaran ko sa living room.

" Ayyyy...mga kuyas good to see you here." tumitili ako habang papalapit na sa kanila para yumakap.

" Hey,hey, baby wait baka tayo matumba." natatawang saway ni kuya Fred dahil bigla ko syang dinamba.

" Hahaha.I just missed you kuya hindi kita nakita nung umuwi ako ng Dasma." sabi ko kay kuya Fred.

" I'm on a business trip, hindi ko naman alam na uuwi ka dun kasama si Nhel.Anyway, congrats pala sis, model ka na pala ng Montreal at kagabi ay ikaw ang nanalo bilang Mutya ng Bayan.Ang galing talaga ng baby namin ah.We're so proud of you." sabi uli ni kuya sabay yakap sa akin.

" Thanks kuya.Nasaan pala ang mga bata? tanong ko na ang tinutukoy ay ang mga pamangkin ko.

" Nasa dining na silang lahat.Halika na at mag breakfast na tayo." sagot naman ni kuya Frank at sabay-sabay na kaming tumungo sa dining.

Masaya ang breakfast naming mag-anak.Medyo magulo nga lang dahil marami kami at makukulit ang mga bata but it's okey dahil ngayon lang ulit kami nagkasama-sama.

Nung bago mag-lunch dumating na ang mga bisita nila mommy.Tumulong muna ako sa pag -eestima habang hinihintay kong sunduin ako ni Nhel.

Sumapit ang lunchtime pero wala pa ring Nhel na sumusundo kaya napilitan na akong kumain ng yayain na nila ako.Ano kayang nangyari sa gwapong yon bakit hindi pa sya dumarating? Baka marami lang silang bisita kaya hindi makaalis, naisip ko.

Nang hapon na ay umalis na ang mga bisita nila mommy pero may dumating naman na mga kamag-anak..Nalibang na ako kaya hindi ko na namamalayan na maggagabi na pala at wala pa ring Nhel na dumating.

Nang makaalis na ang mga kamag-anak namin ay nagpaalam na rin ang mga kuya ko na luluwas na dahil may mga trabaho pa sila kinabukasan.

Pagkaalis nila ay nagpaalam ako kila dad na pupunta kila Nhel para alamin kung bakit hindi sya nakarating para sunduin ako.

Pumayag naman si dad at binilinan lang ako na huwag masyadong magpagabi..Kaya sakay ng bike ay tumungo na ako sa bahay nila Nhel.

Pagdating ko sa kanila ay nakita ko agad ang maraming bisita.Nasa may gate si tito Phil dahil may hinatid na mga bisita, nagmano ako at sinabihan nya ako na tumuloy na sa loob.

Pagdating ko sa may terrace nila ay nandoon sina Pete at Wil pati na ang ibang mga kabarkada nila na nag-iinuman.Binati naman nila agad ako.

" Nandyan ba si Nhel?" tanong ko sa kanila.

" Pumasok na kani-kanina lang, medyo tinamaan na kasi." sagot ni Wil sa akin.

" Ah, ganon ba? Kaya pala hindi nya ako nasundo kanina."  sabi ko.

" Oo nga, pasensya kana Laine maaga kasing nagkayayaan kanina kaya hindi makaalis si Nhel.May mga high school classmates din kasi na dumating." hinging paumanhin pa ni Wil.

" Ok lang, sige puntahan ko na lang sya dito sa loob." paalam ko sa kanila.

Pagpasok ko ay agad naman akong nakita ni ate Merly.

" Uy, Laine bakit ngayon ka lang?.Halika muna dito at sabayan mo kaming kumain.Nasa room na nya si Nhel baka tulog na yun medyo nalasing yata." tuloy-tuloy na sabi ni ate Merly habang hila-hila ako papunta sa dining nila.

Wala na akong nagawa kaya sumunod na lang ako.Nadatnan namin si tita Bining na kumakain at nagmano ako.Napansin ko ang mag-asawa na bisita ni ate Merly na kumakain sa may dulo ng mesa.Pinapakain ni ate Carmi yung anak nila at napansin ko na wala yung Peachy.Siguro nasa room na, naisip ko.

Nagkwe-kwentuhan kami habang kumakain.Nag-eenjoy daw ng husto ang mag-asawa sa bakasyon nila dito kaya nag-extend pa uli sila ng dalawang araw pa.Natuwa naman si tita Bining dahil makakasama pa nila sila ate Merly ng dalawang araw.

Naisip ko na hindi magandang idea para kay Nhel dahil iniiwasan nga nya si Peachy.

Nang matapos kumain ay nagpaalam na ako kay tita Bining para puntahan na si Nhel.

" Mabuti pa nga anak at tignan mo muna baka natulog yun ng hindi man lang nakapagpalit ng damit."sabi sa akin ni tita.

" Sigurado po yun tita,alam nyo naman po na madaling malasing si Nhel at hindi na kinakaya na magpalit man lang ng damit." ayon ko.

" Naks naman, kabisado mo na talaga si bunso ah." asar ni ate Merly.

Matamis lang ako na ngumiti at nagpaalam ng pumunta sa room ni Nhel.

Pagdating ko sa room nya ay hindi na ako kumatok.Pinihit ko lang ang doorknob na hindi naman naka-lock.

Pagkabukas ng pinto ay napatakip lang ako sa bibig ko sa pagkabigla sa nadatnan kong tagpo.Parang sinaksak ng paulit-ulit ang dibdib ko.Hindi ako makakilos ni makasigaw man lang habang nakatingin lang ako sa dalawang tao na naghahalikan.Gusto kong ipikit ang mga mata ko para hindi ko makita ang masakit na tagpo pero maging ang mga mata ko ay ayaw ding sumunod.

Alam kong lasing si Nhel pero bakit sa ayos nila ni Peachy ay parang may ulirat naman sya.Hindi ako sigurado dahil nakatalikod si Nhel.Pero kahit na, masakit pa rin makita na may ibang humahalik sa mahal mo.At ang masaklap pa ay nakakandong sya kay Nhel at halos half naked na sya.Ano ang balak nyang gawin? Kung hindi ako siguro dumating ay baka kung saan na sila nakarating.To think na hindi nya ini-lock ang pinto, sakaling may pumasok ay maabutan sila sa ganoong tagpo.

Ano yun balak nyang pikutin ang bebeh ko?

Hindi ako papayag kaya kailangang mapigilan ko siya kahit nasasaktan na ako.

Kaya marahas kong ibinagsak ang pinto pasara.Nagulat si Peachy kaya napalingon sya.Nanlaki ang mga mata nya ng makita nya ako at dali-daling syang umalis sa pagkakakandong kay Nhel at  ibinutones ang blouse nyang nakabukas na.

Si Nhel naman ay hindi halos maidilat ang mga mata sa kalasingan.At maya-maya lang ay pabagsak ng nahiga sa kama.

Diretso pa ring nakatayo si Peachy sa may kama at nakatingin lang sa akin.

Pero mapapansin ang ngiti nyang tila nagtagumpay.The nerve of this woman! If she thinks that I'm a loser in this battle, well, I won't give her the satisfaction of seeing me wounded.I have to be strong in front of her.

" If you think na katulad ito ng eksena sa movies na ang bidang babae ay umiiyak na magwo-walkout dahil nahuli nyang may ibang ka-makeout ang bidang lalake, pwes ako hindi ganon, dahil pag ginawa ko yon magkakaroon ka lang ng chance na magawa mo kung ano man ang binabalak mo.And I tell you this, you won't succeed because I'm here to protect what is mine." mahinahon kong sabi kahit galit na.

" Anong binabalak ang sinasabi mo dyan? Siya ang nagdala sa akin dito and he's the one who initiate the kiss."  palusot pa nya.

" Oh really? I knew him very well Peachy, hindi yan humahalik pag lasing or kahit nakainom lang dahil hindi nya gusto ang amoy ng alcohol sa breath nya.Unless ako ang magkukusa.And in your case, malamang ikaw ang nag-udyok at ikaw din mismo ang naglantad ng sarili mo dahil sinadya mo yon para pag may pumasok maabutan kayo sa ganong tagpo.Hindi mo ni-lock ang pinto di ba?Malas mo lang ako ang pumasok." matapang kong litanya,hindi ko hahayaang mapansin nya na nanghihina ako at nasasaktan.

" Matalino ka nga Laine,sige panalo ka na.But to tell you honestly, nag-enjoy ako kay Nhel, I like the taste of his mouth kahit amoy alak.And his touch,oh my, nag-iinit ako.Does he touch you the way he touched me ha Laine?Sana hindi kana pumasok para nag-enjoy kami ng husto.hahaha." nang-uuyam na sabi nya.

" Bastos! Get out!" nangigigil akong itinuro ang pinto.Nagmamadali naman syang tumungo sa pinto.

Nang makalabas sya ay saka ko lang pinawalan ang pinipigil kong luha.Buti na lang nakisama sila kanina at hindi ako naiyak sa harapan ng bruhang babaeng yon.

Tinignan ko ang tulog na tulog na si Nhel.

Lumapit ako at inayos sya sa kanyang pagkakahiga.Hinaplos ko ang mukha nya at ang labi nya na hinalikan ng babaeng yon.Umiiyak ako habang hinahaplos ko ang labi nya na ako lang dapat ang may karapatang humalik.

Hindi ako selosa at hindi ako maramot sa kahit anong bagay na meron ako pero pagdating kay Nhel,ibang usapan na yon,kailangang maging maramot ako.

Ngayon lang nangyari ito sa halos  apat na taon na relasyon namin. At habang nakikita ko sya ay paulit-ulit na nagpa-flashback yung eksena nila ni Peachy kanina.Concious man sya o hindi sa nangyayari kanina still, nasasaktan ako.Grabe, ang sakit..to the highest level na.At hindi ko alam kung matatanggap ba yun ng sistema ko.

Umiyak lang ako ng umiyak at hindi ko alam kung kailan mawawala ang sakit na nararamdaman ko.At hindi ko alam kung kaya ko bang kalimutan na lang yon.

I want to wake up in this nightmare.

Please wake me up!

Paano ba haharapin ng ating bida ang unang sakit na dulot ng pag-ibig.

Keep on reading guys.

Thanks sa mga patuloy na nagbabasa.

God bless...?

AIGENMARIEcreators' thoughts
Chapitre suivant